LOGINChapter 4: The Woman Who Didn’t Flinch
Maagang nagising si Ivan sa umagang iyon. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil sa sakit. Kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Pagbabago. Tahimik ang loob ng hospital room. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa puting dingding. Ilang segundo siyang nakatingin lang doon, tila pinipilit tanggapin na ngayon ang araw ng kanyang paglabas sa ospital. Ang araw na haharap siya muli sa mundo hindi bilang dating Ivan Montenegro na makapangyarihan at walang kapintasan, kundi bilang isang lalaking naka-wheelchair. Mahigpit niyang hinawakan ang armrest ng kanyang wheelchair. ‘You can do this’, bulong niya sa sarili. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Doña Isabella, suot ang elegante ngunit simpleng bestida. Sa likod niya ay may isang nurse na may hawak na discharge papers. “Ivan,” malambing na tawag ng matanda. “Ready ka na ba?” Napatingin siya rito. Handa ba siya? Hindi. Ngunit wala na siyang choice. Tumango siya nang bahagya. “Yes.” Lumapit ang nurse at maingat na inayos ang wheelchair niya. “Sir, we will escort you to the lobby,” magalang nitong sabi. Hindi sumagot si Ivan. Tahimik lang siyang tumingin sa sahig habang dahan-dahang itinutulak palabas ng kwarto. Habang lumalabas sila sa hallway ng ospital, napansin niya ang mga taong napapatingin sa kanya ang iba ay may awa sa mga mata, ang iba naman ay may curiosity. Parang sumikip ang dibdib niya. Dati, kapag pumapasok siya sa isang lugar, respeto ang nakukuha niya. Ngayon… awa. Napapikit siya sandali. ‘Get used to it’ sabi ng isang malamig na boses sa loob ng kanyang isip. Pagdating nila sa lobby, agad niyang napansin ang isang babae na nakatayo sa gilid malapit sa entrance. Simple lang ang suot nito, isang malinis na blouse at maong na pantalon. Walang mamahaling alahas, walang makapal na make-up. Ngunit may kakaibang aura ito isang tahimik na kumpiyansa na hindi maipaliwanag. Mahaba ang buhok nito na nakapusod, at tuwid ang tindig na parang hindi natitinag. Nakatingin ng diretso sa kanila. Walang makikitang takot. Napakunot ang noo ni Ivan. ‘Who is she?’ Ngumiti si Doña Isabella. “Ivan,” sabi niya, sabay turo sa babae. “I want you to meet someone.” Tumigil ang wheelchair sa harap ng babae. Lumapit ito nang maayos, saka bahagyang yumuko bilang paggalang. “Good morning, po,” magalang nitong bati. Malinaw at matatag ang boses nito. “I’m Ayesha Dela Cruz.” Ilang segundo silang nagkatinginan. Tahimik walang balak magsalita. Sinuri ni Ivan ang babae mula ulo hanggang paa, ang simple nitong itsura, ang kalmadong ekspresyon, at ang mga mata nitong hindi nagpakita ng kahit kaunting awa. Hindi rin ito natakot. Hindi rin ito nag-alangan. Parang… normal lang sa kanya ang makita si Ivan sa wheelchair. Nakaramdam siya ng kakaibang inis at hindi niya alam kung bakit. “So you’re the caregiver,” malamig niyang sabi. Tumango si Ayesha. “Yes, sir.” Malumanay ang boses nito. Napangiti si Ivan isang mapanuyang ngiti. “Do you even know who I am?” tanong niya. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Ayesha. “Yes, ikaw ang babantayan ko.” diretso nitong sagot. Saglit siyang natahimik. Karamihan sa mga tao ay natataranta kapag kaharap siya. Ngunit ang babaeng ito parang hindi naapektuhan. “I’m not a patient,” dagdag niya, malamig pa rin ang tono. Tumango si Ayesha. “I know.” Napakunot ang noo ni Ivan. “Then why are you here?” Hindi nag-atubili ang babae. “To help you recover.” Pagkatapos ay ngumiti ito ng matamis. Natigilan naman si Ivan at iniwas ang tingin kay Ayesha. Napatingin si Doña Isabella sa kanila, halatang nagmamasid. Huminga nang malalim si Ivan bago nagsalita muli. “Let’s go,” malamig niyang sabi. Hindi na siya nakipagtalo. Ngunit sa loob-loob niya, may kakaibang curiosity na nagsimulang mabuo. —----- Makaraan ang ilang minuto, nakasakay na sila sa isang itim na luxury van sa labas ng ospital. Si Ivan ay nasa gitna, maayos na naka-secure ang wheelchair. Katabi niya si Doña Isabella, habang si Ayesha naman ay nakaupo sa harap kasama ang driver. Tahimik ang loob ng sasakyan. Naririnig lang ang mahinang ugong ng makina at ang ingay ng trapiko sa labas. Nakatingin si Ivan sa bintana, pinapanood ang mga taong naglalakad sa sidewalk mga ordinaryong tao na malayang gumagalaw, tumatakbo, at tumatawa. Mga bagay na dati ay normal lang sa kanya. Ngayon… tila imposible na. Mahigpit niyang kinuyom ang kamay. Biglang bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa traffic light. Wala sa sariling napatingin si Ivan sa kabilang side ng kalsada at doon parang tumigil ang kanyang paghinga. Nakita niya ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa harap ng isang café. Mahaba ang buhok. Eleganteng damit. Pamilyar na tindig. Si Beatrice. Nanlaki ang mata ni Ivan at hindi siya nagkakamali. Ito ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay. Ang babaeng iniwan siya sa oras na kailangan niya ng suporta. Ngunit hindi siya nag-iisa may kasama itong lalaki. Matangkad. Maayos ang pananamit. Mukhang mayaman at confident. Magkatabi silang nakatayo at magkahawak ang kamay. Parang may malamig na kutsilyo na unti-unting tumusok sa dibdib ni Ivan. Tahimik siyang nakatingin. Hindi gumagalaw at pigil ang hininga. Hinihintay ang sunod na mangyayari. Hanggang sa ngumiti si Beatrice sa lalaki at sa susunod na sandali. Lumapit ito at marahang hinawakan ang pisngi ng lalaki. Pagkatapos ay hinalikan niya ito. Kung paano siya halikan nito noon. Diretso sa harap niya parang bumagal ang mundo. Hindi niya marinig ang ingay ng trapiko. Hindi niya maramdaman ang paggalaw ng sasakyan. Ang nakikita lang niya ay ang babaeng minahal niya, ang babaeng pinangarap niyang pakasalan na ngayon ay masayang nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Unti-unting umigting ang kanyang panga. Naramdaman niya ang pag usbong ng galit ng kanyang dibdib. Galit. Sakit at matinding pagkadismaya. Napansin ni Doña Isabella ang pagbabago ng ekspresyon ng apo niya. “Ivan?” nag-aalalang tawag nito. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Pinapanood ang dalawang taong naghahalikan habang ang tao sa paligid nito ay parang kinikilig sa nakikita. Hindi niya inalis ang paningin sa dalawa. Hanggang sa tuluyang umandar muli ang sasakyan at unti-unting nawala sa paningin niya ang eksena. Ngunit ang sakit ay nanatili. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao hanggang sa manginig ang kanyang kamay. Sa harap ng sasakyan, napansin ni Ayesha ang repleksyon ni Ivan sa rearview mirror. Ang kanyang matigas na mukha. Ang malamig na tingin at ang galit na unti-unting nag-aalab sa kanyang mga mata. Hindi siya nagtanong o nagsalita. Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang may malalim na sugat ang lalaking ito isang sugat na hindi basta-basta maghihilom. Sa likod ng kanyang katahimikan, may isang tahimik na pangako na nabuo sa puso ni Ivan. Hindi na siya iiyak. Hindi na siya magmamakaawa at balang araw ipapakita niya sa lahat ng tumalikod sa kanya kung sino talaga ang Ivan Montenegro. ‘I’ll make sure to return the favor.’Chapter 6 : A Little Hope Nagising si Ivan sa isang kakaibang pakiramdam. Hindi ito ang malamig na hangin ng aircon sa mansyon. Hindi rin ang amoy ng disinfectant sa ospital. Sa halip, sariwang hangin ang unang bumungad sa kanya ay may halong amoy ng damo at lupa na bagong dilig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang kisame na gawa sa kahoy, may simpleng disenyo ngunit may kakaibang init na hindi niya maipaliwanag. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay napansin niya ang liwanag ng araw na pumapasok sa malaking bintana. Hindi ito masakit sa mata, malambot at natural. Kasabay nito ang mahinang huni ng mga ibon mula sa labas. Napakunot ang noo niya. “This place is too quiet,” bulong niya sa sarili. Sa lungsod, sanay siya sa ingay, busina ng sasakyan, tunog ng elevator, at walang tigil na tawag sa telepono. Dito, parang tumigil ang mundo. Bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto. Tok. Tok. “Sir Ivan, gising na po ba kayo?”
Chapter 5: The Road to the ProvinceTahimik ang loob ng sasakyan matapos nilang iwan ang siyudad. Wala nang ingay ng trapiko. Wala nang matataas na gusali. Unti-unti nang napapalitan ng malalawak na taniman at berdeng bundok ang tanawin sa bintana.Ngunit kahit nagbago ang paligid, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Ivan. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam pa rin niya ang init ng galit sa loob ng dibdib niya.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina.Si Beatrice.Ang kanyang dating fiancée. Ang babaeng minsang nangakong mamahalin siya habang buhay na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang lalaki.Napapikit siya sandali.‘So this is how easy it was for her to move on,’ bulong niya sa sarili.“Ivan?”Mahinang tawag ng lola niya ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan siyang napalingon kay Doña Isabella.“Are you okay, apo?” puno ng pag-aalala ang boses nito.Saglit siyang napaisip gusto niyang sabihin na hindi, na nasasak
Chapter 4: The Woman Who Didn’t FlinchMaagang nagising si Ivan sa umagang iyon. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil sa sakit. Kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan.Pagbabago.Tahimik ang loob ng hospital room. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa puting dingding. Ilang segundo siyang nakatingin lang doon, tila pinipilit tanggapin na ngayon ang araw ng kanyang paglabas sa ospital.Ang araw na haharap siya muli sa mundo hindi bilang dating Ivan Montenegro na makapangyarihan at walang kapintasan, kundi bilang isang lalaking naka-wheelchair.Mahigpit niyang hinawakan ang armrest ng kanyang wheelchair.‘You can do this’, bulong niya sa sarili.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Doña Isabella, suot ang elegante ngunit simpleng bestida. Sa likod niya ay may isang nurse na may hawak na discharge papers.“Ivan,” malambing na tawag ng matanda. “Ready ka na ba?”Napatingin siya rito. Handa ba siya?
Chapter 3: A Grandmother’s Promise“Ivan?”Mahina ngunit pamilyar na boses ang narinig niya mula sa pintuan.Dahan-dahang napalingon si Ivan, agad na napahinto ang kanyang paghinga nang makita kung sino ang nakatayo roon. Isang matandang babae na may puting buhok na maayos na nakapusod, suot ang simpleng ngunit elegante na damit. Sa kabila ng kanyang edad, matatag pa rin ang tindig nito ngunit halata sa mga mata ang matinding pag-aalala.“Lola…” paos niyang bulong.Si Doña Isabella Montenegro.Ang nag-iisang taong hindi kailanman tumalikod sa kanya. Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya, halos nanginginig ang mga kamay habang hinahawakan ang mukha ng apo.“Ivan, apo…” nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Gising ka na. Salamat sa Diyos.”Hindi na napigilan ni Ivan ang sarili. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente, naramdaman niyang may isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya hindi dahil sa kanyang pangalan, hindi dahil sa kanyang pera, kundi dahil siya si I
Chapter 2: Taken From HimMabagal na bumukas ang mga mata ni Ivan habang sinalubong siya ng malamig na puting kisame ng hospital room. Ilang segundo siyang natulala, pilit inaalala kung nasaan siya. May mahinang tunog ng heart monitor sa tabi niya—beep… beep… beep…—na tila nagpapaalala na buhay pa siya.Ngunit ang pakiramdam niya… parang kalahati na lang ng sarili niya ang natira. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay. Mabigat, pero gumalaw. Sunod niyang sinubukan ang kanyang mga paa.Wala.Walang kahit anong sensasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang muling sinubukan—mas madiin, mas desperado.“Move…” mahina niyang bulong.Ngunit nanatiling tahimik ang kanyang mga binti. Parang hindi na sila bahagi ng kanyang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang nurse kasunod ang isang doktor.“Good morning, Mr. Montenegro. Gising na po kayo,” mahinahong bati ng nurse.Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa kanyang mga paa na natatakpan ng kumot.“Doctor…” paos
Chapter 1: The AccidentMalakas ang ulan nang gabing iyon, parang may bagyong nagbabanta sa kalangitan. Kumukulog at kumikidlat, at bawat patak ng ulan ay tumatama sa windshield ng itim na sasakyan na parang maliliit na bala.Mahigpit ang hawak ni Ivan Alejandro Montenegro sa manibela habang nakatutok ang kanyang mga mata sa madilim na kalsada. Ang headlights lamang ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng halos walang katapusang dilim.Suot niya ang isang mamahaling suit, charcoal gray at ang kanyang relo na kumikislap sa tuwing tatamaan ng liwanag. Hindi siya basta-basta lalaking nagmamaneho sa gitna ng bagyo.Ngayong gabi, may mahalagang mangyayari.Ngayong gabi, magpo-propose siya at ngayong gabi ay sasabihin niya ang tungkol sa kompanyang sekreto niyang pinatayo. Matagal niyang itinago sa lahat ang pagiging bilyonaryo. Napabuntong-hininga siya habang saglit na sinilip ang maliit na velvet box na nasa passenger seat. Doon nakalagay ang engagement ring isang simpleng ngunit eleganteng







