“Humingi na lang po kayo ng tawad kay Phoebe Concepcion, Miss Glyzza.” Sabi ng Campus Director.“No, I will never do—”“Glyzza! Apologize to her!” Ang dumadagundong na boses ni Daddy Felix ang aking narinig mula sa likuran ni Glyzza. Naglalakad ito papunta sa kinaroroonan namin. “No, dad! Siya dapat ang manghingi ng—”“Apologize to her right now!” Mariin niyang sabi kay Glyzza.Anong klaseng drama na naman kaya ito?Nanatiling tikom ang bibig ni Glyzza kaya nakapag-desisyon akong umalis na lang. Iniwan ko sila roon.Ang tingin ng ibang tao sa akin ngayong gabi ay isang kontrabida. Isang babaeng nang-aapi kay Glyzza. Isang maruming babae na hindi nababagay sa ganitong lugar. Pagak akong natawa. Hindi na ako magtataka kung marami na ang mga taong galit sa akin bukas. Nakikita ko si Myla kaya sa kanya ako dumi-diretso at niyayakap ko siya ng mahigpit. Dahil wala na akong ibang malalapitan. Siya lang ang nag-iisang tao na nakakaintindi sa akin. “Ayos ka lang ba?” Nag-aalala na tanong
Nakangiti si Myla na sumalubong sa akin. Ang ibang mga estudyante ay sumsayaw pa rin sa gitna. Hinahanap ng mga mata ko si Darius pero nakikita ko siyang kausap ang isa sa mga professor namin. Habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasan ang humanga. Mabuti naman at marunong din pala siyang makisama.Hindi naman pala siya ganun ka-bato. Pero aaminin kong seryoso ang mukha niya at hindi man lang siya tumatawa. Kahit na isang pekeng pagtawa man lang. Ang hirap niya namang pasayahin. Sumasayaw na si Myla sa gitna kasama ang partner niya kanina habang ako naman ay nananatili rito sa mesa. Kumaway pa si Myla at sinenyasan ako na papuntahin doon sa gitna kaya tumayo ako at akmang lalapit na sana nang biglang may tumulak sa akin. Dahilan para madapa ako.Kitang-kita ko ang gulat na reaksyon sa mukha ng kaibigan ko. Unti-unti akong tumayo pero bigla nalang may humila sa buhok ko. Agad kong nararamdaman ang sakit kaya ko sinubukan na pigilan ang mga kamay nitong humila sa buhok ko.“Ano b
BAGO matapos ang event ay pinasayaw muna kaming lahat sa gitna. Maraming lalaki ang lumapit sa akin para makipag-sayaw pero hindi ako pumayag. Pero kahit na tinanggihan ko sila, lumalapit pa rin sila sa akin. Halos ng mga estudyante ay nag-eenjoy at sumasayaw hanggang sa kanilang makakaya. Naiihi na lang ako bigla kaya nakapag-desisyon akong pumunta muna sa comfort room. Pagkatapos umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago naglagay ng alcohol. Lalabas na sana ako pero biglang may humarang sa akin para hindi ako makalabas. Mga grupo ito ng mga kababaihan. Unti-unti nilang tinanggal ang kanilang mga maskara. Nagugulat ako pero hindi ko pinahalata. Hindi na ako magtataka kung ako ang inaabangan nila. Si Glyzza at Glydel ang aking nakikita kasama ang apat na babaeng sa tingin ko ay mga kaibigan nilang dalawa. Ano kaya ang plano nito?Sa wakas ay nagkikita na kaming muli. Hindi ko akalaing sa pagkakataon pa na ito, nasa loob ako ng comfort room. Isang naunuya na ngiti ang kanyang igi
Kumain muna kaming lahat. “Good evening, ladies and gentlemen! I hope you’ve all enjoyed the dinner and the company of your wonderful peers. But now, it’s time for a very special moment.As part of our tradition, we’ll now be calling our Belle of the Night, the one who captivated us all with her elegance. She will be invited to the stage for a very special dance with one of our distinguished sponsors, Mr. Darius Villarosa.Let’s give a round of applause as we welcome our Belle of the Night–Miss Phoebe Concepcion, to the stage for this unforgettable moment." sabi ng host.Hindi ko kaya, nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba at takot.“Go, bes! Chance mo na ito,” ramdam ko ang excitement sa boses ni Myla.Hindi. Ayoko. Andaming tao! Natatakot ako. Pero huli na dahil hinila na ako ni Myla papunta sa harapan. Ang babaeng ito talaga! Wala akong choice kundi ang umakyat sa stage at lumapit ako kay Darius. Kahit na nakamaskara ay ramdam ko pa rin ang lamig dahil sa mga titig na ibinigay
“Oh my god, nakatingin sila sa’yo.” Ramdam ko ang pagkurot ni Myla sa balat ko.Hindi ako komportable sa mga mata na nakatingin sa akin. “Magandang gabi sa inyong lahat, and welcome to our most enchanting night of the year. Tonight is not just any ordinary evening. It’s a celebration of elegance and unforgettable memories. To our dear guests, thank you for coming tonight. And to our generous sponsors, this night wouldn’t be possible without you. Thank you very much. Students, this is your moment to shine, to dance, and to enjoy the night with friends, classmates, and new faces. Welcome, and may this Masquerade Ball be a night to remember.” Anunsyo ng host.Nagpalakpakan naman ang lahat.Naglalakad kami patungo sa table namin habang nagpapatuloy sa pagsasalita ang host. Kinakabahan ako ng sobra. Biglang may lumapit sa table namin, isang lalaki at kinausap ako. Ang akala ko ay makikipagsayaw pero hindi pala. Sa halip ay kinuha nito ang kanyang cellphone para hingin ang cellphone number
ANG akala ko ay mag-shopping kami ng damit na susuotin niya pero hindi pala. Lahat ng mga binili niya ay para sa akin. Sandals, jewelries, bags at marami pang ibang dresses. “Oh heto pa, sa’yo lahat ng ito.” Sabi niya.“Hindi mo na ako kailangan na bilhan pa nito,” reklamo ko sa kanya.Umiling siya. “No, No! Gusto ko lang makasigurado na present ka sa araw na ‘yun. Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa’yo sa araw na ‘yon.” “Bakit kailangan mo pa akong bilhan ng damit?”Pilay siyang ngumiti. “Dahil ang mga sponsor ng unibersidad at ang ibang importanteng bisita ay dadalo sa ball na ‘yon tulad noong mga nakaraang taon. Baka matipuhan ka ng isa sa kanila, di’ba?”Napailing na lang ako dahil sa lawak ng imahinasyon niya. Ano naman ngayon kung bibisita sila? Paanong magkakagusto sa akin ang isa sa kanila? Ang dami kasing binili nitong si Myla. Higit kasi sa sampo ang mga pinamili niya. Lahat ng ito ay para sa akin. Ngayon, kung uuwi ako ng bahay at makikita ako ni Darius dala ang
“Sa totoo lang, hindi mo dapat siya iniiwasan,” naririnig kong sabi ni Myla. Halata sa boses niya na naiinis siya.“Hindi ko naman siya iniiwasan, ikaw itong nagtulak sa akin na sa kabila na lang tayo dadaan.” Sabi ko. Bigla siyang napakamot sa ulo niya.“Basta next time, huwag kang huminto. Tila naestatwa ka kasi kanina, kaya ang akala ko ay hindi ka pa handa na makita siya.”Handa nga ba akong haraping muli sina Glyzza at Glydel?Siguro ay hindi ko pa siya kayang harapin. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magtagpo ang landas namin. “The uniform she’s wearing… it was mine.”“I know! Dahil pinalitan na niya kayo ng ate mo. Her twin sister was also wearing your ate Ophelia’s dresses.”Kuyom ang aking kamay dahil sa galit na naramdaman ko. Hindi matanggap ang salitang aking narinig. “Alam ko. Dati pa, inaagaw na nila ang mga bagay na para sa amin. Iyan din ang isa sa mga rason kung bakit kami pinalayas ng bahay,”Kung sana… naging mabuti lang din ang ama ko at ang mga
Maya’s POVMAAGA akong gumising kinabukasan. Gusto kong ipaghanda ng agahan si Darius. Hindi ko naman ito karaniwang ginagawa pero… kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya.Ilang linggo na rin akong nagpapaturo kay Manang Lita tungkol sa mga paboritong pagkain ni Darius. Nahihiya lang akong magluto para sa kanya at baka hindi pa ako masyadong magaling. Baka hindi niya magustohan ang luto ko.Pinuntahan ko na muna si Quila at kinarga saka pinupuno ng halik ang buong mukha. Maya-maya lang ay ibinalik ko na siya sa kanyang crib pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina.“Maaga ka ngayon, anak,”“Ipagluto ko po sana si Darius… para makakain po siya ng maayos, manang.”Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin pero binalewala ko na lang. Sinamahan ako ni Manang Lita sa pagluluto ngunit ako lang ang gumagawa ng lahat. Gusto kong subukan na ako lang. Ang niluluto ko ay ginataang kalabasa. Hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang lasa nito dahil hindi naman tala
Darius’s POVSHE’S peacefully sleeping in my bed. Hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang makinis na mukha. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti dahil sa nangyari sa amin sa private suite ko. At nasundan pa ang pangyayaring iyon. Ako ang unang halik niya. Ako ang unang lalaking kumuha sa kanyang pagkabirhen. Tungkol naman sa pag-angkin ko sa kanya, hindi ko inaakalang inaalagaan pa niya ang kanyang puri gayong nagmula siya sa isang galanteng angkan. Ang akala ko ay hindi ako ang una.Iyon talaga ang inaasahan ko noong unang gabing pagkatapos naming ikasal. Ang akala ko ay isa siyang liberated na babae tulad na lang ng ibang nakilala ko. But I was her first… in everything.Yun ang dahilan kung bakit ako nagalit noong makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Gusto ko siyang saktan gamit ang mga masasakit na salita mula sa aking bibig. Iyon ang parusa ko sa kanya dahil hinawakan siya ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit kahit na narinig ko naman ang pinag-u