Share

Chapter 18.1

Venus POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nakabalot parin sa katawan ko ang kumot ni Sage. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na s'ya doon! 

Dahan-dahan akong naupo at pinakiramdaman ang sarili. Mabuti naman at hindi na masyadong masakit sa ibaba- napatingin ako sa wall clock at alas-diyes na pala! Napahaba ang tulog ko! 

Kinuha ko ang damit na nakapatong sa sofa, mukhang nagligpit na rin si Sage bago umalis ng bahay ngunit hindi man lang ako ginising! 

Sinuot ko ang mga underwear ko at agad na binuksan ang closet ni Sage. Maayos na nakasalansan ang mga damit n'ya. By color ang pagkakaayos ng mga ito! Kinuha ko ang black round t-shirt at agad na isinuot. 

Nagmukha tuloy itong dress dahil malaki at mahaba. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok at lumabas ng kwarto n'ya. Dumiretso ako sa kwarto ko dala ang damit kong hinubad sa akin ni Sage kagabi. Inilagay ko 'yon sa basket at napansin ko ang suot kong damit kahapon n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status