Chapter 6 : A Little Hope Nagising si Ivan sa isang kakaibang pakiramdam. Hindi ito ang malamig na hangin ng aircon sa mansyon. Hindi rin ang amoy ng disinfectant sa ospital. Sa halip, sariwang hangin ang unang bumungad sa kanya ay may halong amoy ng damo at lupa na bagong dilig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang kisame na gawa sa kahoy, may simpleng disenyo ngunit may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay napansin niya ang liwanag ng araw na pumapasok sa malaking bintana. Hindi ito masakit sa mata, malambot at natural. Kasabay nito ang mahinang huni ng mga ibon mula sa labas. Napakunot ang noo niya. “This place is too quiet,” bulong niya sa sarili. Sa lungsod, sanay siya sa ingay, busina ng sasakyan, tunog ng elevator, at walang tigil na tawag sa telepono. Dito, parang tumigil ang mundo. Bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Sir Ivan, gising na po ba kayo?”
Last Updated : 2026-04-15 Read more