KABANATA 12
••••••
Koshiro POV
I've heard all their conversation. Is it true? If it's just a dream, don't wake me up--- Ganyan ba dapat maging reaksyon ko, matagal ko rin namang alam na babae siya.
"K-koshiro"
"Pinapatawag ka ng adviser natin"
"M-may narinig ka ba?"
"May kailangan ba akong marinig?"
"Wala naman" she said while smiling nonchantly and sighed. Inismiran ko nalang siya at kinuha ang bola malapit sa kaniya at umalis.
"Captain, ito pala ang list ng mga nakapasa sa try out."
Jencen Sago
Vinj Stewart
Dandy Evans
"Tatlo lang ang nakapasa, tatlo lang din naman ang kulang sa grupo natin"
"I know them. Pero bakit nakasali si Dandy? Wala bang mas magaling sa kanya?"
"Among these three, siya ang pinakamagaling"
"Tsk, sinisira mo mood ko" singhal ko sa kanya at hinagis sa kanya ang hawak kong papel at umalis.
__
"Anong mayroon dyan sa mukha mo?" tanong ni Marshall habang nililinisan ang cue stick niya. Dito ko naisipang magpunta sa billiard hall.
"A handsome face, dude " walang emosyong sagot ko sa kanya at isinandal ang ulo ko sa couch.
"You look happy, may nangyari ba?" I called him, dude. He knows me well.
"None, I'm just... having a good day"
Ouen is a girl.
Mukha siyang lalaki sa paningin.
Tsk, bansot.
Lalaking lalaki siya kumilos.
Is she a lesbian?
"Ganyang mukha lagi kong nakikita sayo kapag babae iniisip mo? Who's that girl?" pinanindigan niya talaga pagtatagalog niya.
"None"
__
Pagkatapos ng araw na yun ay hindi ko na siya nakita, tight ang schedule namin, pati na rin siguro sa iba. Hindi ko naman siya gustong makita kaya pabor na rin sakin yun.
Balak ko sanang pumunta sa gymnasium kung saan sila nagpapractice ni Leiyh. May dala akong snacks para may makain si Leiyh.
Mag iisang linggo na siguro nang hindi kami nagkausap. Nakikita ko naman siya paminsan minsan pero parehas kaming busy. Hindi na rin sila pumupuntang dorm. Si Marshall minsanan lang matulog do'n dahil may sarili siyang dorm.
"Pass me the ball" utos ko kay Vinj, hinagis niya sa akin ang bola. Tumakbo ako papuntang ring at tumalon para i shoot ito.
Shoot.
Lunch time ngayon kaya kaming dalawa lang ni Vinj ang nasa court.
"Captain, your cellphone is ringing" lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko. Bakit niya hawak 'to?
"Hello?"
"Kuya, pumunta ka ng cafeteria. Dito tayo maglalunch" sabi ni Jaleb
"Don't min---" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang ingay sa kabilang linya.
"Shut up, Ryan! I swear, I never did that! It was Marshall!"
"What?! It's not me!"
Nandoon si Ouen, I mean nandoon silang lahat kaya dapat nandoon din ako.
Palalagpasin ko muna ang ginawa mo Ouen.
"I'm coming"
"But, you sa---" pinatay ko na ang cellphone ko at tumakbo papuntang cafeteria.
"Did I miss something?" tanong ko at pinaalis si Jaleb sa tabi ni Ouen para ako ang umupo. Napatigil si Ouen sa pakikipagkulitan at napatahimik ng tumabi ako sa kanya.
Nakapalumbaba lang ako at nakatingin sa kanya habang nakangisi.
"Guys, restroom lang ako. Naiihi na talaga ako" paalam ni Ryan at tumakbo ng mabilis paalis ng cafeteria.
"Alam niyo bang alam na nila kung sino ang babae dito sa Leiven" sabi ni Leiyh. Hindi ko inalis ang tingin kay Ouen na ang sama ng tingin sa akin ngayon. Nagkibit balikat ako at inayos na ang pagkakaupo ko.
"Saan mo naman napulot yan?" tanong ko sa kanya at kumuha ng pagkain sa plato ni Jaleb.
"Kumakalat na rin ang balitang yun sa buong university."
"Then, who is she?" nakita kong nanginig ang kamay ni Ouen habang hawak ang kutsara. Tumingin naman ako kay Leiyh na tinuro ang daliri niya sa gitna ng pagitan naming dalawa ni Ouen. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaking patpatin na binubully ng mga estudyante.
"Who's that?" tanong ni Jaleb at tinignan nang maigi kung sino ang binubully ngayon.
"Wait, is that Patricia?" sabay sabay kaming napalingon kay Jaleb dahil sa nabanggit niya.
Nakatingin lang kami kay Jaleb na naging seryoso ang mukha at tumakbo para suntukin ang nangbubully sa babaeng yun.
"Don't you dare lay your dirty fingers on her" banta ni Jaleb habang nakaharang sa babaeng nasa likod niya.
"Mga ganitong scene ang gusto kong makita" komento ni Marshall at umakbay sa akin habang nakangisi. Tumingin ako kay Ouen na nanginginig ang kamay hanggang ngayon, patago kong sinagi ang tuhod niya.
"So, you knew?" tanong ng lalaki kay Jaleb.
"Why do you care?" tanong ni Jaleb habang nanlilisik ang mata. Malapit lang siya sa pwesto namin. kaya kitang kita ko kung anong ekspresyon ng mukha ang ibinabato nila sa isa't isa.
"Umalis ka dito sa harapan ko kung ayaw mong ikaw ang masapak ko" pagbanta ng lalaki kay Jaleb habang hawak ang collar niya.
"Kung wala ako sa harapan niya, siya ang sasapakin mo?"
"So?" sabi ng lalaki at binitawan ng pabato si Jaleb. Nabitawan ko ang kamay ni Ouen at napailag ng sa upuan namin babagsak si Jaleb.
"Jaleb!" sigaw ni Ouen at nilapitan si Jaleb.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya kay Jaleb.
"D-do I look like I'm okay, kuya?" nahihirapang pagkakasabi ni Jaleb at sinubukang tumayo. Hinila ko si Ouen palayo kay Jaleb, ramdam kong nagpupumiglas siya.
"Si Jaleb, b-baka mamatay siya!" nauutal niyang pagkakasabi dahil sa pag aalala.
"Kaya na ni Jaleb yun"
"W-what? Are you insane?! He's just 15 years old!" nagulat kaming dalawa ng may kumalampag na malakas.
Tumakbo kami agad at nakita ko si Jaleb na galit na galit habang walang damit pang itaas. Nakita ko ang babae na suot ang uniform ni Jaleb habang umiiyak. Tinignan ko ang lalaking kaaway ni Jaleb na namimilipit sa sakit at sumusuko ng dugo dahil sa upuan na inihagis sa kanya. Nadungisan pa ang upuan.
"Anong kaguluhan ito?!" napatingin kaming lahat sa entrance ng cafeteria nang marinig namin ang malalim at galit na boses ni lolo.
___
"Ano na kayang nangyari kay Jaleb?" nag aalalang tanong ni Ouen.
"He's okay" Leiyh said
"Bakit kailangang gano'n ang gawin nila sa babae?"
"I-i don't know" napaiwas ako ng tingin nang tumingin sa akin si Leiyh.
"2 years ago, nangyari na ulit ang lahat ng 'to. May babaeng pumasok dito at nagkunwaring lalaki. Nang malaman namin na babae siya ay binully siya ng lahat ng estudyante ng Leiven" paliwanag ni Leiyh at nagpaalam na pupuntahan niya raw sila Marshall sa clinic.
"Hmm, alis na rin ako"
"Magiging sagabal ka lang do'n" inis niya naman akong tinignan at umupo sa harap ko habang nakataas ang paa.
Wala man lang ka class class. Feeling ko mas babae pa ako kumilos sa kaniya. Lalaking lalaki ang datingan ni Ouen kaya siguro hindi siya pinaghihinalaan. She has long eyelashes, paired with her round almond eyes, matapang ang mga mata niya, matangos ang ilong ngunit maliit sumakto sa maliit niyang mukha at ang manipis niyang labi, sobrang kapal din ng kilay niya at sabog sabog.
Hindi ba siya marunong mag ayos
"Kanina ka pa tingin nang tingin. Mamaya ginagahasa mo na ako sa isip mo ah" tumingin lang ako sa kaniya at tinitimbang ang magiging reaksyon at sasabihin ko sa kahanginan niya.
"Joke lang, masyado ka namang seryoso. Lagi kang nagdadalawang isip sa sasabihin mo pero yung masama pa rin naman lumalabas sa bibig mo" paano niya nalaman, mabilis lang ba akong basahin. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at sinandal ang katawan ko sa sofa.
"Pake mo"
"Pake mo, nyen--joke lang"
"Wala akong oras sa joke"
"Oo na tingting" nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya at inis na umupo ng maayos.
"Ikaw naman bansot"
"Okay lang atleast hindi mukhang tingting na parang tatangayin na ng hangin" I simply check myself without her knowing, hindi naman ako gano'n kapayatot ah.
"Atleast pwede pa akong tumaba, eh ikaw, wala ng pag asa yang height mo" namayani ang katahimikan pagkatapos kong magsalita.
Siguro nainis. Pikunin.
"Koshiro, paano kung isa sa kaibigan mo na inaakala mong lalaki ay babae pala? Anong mararamdaman mo?"
"Magagalit at patatalsikin ko sa eskwelahan ko. Wala siyang karapatang lokohin ako, though we're friends" agaran ngunit madiin kong sagot. Napaiwas siya ng tingin at napalunok.
"Why did you ask? May kilala ka ba?" gulat siyang napatingin at iniling iling ang ulo.
"Wala, wala talaga promise"
Ryan POV
"Ang gwapo mo talaga" pagpuri ko sa sarili ko habang tumitingin sa salamin ng rest room. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako sa rest room at bumalik sa cafeteria.
"Bakit walang tao dito? Parang kanina lang punong puno ang cafeteria?"
"May natira pa palang estudyante dito" napalingon ako sa janitor sa likod ko na naglilinis.
"Hindi pa naman tapos ang lunch diba?"
"Oo, nagkagulo kasi dito kanina. Nalaman na kasi ng mga estudyante kung sino ang babaeng nagkukunwaring lalaki"
"T-they know? Nasaan yung babae?"
"Ang pagkakaalam ko nasa clinic" tumakbo ako ng mabilis papuntamg kabilang building.
Kinakabahan ako ng sobra.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hinawi ko ang unang pinto sa clinic at nakita doon si Leiyh, Marshall at si Patricia.
"P-patricia, okay ka lang?" dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Anong ginawa nila sa iyo?" umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang mukha niya. Nasaktan ako ng tanggalin niya ang kamay ko sa mukha niya at nagtanong.
"Nasaan si Jaleb?"
"Nasa principal office si Jaleb" tumingin ng seryoso sa akin si Leiyh.
"Hindi ko alam na, alam mo rin na babae si Patrick" tanong ni Marshall habang nakangisi.
"Iba talaga nagagawa ng love diba?" pagbunggo niya sa balikat ni Leiyh.
"Pero base sa nasaksihan ko kanina. Walang love na namamagitan sa inyong dalawa. One sided love?" sabi ni Leiyh na nakahawak pa sa baba na parang nag iisip.
"That hurts, dude. Alis muna kami ah" Paalam ni Marshall at tinapik ang balikat ko.
"Bakit nila nalaman na babae ka?"
"M-may naglilibot na estudyante para malaman kung sino yung babae. Nahuli ako." napabuntong hininga ako at napakuyom ang kamay. Tumayo ako para umalis ng masugod ko ang lalaking nanakit sa babaeng gusto ko.
"Ryan... 'wag ka na sana makisali sa gulong ipinasok ko. Wala ka ng kinalaman doon"
"Patricia naman! May kinalaman ako do'n dahil gusto kita! Sisiguraduhin kong hindi na makakatayo sa sariling paa ang gagong yun!"
"Tama na, Ryan! Hindi kita gusto kaya sana 'wag ka ng makisali sa gulo ko!"
"Patricia, hanggang kailan mo ba maiisip na nanliligaw ako para magustuhan mo rin ako?"
"Hanggang kailan mo rin ba maiisip na hinding hindi kita magugustuhan?" tinitigan ko siya at umupo nalang sa upuang nasa harap niya.
Nasaktan ako sa sinabi niya, kahit na hindi ko pa siya gano'n kagusto.
It really hurts, ang magmahal ng ganito.
Lagi nalang talaga akong sawi sa pag ibig. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Pogi naman ako ah, ang sabi ni mama pang hollywood daw ang itsura ko, pero bakit napakamalas ko sa babae.
Kung sino pa ang babae siya pa ang malakas manghigit ng babae.
"Si Jaleb maeexpel!"
KABANATA 13••••••"Si Jaleb maeexpel!" sumunod ako kay Patricia na agarang tumakbo palabas sa clinic para puntahan si Jaleb Nakita namin si Jaleb na nakayuko habang nasa harap niya ang magulang niya."Sir, kasalanan ko kung bakit nakipag away si Jaleb. Huwag niyo siyang ieexpel. Aalis at magpapakalayo ako. Hinding hindi ako magpapakita sa inyo, in exchange, please don't expel him" lalapitan ko sana si Patricia na nakaluhod ngunit pinigilan ako ni Ouen."Just give me an expulsion!" Jaleb said pleadingly and stand up."If you say so" sabi ng principal habang nakatingin kay Patricia. Hinawakan si Jaleb ng magulang niya para pigilan siyang lumapit kay Patricia."Pack your things, leave this university immediately""Sure, sir!" tumayo na siya at dumaan sa tabi ko. Hinawakan ko
KABANATA 14••••••Ouen POV"Is he practicing his lines in talent portion?" bulong sa akin ni Jaleb. Bumulong pa rinig naman naming lahat ang sinabi niya."I don't know.""It's a prank?" hintay na tanong ni Marshall kay Leiyh."No, no, no. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng bomba sa loob ng Leiven.""Kanonood mo 'yan ng action movies. Kumain ka na nga. Ako na nagluto kanina""Kagabi, may pumasok na hindi kilalang tao sa Leiven. Muntikan na silang mahuli ng guard kaso nakatakas.""Ahh! Baka sila yung nakita ko kagabi. Tinanong nila ako kung anong daan papunta sa kung saan saan at itinanong din kung ilan ang buil---" napatigil siya sa pagsasalita ng may naalala siya. Pati kami ay napaisip sa sinabi niya. Kung tinanong kung saan at ilan ang
Marshall POV"Ouen!" pagkarating na pagkarating ko sa gymnasium ay kiniwelyuhan ko kaagad siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makagalaw."T-teka, ano bang ginagawa mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Para akong nakuryente sa paghawak niya kaya agad ko yung nabitawan at tulalang napatingin sa kaniya.What the..What was that"Ano bang problema mo?" natameme ako at hindi ko magawang makapagsalita. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para magsalita pero di ko alam kung bakit ganito 'to kahirap ngayon.What's happening!"Para kang tanga" malumanay na ani niya at hinawakan ulit ang kamay ko at sinuri ito."Bakit puro dugo 'to" kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga natuyo
KABANATA 16••••••Ouen POV"Ouen!" niliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang tumawag sa akin sa entrance.Nakita ko ang dalawang mokong na kumakaway na parang bata at nangunguna si Jaleb na ang laki ng ngiti."Oh? Bakit kayo nandito?""Bibili kami ng panghanda sa celebration, diba nga magaling na kapatid ni Leiyh" sagot ni Ryan"Ahh, sama muna kayo sa amin. Sasama ako sa inyo mamaya sa pagbili, ililibre tayo ni Koshiro""Wait what, you're the only one I'll tr----" pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Koshiro at sumingit."Payag siya, tara na! Saan ba Jollibee dito?" nauna na kaming maglakad nila Ryan at Jaleb. Naiwang mag isa doon si Koshiro, hindi ko alam kung sumunod siya, pero alam kong susunod siya dahil siya ang manlilibre
KABANATA 17••••••Ouen POVMaaga akong nagising para mag ayos ng dadalhin ko papunta sa school na pupuntahan namin. Napadapo ang tingin ko kay Ryan na hanggang ngayon ay tulog na, palibhasa naayos niya na ang gamit niya bago siya matulog. Gisingin ko nalang daw siya kapag aalis na.Ilang buwan na rin kaming nandito sa Leiven University. Oo, ilang buwan na rin! Ang bilis ng panahon, dito ko nalaman kung ano ang kasarian ko. Basta ang tanga tanga ko, sariling kasarian hindi alam, napakabobo. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sarili ko. Lalo na ngayon na, nagsisimula akong ma attract sa mga lalaki. Huhu help, what is happening to me!Idagdag mo pa na napapalibutan ako ng mga lalaki dahil all boys school 'tong napasukan ko. Bakit ba naman kasi kung kailan pumayag si lolo ay dito pa sa puro lalaki ang mga tao sa eskwelahan. Kinakabahan tu
KABANATA 18 •••••• Ouen POV "Ang sos---yal n--aman ng mga pa-gkain dit-o" nahihirapang pagsasalita ko habang isinusuksok pa sa bunganga ko ang mga kaya ko pang ipasok na pagkain. "Huwag ka magsalita kapag may laman bibig mo" napapeace sign nalang ako kay Koshiro dahil hindi ko na talaga kaya magsalita. Nginuya ko muna ang ang lahat ng pagkain na nasa bunganga ko at nagsalita. "Grabe naman kasi, ang aga aga nating umalis kanina kaya wala pa akong kain ng ilang oras 'no. Kawawa mga alaga ko sa tyan" pag explain ko. "Oo nga, ang pangit pa nang nagsasalita. I'm on a diet pero tangina gutom na talaga ako" aniya ni Marshall "Don't cuss kapag kaharap mo ang pagkain" "Okay, fafa Koshiro" he said and winked at him. Natawa kaming dalawa ni Marshall nang makita ang diring diring mukha ni Koshiro
Ouen Preston Callanta - Owen Preston Kalyanta Koshiro Kazan Takeuchi - Koshiro Kazan Ta-ke-u-chi Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Adryan/Ryan Xaivery - Eydriyan-Rayan Seyveri Marshall Sullivan - Marshol Sullivan Leiyh Hoo - Ley Hu Jaleb Park - Dyaleb Park Akhira Sara Takeuchi - Akira Sara Ta-ke-u-chi Kiyoshi Takeuchi - Kiyoshi Ta-ke-u-chi Solomon Takeuchi - Solomon Ta-ke-u-chi Victor Callanta - Viktor Kalyanta Ericka Xaivery - Erika Seyveri Patricia Mitsu - Patricia Mitsu Kyros Park - Kyros Park Dandy Kalix Shawn Henry Jeshua Jencen Lucas Dadagdagan ko pa 'to, pero sa ngayon ito na muna. Sana may nagbabasa, hehe. Still hoping. Sapat na sa akin na ako palang ang reader nito, pero kung magkakaroon man thank you so much po.
KABANATA 19••••••Marshall POVI was eating alone while walking when I saw Koshiro and Ouen. Hindi sila magkalayo, hindi rin sila gano'n kalapit, alam mo 'yung sakto lang.Makakasalubong ko sila kaya agad akong nakihalubilo sa mga estudyante. I don't know, but something deep inside me urging na sundan ko sila.I'd never experience being a stalker, but yeah so we'll fck this mess.Pasimple akong sumusunod sa kanila. Gusto ko mang lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ay hindi ko magawa, baka mahuli pa ako.Nanlaki ang mata ko nang makitang nagtatawanan silang dalawa. Knowing Koshiro, bihira lang siya magpakita ng mga ganyang reaksyon.Susundan ko pa sana sila ng tumigil silang dalawa at hinubad ni Koshiro ang jacket niya at ipinatong sa balikat ni Ouen.