Share

Chapter 5

Author: Moon
last update publish date: 2026-04-13 05:32:11

Chapter 5: The Road to the Province

Tahimik ang loob ng sasakyan matapos nilang iwan ang siyudad. Wala nang ingay ng trapiko. Wala nang matataas na gusali. Unti-unti nang napapalitan ng malalawak na taniman at berdeng bundok ang tanawin sa bintana.

Ngunit kahit nagbago ang paligid, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Ivan. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam pa rin niya ang init ng galit sa loob ng dibdib niya.

Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina.

Si Beatrice.

Ang kanyang dating fiancée. Ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang lalaki.

Napapikit siya sandali.

‘So this is how easy it was for her to move on,’ bulong niya sa sarili.

“Ivan?”

Mahinang tawag ng lola niya ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan siyang napalingon kay Doña Isabella.

“Are you okay, apo?” puno ng pag-aalala ang boses nito.

Saglit siyang napaisip gusto niyang sabihin na hindi, na nasasaktan siya, na galit siya. Pero hindi iyon ang Ivan na kilala ng mundo.

“I’m fine,” malamig niyang sagot.

Alam ni Doña Isabella na hindi iyon totoo. Ngunit pinili niyang huwag nang magtanong pa. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang kamay ng apo niya. Isang simpleng gesture, pero puno ng pagmamahal.

Hindi nagsalita si Ivan, ngunit hindi rin niya inalis ang kamay ng kanyang. Sa harap ng sasakyan, tahimik lang na nakaupo si Ayesha. Nakatingin siya sa daan, ngunit paminsan-minsan ay napapatingin siya sa rearview mirror. Doon niya nakikita ang mukha ni Ivan.

Ang malamig na ekspresyon. Umiigting na panga. Ang mga matang puno ng galit at sakit. Hindi siya nagtanong. Bilang caregiver, alam niyang may mga sugat na hindi kailangang pilitin pag-usapan. May mga sugat na kailangang hintayin na kusa munang maghilom.

‘Kung nakikita lang ni Anna itong si Sir Ivan, baka naglumpasay na ‘yun sa kilig.’ Naiiling na lang siya sa kanyang naisip.

—-----

Lumipas ang ilang oras ng biyahe.

Unti-unting bumagal ang sasakyan habang papasok sa isang makipot na kalsada na napapalibutan ng puno ng mangga at niyog. Huminto ito sa harap ng isang malaking ancestral house. Isang lumang bahay na gawa sa kahoy at bato, napapalibutan ng malawak na hardin.

Tahimik ang paligid.

Malinis ang hangin at malayo sa ingay ng lungsod.

“We’re here,” sabi ng driver.

Napatingin si Ivan sa bintana.Saglit siyang natahimik. Hindi niya inaasahan na ganito kaganda ang lugar. Hindi pa siya nakakapunta sa lugar na ito kahit kailan. Madalas ang Lola Isabella niya ang dumadalawa sa kanila sa lungsod.

May kakaibang katahimikan dito isang katahimikan na parang kayang pahupain ang magulong isip. Lumabas ang driver at maingat na binuksan ang pinto ng sasakyan. Agad na bumungad ang sariwang hangin. Napapikit si Ivan sandali habang humihinga nang malalim.

Ibang-iba sa amoy ng ospital. Ibang-iba sa siyudad.

“Welcome home, apo,” nakangiting sabi ni Doña Isabella.

Hindi agad sumagot si Ivan, ngumiti na lang siya sa kanyang lola. Tahimik lang siyang tumingin sa bahay sa harap niya. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, nakaramdam siya ng bahagyang katahimikan sa loob ng dibdib niya.

Ngunit mabilis din itong napalitan ng inis nang maramdaman niyang may dalawang taong maingat na nag-aangat ng kanyang wheelchair palabas ng sasakyan.

“I can do it myself,” malamig niyang sabi.

Ngunit hindi siya pinansin ng driver at ng helper. Sanay na sila sa ganitong reaksyon. Tahimik lang na tinulungan siyang makababa. Napahigpit ang hawak ni Ivan sa armrest ng wheelchair. Hindi niya gusto ang pakiramdam na umaasa siya sa iba. Hindi niya gusto ang pakiramdam na mahina siya.

Habang papasok sila sa loob ng bahay, napansin niya ang malinis at maaliwalas na paligid. May malalaking bintana at may sariwang bulaklak sa mesa. May mahinang amoy ng lutong pagkain mula sa kusina.

Biglang kumulo ang tiyan niya. Hindi niya namalayan kung kailan siya huling kumain nang maayos. Ngumiti si Doña Isabella.

“I prepared your favorite dishes,” sabi nito.

Napatingin siya rito.

“Tinola,” dagdag ng matanda.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Ivan. Napansin iyon ni Ayesha. Isang maliit na reaksyon pero malaking pagbabago.

—-----

Pagkatapos ng tanghalian, dinala si Ivan sa kanyang kwarto. Maluwag ito, may malaking kama, may balcony na tanaw ang hardin.

Tahimik. Mapayapa.

Habang inaayos ni Ayesha ang kanyang mga gamit, tahimik lang siyang nakatingin sa kanya. Napansin niya kung gaano ito kaayos kumilos.

Organized. Maalaga. Hindi nagmamadali.

“Why did you accept this job?” malamig niyang tanong.

Napahinto si Ayesha at dahan-dahan siyang napalingon kay Ivan.

“Because it’s my job,” simpleng sagot niya.

Napakunot ang noo ni Ivan. “That’s it?”

Tumango si Ayesha. “Pera, syempre kasama na yun at……’’ tumigil ito saglit at tinignan siya, “dahil naniniwala ako na kaya mong gumaling,” dagdag nito.

Nanlaki ang bahagya ang mata ni Ivan. “Gumaling?” ulit niya.

Tumango si Ayesha. “Yes.”

Tumahimik siya saglit at ilang segundo silang nagkatinginan. Hanggang sa napatawa si Ivan, isang mapaklang tawa.

“You’re optimistic,” sabi niya.

Ngumiti si Ayesha. “Realistic,” sagot niya.

Napatingin siya sa kanyang mga binti na hindi niya maigalaw kahit anong gawin niya. Malalim ang iniisip at pagkatapos ay muli siyang nagsalita.

“What if I never walk again?” Diretsong tanong. Ayaw niyang umasa, dahil mahirap umasa sa isang bagay na alam mong malabo ng mangyari.

Hindi nag-atubili si Ayesha. “Huwag kang masyadong negative Sir Ivan, sabi nga nila sa 100 percent may 10 percent pa o kahit 0.1 percent pa yan at least meron pa,” sagot niya.

Hindi niya sinabi na magiging madali. Hindi niya sinabi na siguradong gagaling siya. Pero hindi rin siya nagsinungaling. Napatahimik si Ivan.

Sa unang pagkakataon, may narinig siyang sagot na hindi puno ng awa. Hindi puno ng takot. Kundi puno ng katotohanan. Dahan-dahan siyang napasandal sa wheelchair. Sa labas ng bintana, tanaw niya ang malawak na hardin.

Sa loob ng kanyang dibdib, may dalawang damdamin na unti-unting nagsisimulang magbanggaan. Galit para sa mga taong tumalikod sa kanya at pag-asa, na dala ng isang babaeng hindi natatakot sa kanya.

Tahimik siyang napapikit. Hindi pa niya alam kung alin ang mananalo.

“Well see.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 6

    Chapter 6 : A Little Hope Nagising si Ivan sa isang kakaibang pakiramdam. Hindi ito ang malamig na hangin ng aircon sa mansyon. Hindi rin ang amoy ng disinfectant sa ospital. Sa halip, sariwang hangin ang unang bumungad sa kanya ay may halong amoy ng damo at lupa na bagong dilig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang kisame na gawa sa kahoy, may simpleng disenyo ngunit may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay napansin niya ang liwanag ng araw na pumapasok sa malaking bintana. Hindi ito masakit sa mata, malambot at natural. Kasabay nito ang mahinang huni ng mga ibon mula sa labas. Napakunot ang noo niya. “This place is too quiet,” bulong niya sa sarili. Sa lungsod, sanay siya sa ingay, busina ng sasakyan, tunog ng elevator, at walang tigil na tawag sa telepono. Dito, parang tumigil ang mundo. Bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Sir Ivan, gising na po ba kayo?”

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 5

    Chapter 5: The Road to the ProvinceTahimik ang loob ng sasakyan matapos nilang iwan ang siyudad. Wala nang ingay ng trapiko. Wala nang matataas na gusali. Unti-unti nang napapalitan ng malalawak na taniman at berdeng bundok ang tanawin sa bintana.Ngunit kahit nagbago ang paligid, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Ivan. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam pa rin niya ang init ng galit sa loob ng dibdib niya.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina.Si Beatrice.Ang kanyang dating fiancée. Ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang lalaki.Napapikit siya sandali.‘So this is how easy it was for her to move on,’ bulong niya sa sarili.“Ivan?”Mahinang tawag ng lola niya ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan siyang napalingon kay Doña Isabella.“Are you okay, apo?” puno ng pag-aalala ang boses nito.Saglit siyang napaisip gusto niyang sabihin na hindi, na nasasak

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 4

    Chapter 4: The Woman Who Didn’t FlinchMaagang nagising si Ivan sa umagang iyon. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil sa sakit. Kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan.Pagbabago.Tahimik ang loob ng hospital room. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa puting dingding. Ilang segundo siyang nakatingin lang doon, tila pinipilit tanggapin na ngayon ang araw ng kanyang paglabas sa ospital.Ang araw na haharap siya muli sa mundo hindi bilang dating Ivan Montenegro na makapangyarihan at walang kapintasan, kundi bilang isang lalaking naka-wheelchair.Mahigpit niyang hinawakan ang armrest ng kanyang wheelchair.‘You can do this’, bulong niya sa sarili.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Doña Isabella, suot ang elegante ngunit simpleng bestida. Sa likod niya ay may isang nurse na may hawak na discharge papers.“Ivan,” malambing na tawag ng matanda. “Ready ka na ba?”Napatingin siya rito. Handa ba siya?

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 3

    Chapter 3: A Grandmother’s Promise“Ivan?”Mahina ngunit pamilyar na boses ang narinig niya mula sa pintuan.Dahan-dahang napalingon si Ivan, agad na napahinto ang kanyang paghinga nang makita kung sino ang nakatayo roon. Isang matandang babae na may puting buhok na maayos na nakapusod, suot ang simpleng ngunit elegante na damit. Sa kabila ng kanyang edad, matatag pa rin ang tindig nito ngunit halata sa mga mata ang matinding pag-aalala.“Lola…” paos niyang bulong.Si Doña Isabella Montenegro.Ang nag-iisang taong hindi kailanman tumalikod sa kanya. Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya, halos nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mukha ng apo.“Ivan, apo…” nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Gising ka na. Salamat sa Diyos.”Hindi na napigilan ni Ivan ang sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, naramdaman niyang may isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya hindi dahil sa kanyang pangalan, hindi dahil sa kanyang pera, kundi dahil siya si I

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 2

    Chapter 2: Taken From HimMabagal na bumukas ang mga mata ni Ivan habang sinalubong siya ng malamig na puting kisame ng hospital room. Ilang segundo siyang natulala, pilit inaalala kung nasaan siya. May mahinang tunog ng heart monitor sa tabi niya—beep… beep… beep…—na tila nagpapaalala na buhay pa siya.Ngunit ang pakiramdam niya… parang kalahati na lang ng sarili niya ang natira. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay. Mabigat, pero gumalaw. Sunod niyang sinubukan ang kanyang mga paa.Wala.Walang kahit anong sensasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang muling sinubukan—mas madiin, mas desperado.“Move…” mahina niyang bulong.Ngunit nanatiling tahimik ang kanyang mga binti. Parang hindi na sila bahagi ng kanyang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang nurse kasunod ang isang doktor.“Good morning, Mr. Montenegro. Gising na po kayo,” mahinahong bati ng nurse.Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa na natatakpan ng kumot.“Doctor…” paos

  • Healing The Billionaire's Broken Heart   Chapter 1

    Chapter 1: The AccidentMalakas ang ulan nang gabing iyon, parang may bagyong nagbabanta sa kalangitan. Kumukulog at kumikidlat, at bawat patak ng ulan ay tumatama sa windshield ng itim na sasakyan na parang maliliit na bala.Mahigpit ang hawak ni Ivan Alejandro Montenegro sa manibela habang nakatutok ang kanyang mga mata sa madilim na kalsada. Ang headlights lamang ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng halos walang katapusang dilim.Suot niya ang isang mamahaling suit, charcoal gray at ang kanyang relo na kumikislap sa tuwing tatamaan ng liwanag. Hindi siya basta-basta lalaking nagmamaneho sa gitna ng bagyo.Ngayong gabi, may mahalagang mangyayari.Ngayong gabi, magpo-propose siya at ngayong gabi ay sasabihin niya ang tungkol sa kompanyang sekreto niyang pinatayo. Matagal niyang itinago sa lahat ang pagiging bilyonaryo. Napabuntong-hininga siya habang saglit na sinilip ang maliit na velvet box na nasa passenger seat. Doon nakalagay ang engagement ring isang simpleng ngunit eleganteng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status