Share

Chapter 14.1

Venus POV

Nang makarating kami sa ospital ay naghintay nalang kami ni Sage sa waiting area. Wala ding dalang cellphone si tatay kaya hindi namin malaman kung sino ba ang pamilya n'ya. 

Nilingon ko si Sage na nasa tabi ko lang at mukhang malalim ang iniisip. "Pwede ka ng bumalik sa kumpanya, ako na ang bahala dito." 

Mabilis itong umiling at tumingin sa akin. "No. I'll stay here with you. Isa pa, gusto ko ring malaman kung kamusta ang matanda." Aniya. 

Ito siguro ang unang beses na naramdaman kong naging totoo s'ya, kitang-kita ko sa mga mata n'yang nag aalala din s'ya para sa matanda. Siguro ay naiisip n'ya lang din ang lolo at lola n'ya. 

Bumuntong hininga ako bago tumango. Wala naman akong magagawa kung gusto n'ya talaga dumito muna at h'wag na munang pumunta sa kumpanya. 

"Sige. Aalis muna ako, bibilhan ko lang ng mga prutas at pagkain si tatay." Paalam ko sa kanya ata agad na tumayo. 

Ngunit agad n'ya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ahaha malay mo totoo sinabi nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status