Share

Chapter 8

KABANATA 8

••••••

Ouen POV

"Sorry sa mga nasabi ko kanina, pre" ani ni Leiyh at tinapik ang balikat ni Ryan. 

Napansin ko na kanina pa tahimik si Ryan at Koshiro. Ramdam ko rin ang nabubuong tensyon sa kanilang dalawa. Base sa narinig ko kanina, inahas daw ni Ryan ang girlfriend ni Koshiro. Ito si Koshiro nanununtok agad hindi man lang muna pinakinggan ang paliwanag ni Ryan at ito namang si Ryan bakit kasi kung ano ano pinag gagawa nito. 

Hindi ko pa alam ang tunay na nangyari, siguro kapag narinig ko mismo sa bibig nila ay malalaman ko ang totoo. 

"Wala ba talagang magsasalita?" napatingin ako kay Leiyh na burdong burdo na kahihintay kung sino ang unang magsasalita. 

"Nakipaghiwalay na siya, may mahal na raw siyang iba"

"Bakit ako agad sinugod mo?"

"Ikaw lang naman ang kilala kong lalaking hinalikan niya, ta's naiwan pa kayo ditong dalawa" 

"Wow, alam mo bang naglinis lang ako sa university noong wala kayo. Tsaka, nakita ko rin--- ano nga ulit pangalan ng babae mo?" 

"Raine." 

"Ahh, okay. Si Raine lumabas ng school pagkaalis niyo, kaya wala akong kinalaman do'n" 

"Bakit ako maniniwala sa'yo?" 

"Kasi tanga ka" 

"What the?!" 

"Bakit? Tama naman ako ah. Kilala mo ang babaeng 'yun, kaya bakit ganyan ka makaasta. Tsk, hindi man lang inaalam ang totoo bago manuntok" 

Pagkatapos sabihin ni Ryan iyon ay umalis siya. Napatahimik kaming lahat at napatingin kay Koshiro. 

"Bakit kayo tumitingin?" 

"Oo na, oo na! Kasalanan ko na, okay?!" ani niya at sinundan si Ryan. Napahinga naman kaming maluwag ng umalis sila. 

"Wews, medyo maangas si Ryan sa parte na 'yun" 

"Sang ayon ako sa' yo" 

"Tara, kain na tayo" 

"Sige/Okiee" 

_

"Where's Sullivan?" tanong ni Leiyh habang hinahanda ang mga pagkain. 

"Hindi ko rin alam, baka bumili na naman 'yun ng condom" sagot ni Jaleb habang walang tigil sa pagpapakyut sa salamin habang suot suot ang dinosaur na headband. 

"Matinik talaga sa babae ang Sullivan na' yun" ani ni Leiyh at napakamot pa sa ulo "Halika na, Jaleb. Kain na" dugtong niya. Umupo na ako ng maayos at tinapos ang pagkain ng tahimik. 

"Salamat, alis na ako." pagpapaalam ko at pumunta sa library upang kumuha ng librong babasahin na tungkol sa babae. 

Aish, kainis. Ang tanda tanda ko na ta's hindi ko man lang alam ang kasarian ko. Ang pagkakaalam ko kasi, ang mga babae ay may malaking hinaharap at ang mga lalaki ay wala. Bakit naman kasi wala akong malaking hinaharap? Akala ko pare-parehas lang ang pruvate part namin. 

"Ouen, para sa'yo oh" napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ng bigyan ako ng buko juice. Matangkad siya at may pagkamestizo kaso kakaiba ang ngiti niya, ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito. 

"Ayos, salamat ah" 

"S-sige, b-babye" pagpapaalam niya at tumakbo ng mabilis. Pumunta na ako sa cr at umupo sa inidoro. 

Hays, kailangan ko ba talagang tignan ang mga ito. Kahit na may parte akong mga ganito, feeling ko binabastos ko pa rin ang mga babae. Binuksan ko na ang libro at napatakip ang mata ng makita ang reproductive system ng babae. Ganito 'yung itsura ng akin, bwisit. 

Iinumin ko na sana ang binigay ng lalaki kanina ng matapon ito sa pants ko. Kamasalan! Lumayas ka sa akin! Binuksan ko ng konti ang zipper at pinunasan ang suot suot kong brief na biglang bumukas ang pinto nang pinasukan kong cr. 

"T-teka, anong ginagawa mo?" sabay tingin sa libro at sa pants ko. Agad ko namang sinara ang pants ko at tumayo para magpaliwanag sa kanya. 

"Mali ka ng iniisip, ano kasi---" magsasalita sana ako ng pinutol niya ang balak kong sabihin. 

"Okay lang 'yan, lahat naman ng lalaki dito ginagawa ang ganyan. Sige, enjoy HAHAHA" sabi niya at umalis habang tumatawa. 

Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa naging reaksyon niya. Mukha bang gagawin ko ang mga ganoong bagay. Inayos ko na muna ang sarili ko bago lumabas sa cr. 

"Hi, saan ka pupunta? samahan na kita" napatingin naman ako sa likod ko ng may narinig akong boses. 

"Ikaw pala yan, dandy. Pupunta lang ako dyan sa may lilim" tumango tango siya at hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Let's go?" 

"W-what? s-sure" bakit niya hinahawakan kamay ko. bakit hinahayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. 

Nang makarating kami sa may lilim ay inalalayan niya akong umupo at nagpagpag bago umupo. 

"Wait, ouch. May pumasok na alikabok sa mata ko" pumikit ako at dumilat para hawakan ang mata ko. Nagulat ako ng hawakan niya ulit ang kamay ko para alisin at hipan ang mata ko. 

"Hey!" agad naman akong lumayo sa kanya at inayos ang paningin ko. Lumingon ako sa taong sumigaw at nakita ko si Koshiro na galit na galit habang naglalakad papalapit sa amin.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" 

"Wala! Umalis ka na nga!" sigaw ko sa kanya. Napasinghal naman siya at sinamaan ako ng tingin. 

"Anong wala?! Kitang kita ko kayong dalawa na naghahalikan!" 

"Anong halikan ba pinagsasabi mo?" 

"Hindi ko siya hinalikan." sabi ni Dandy at inayos ang salamin niya sa mata.

"Nyenye, hindi raw hinalikan. Huwag kang maghasik ng kabaklaan dito, Dandy. Dinadamay mo pa si Ouen" 

"Tarantado ka!" galit na sigaw ni dandy at kinuwelyuhan si Koshiro. 

"Bakit? Totoo naman ah! Mana ka sa tatay mong bakla!" sigaw ni Koshiro sa pagmumukha ni Dandy. Pinaurong ko si Dandy at akoang sumapak kay Koshiro. 

"Foul na yun, Koshiro. Bakit mo dinadamay tatay niya? Ano bang problema mo ah! Nagpunta ka lang dito para manggulo" 

"Diba kaibigan mo ako? bakit siya ang kinakampihan mo?" 

"Gago ka ba?" sabi ko at tumalikod kay Koshiro. 

"Pasensya ka na sa ugali ni Koshiro. Sa iba nalang tayo magpahangin" sabi ko kay dandy at naglakad papunta sa ibang lugar para magpahinga. 

"Wait! Ouen, kinakausap pa kita!" 

__

"Nakahihiya si Koshiro" 

"Okay lang. Naiintindihan ko naman kung saan nanggaling ang galit niya" 

"Ha?" 

"Nasira ang pamilya nila Koshiro dahil sa tatay ko, kaya siguro ganoon nalang ang galit niya sa akin" paliwanag niya. 

"Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari, pero sana magkabati na kayong dalawa." i said. 

"Sana nga" 

"Btw, may nagkakalat kasi ng balita na nag eejaculate ka raw sa restroom." agad ko namang nalunok ang laway ko at dahan dahang tumingin sa kanya. 

'Tarantado yung lalaking yun ah.'

"Normal lang naman sa lalaki yun. Huwag ka nang mahiya. Sa susunod mong gagawin ang bagay na yun, doon ka nalang sa hindi nakikita ng tao" dugtong niya sa sinabi niya at tumawa ng mahina. 

"Wait, nagkakamali kayo ng iniisip. Hindi ko t-----" 

"Shh, don't be shy. May gagawin pa pala ako, alis na ako ah" pagpapaalam niya. Pagkaalis niya ay napahiga ako sa kinauupuan ko at nagtakip ng mukha. 

'Nakahihiya, anong gagawin ko? Bwisit na lalaking yun. Ano ng mukha ang ihaharap ko' 

__

Nandito ako sa loob ng kwarto ko at hindi ko alam pero pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay bigla akong nanghina at ang puso ko ay kumirot hindi ko rin mapigilang umiyak. 

Ang alam ko lang, nasaktan ako. 

Ang tanga ko. 

Sobrang tanga ko.

Buong buhay ko ay isang kasinungalingan lang. 

Kailangan ko ba talagang tanggapin ang buong pagkatao ko. 

Hindi ako pwede sa lugar na 'to. 

Nagmukmok lang ako buong araw sa kwarto ko at natulog. 

"Ouen!" nagulat ako kaya nahulog ako sa kama ng may narinig akong sumigaw. 

'Sino ba yun' 

"Ano na naman bang problema mo, Koshiro!" 

"Hindi ka ba updated. May pasok na. Hayahay ka naman masyado" 

"Ah, sige. Mag aayos na ako" tumayo na ako at hinubad ang suot kong short  at kinuha ang pants ko para isuot. 

"Kailangan bang sa harapan ko pa ikaw maghubad niyan!" sinamaan ko naman siya ng tingin. 

"Kasalanan ko bang ayaw mong umalis sa kwarto ko?" napangisi ako sa kanya at akmang huhubarin na ang suot kong t shirt ng tumakbo siya palabas. 

Pagkalabas niya ay tuluyan ko ng hinubad ang t shirt na suot ko at sinuot ang uniform ko. Lalabas na sana ako ng bigla akong napaisip. 

'Wait, parang may mali sa ginawa ko' 

Tinignan ko ang orasan at napatakbo ng nalaman kong malelate na ako sa klase. Nang makita ko ang teacher na papasok na sa classroom ay tinawag ko agad siya. 

"Sir!" lumingon naman siya sa akin at napatigil ng makita akong tumatakbo palapit sa kanya. 

"Good morning, sir!" pagbati ko at inunahan ang teacher na pumasok sa loob ng silid. 

Pagkapasok ko ay umupo na ako sa bakanteng upuan. Nakahinga naman ako ng nalalim at tumingin sa naging katabi ko. Bakit si Koshiro pa ang naging katabi ko? Bakit ganyan siya makatingin, parang tagos sa kaluluwa ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang sa teacher sa harapan. 

"Baka matunaw na ako kakatingin mo" bulong ko, sapat na marinig niya.

"May muta ka pa" agad naman akong nagtanggal ng muta sa mata at hindi na siya pinansin. 

'Ano nga ulit yung nagawa kong mali kanina?' 

'W-wait' 

(@_@)

'Muntikan na akong maghubad sa harap ni Koshiro. Kapag nagkataon pwede niyang malaman na babae ako at pwede niya akong paalisin sa leiven.' 

Umubob nalang ako sa lamesa ng upuan ko at dinamdam ang kahihiyan na natatamo ko sa araw araw. 

'Nasaan ba kasi si Ryan?' lumingon lingon ako sa buong silid at nakita ko siya sa harap ko na nakikinig ng mabuti sa teacher. 

__

"Class dismissed" pagkasabing pagkasabi ng teacher namin ang salitang yan ay nag sitalunan ang mga kaklase ko at nagwala ang ibanaman ay tumakbo na agad palabas. Recess na siguro. 

"Ouen, tara na" seryosong sabi ni Ryan sa harapan ko. 

"Okay" tumayo na ako at sinundan siya papuntang cafeteria. Pagkapasok namin sa cafeteria ay may inayos siyang upuan at pinaupo ako.

"Ako na mag oorder ng pagkain mo" ngumiti siya ng matamis at umalis na para mag order. 

'Ano bang nangyayari sa mundo' 

Nagulat naman ako ng biglang may tumabi sa aking mga lalaki at nilapag ang pagkain nila. 

"Bakit ang konti ng space ng lamesang napili niyo?" leiyh asked. 

"Kukuha lang ako ng lamesa" Jaleb said. 

"Nasaan si Marshall?" tanong ko. 

"Ayon ba? May kadate siya ngayon" 

? _?

"Here's ou---" napatingin naman siya sa mga kasama ko at napabuntong hininga.

"Here's our food, Ouen" binaba niya sa harap ko ang pagkain namin at tumabi sa tabi ko. Pagkaupo niya ay nagsimula na kaming kumain. 

"Magjowa ba kayo?" tanong ni Koshiro. Napatigil naman ako sa naging tanong niya at tinignan si Ryan na nakatingin sa akin at iniwas ang tingin. 

"Siraulo ka ba?" 

"Tsk." 

"May goodnews pala ako mga pare" sabi ni leiyh habang nakangiti. 

"Ang baby boy nating si Koshiro ay nakapag move on na!" sigaw ni Leiyh. Nabilaukan ako sa sinabi niya, parang kakabreak lang nila ah? Ang bilisnamang mag move on nito. 

"Walang may pake" sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. 

"Alam niyo ba ang sabi nila may nag eejaculate raw sa restroom. Hays, gusto ko siyang makausap para malaman kung ano ang ginamit niyang picture." malungkot na sabi niya at pawang nag iisip kung sino ang taong yun. 

'Ako ba yung tinutukoy niya?' 

'Ilang beses ko bang uulitin na hindi ko ginawa ang bagay na yun' 

"Alam niyo rin bang may narinig ako sa faculty room" bulong ni leiyh at lumapit naman kami sa kanya para marinig ang sasabihin niya. 

"May babae raw na estudyante sa leiven" agad naman akong napaubo sa harap niya at ang iba naman ay bumalik sa upuan nila. 

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Boys school kaya 'to" iritang sabi ni Koshiro. 

"Pero paano kung may babae talaga dito?" sabi ni Jaleb at kumikinang pa ang mata sa pagkaexcited. 

"W-wait, sigurado ka ba leiyh na may babae talaga dito?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Tumingin naman ako kay Ryan na nakatingin din sa akin. 

"Oo naman. May nakita raw yung janitor na bakas. Hindi ko alam kung anong klaseng bakas pero sure daw sila" tumango tango naman sila Jaleb na parang interesadong interesado sa sinabi ni Leiyh. 

"Hmm, let's find her" nakangising sabi ni Koshiro at tumingin sa akin. 

"O-okay, aalis na ako. Magsisimula na ang klase" sabi ko at dali daling  naglakad papuntang classroom. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status