Share

HT - 4

Author: KenTin_12
last update Last Updated: 2022-02-15 19:18:57

Hapon na pero wala pa rin akong nakukuhang text galing kay Xerxes. Hindi pa rin kaya tapos iyong pinapagawa ni Mrs. Reyes sa kanya? 

Nakatulog na lang ako lahat-lahat kahihintay sa text niya pero wala akong natanggap man lang. 

Bumaba ako sa sala namin at tumungo roon sa dining, nakita ko si mommy na nagluluto ng pancake. Kinuha ko ang pitchel sa refrigerator, nagsalin ako sa aking baso. 

"Princess, gising ka na pala. Gusto mo?" Lumingon ako kay mommy habang nilalagok ko ang aking tubig. 

"Opo, mommy. Thank you po." aniya ko at nilagyan ulit ng tubig ang aking baso. 

Dinala ko ang aking baso sa lamesa, kumuha na ako ng dalawang plato at dalawang tinidor. Inayos ko na ito sa dining table namin. 

"Ali," napalingon ako kay mommy ng tawagin niya ang pangalan ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba?" 

Hindi ako nakagalaw ng sabihin ni mommy niyon. Masakit pa rin ba? Kanina bago ako makatulog sumakit ulit ang aking dibdib, buti na lang nawala ulit ng makainom ako ng gamot ko. 

Tinignan ko si mommy at saka umiling sa kanya. Ayokong mag-alala na naman sila sa akin. 

"Okay na po ako, mommy. Maayos na po pakiramdam ko." anito ko at ngumiti sa kanya. 

"It's good to hear that, princess. Sinabi ko sa dad mo ang nangyari sa'yo kahapon. Kapag 'di pa naging okay ang pakiramdam mo, ipapa-consult ka ulit namin." seryosong saad ni mommy sa akin. 

Ngumiti ako sa kanya, "okay na po ako, mommy. Maayos na po ang nararamdaman ko." 

Pasado alas-tres na ng hapon, nakahiga ako sa aking kama habang nakatitig sa aking cellphone. Wala pa rin paramdam sa akin si Xerxes. 

"Hay! Ano ba talagang pinagagawa ni Mrs. Reyes sa inyo, Xerxes." 

Napapabuga na ako nang hangin dito sa k'warto ko. Ilang beses ko na rin siyang tinetext pero wala akong nakukuhang reply galing sa kanya. 

Sobrang clingy ko na ba iyon?

Tinungo ko ang computer desk ko, binuksan ito at nag-log-in sa aking account sa peysbok, makikibalita na lang ako sa online world.  Sa kasagsagan ng aking pag-i-scroll, nakita ko ang post ni Mrs. Reyes, na siyang pagkakirot ng aking puso. 

Napalunok ako at namumuo na ang iilang butil ng pawis sa aking noo kahit malamig naman sa aking k'warto. 

Sa peysbok post ni Mrs. Reyes ay isang picture niya na kasama sina Xerxes at Edel. Nakangiti sa larawan si Xerxes, minsan lang siya ngumingiti sa mga picture at madalas kapag kami ang nagse-selfie 'di rin siya ngumingiti, bilang lang sa mga picture namin na nakangiti siya. 

Lalo akong nagselos sa larawan ng makita ang caption ni Mrs. Reyes, "My best students. They're lovely, right?" may kasama pa itong heart emoji and maraming heart emojis. 

Hindi ko alam pero nagseselos talaga ako kay Edel, matalino siya katulad ni Xerxes. Ako, isang average student at nakilala lang dahil kay Xerxes. 

Nawalan na ako nang ganang mag-scroll kaya pinatay ko na ang computer na gamit ko. Nilayo ko rin ang cellphone ko, sinaylent ko ito para 'di marinig kung may message o tawag man siya sa akin. 

Sa buong araw na iyon, kinulong ko na naman ang aking sarili sa loob ng k'warto. 

KINABUKASAN, tinanghali na naman ako ng gising. Wala ako sa mood na kumilos man lang, 'di pa ako kikilos dapat kung 'di na naman sumakit ang aking dibdib buti na lang agad din ito nawala. 

"Late morning, mommy!" bati ko kay mom ng makita ko siyang nakaupo sa may sofa habang may nginangatngat. 

"Oh, princess, you're late." Tumango ako sa kanya at umupo sa kanya tabi. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Did you have a bad dream? Are you okay, Ali?" nag-aalala niyang tanong sa akin at nilagay niya ang kanyang kanang palad sa aking noo. 

I gasped softly and nodded at her, "a bad dream, mommy."

"Hindi ka naman mainit," dugtong na sabi niya pagkatapos niyang hawakan ang aking noo. "Kagabi ng alas-siyete, dumating si Xerxes hinahanap ka niya. Hindi ka raw nagrereply sa text messages niya. Nag-away ba kayong dalawa?" 

Seven in the evening na siya nakauwi? Text messages? Hindi ko pa rin kasi hinahawakan niyong phone ko at wala akong balak kunin niyon.

Tumango na lang ako kay mommy, "mom, tomorrow po need kong pumunta sa university na papasukan ko po. Bukas po ang entrance examination ko po roon." balita ko kay mommy. 

Nakita ko ang pagtataka niya sa kanyang mukha. Nakalimutan siguro ni mommy. 

"Did you forget, mommy?" pagtatanong ko sa kanya. 

"Of course not, princess. Same course kayo ni Xerxes, right?" balik na tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.

Balak namin kumuha ng Bachelor Secondary Education, nu'ng una nagdadalawang isip pa ako pero dahil sa nakita ko nang magkaroon kami ng outing nila mommy, sobrang konti ng mga teacher lalo na sa mga liblib na lugar. 

I nodded to mommy, "opo. Teka, mom, kain po muna ako. Sige po, nood po muna ulit kayo." paalam ko sa kanya at gumawi sa dining namin. 

Kailangan kong paghandaan niyong examination bukas, hindi ako p'wedeng bumagsak kaya after kong kumain umakyat na ulit ako upang i-focus ang aking sarili para bukas.

Nasa kasagsagan ako ng pagrereview ng may kumatok sa pinto ng k'warto ko, paulit-ulit na katok kaya tumayo na ako at pinabuksan ito. Nakatayo roon si Xerxes na naka-board short na hot pink and v-neck shirt na kulay itim siya. Ang hot niya tignan, isama mo pa na nakasalamin siya, na low bridge eyeglass. 

"X-xerxes..." mahinang sabi ko sa kanyang pangalan at palihim na napalunok dahil sa kanyang titig. 

"Why don't you reply to my text messages to you?" malalim niyang tanong sa akin. 

Napaiwas ako ng aking tingin sa kanya, grabe naman kasi niyong mata niya. "Nakatulog ako nang maaga kagabi dahil sa pagod ko. Saka, nakikita mo naman diba, Xerxes, nagrereview ako para bukas sa entrance examination natin. Hindi ako p'wede bumagsak doon." mahabang paliwanag ko sa kanya at tinuro ko po kay Xerxes ang nakabukas kong computer. 

Nakatingin lang siya sa akin kaya iniwan ko na siya roon sa pinto ng k'warto ko, bumalik na ulit ako sa aking pagrereview. 

"I'm sorry, babe, if I didn't reply to your text messages yesterday." Napatigil ang pa-scroll ko. "Hindi namin namalayang niyong oras, Ali." 

Hindi ko alam kung sinsero ba ang pagkakasabi niya, seryoso naman ang mukha niya pero parang 'di naging sapat sa akin ang paliwanag niya. 

Hindi niya namalayan ang oras? Aish, may wristwatch siyang suot, makikita niya ang oras doon. 

Nakisiksik siya sa aking gaming chair. "I will help, babe. Hindi p'wedeng 'di tayo magkasama, Ali. Kung nasa'n ka, nandoon din dapat ako. We promised each other right? Nothing will separate the two of us." nakangising sabi niya sa akin at sabay kaming nag-aral. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
edel pala akala ko ella
goodnovel comment avatar
Charmz1394
baka nmn may kinatagpong iba si xerxes at ung si ella ba iun
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Heartless Tears   Special Chapter 3 - SPG

    "Mommy," napalingon ako ng marinig ang boses ng panganay kong anak. "Annarise, broke this mommy." Pinakita niya sa akin ang sirang cable wire ng kanyang charger sa tablet.Napabuga na lang ako nang hangin ng makita kong gunit-gunit na ang charger na hawak ni Axel. Axel was eleven years old, while Annarise was eight years old.Hinawakan ko ang buhok ni Axel, "magpapabili na lang ulit tayo kay daddy, okay? You will also scold Annarise once, so that she won't touch your belongings." bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Pero, duda akong pagagalitan niya ang kapatid niya. Simulang isilang ko si Annarise naging best kuya na siya sa kapatid niya. Kapag nga umiiyak ito, siya na mismo ang nagpapatahan. Naging supportive brother siya sa mga kapatid niya. "Annarise!" tawag ko sa pangalan ng pangalawang anak namin ni Xerxes. "Mommy!" Agad ko namang narinig ang boses niya at mga paang palapit sa aking p'westo. "Why po, mommy?" nakangiting tanong niya s

  • Heartless Tears   Special Chapter 2

    "Mami, the baby is bigger in your tummy po?" Napatingin ako kay Axel ng hawakan niya ang malaki ko ng tiyan. "Yes po, big boy Axel. Lalabas na ang baby kay mommy. Magiging kuya kana." Nakangiti kong sabi sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ngumiti siya sa akin, nawala pa nga ang mga mata. "Mami, Dada will be here na po. Nag-ti-timpla lang po siya ng milk niyo po." saad niya sa akin. Hinaplos niya ang aking baby bump habang sinasabi ang salitang, "I will be good kuya, baby." Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang aking tiyan."You will be big boss," Sabay kaming napatingin ni Axel ng may magsalita. Nakita namin si Xerxes na nakangiting nakatingin sa amin habang hawak sa kanyang kanang kamay ang isang basong gatas. "Dada!" sigaw ng anak namin ng makita ang daddy niya. Lumapit siya sa amin. "Here's your milk, mommy!" saad ni Xerxes sa akin at inabot ang gatas sa akin. Napanguso ako sa kanya. Hindi ko alam pero ngayong buntis ul

  • Heartless Tears   Special Chapter 1

    XERXES POINT OF VIEW“Xerxes, We have to leave. Maybe your aunt Anna and their only child Alistair are already there.”Napatingin ako kay mommy habang nagsasalita siya. Busy ako sa pagbabasa ng educational book na binili sa akin ni daddyMaaga akong ginising ni mommy. Magkikita raw kasi sila ng classmate nila ni daddy noong nasa highschool pa lang sila.She even made me wear a dinosaur shirt, I didn’t like it. They are not true.I was still staring at mommy as she put an earring in her ear. She was looking in the mirror in our living room.“You're just the same age as their daughter, Xerxes. For sure you two will get along. ” She smiled at me as she said that.How can we reconcile with their friend's child if their child is a girl?I don’t know what mommy is thinking. I would rather go to grandpa than go with them. Brother Zachary was there.“Mia, come on! Baka nandoon na sila, it would be embarrassing for them to wait so long for us.” I hear

  • Heartless Tears   END - SPG

    Kinagabihan, nauna akong bumalik sa hotel room namin. Sina mommy and tita Mia ay nasa spa at nagpapamasahe. Sila daddy naman ay nag-iinuman sa may cottage kaya bumalik na lang ako rito.Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at niluwal nu'n ay si Axel. Nagtatakang tinignan ko siya. Siya lang ba ang umakyat? "Mami, wear this po!" Tinignan ko ang hawak niyang handkerchief, tinaas niya ito sa akin para makita ko.Nilapag ko ang magazine na aking binabasa. "Para saan ito, Axel?" pagtatanong ko sa kanya. Kanina kasama niya ang daddy niya. Nasaan na ang isang niyon? Bakit hinayaan niyang umakyat mag-isa si Axel. "Where's your daddy?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat na lamang. Lumapit siya sa akin at binigay ang handkerchief. "Tito Reed pu nagdala sa akin dito. Dada said suot niyo raw pu ito." saad niya sa akin at nilapag niya ang handkerchief sa aking hita. "Tapos, Mami, wo-walk po tayo pababa. Pupuntahan po natin si

  • Heartless Tears   HT - 58

    "Mami, maganda po ba roon? Sabi ni Dada linis daw po roon." Napangiti akong tumingin kay Axel. Kanina pa siya nagtatanong about sa pupuntahan naming beach resort bukas. Ginawa nga ni Xerxes ang sinabi niya, tinapos niya lahat ng requirements na kailangan niyang ipasa kaya heto si Axel tuwang-tuwa at halos ayaw na matulog. "Yes, big boy. Family friend nila wowo mo ang may-ari noon." ngiting sagot ko sa kanya. Family friend nila tito Zark ang may-ari ng beach na pupuntahan namin. "May mga fish tayong makikita roon, Mami?" tanong ulit niya sa akin. Inayos ko ang buhok niya tumatabing sa mukha niya. Mahaba na rin ang buhok ni Axel, need ko na siguro siyang pagupitan din. Ngumiti ako sa kanya, "yes po. Maraming fish doon. Kaya matulog ka na big boy para bukas pagkagising mo marami kang lakas na mamasyal." ani ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. "Okay pu, Mami!" Pagkasabi niyang iyon ay nakita ko na siyang humihilik. Inayos ko ang kumot

  • Heartless Tears   HT - 57

    "We need to talk, Xerxes?" seryoso kong sabi sa kanya. Nandito kami sa unit kung saan nag-rent ng isang araw ang family nila Xerxes. Hindi na kasi p'wedeng umuwi ang ibang guest dahil lasing na ang mga lalaki baka mapahamak pa sila. Lumingon siya sa akin ng mailapag niya si Axel. Tulog na tulog ang anak ko, mukhang napagod kakalaro kanina dahil sa birthday party niya. Sila mommy naman ay nasa kabilang room din. Hindi na kami nakauwi at nagpasyang dito na magpalipas ng buong araw. "About saan, Ali?" Lingon na tanong niya sa akin.Nakita kong hinaplos niya ang pisngi at buhok ng anak namin na si Axel. Tumalikod ako sa kanya, "about sa atin, Xerxes." saad ko sa kanya at lumabas sa k'wartong kinalalagyan namin.Ito na ang oras para malaman ko ang tunay sa pagitan nilang dalawa ni Edel. Kung sila talaga at masaya sila sa isa't-isa hindi na ako hahadlang para sa kanilang dalawa.Ilang segundo lang din ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status