"Hi, babe!"
Ang aga niya ngayon. Alam kong bawal ma-late sa entrance examination pero sobrang aga naman niya.
"Good morning," tipid na bati ko sa kanya.
Nilagay ko sa tabi niya ang bagpack kong kulay pink, "kumain ka na, Xerxes?" pagtatanong ko sa kanya at nilahad ang aking kanang kamay.
"Mm-hmm... But, I want to see you eating, babe." anito sa akin at nakita kong may ngisi sa kanyang labi.
"Ang pilyo mo na naman, Xerxes! Kumain na tayo baka mahuli tayo mamaya!" saway ko sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran.
Pasaway naman kasi.
Sumakay na lang kami ng jeep papunta sa Carter's University, malapit lang naman ito sa subdivision kung saan kami naninirahan.
"Sana makapasa ako, Xerxes. Kinakabahan tuloy ako." mahinang sabi ko sa kanya at kiniskis ang magkabila kong kamay para mawala ang aking kaba.
Hinawakan ni Xerxes ang aking kamay, pinatigil niya ito sa pagkiskis at dinala sa kanyang labi. "Papasa tayong dalawa, okay? Makakapasa ka," paniniguradong sabi niya sa akin.
Napaka-optimistic talaga niya mag-isip. Hindi siya nawawalan ng pag-asa sa akin.
"Si Edel ba iyon, Xerxes?" aniya ko sa kanya at tinuro ang babaeng naka-pink jacket, nakalugay ang buhok niya at nagbabasa siya ng libro habang naglalakad.
Nakalapat ang aking kanang pisngi sa kanyang kaliwang braso habang tinuturo ko pa rin niyong babae. Puro kasi siya nasaan, 'di raw niya makita. Malabo talaga ang mata niya.
"Ayon, oh! Iyong nasa bandang kanan natin!" naiinis na turan ko sa kanya. Hindi pa rin niya kasi makita. "Nakita mo na ba?" Tumango siya sa akin. "Dito rin pala siya, ano? Ano kaya kursong kukunin niya?" pagtatanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin kay Edel.
Ang sipag talaga niya. Sana naging matalino rin ako katulad niya.
Nakarating kami ni Xerxes sa room na naka-assign sa amin, lalo tuloy dumoble ang kabang nararamdaman ko kahit malamig dito sa room, nag-uumpisa ng mamawis ang aking kili-kili at aking noo.
Kaya ko 'to!
Nag-umpisa na ang aming pagsusulit. Wish me luck!
FIVE HOURS, tapos na ang examination namin na nakakadugo. Sinabihan kami ng instructor namin na makakatanggap kami ng email from the University kung nakapasa kami sa entrance examination, isang araw lang daw iyon para malaman namin.
Sobrang nahirapan ako sa logic, nakakahilo. Sinulyapan ko si Xerxes, wala akong nakitang bakas na nahirapan siya sa mga tanong. Genius kasi ang malabong matang ito.
"Are you hungry, babe? Kain tayo, saan mo gusto?" sulpot na tanong niya sa akin. Hindi ko namalayang nakarating na pala siya sa harapan ko.
Tumango ako ng dalawang beses sa kanya. Nagutom ako dahil sa mga tanong. "Kahit saan basta mabubusog ako, Xerxes!" aniya ko rito at nagpa-cute. Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina.
"Mom, I passed the entrace examination at Carter's University! Tignan niyo po!" masayang pagbabalita ko kay mom!
Pinakita ko sa kanya ang cellphone na hawak ko, at tinuro ang surname namin: Roxas, Alistair. Bachelor Secondary Education.
"Congratulations, princess! Tatawagan ko agad ang daddy mo, ibabalita ko ang tungkol dito!" masayang sabi niya sa akin at kinurot pa ang aking kanang pisngi.
"Mom, lalabas lang po ako, ha? Ibabalita ko kay Xerxes tungkol po rito baka 'di na naman tumitingin sa email ang isang iyon!" paalam ko kay mommy na abala na sa pakikipag-usap sa telepono.
Hindi ko na siya nahintay na sumagot at lumabas na ako sa bahay namin. Dalawang bahay ang pagitan ng kanilang bahay sa amin.
Nang nasa tapat na ako ng kanilang gate, dalawang beses ako nag-door bell at may nagbukas agad sa akin, ang matagal na nilang kasambahay.
"Good morning, Ali." bati niya sa akin at sinabing nasa likod ng bahay nila si Xerxes.
Dumiretso ako roon, natanaw ko siyang nakaupo sa hammock nila habang may bitbit na gitara.
"Xerxes," tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon siya sa akin at sumilay ang matamis niyang ngiti.
"Nakapasa ako!" masayang balita ko sa kanya at nilabas ko ang aking cellphone, pinakita sa kanya ang pangalan ko at ang pangalan niya. "Hindi mo pa siguro alam, ano? Ikaw talaga kahit kailan 'di ka nagbubukas ng email. Aish, Xerxes!"
"I told you, you will pass, babe." he said and grinned at me.
"Carter's University! Here we go! Yehey!" I said happily and I giggled.
Tumabi ako sa kanyang inuupuan, kinuha niya sa akin ang cellphone na dala ko. "Sino hahanapin mo?" I asked habang inuugoy ang duyan na ito.
"Edel,"
Napatigil ako sa pag-ugoy ng sabihin niya iyon. "Ah," tipid na sabi ko sa kanya.
Bakit kailangan niya hanapin ang pangalan ni Edel, panigurado namang pasado siya. Sa talino na isang iyon.
Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya habang hinahanap niya ang buong pangalan ni Villanueva, Edel.
"She passed." mahinang sabi niya habang nakaturo roon sa pangalan ni Edel.
Hindi ako umimik sa kanyang sinabi pero napatanga ako ng makita ang kursong kinuha ng babae.
"Education course rin kinuha niya?" bulalas na tanong ko sa kanya at tanging tango lamang niya ang aking natanggap.
We both took the same course. Pareho kaya kami ng major na kinuha rin?
Napakapit ako sa gilid ng hammock ng maramdaman kong kumirot ang aking kanang dibdib. Ito na naman siya. Huminga ako nang malalim, pa-simple kong tinignan si Xerxes nasa cellphone ko pa rin ang kanyang tingin. Mahina kong tinapik ang aking dibdib pero hindi pa rin nawawala ang pagkakirot nito.
Tumayo ako sa duyang inuupuan namin. "Akin na iyong phone ko, Xerxes..." Nakalahad na ang aking kanang kamay sa harapan niya.
"Are you coming home, babe? Mag-stay ka muna rito saglit." Umiling ako sa kanyang sinabi.
"M-may gagawin pa pala ako, Xerxes." Pinipilit kong hindi umaray dahil sa nararamdaman ko. Nakakapit na ako sa gilid ng aking suot pambaba dahil tumitindi ang pagkirot nito.
"Are you okay? You look pale..." nag-aalala niyang tanong sa akin at tumayo siya sa duyan.
"Y-yes, Xerxes! I'm okay! Give me my phone!" Nakailang lunok na ako para maitago ang sakit na nararamdaman ko.
Nakatingin lang siya sa akin kaya ako na mismo ang umagaw sa cellphone ko sa kamay niya.
"Got to go, Xerxes! Maya na lang ulit." Ngiting sabi ko sa kanya at lumabas na sa gate nila.
Pagkarating ko sa bahay, nakita ko si mommy na nagdidilig ng mga bulaklak na tanim niya.
"Mommy, it hurts again..." nanginginig na tawag ko sa kanya at bigla na lang dumilim ang aking paligid.
"Mommy," napalingon ako ng marinig ang boses ng panganay kong anak. "Annarise, broke this mommy." Pinakita niya sa akin ang sirang cable wire ng kanyang charger sa tablet.Napabuga na lang ako nang hangin ng makita kong gunit-gunit na ang charger na hawak ni Axel. Axel was eleven years old, while Annarise was eight years old.Hinawakan ko ang buhok ni Axel, "magpapabili na lang ulit tayo kay daddy, okay? You will also scold Annarise once, so that she won't touch your belongings." bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Pero, duda akong pagagalitan niya ang kapatid niya. Simulang isilang ko si Annarise naging best kuya na siya sa kapatid niya. Kapag nga umiiyak ito, siya na mismo ang nagpapatahan. Naging supportive brother siya sa mga kapatid niya. "Annarise!" tawag ko sa pangalan ng pangalawang anak namin ni Xerxes. "Mommy!" Agad ko namang narinig ang boses niya at mga paang palapit sa aking p'westo. "Why po, mommy?" nakangiting tanong niya s
"Mami, the baby is bigger in your tummy po?" Napatingin ako kay Axel ng hawakan niya ang malaki ko ng tiyan. "Yes po, big boy Axel. Lalabas na ang baby kay mommy. Magiging kuya kana." Nakangiti kong sabi sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ngumiti siya sa akin, nawala pa nga ang mga mata. "Mami, Dada will be here na po. Nag-ti-timpla lang po siya ng milk niyo po." saad niya sa akin. Hinaplos niya ang aking baby bump habang sinasabi ang salitang, "I will be good kuya, baby." Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang aking tiyan."You will be big boss," Sabay kaming napatingin ni Axel ng may magsalita. Nakita namin si Xerxes na nakangiting nakatingin sa amin habang hawak sa kanyang kanang kamay ang isang basong gatas. "Dada!" sigaw ng anak namin ng makita ang daddy niya. Lumapit siya sa amin. "Here's your milk, mommy!" saad ni Xerxes sa akin at inabot ang gatas sa akin. Napanguso ako sa kanya. Hindi ko alam pero ngayong buntis ul
XERXES POINT OF VIEW“Xerxes, We have to leave. Maybe your aunt Anna and their only child Alistair are already there.”Napatingin ako kay mommy habang nagsasalita siya. Busy ako sa pagbabasa ng educational book na binili sa akin ni daddyMaaga akong ginising ni mommy. Magkikita raw kasi sila ng classmate nila ni daddy noong nasa highschool pa lang sila.She even made me wear a dinosaur shirt, I didn’t like it. They are not true.I was still staring at mommy as she put an earring in her ear. She was looking in the mirror in our living room.“You're just the same age as their daughter, Xerxes. For sure you two will get along. ” She smiled at me as she said that.How can we reconcile with their friend's child if their child is a girl?I don’t know what mommy is thinking. I would rather go to grandpa than go with them. Brother Zachary was there.“Mia, come on! Baka nandoon na sila, it would be embarrassing for them to wait so long for us.” I hear
Kinagabihan, nauna akong bumalik sa hotel room namin. Sina mommy and tita Mia ay nasa spa at nagpapamasahe. Sila daddy naman ay nag-iinuman sa may cottage kaya bumalik na lang ako rito.Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at niluwal nu'n ay si Axel. Nagtatakang tinignan ko siya. Siya lang ba ang umakyat? "Mami, wear this po!" Tinignan ko ang hawak niyang handkerchief, tinaas niya ito sa akin para makita ko.Nilapag ko ang magazine na aking binabasa. "Para saan ito, Axel?" pagtatanong ko sa kanya. Kanina kasama niya ang daddy niya. Nasaan na ang isang niyon? Bakit hinayaan niyang umakyat mag-isa si Axel. "Where's your daddy?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat na lamang. Lumapit siya sa akin at binigay ang handkerchief. "Tito Reed pu nagdala sa akin dito. Dada said suot niyo raw pu ito." saad niya sa akin at nilapag niya ang handkerchief sa aking hita. "Tapos, Mami, wo-walk po tayo pababa. Pupuntahan po natin si
"Mami, maganda po ba roon? Sabi ni Dada linis daw po roon." Napangiti akong tumingin kay Axel. Kanina pa siya nagtatanong about sa pupuntahan naming beach resort bukas. Ginawa nga ni Xerxes ang sinabi niya, tinapos niya lahat ng requirements na kailangan niyang ipasa kaya heto si Axel tuwang-tuwa at halos ayaw na matulog. "Yes, big boy. Family friend nila wowo mo ang may-ari noon." ngiting sagot ko sa kanya. Family friend nila tito Zark ang may-ari ng beach na pupuntahan namin. "May mga fish tayong makikita roon, Mami?" tanong ulit niya sa akin. Inayos ko ang buhok niya tumatabing sa mukha niya. Mahaba na rin ang buhok ni Axel, need ko na siguro siyang pagupitan din. Ngumiti ako sa kanya, "yes po. Maraming fish doon. Kaya matulog ka na big boy para bukas pagkagising mo marami kang lakas na mamasyal." ani ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. "Okay pu, Mami!" Pagkasabi niyang iyon ay nakita ko na siyang humihilik. Inayos ko ang kumot
"We need to talk, Xerxes?" seryoso kong sabi sa kanya. Nandito kami sa unit kung saan nag-rent ng isang araw ang family nila Xerxes. Hindi na kasi p'wedeng umuwi ang ibang guest dahil lasing na ang mga lalaki baka mapahamak pa sila. Lumingon siya sa akin ng mailapag niya si Axel. Tulog na tulog ang anak ko, mukhang napagod kakalaro kanina dahil sa birthday party niya. Sila mommy naman ay nasa kabilang room din. Hindi na kami nakauwi at nagpasyang dito na magpalipas ng buong araw. "About saan, Ali?" Lingon na tanong niya sa akin.Nakita kong hinaplos niya ang pisngi at buhok ng anak namin na si Axel. Tumalikod ako sa kanya, "about sa atin, Xerxes." saad ko sa kanya at lumabas sa k'wartong kinalalagyan namin.Ito na ang oras para malaman ko ang tunay sa pagitan nilang dalawa ni Edel. Kung sila talaga at masaya sila sa isa't-isa hindi na ako hahadlang para sa kanilang dalawa.Ilang segundo lang din ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Naka