Share

Chapter 4

KABANATA 4

••••••

"Sikapin mong hindi malalaman ni Lolo ang nangyari" utos n'ya kay Ms. Principal at umalis na.

"Bumalik na kayo sa mga dorm niyo, bukas niyo malalaman ang punishment" sabi ni Ms. Principal kaya lumingon na ako kay Ryan na diretso lang ang tingin sa principal. May kakaiba talaga dito kay Ryan e'.

"Ano pa ang hinihintay niyo?! Go back to your dorm N.O.W!" Sigaw ni Ms. Principal, napatalon pa kami bago tumakbo papalabas ng office dahil sa gulat.

____

"Ryan.." tawag ko sa pangalan ni Ryan nang makalabas kami sa silid at kasalukuyang naglalakad papunta sa dorm.

"Hmm?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Ryan. Napatigil rin siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Nagugutom na ako" ngumuso ako sa kaniya at hinimas ang tiyan ko.

"Ayan kasi, kung hindi ka lang napaaway doon sa cafeteria edi sana nakakain na tayo ng masarap" pagsermon niya at agad akong piningot.

"Aray, ano ba! Bitawwww!" Sigaw ko sa kaniya at sinusubukan siyang suntukin pero hindi ko man lang magawang lapitan siya dahil nakaharang ang kamay niya.

"Subukan mo lang ulit na mapaaway, isusumbong na k--" agad ko siyang pinatigil sa pagsasalita at hinila para magtago. Sinilip ko ang lalaking nakita ko kanina at mag isa lang siyang naglalakad habang kumakain. Lumabas ako sa pinagtataguan namin at agad siyang inakbayan.

"Diretso lang ang tingin, bata" bulong ko sa kaniya habang tumitingin sa daan.

"Hoy, ano ba 'yang ginagawa mo, Ouen. Nakakahiya ka talaga" napasapo nalang sa noo si Ryan habang problemadong- problemadong nakatingin sa amin.

"T-teka, bubullyhin mo ba ako, sorry na sa nangyari kanina" 

'Nako, itong batang 'to sarap talagang upak-- bakit ngayon pa tumunog ng malakas ang tiyan ko'

"Puro kahihiyan talaga nangyayari sa iyo, HAHAHA"

"Ayos ka rin pala bata ah, nagsasabi ka ng totoo HAHAHA" pagskaay pa ni Ryan.

'Nakakahiya, lamunin mo na ako lupa'

"Gutom na ba kayo? tara sa dorm namin. Ipagluluto ko kayo" agad nagningning ang napakagwapo kong mata at tumango.

"Asan ba dorm niyo? Tara na" nakangiti kong pagkakasabi at nauna nang maglakad.

"Patay gutom ba 'yan?"

"Oo, sobra" 

"May sinasabi ba kayo?" Tanong ko sa kanila at sinamaan ng tingin.

"Wala po hehe, dito po pala ang daan hindi dyan" sabi niya kaya kunwaring umubo nalang ako at nag stretching.

"Alam ko, mag stretching muna ako, mukhang mapapasabak kasi ako sa kainan eh" sabi ko, tumigil na ako sa pag stretching at nauna naglakad.

"Ibang klase"

____

"Umusod ka nga ro'n, payatot" utos ko sa kan'ya pero 'di man lang ako pinansin, para kang bingi ah. Tinulak ko siya at nakaupo na ng maayos.

"Hoy, ikaw na pandak ka. Ambagal mo namang magluto dyan!" Sigaw ko dahil kanina pa ako naghihintay dito sa sofa.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, umalis ka nga dyan sa sofa dito ka sa sahig" aniya ni Koshiro at tinadyakan ako kaya lumipad ako paalis sa sofa.

"Bwisit kang bayot ka! Gusto mo ba talaga makatikim sa akin!" Napabuga nalang ako ng hangin ng itulak nya ulit ako.

"Ano bang problema mo?!" Naiinis na sigaw ko sa kaniya at kinuwelyuhan.

"Nakaharang ka sa tv, alis." Utos niya, napapikit nalang ako sa inis at nagbalak ng tumayo.

"Kainis" tatayo na sana ako ng bigla nya akong hinila papalapit sa kanya. Ang pangit ng lalaking 'to, ako talaga ang pinakagwapong nilalang sa mundong ito. Makapal lang naman ang kilay nya, may pagkasingkit ang mata parang sa japanese, may matangos na ilong at t-teka? Agad nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang posisyon namin ngayon.

"Hoy, ikaw! May gusto ka ba sakin?!" Sigaw ko habang nanlalaki ang mata, tumayo na ako at agad tinakpan ang katawan ko.

"Nagpapatawa ka ba? Ang kapal talaga ng mukha mong isipin 'yan"

"Wiw, ako pa talaga sasabihan mo nyan ah" kinuha ko ang unan sa paa ko at binato sa kanya.

"Ano ba 'yan, ba't puro sigawan nalang naririnig ko dito" inayos ko muna ang buhok ko at lumingon sa nagsalita. Nagulat ako ng bigla nyang nabuga ang iniinom niyang kape kaya lumapit ako sa kanya para matulungan.

"Okay ka lang ba, kuya?" Hindi siya sumagot sa akin at nanatiling nakatingin sa akin. 

"Woi!" Sigaw ko sa mukha niya, iniluwa niya ang lahat ng nainom niya at sinahod sa baso na hawak niya.

'Ang balahura naman ng lalaking 'to'

"Dinner is ready!" Nang marinig ko 'yon ay natulak ko ang lalaking kaharap ko at pumunta sa kusina ng kwarto nila.

"Woah, dami nyan ah!" Sigaw ko at umupo sa upuan. Tumulong na rin ako sa paghahanda at umupo na pagkatapos.

"Alam mo, dalaw ka sa dorm namin ah" sabi ko habang kumakain. 

"Talaga?!"

"Oo, wag ka masyadong matuwa. Magluluto ka lang don tapos pwede ka nang umalis." Nagsandok ako at hinigop ang sabaw ng hipon. Nabilaukan ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"T-tubig" paghingi ko kaya kinuhaan ako ni Ryan at hinampas ang likod ko.

"Ano ba! Ang sakit no'n ah! Upakan kita dyan eh"

"Hinay-hinay lang kasi, para kang patay gutom sa ginagawa mo" 

"Masarap na naman ang hapunan natin, hmm delicious as always" nakangiting pagkakasabi ni Marshall at tumabi sakin.

"Pwede bang 'wag ka tumabi sa akin" sabi ko at medyo nilayo ang upuan sa kaniya.

"Wait, HAHAHA. Do you really think that I'm gay and I will do something to your body?" nakangisi niyang pagkakasabi habang nakaakbay sa upuan ko.

"Bakit hindi ba?"

"Pareng Koshiro just ordered me to act bakla baklaan, I'm a straight man, bro HAHHAA"

"Ouen, ilang taon ka na?" Tanong sa akin ng pandak na nagluto ng lahat ng kinakain ko. Napatingin naman silang lahat sa akin maliban kay Ryan na payapang kumakain.

"17 palang, ikaw ano bang pangalan mo bata" tanong ko sa kaniya at dumighay ng malakas.

"Aishh, bwisit kadiri ka talaga!" Sigaw ni Koshiro sakin at binato ako ng kutsara na sumakto sa noo ko.

"Arayyy, gusto mo ba talagang makatikim sa akin ah?!" Sigaw ko sa kaniya habang nakahawak sa noo ko.

"Hey, stop. I don't wanna visit the office again. " awat samin ni Marshall.

"Oo nga, nakakatakot kaya si Ms. Principal" ambang babatuhin ko si bata ng kutsara ng bigla s'yang nagsalita.

"Wait lang, hindi ko naman talagang gustong ilaglag kayo, natatakot lang ako na isumbong kay Papa"

"Ang astig, iba't ibang lengguwahe ang sinabi nila diba?" Namamanghang pagkakasabi n'ya at pumalakpak pa at sumunod sa akin. Palabas na sana kami ng may nakita akong bagay na agad nagpakinang sa napakagwapo kong mata. Kinuha ko na ang bote na may lamang tubig at binuksan ng konti. 

Tinignan ko si Koshiro na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. Kapag ibinato ko 'to sasakto 'to sa ulo nya at pwedeng mabuksan ang takip at pwedeng siyang mabasa. Napakagandang idea mula sa napakagwapong nilalang.

Iyon na nga, pagkatapos kong gawin ang napakagwapo kong ideya ay dumating ang principal at siya ang natamaan. Malas, kita mong naglalaro kami e', nakikisali buti nga sa kanya.

"Ouen"

"Bakit?" Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin lang sya sa akin. Napakurap naman ako sa inasta nya at nagulat sa ginawa ko.

"Talo ka! HAHAHAHA" sigaw ni Ryan at agad akong binatukan ng malakas.

"Aray, tunog utak ko dun ah" 

"Pasalamat ka walang chicks dito, kun'di kanina pa kita tinapon" 

Napahinto sa pagkain ang lahat nang ibagsak ni Koshiro ang kutsara niya.

"Gan'yan ba kayo kagulo kapag kumakain" napatingin ako sa kaniya at agad napatawa nang makitang masama ang tingin niya sa akin at halos hindi na makita ang mata nya.

"Teka, HAHAHAHA"

"Alam mo, tapos na kaming kumain" singit ni Ryan at agad akong hinila patayo sa upuan ko.

"Weyt, hindi pa ako t---"

"Busog ka na diba? D.i.b.a?" Tanong sa akin ni Ryan at halatang diniinan ang pagkakasabi ng diba, pangit nito. Kainis, gutom pa nga ako e'.

"Oo, busog na ako. Gege sa mauulit" lumabas na ako sa silid nila at sinarado ang pinto.

"Sa'n tayo pupunta?" 

"Sa dorm natin tulog na tayo" 

"Naantok na rin ako, ang layo ng dorm natin nasa kabilang building pa. Anong gusto mo sa lapag ulit tayo matulog?"

"Kahit kailan tamad ka talaga. Anong gusto mong gawin ko? Buhatin ka? Tanga, bigat bigat mo" hindi ko na siya pinakinggan at pumasok ulit sa dorm nila Koshiro.

"Punta na ako sa kwarto ko ah" sabi ko sa kanila at pumasok sa kulay asul na kwarto. Ang laki naman ng kwartong 'to ang unfair, pero hindi na unfair ngayon, dahil dito na ako matutulog BWAHAHHA.

Ryan POV

"Punta na ako sa kwarto ko ah" sabi ni Ouen at pumasok sa kulay blue na kwarto. Agad naman akong nahiya sa ginawa n'ya at humingi ng pasensya sa kanila.

"Pasensya na kayo ah, makapal talaga ang mukha ng isang 'yan" sabi ko at nag bow. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi nila.

"May sepak talaga yang si Ouen right?" si Marshall. Ha? sepak? Baka sapak.

"Ganiyan talaga 'yan. Pero masarap naman 'yang kasama kasi lagi kami nababaranggay"

"Ay ogag, HAHAHA"

Nagkwentuhan lang kami buong magdamag at uminom na rin ng konti. May sari-sarili kaming kwento ng buhay kaya naging maganda naman ang naging usapan namin.

Ouen POV

Teka, ba't ang bigat. Nadaganan ba ako ng airplane. Lumingon-lingon ako at nakita ko si Koshiro sa tabi ko na mahimbing na natutulog.

"Tsk, si Koshiro lang pala" bulong ko at tinandayan siya. Papikit na sana ako ng bigla niya akong niyakap at siniksik ang mukha sa leeg ko. Sa gulat ko ay nasipa ko siya.

"K-kuso, a-ansakit" sabi nya habang nakawahak sa ibabang parte ng katawan niya.

[Kuso- fuck]

"Hoy, ikaw! May gusto ka ba sakin?!" sigaw ko sa kaniya.

"Ang k-kapal ng mukha mong sabihin 'yan"

"Alam mo bang ginagahasa mo na ako!"

"What? Hahaha, sa'ting dalawa ikaw siguro ang gagahasa sa akin."

"Alam mo pre, sabihin mo nalang kung bakla ka hindi yung chinachansingan mo pa ako" sabi ko habang ngumingisi.

"Umalis ka sa kwarto ko." Tinaas ko ang dalawa kong kamay.

"Okay, okay. Pangit naman ng kwarto mo" lumabas na ako sa kwarto at nahiga sa sofa.

"Bangon na, Ouen" tapik sakin ni Ryan.

"Ba't ang baho mo" nilapit ko ang ilong ko sa bibig nya at naamoy ang alak.

"Napakadaya mo" 

"Nye, kasalanan mo 'yan kung ba't di ka nakasali. Tumabi ka nga" oOoOoh init ng ulo ni pareng Ryan ah. Sumunod nalang ako sa sinabi niya baka masuntok pa ako ng wala sa oras.

"Tol, tulungan mo nga ako dito!" agad akong pumunta sa kaniya at kinuha ang pagkain, pagkatapos ay nilagay ko na sa hapag kainan.

"Salamat, Leiyh nga pala" ito yung lalaking niluwa ang kape kahapon.

"Ouen, nice meeting you tol"

"Iyong parang pandak, ay hindi pala parang. Pandak na nga talaga. Ang pangalan niyan ay Jaleb" turo nya sa bulilit na tumbling nang tumbling.

"Ayon naman si Marshall, kilala mo naman na ata 'yan at pati na rin si Koshiro. Lahat kami ay iba iba ang lahi. May amerikano, may japanese, may pilipino o kung ano ano pa maisip mong lahi"

"May askal ba?"

"Ogag, HAHAHA"

"Kakain na ba? Tawagin ko na sila ah" paalam ko kay leiyh at tinawag sila.

"Ryan, Jaleb, Marshall kain na!" nakita ko silang nagsitakbuhan at nag unahan umupo.

"Ba't di mo tinawag si Koshiro?" si Leiyh

"Deadbat, wow ang sosyal naman ng pagkain natin. Sa sobrang sosyal parang labi ko lang ang makakatikim" sabi ko pagkatapos kong alisin ang takip sa plato ko.

"Ano ba ito bato? ba't may tingting dito"

"Tanga, sandwich kasi 'yan" si Ryan.

"K, fine. Ansakit na ng tyan ko" sinimulan ko ng kagatin ang sandwich. Masarap naman kahit papaano.

"Pupunta pala tayo sa gymnasium mamaya. Buti yung principal ang mag papunishment sa atin." si Leiyh

"Sure ka, kuya? Yezz, 'yong daddy kasi ni Koshiro grabe magbigay ng parusa."

"Yes, I remember that day. We're in a soccer field and he shouted 'hubad' I feel like I was going to loss consciousness 'cos it's freakin' hot there HAHAHA" si Marshall. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status