LOGINChapter 3: A Grandmother’s Promise
“Ivan?” Mahina ngunit pamilyar na boses ang narinig niya mula sa pintuan. Dahan-dahang napalingon si Ivan, agad na napahinto ang kanyang paghinga nang makita kung sino ang nakatayo roon. Isang matandang babae na may puting buhok na maayos na nakapusod, suot ang simpleng ngunit elegante na damit. Sa kabila ng kanyang edad, matatag pa rin ang tindig nito ngunit halata sa mga mata ang matinding pag-aalala. “Lola…” paos niyang bulong. Si Doña Isabella Montenegro. Ang nag-iisang taong hindi kailanman tumalikod sa kanya. Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya, halos nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mukha ng apo. “Ivan, apo…” nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Gising ka na. Salamat sa Diyos.” Hindi na napigilan ni Ivan ang sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, naramdaman niyang may isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya hindi dahil sa kanyang pangalan, hindi dahil sa kanyang pera, kundi dahil siya si Ivan. Mahigpit siyang hinawakan ng lola niya, parang ayaw na itong pakawalan muli. “Lola…” mahina niyang sabi. “I’m sorry.” Napakunot ang noo ni Doña Isabella. “Sorry? Bakit ka nagsosorry, apo?” Napayuko si Ivan. “Because I became weak.” Agad na umiling ang matanda. “No,” mariin nitong sabi. “You are not weak. You survived.” Tahimik lang si Ivan, ngunit ramdam niya ang bigat ng mga salitang iyon. Umupo si Doña Isabella sa tabi niya, hinawakan ang kanyang kamay. “Nang tumawag ang doktor sa akin at sinabi na nagising ka na,” nagsimula siya, “agad akong bumalik mula sa probinsya. Hindi ako mapakali.” Napansin ni Ivan ang pagod sa mukha ng lola niya ang mga bahagyang kulubot na tila mas lumalim sa loob ng ilang linggo. “Nasaan si Dad?” tanong niya, malamig ang tono. Saglit na natahimik si Doña Isabella. Alam niya kung anong ibig sabihin ng tanong na iyon. “Busy,” maingat niyang sagot. Napangiti si Ivan, isang mapait na ngiti. “Of course.” Hindi na nagtanong ang lola niya kung bakit ganoon ang reaksyon niya. May kutob na siya. “Ivan,” mahina nitong sabi. “May gusto akong itanong.” Napatingin siya rito. “Anong ginawa ng ama mo sa’yo?” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Nanlaki ang bahagya ang mata ni Ivan. “Nothing,” sagot niya. Ngunit hindi siya niloloko ng matanda. “I raised that man,” sabi ni Doña Isabella. “Alam ko kung kailan siya gumagawa ng mali.” Tahimik ang silid. Huminga nang malalim si Ivan bago nagsalita. “They took everything.” Parang huminto ang oras. Napahigpit ang hawak ng matanda sa kamay niya. “What do you mean?” Mahina siyang tumawa isang tawang puno ng sakit. “My projects. My responsibilities. My position.” Unti-unting nanlaki ang mata ni Doña Isabella. “Without asking me,” dagdag niya. “They decided I’m no longer capable.” Saglit na natahimik ang matanda. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib, unti-unting sumiklab ang galit. “Roberto did that?” malamig nitong tanong. Tumango si Ivan. “At si Sophia,” dagdag niya. Napapikit si Doña Isabella. Hindi siya nagulat ngunit nasaktan siya. Sa buong buhay niya, itinuro niya sa kanyang anak ang halaga ng pamilya. Ngunit ngayon, malinaw na nakalimutan iyon ni Roberto. “How could he…” mahina niyang bulong. Napatingin siya muli kay Ivan. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang apo niya na hindi bilang isang makapangyarihang negosyante, kundi bilang isang lalaking sugatan, pagod, at nag-iisa. Unti-unting tumulo ang luha mula sa kanyang mata. “I’m sorry,” sabi niya. Nanlaki ang mata ni Ivan. “Lola—” “I’m sorry,” ulit niya, mas mahina. “I failed to protect you.” Agad siyang umiling. “No,” sabi niya. “You’re the only one who didn’t leave.” Nagkatinginan silang dalawa. Sa katahimikan ng sandaling iyon, mas malinaw kaysa dati ang kanilang koneksyon isang relasyon na hindi kayang sirain ng pera, kapangyarihan, o trahedya. Lumipas ang ilang minuto bago muling nagsalita si Doña Isabella. “Ivan,” mahinahon niyang sabi, “hindi ka pwedeng manatili dito.” Napakunot ang noo niya. “What do you mean?” Tumingin ang matanda sa paligid, sa sterile na puting dingding ng hospital room, sa malamig na hangin, sa katahimikan na tila kumakain sa kaluluwa ng kanyang apo. “This place is killing you,” sabi niya. Napatahimik si Ivan. Alam niyang may punto ang lola niya. Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya mas lalo siyang nalulubog sa dilim. “I want to take you somewhere,” dagdag nito. “Where?” “To the province.” Nanlaki ang mata ni Ivan. “The province?” Tumango si Doña Isabella. “Sa bahay natin doon,” paliwanag niya. “Tahimik. Malayo sa gulo. Malayo sa mga taong nakakasakit sa’yo.” Napangiti si Ivan isang maliit na ngiti na may halong pagod. “You think fresh air can fix this?” sabi niya, sabay tapik sa kanyang mga binti. Hindi nag-atubili ang matanda. “No,” diretso nitong sagot. “But peace can fix your heart.” Napatahimik siya. Hindi niya inaasahan ang sagot na iyon. Ilang segundo siyang nakatingin sa sahig bago muling nagsalita. “And what if I don’t want to go?” Lumambot ang ekspresyon ni Doña Isabella. “Then I will stay here with you,” sabi niya. “Until you change your mind.” Nanlaki ang bahagya ang mata ni Ivan. Hindi iyon dramatikong linya. Hindi rin iyon pagbabanta. Isa lang itong simpleng pangako. Unti-unti niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang dibdib isang pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman. Care. Concern. Love. “Ivan,” mahina nitong dagdag, “you are still my strongest grandson.” Napatawa siya nang bahagya. “I’m your only grandson,” biro niya. Ngumiti ang matanda. “Exactly.” Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, may maliit na bahagi ng kanyang puso ang bahagyang gumaan. Ngunit hindi pa tapos ang sorpresa. “I also hired someone,” sabi ni Doña Isabella. Napakunot ang noo ni Ivan. “Someone?” Tumango siya. “A caregiver.” Agad na nag-iba ang ekspresyon ni Ivan. “No.” Isang salita lang, ngunit matigas ang tono. “I don’t need a babysitter.” Hindi natinag ang matanda. “She’s not a babysitter,” sabi niya. “She’s a professional.” Napatigil ang matanda at muling nagsalita, “Besides you’re no longer a baby. Does my apo want to be treated like a baby?” May halong panunukso sa boses ng matanda. Napailing si Ivan. “No… I can take care of myself.” Tahimik lang si Doña Isabella. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita muli. “Can you?” Parang tinamaan ng bala ang kanyang pride. Napahigpit ang hawak niya sa armrest ng wheelchair. “I don’t need help,” mariin niyang sabi. Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi iyon totoo. Hindi niya kayang tumayo mag-isa at hindi niya rin kayang maglakad. Alam niya ring hindi na niya kayang bumalik sa dati. “Ivan,” mahinahon nitong sabi, “strength is not about doing everything alone.” Tahimik siya. “She will help you recover,” dagdag ng matanda. “And she will come with us to the province.” Napabuntong-hininga si Ivan. Pagod na siyang makipagtalo alam niya rin na hindi magpapatalo ang kanyang lola. “Fine,” malamig niyang sabi. “Do whatever you want.”Chapter 6 : A Little Hope Nagising si Ivan sa isang kakaibang pakiramdam. Hindi ito ang malamig na hangin ng aircon sa mansyon. Hindi rin ang amoy ng disinfectant sa ospital. Sa halip, sariwang hangin ang unang bumungad sa kanya ay may halong amoy ng damo at lupa na bagong dilig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang kisame na gawa sa kahoy, may simpleng disenyo ngunit may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay napansin niya ang liwanag ng araw na pumapasok sa malaking bintana. Hindi ito masakit sa mata, malambot at natural. Kasabay nito ang mahinang huni ng mga ibon mula sa labas. Napakunot ang noo niya. “This place is too quiet,” bulong niya sa sarili. Sa lungsod, sanay siya sa ingay, busina ng sasakyan, tunog ng elevator, at walang tigil na tawag sa telepono. Dito, parang tumigil ang mundo. Bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Sir Ivan, gising na po ba kayo?”
Chapter 5: The Road to the ProvinceTahimik ang loob ng sasakyan matapos nilang iwan ang siyudad. Wala nang ingay ng trapiko. Wala nang matataas na gusali. Unti-unti nang napapalitan ng malalawak na taniman at berdeng bundok ang tanawin sa bintana.Ngunit kahit nagbago ang paligid, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Ivan. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam pa rin niya ang init ng galit sa loob ng dibdib niya.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina.Si Beatrice.Ang kanyang dating fiancée. Ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang lalaki.Napapikit siya sandali.‘So this is how easy it was for her to move on,’ bulong niya sa sarili.“Ivan?”Mahinang tawag ng lola niya ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan siyang napalingon kay Doña Isabella.“Are you okay, apo?” puno ng pag-aalala ang boses nito.Saglit siyang napaisip gusto niyang sabihin na hindi, na nasasak
Chapter 4: The Woman Who Didn’t FlinchMaagang nagising si Ivan sa umagang iyon. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil sa sakit. Kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan.Pagbabago.Tahimik ang loob ng hospital room. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa puting dingding. Ilang segundo siyang nakatingin lang doon, tila pinipilit tanggapin na ngayon ang araw ng kanyang paglabas sa ospital.Ang araw na haharap siya muli sa mundo hindi bilang dating Ivan Montenegro na makapangyarihan at walang kapintasan, kundi bilang isang lalaking naka-wheelchair.Mahigpit niyang hinawakan ang armrest ng kanyang wheelchair.‘You can do this’, bulong niya sa sarili.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Doña Isabella, suot ang elegante ngunit simpleng bestida. Sa likod niya ay may isang nurse na may hawak na discharge papers.“Ivan,” malambing na tawag ng matanda. “Ready ka na ba?”Napatingin siya rito. Handa ba siya?
Chapter 3: A Grandmother’s Promise“Ivan?”Mahina ngunit pamilyar na boses ang narinig niya mula sa pintuan.Dahan-dahang napalingon si Ivan, agad na napahinto ang kanyang paghinga nang makita kung sino ang nakatayo roon. Isang matandang babae na may puting buhok na maayos na nakapusod, suot ang simpleng ngunit elegante na damit. Sa kabila ng kanyang edad, matatag pa rin ang tindig nito ngunit halata sa mga mata ang matinding pag-aalala.“Lola…” paos niyang bulong.Si Doña Isabella Montenegro.Ang nag-iisang taong hindi kailanman tumalikod sa kanya. Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya, halos nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mukha ng apo.“Ivan, apo…” nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Gising ka na. Salamat sa Diyos.”Hindi na napigilan ni Ivan ang sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, naramdaman niyang may isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya hindi dahil sa kanyang pangalan, hindi dahil sa kanyang pera, kundi dahil siya si I
Chapter 2: Taken From HimMabagal na bumukas ang mga mata ni Ivan habang sinalubong siya ng malamig na puting kisame ng hospital room. Ilang segundo siyang natulala, pilit inaalala kung nasaan siya. May mahinang tunog ng heart monitor sa tabi niya—beep… beep… beep…—na tila nagpapaalala na buhay pa siya.Ngunit ang pakiramdam niya… parang kalahati na lang ng sarili niya ang natira. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay. Mabigat, pero gumalaw. Sunod niyang sinubukan ang kanyang mga paa.Wala.Walang kahit anong sensasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang muling sinubukan—mas madiin, mas desperado.“Move…” mahina niyang bulong.Ngunit nanatiling tahimik ang kanyang mga binti. Parang hindi na sila bahagi ng kanyang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang nurse kasunod ang isang doktor.“Good morning, Mr. Montenegro. Gising na po kayo,” mahinahong bati ng nurse.Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa na natatakpan ng kumot.“Doctor…” paos
Chapter 1: The AccidentMalakas ang ulan nang gabing iyon, parang may bagyong nagbabanta sa kalangitan. Kumukulog at kumikidlat, at bawat patak ng ulan ay tumatama sa windshield ng itim na sasakyan na parang maliliit na bala.Mahigpit ang hawak ni Ivan Alejandro Montenegro sa manibela habang nakatutok ang kanyang mga mata sa madilim na kalsada. Ang headlights lamang ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng halos walang katapusang dilim.Suot niya ang isang mamahaling suit, charcoal gray at ang kanyang relo na kumikislap sa tuwing tatamaan ng liwanag. Hindi siya basta-basta lalaking nagmamaneho sa gitna ng bagyo.Ngayong gabi, may mahalagang mangyayari.Ngayong gabi, magpo-propose siya at ngayong gabi ay sasabihin niya ang tungkol sa kompanyang sekreto niyang pinatayo. Matagal niyang itinago sa lahat ang pagiging bilyonaryo. Napabuntong-hininga siya habang saglit na sinilip ang maliit na velvet box na nasa passenger seat. Doon nakalagay ang engagement ring isang simpleng ngunit eleganteng







