Share

Chapter Four

TILA nasukol si Grace mismo sa mga sandaling iyon. Ano ba dapat ang isagot niya sa tanong ni Tracy Evanz. Lalo at nasa harapan pa nila ang anak.

Mula sa pagkakatitig sa inosenting mukha ni Trace ay mapapansin ang pag-aasam sa magiging sagot niya.

Sino man ang nasa lugar niya, tama man o hindi ang gagawin niyang desisyon. Isa lang ang nasa isipan niya, ang nararapat sa anak niya.

"O-of course a-anak, p-pakasalan ko ang D-Daddy mo. Kaya halika na, late na rin." Aya niya sa anak.

Sa kabiglaan niya ay nagtatalon na yumakap ito sa kanya.

"Yes! Yes! may Daddy na ako, magiging buo na rin family natin!" masiglang paghihiyaw ng bata na nagalak talaga sa pagsagot niya.

Matipid naman nangiti si Grace at muling humayon ang pansin nito kay Tracy Evanz na parehas niya'y nagagalak sa nangyayari ngayon.

"For now, pabayaan mo akong ihatid kayo," pangungumbinsi ni Tracy Evanz na humihingi ng permiso niya.

Aayaw pa sana ulit ni Grace, ngunit dahil nakatingin sa kanila si Trace ay pumayag na rin siya.

Masaya naman na binuhat papunta sa may likuran ni Tracy ang anak. Habang siya ay nakasunod lang naman sa mag-ama.

Kakatwa na wala siyang maramdaman bigat sa kalooban, bagkus ay nasisiyahan siya na makita ang kagalakan sa mukha ng bata habang nag-eenjoy ito sa presensiya sa ama nito.

Ipinasok na nga ng tuluyan sa loob ang anak. Akma siyang susunod ng pigilan siya ni Tracy, bago pa siya nakapasok ay nahawakan na siya nito sa may braso.

"You may seat beside me Ace," mando ni Tracy. Natigilan naman siya at hindi agad nakakilos, hindi niya alam kung sinasadiya ba nitong ilapit mismo sa may teynga niya ang bibig nito kaya upang magtaasan ang pinong buhok niya sa may batok.

Ilang segundo muna ang pinalipas ni Grace bago niya nahamig ang sarili.

Sumunod na lamang siya sa gusto nito, hindi na siya umimik. Baka kapag ginawa niya iyon ay mahalata pa siya.

Napansin niya na inayos munang mabuti ni Tracy Evanz ang pagkakaupo ng anak nila sa may likuran. Bago ito tuluyan umikot papunta sa driver seat.

"Tapos na ba kayong mag-dinner, if you want pwedi tayong kumain muna bago dumiretso ng uwi," saad ng lalaki ng tuluyan ini-start nito ang kotse.

"Huwag ka ng mag-abala, tapos na kanina pa," simpleng pagsagot lang naman ni Grace.

"But Mom, gusto ko pong makasabay na kumain si Daddy," muling pagpipilit naman ng anak nila.

As usual simula yata ng araw na iyon ay ito na ang number one na mangungunsinti sa lahat ng gustong mangyari  ng ama nito.

"Ano pa bang magagawa ko, okay tara na!" Muli ay pinili na lang niyang sumang-ayon. Dahil sa huli wala rin siyang magagawa.

Kaya heto, kahit malalim na ang gabi ay binabagtas pa rin nila ang mahabang highway. Inakala ni Grace na sa isang simpleng fast food chain sila dadalhin ni Tracy Evanz.

Ngunit tuluyan ipinarada nito ang kotseng kinalulunaan nila mismo sa isang sikat na restaurant sa Bilinggan.

Excited naman na bumaba ang anak nila, mukhang nakalimutan na rin siya ng dalawa na naroon siya. Dahil dire-diretso ang mga ito sa pagpasok sa loob.

Alam niyang kilalang tao si Tracy Evanz, lalo ngayon kung paano ito asikasuhin ng manager pa mismo ng restaurant.

Kahit gabi na ay napakarami pa rin kumakain sa loob.

"What do you want to eat?" tanong ni Tracy na nakatuon ang pansin sa menu booklet.

"Gusto ko fried chicken with spaghetti and coke Dad," request naman ni Trace na itinuro-turo pa sa ama nito ang pagkain na nagustuhan.

"Ikaw, ano naman sa iyo?" Baling nito sa kanya.

Busog siya, kaya halos wala siyang mapili sa mga pagkain na nasa list menu. Ngunit dahil iyon ang unang labas nila bilang pamilya ay kakailanganin niyang makisama. 

"Chiken wings with garlic sauce and pineapple juice na lang." Pagbibigay niya ng order niya.

Napatango-tango naman si Tracy Evanz at nagtawag na ng waiter. Matapos idikta lahat nito ng order nila ay nagdagdag pa ito. Hindi na lang iyon pinansin ni Grace. Sobra-sobra ang pera nito kaya kahit marami itong orderin ay walang problema rito.

Habang hinihintay nila ang kanilang pagkain, hindi aakalain ni Grace na mag-uumpisa ng mag-usisa ni Tracy Evanz tungkol sa naging buhay nilang mag-ina.

"Sa dalawang taon na nakalipas Ace, nasaan kayo?"

"Ahmmm, narito lang naman kami sa Bilinggan," matipid na sagot ni Grace. Hindi siya makatitig ng diretso rito.

"Really? this is small town, bakit walang nai-report ang mga tao ko sa akin na narito lang pala kayo." Mukhang sarili lang naman ng lalaki ang kausap nito ng mga sandaling iyon ngunit hindi pa rin maiwasan ni Grace na madinig lahat ng iyon.

"Paano mo naman malalaman, parati akong nasa malayo at nagta-trabaho para buhayin si Trace." Iyon ang alam niyang kasagutan sa tanong nito.

Bilang lang kasi sa daliri na nakakasama niya rin ang anak. Sa klase ng buhay niya ay kailangan niyang magsumikap para makakain sila sa araw-araw dati.

Maya-maya ay tuluyan natuon ang buong pansin nila sa pagkain na inilapag ng waiter.

"Kumain na tayo, inaantok na tiyak si Trace," tugon ni Grace.

Tumango naman si Tracy Evanz at inumpisahan na nga nila ang pagkain.

Naging tahimik silang dalawa, ngunit si Trace mukhang hindi naawat sa pagkadaldal dahil panay kwento ito sa ama.

"Ang mabuti pa'y unahin mo ang pagkain Ace." Pag-uutos ni Grace sa anak.

"Hayaan mo lang siya, sa totoo lang masaya ako na nai-express na kaagad ng bata ang sarili niya sa akin. Gayong bagong kakilala lang niya ako," nakangiting tugon naman ni Tracy Evanz.

Iyon nga ang ikinakasama niya ng loob, sa hinaba-haba ng taon na inilihim niya ang lahat sa anak. Sa isang iglap ay mabubunyag na buhay pa pala ang ama nito.

Tumahimik na lang si Grace at itinuon ang buong pansin sa kinakain.

Nang makatapos sila  at madami pang natira sa kinain nila ay tuluyan ipinabalot iyon ni Tracy Evanz.

As usual ay ito pa rin ang pinapansin ng bata hanggang sa makasakay sila ng kotse at makauwi sa apartment building na inuupahan nilang mag-ina.

Pagkababa nila ay kitang-kita ni Grace kung paano pasadahan ng tingin ni Tracy Evanz ang tinitirhan nila.

"Dito kayo nakatira?" tanong pa nito na tila hindi ito makapaniwala na doon nga sila nakatirang mag-ina.

"Sige na anak, pumasok ka na sa loob. Here's the key to our door, iyong itinuturo ko sa iyo before go to your bed gawin mo. Mag-uusap lang kami saglit ng Daddy mo." Muling pag-uutos ni Grace.

"Hindi ba dito matutulog ngayon si Daddy?" May pag-aasam sa tinig ni Trace.

Gusto sana niyang sabihin sa anak na hindi sanay ang ama nito sa buhay na meron sila. Ngunit kalabisan na iyon na ipamukha pa niya.

"Hindi anak, but tomorrow Daddy will back." Pangangako pa ni Tracy Evanz.

Tuluyan na ngang pumasok si Trace at naiwan naman sila roon.

"Kailangan na natin pag-usapan ng maayos ang magiging set up natin pagdating sa bata," wika ni Grace.

"Of course we will do that, unang gagawin mo ay umalis kayo bukas na bukas rin sa bulok na building na ito. How could you this for the sake of my own child. Ang itira siya sa maruming kapaligiran na ito! " nanggagalaiting sagot ni Tracy Evanz.

Hindi naman nagulat si Grace, alam niyang ganito ang magiging reaction nito.

"Wala kang karapatan para pangaralan ako! dahil ina ako ng bata. Magagawa ko lahat!" Palaban na rin na sabi ni Grace.

Kung dati-rati ay takot na takot siya rito kapag ganitong galit na ito ngayon, iba na. Sa dalawang taon na nakalipas marunong na rin siyang lumaban.

"Oh, really? nasasabi mo iyan ngayon dahil hindi mo naman ako binigyan ng karapatan sa una pa lang na maging ama sa bata. For what, may mas malaki ka pa bang binabalak huh! Grace. Katulad ka ba ng ibang babae na balak mong gamitin ang isang bata to get even!" Akusa nito sa kanya.

Isang sampal naman ang ipinadapo ni Grace sa mukha nito.

Galit na galit siya sa pang-aakusa na ginawa nito ngayon.

"Walang hiya ka! kahit na kailan ay hindi ko gagamitin si Trace para sa sarili kong kapakanan. Kung tapos ka ng bastusin ako, makakaalis ka na!" Pagtataboy ni Grace.

Akma siyang tatalikod ng bigla ay hawakan siya ni Tracy Evanz sa kamay.

"I-I'm  sorry, hindi ko sinasadiya ang mga sinabi ko." Paghingi naman ng patawad nito sa kanya.

Hindi maiwasan ni Grace na maapektuhan sa mga nasabi ni Tracy Evanz. Ngunit may pumuslit pa rin luha sa mata niya.

"Bahala ka kung ano man isipin mo sa akin. Wala akong magagawa dahil kailangan kitang pakisamahan para kay Trace. Huwag kang mag-alala starting tomorrow ay kailangan natin magpanggap sa harapan ng bata. Pero kung hindi mo gusto iyon ay sabihin mo lang kung may iba ka pang naiisip na paraan." Matapos  sabihin iyon ay tinanggal na ni Grace ang pagkakahawak ng lalaki sa braso niya.

Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Bahala na ito kung gusto pa nitong bumalik bukas.

Ang gusto lang niya ay makalayo ngayon dito mismo, dahil sinasaktan na naman siya nito sa malupit nitong paraan. Katulad noon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status