MasukChapter 2: Taken From Him
Mabagal na bumukas ang mga mata ni Ivan habang sinalubong siya ng malamig na puting kisame ng hospital room. Ilang segundo siyang natulala, pilit inaalala kung nasaan siya. May mahinang tunog ng heart monitor sa tabi niya—beep… beep… beep…—na tila nagpapaalala na buhay pa siya. Ngunit ang pakiramdam niya… parang kalahati na lang ng sarili niya ang natira. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay. Mabigat, pero gumalaw. Sunod niyang sinubukan ang kanyang mga paa. Wala. Walang kahit anong sensasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang muling sinubukan—mas madiin, mas desperado. “Move…” mahina niyang bulong. Ngunit nanatiling tahimik ang kanyang mga binti. Parang hindi na sila bahagi ng kanyang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang nurse kasunod ang isang doktor. “Good morning, Mr. Montenegro. Gising na po kayo,” mahinahong bati ng nurse. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa na natatakpan ng kumot. “Doctor…” paos ang boses niya. “Why can’t I feel my legs?” Nagkatinginan ang nurse at doktor. Kita sa kanilang mga mukha ang pag-aalangan. Umupo ang doktor sa tabi ng kama. “Mr. Montenegro, you were involved in a serious car accident. Your spinal cord was severely injured.” Tahimik lang si Ivan. Nakapikit siya, tila pinipilit tanggapin ang mga salitang naririnig. “We did everything we could,” dagdag ng doktor. “But… there is a high possibility that you may not be able to walk again.” Parang may sumabog sa loob ng kanyang dibdib. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, nanginginig ang labi. “No…” bulong niya. Napailing siya, paulit-ulit. “No. That’s impossible.” Pinilit niyang bumangon, ngunit agad siyang napahinto nang maramdaman ang matinding sakit sa kanyang katawan. “Sir, please calm down,” sabi ng nurse habang sinusubukang pigilan siya. “Let me go!” sigaw niya, puno ng galit at takot. “I can walk. I just need to try!” Ngunit kahit anong pilit niya, hindi gumalaw ang kanyang mga paa. Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, naramdaman ni Ivan ang tunay na kahulugan ng salitang helpless. —----- Lumipas ang ilang linggo. Unti-unting gumaling ang kanyang mga sugat, ngunit nanatiling walang galaw ang kanyang mga binti. Isang hapon, nakaupo si Ivan sa wheelchair sa loob ng kanyang hospital room habang nakatingin sa bintana. Tahimik lang siya, parang wala sa sarili. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang kanyang ama na si Don Roberto Montenegro, kasunod ang kanyang kapatid na si Sophia. Pareho silang seryoso ang mukha. “Ivan,” malamig na bati ng kanyang ama. Hindi siya sumagot. Diretso itong umupo sa sofa habang si Sophia ay tumayo sa gilid, hawak ang isang folder. “May kailangan tayong pag-usapan,” sabi ng ama niya. Dahan-dahang humarap si Ivan. “Ano ‘yon?” Huminga nang malalim si Don Roberto bago nagsalita. “About your projects.” Napakunot ang noo ni Ivan. “Ano tungkol sa projects ko?” Nagpalitan ng tingin ang mag-ama bago nagsalita ang kanyang ama sa malamig na tono. “Since you are no longer capable of handling them, the board has decided to transfer your responsibilities to Sophia.” Parang natigilan ang mundo. “Ano?” Mahina lang ang tanong niya, pero ramdam ang bigat ng emosyon. Tumayo si Sophia at inabot ang folder sa kanya. “Kuya, don’t take this the wrong way,” sabi nito. “We’re just trying to help the company.” Binuksan ni Ivan ang folder. Isa-isang bumungad sa kanya ang mga dokumento mga kontrata, reports, at approval forms. Sa bawat pahina, nakasulat ang isang malinaw na mensahe. Tinanggal na siya sa lahat ng proyekto. Mahigpit niyang hinawakan ang papel hanggang sa manginig ang kanyang kamay. “Without asking me?” malamig niyang tanong. Tahimik ang kanyang ama. “Hindi ka na makalakad, Ivan,” diretso nitong sagot. “You can’t even go to the office. How do you expect to lead?” Parang sinaksak ang kanyang puso. Hindi dahil sa katotohanan kundi dahil sa kawalan ng malasakit sa paraan ng pagsabi. “So that’s it?” mahina niyang tanong. “You’re taking everything from me?” Tumango ang kanyang ama. “It’s for the good of the company.” Tahimik lang si Ivan. Ngunit sa loob niya, unti-unting nag-aalab ang galit. Hindi nila alam na may isang bagay silang hindi kayang kunin sa kanya. Ang lihim niyang kumpanya. Ang kumpanyang siya mismo ang nagtatag at hindi nakapangalan sa pamilya Montenegro. Dahil siya lamang ang tunay na may kontrol. Hindi niya iyon sinabi. Hindi pa. Mabuti na lang. —---- Kinagabihan, dumating si Beatrice Villanueva sa hospital. Suot niya ang isang mamahaling dress at may hawak na bouquet ng bulaklak. Ngunit halatang pilit ang kanyang ngiti. “Hi, Ivan,” bati niya. Nakaupo si Ivan sa wheelchair, nakatingin lang sa kanya. “Bakit ngayon ka lang dumating?” diretso niyang tanong. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo sa kasintahan. Saglit na natigilan si Beatrice. “I was busy,” sagot niya. “You know how things are.” Napangiti si Ivan isang malamig na ngiti. “Busy?” ulit niya. Tahimik si Beatrice hindi na siya ang dahilan pa. Lumapit siya at inilapag ang bulaklak sa mesa. “I’m here now,” sabi niya. Pinilit nitong nilambingan ang kanyang boses. Ilang segundo silang nagkatinginan. Hanggang sa biglang nagsalita si Ivan. “Bea… mahal mo pa ba ako?” Diretsong tanong. Walang paligoy-ligoy. Nanlaki ang mata ni Beatrice. “Ivan, what kind of question is that?” “Answer me.” Bumubuka ang bibig niya pero hindi alam ni Beatrice kung ano ang sasabihin kaya pinili na lang niyang hindi sumagot. Sa katahimikang iyon, nakuha na ni Ivan ang sagot Huminga nang malalim si Beatrice bago nagsalita. “I care about you,” sabi niya. Napatawa si Ivan, isang maikling tawa na puno ng sakit. “I didn’t ask if you care,” sabi niya. “I asked if you love me.” Napakagat si Beatrice sa labi. “Ivan… things are different now.” Parang may pumutok sa loob ng dibdib niya. “Different?” Tumango si Beatrice. “You can’t walk,” diretso nitong sabi. “Your life will never be the same again.” Nanlaki ang mata ni Ivan. “And what about us?” tanong niya. Napaiwas ng tingin si Beatrice. “I don’t think I can handle this kind of life,” mahina nitong sagot. Tahimik ang buong kwarto parang tumigil ang oras. Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ni Ivan. “So you’re leaving me,” malamig niyang sabi. Hindi sumagot si Beatrice. Ngunit sapat na ang katahimikan niya bilang sagot. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang nagsalita si Ivan. “Get out.” Mahina lang ang boses niya, ngunit puno ng galit. “Ivan—” “GET OUT!” Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong kwarto. Napatigil si Beatrice at nanlaki ang kanyang mga mata sa takot. Hindi pa niya kailanman nakita si Ivan na ganoon kagalit. Walang salita, mabilis siyang tumalikod at lumabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto, tuluyang bumagsak ang lakas ni Ivan. Napahawak siya sa gulong ng wheelchair habang nanginginig ang kanyang kamay. Sa loob ng ilang minuto, tahimik lang siya. Hanggang sa biglang tumulo ang isang luha mula sa kanyang mata. Isang luha na matagal niyang pinigilan. Sa araw na iyon, hindi lamang niya nawala ang kakayahang maglakad. Nawala rin sa kanya ang trabaho, ang respeto ng pamilya, at ang babaeng pinangarap niyang makasama habambuhay. At sa katahimikan ng gabing iyon, habang nakatingin siya sa madilim na langit sa labas ng bintana, unti-unti niyang naunawaan ang isang masakit na katotohanang kapag wala ka nang silbi sa mata ng iba, mabilis ka nilang kalimutan. Ngunit sa loob ng kanyang puso, may isang bagay na nagsimulang mabuo. Hindi pag-asa. Hindi kapatawaran. Kundi isang tahimik na pangako balang araw, babangon siya muli. “Ivan?”Chapter 6 : A Little Hope Nagising si Ivan sa isang kakaibang pakiramdam. Hindi ito ang malamig na hangin ng aircon sa mansyon. Hindi rin ang amoy ng disinfectant sa ospital. Sa halip, sariwang hangin ang unang bumungad sa kanya ay may halong amoy ng damo at lupa na bagong dilig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang kisame na gawa sa kahoy, may simpleng disenyo ngunit may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay napansin niya ang liwanag ng araw na pumapasok sa malaking bintana. Hindi ito masakit sa mata, malambot at natural. Kasabay nito ang mahinang huni ng mga ibon mula sa labas. Napakunot ang noo niya. “This place is too quiet,” bulong niya sa sarili. Sa lungsod, sanay siya sa ingay, busina ng sasakyan, tunog ng elevator, at walang tigil na tawag sa telepono. Dito, parang tumigil ang mundo. Bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Sir Ivan, gising na po ba kayo?”
Chapter 5: The Road to the ProvinceTahimik ang loob ng sasakyan matapos nilang iwan ang siyudad. Wala nang ingay ng trapiko. Wala nang matataas na gusali. Unti-unti nang napapalitan ng malalawak na taniman at berdeng bundok ang tanawin sa bintana.Ngunit kahit nagbago ang paligid, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Ivan. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam pa rin niya ang init ng galit sa loob ng dibdib niya.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina.Si Beatrice.Ang kanyang dating fiancée. Ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang lalaki.Napapikit siya sandali.‘So this is how easy it was for her to move on,’ bulong niya sa sarili.“Ivan?”Mahinang tawag ng lola niya ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan siyang napalingon kay Doña Isabella.“Are you okay, apo?” puno ng pag-aalala ang boses nito.Saglit siyang napaisip gusto niyang sabihin na hindi, na nasasak
Chapter 4: The Woman Who Didn’t FlinchMaagang nagising si Ivan sa umagang iyon. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil sa sakit. Kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan.Pagbabago.Tahimik ang loob ng hospital room. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa puting dingding. Ilang segundo siyang nakatingin lang doon, tila pinipilit tanggapin na ngayon ang araw ng kanyang paglabas sa ospital.Ang araw na haharap siya muli sa mundo hindi bilang dating Ivan Montenegro na makapangyarihan at walang kapintasan, kundi bilang isang lalaking naka-wheelchair.Mahigpit niyang hinawakan ang armrest ng kanyang wheelchair.‘You can do this’, bulong niya sa sarili.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Doña Isabella, suot ang elegante ngunit simpleng bestida. Sa likod niya ay may isang nurse na may hawak na discharge papers.“Ivan,” malambing na tawag ng matanda. “Ready ka na ba?”Napatingin siya rito. Handa ba siya?
Chapter 3: A Grandmother’s Promise“Ivan?”Mahina ngunit pamilyar na boses ang narinig niya mula sa pintuan.Dahan-dahang napalingon si Ivan, agad na napahinto ang kanyang paghinga nang makita kung sino ang nakatayo roon. Isang matandang babae na may puting buhok na maayos na nakapusod, suot ang simpleng ngunit elegante na damit. Sa kabila ng kanyang edad, matatag pa rin ang tindig nito ngunit halata sa mga mata ang matinding pag-aalala.“Lola…” paos niyang bulong.Si Doña Isabella Montenegro.Ang nag-iisang taong hindi kailanman tumalikod sa kanya. Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya, halos nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mukha ng apo.“Ivan, apo…” nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Gising ka na. Salamat sa Diyos.”Hindi na napigilan ni Ivan ang sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, naramdaman niyang may isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya hindi dahil sa kanyang pangalan, hindi dahil sa kanyang pera, kundi dahil siya si I
Chapter 2: Taken From HimMabagal na bumukas ang mga mata ni Ivan habang sinalubong siya ng malamig na puting kisame ng hospital room. Ilang segundo siyang natulala, pilit inaalala kung nasaan siya. May mahinang tunog ng heart monitor sa tabi niya—beep… beep… beep…—na tila nagpapaalala na buhay pa siya.Ngunit ang pakiramdam niya… parang kalahati na lang ng sarili niya ang natira. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay. Mabigat, pero gumalaw. Sunod niyang sinubukan ang kanyang mga paa.Wala.Walang kahit anong sensasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang muling sinubukan—mas madiin, mas desperado.“Move…” mahina niyang bulong.Ngunit nanatiling tahimik ang kanyang mga binti. Parang hindi na sila bahagi ng kanyang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang nurse kasunod ang isang doktor.“Good morning, Mr. Montenegro. Gising na po kayo,” mahinahong bati ng nurse.Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa na natatakpan ng kumot.“Doctor…” paos
Chapter 1: The AccidentMalakas ang ulan nang gabing iyon, parang may bagyong nagbabanta sa kalangitan. Kumukulog at kumikidlat, at bawat patak ng ulan ay tumatama sa windshield ng itim na sasakyan na parang maliliit na bala.Mahigpit ang hawak ni Ivan Alejandro Montenegro sa manibela habang nakatutok ang kanyang mga mata sa madilim na kalsada. Ang headlights lamang ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng halos walang katapusang dilim.Suot niya ang isang mamahaling suit, charcoal gray at ang kanyang relo na kumikislap sa tuwing tatamaan ng liwanag. Hindi siya basta-basta lalaking nagmamaneho sa gitna ng bagyo.Ngayong gabi, may mahalagang mangyayari.Ngayong gabi, magpo-propose siya at ngayong gabi ay sasabihin niya ang tungkol sa kompanyang sekreto niyang pinatayo. Matagal niyang itinago sa lahat ang pagiging bilyonaryo. Napabuntong-hininga siya habang saglit na sinilip ang maliit na velvet box na nasa passenger seat. Doon nakalagay ang engagement ring isang simpleng ngunit eleganteng







