All Chapters of Heirs Of The Tyrant Billionaire : Chapter 1 - Chapter 10
10 Chapters
Prologue
ISANG sanggol na lalaki ang ipinanganak sa lumang ospital ng Balingga. Kahit labis na nahirapan ang ina nito upang ipanganak siya ay masasalamin pa rin sa mukha nito ang labis na saya habang pinagmamasdan nito ang malakas na pag-iyak ng sanggol na inuumpisahan ng balutin ng malinis na tela."Napaka-guwapong bata ng anak mo ija. Nakapag-desisyon ka na ba kung ano ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong sa kanya ng Doktora na nagpaanak dito."T-Trace, Trace Villasis ang ipapangalan ko sa kanya," wika nito.Sa ilang sandaling lumipas ay tuluyan silang iniwan ng mga hospital staff. Matapos na masiguro ng mga ito na maayos na ang kalagayan nilang mag-ina.Kasalukuyan nagpapa-d*d* si Grace ng pumasok si Sonya ang ina ng dalaga. Kasabay nito ang amain niya."Hoy! babae anong gagawin mo ngayon naisilang mo na ang batang iyan. May ipapakain ka ba diyan?" Halos umusok ang ilong na salubong ng mismong ina.Ang totoo ay labis na nagalit ang ina ni Grace matapos nitong malaman na buntis siya. Magk
Read more
Chapter One
UMPISA pa lamang ng pamamasukan ni Grace kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na puna ang naranasan niya sa loob ng kumpaniya nito.Halos gusto na niyang umalis bilang secretary nito noong una. Ngunit dahil sa pakikiusap ng bestfriend niyang si Lara na biglaang ikinasal at nagbuntis sa French boyfriend nitong nakilala lang naman nito sa isang dating app."Please! Please Grace, huwag naman ngayon aalis ka na agad kay Boss. Hindi naman siya parating galit sa mundo, isipin mo na lang na kulang siya sa aruga kaya may pagka-moody ang isang iyon," wika ni Lara na kaparehas niya ay nakahiga rin mula sa kama.Hindi na bago sa kanya ang kuwentuhan siya dati ng mga pinaggagawa ng malupit nitong boss. Sa halos isang taon na namasukan ito kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na karanasan nito ang naririnig niya mula rito.Matagal na silang magkakilala , halos dalawang taon na rin ng maging mag-board mate sila sa paupahang apartment mula sa siyudad.Share sila sa upa at naging clos
Read more
Chapter Two
TWO YEARS AGO...MASIGABONG Palakpakan ang namayani, matapos na mag-announce ng pare na nagkasal kina Simon at Lizy. Kababata at naging malapit na kaibigan niya ang dalawa noong nag-aaral pa lamang siya ng college sa America.Laging kasa-kasama siya ng mga ito sa tuwing lumalabas ang dalawa. Saksi siya kung paano na-develop sa isa't isa ang mga ito.Tuluyan idinampi ni Tracy Evanz sa labi ang baso na naglalaman ng champagne ng makarating siya mula sa reception. Iyon ang unang tinikman niya, busog pa naman siya kaya wala siyang balak na kumuha ng makakain sa buffet table.Pumwesto siya sa dulong bahagi, upang makaiwas sa nakararami. Ngunit mukhang ayaw siyang tantanan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Dahil pansin na pansin pa rin siya mula sa kinaroroonan niya."Hello! man ang akala ko hindi ka makakadalo sa kasal namin ni Lizy, I'm glad you came," natutuwang ani ni Simon na inakbayan pa siya ng kaibigan."Naging busy lang ako dahil sa dami ng trabaho sa company. Masaya akong maki
Read more
Chapter Three
ITINULAK na lang niya ang slide door papasok sa boutique. Bago at maluwang iyon, maliwanag na maliwanag mula sa loob. Sa pagpasok niya ay may nakahilerang sofa at babasagin lamesa sa gitna. May chandeliers, ang bawat panig at may mga halaman na naka-display din.Makikita ang mga cabinet glass na naglalaman ng mga tindang alahas sa loob. Habang sa isang panig ay naroon ang naka-hanger na iba't ibang klase ng mga latest wear clothes.Tuluyan siyang pumasok sa loob ng wala siyang makitang ibang tao. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng taong kakausapin, ngunit wala siyang makita. Akma niyang kukuhanin mula sa suot niyang slacks ang Iphone niya ng bigla siyang makarinig ng boses sa bandang likuran niya.Nang lingunin niya ito, isang batang lalaki na umeedad dalawa sa tingin niya ang nabungaran niya. Sa hindi malaman dahilan ay ayaw niyang ialis ang paningin sa mukha ng bata."Hello kid, what is your name?" Hindi mapigilan ni Tracy Evanz na makipag-usap dito. Yumukod pa siya para magpan
Read more
Chapter Four
TILA nasukol si Grace mismo sa mga sandaling iyon. Ano ba dapat ang isagot niya sa tanong ni Tracy Evanz. Lalo at nasa harapan pa nila ang anak.Mula sa pagkakatitig sa inosenting mukha ni Trace ay mapapansin ang pag-aasam sa magiging sagot niya.Sino man ang nasa lugar niya, tama man o hindi ang gagawin niyang desisyon. Isa lang ang nasa isipan niya, ang nararapat sa anak niya."O-of course a-anak, p-pakasalan ko ang D-Daddy mo. Kaya halika na, late na rin." Aya niya sa anak.Sa kabiglaan niya ay nagtatalon na yumakap ito sa kanya."Yes! Yes! may Daddy na ako, magiging buo na rin family natin!" masiglang paghihiyaw ng bata na nagalak talaga sa pagsagot niya.Matipid naman nangiti si Grace at muling humayon ang pansin nito kay Tracy Evanz na parehas niya'y nagagalak sa nangyayari ngayon."For now, pabayaan mo akong ihatid kayo," pangungumbinsi ni Tracy Evanz na humihingi ng permiso niya.Aayaw pa sana ulit ni Grace, ngunit dahil nakatingin sa kanila si Trace ay pumayag na rin siya.Ma
Read more
Chapter Five
NAGTATAKANG bumaba sa engrandeng hagdan si Simon. Sinabihan kasi siya ng isang maid na mayroon siyang dumating na bisita.Nagtataka rin naman siya kung sino man iyon at naisipan siyang puntahan kahit dis-oras na ng gabi.Napangiti siya nang makita niya ang likod ng nakatalikod na bisita niya.Kilalang-kilala niya ito, walang iba kung 'di si Tracy Evanz. Kasalukuyan itong nagsasalin ng alak sa baso na linagyan nito ng ice cube."Bakit gabing-gabi na napadaan ka pa?" tanong ni Simon ng tuluyan siyang makalapit dito."Ikaw kasi ang unang naisip ko pagkatapos kong makipagkita kay Grace," casual na wika nito.Bigla naman nangunot ang noo ni Simon pagkarinig sa binanggit na pangalan ni Tracy Evanz."Grace? teka, pamilyar sa akin ang pangalan na sinabi mo. Oh, I remember siya iyong babae na nagbabantay ng boutique store sa Bilinggan." Namamangha din na wika ni Simon ng tuluyan maalala nito."Tama ka, siya nga. Pero mas ikagugulat mo ang nalaman ko ngayon-ngayon lang."Sa pagsasalita ng kai
Read more
Chapter Six
NGUNIT bago tuluyan magkadikit ang mga labi nila ay isang malakas na katok mula sa pinto ang naringgan nila.Oras mismo ay naglayo silang dalawa, habang si Trace ay nagtatakbo na palapit sa pinto na nakasarado kung saan naririnig niya ang pagtawag ni Lara.Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Tracy Evanz, habang si Grace ay tuluyan sinundan ang anak. Naiiling na lang siya na kamuntik ng magdikit ang labi nila nito!"Holla! everyone, ang nice naman kumpleto na kayong tatlo sa ganitong kaagang oras!" Pumalakpak pa si Lara."Kung ano man iyan iniisip mo, mali ka. Kadarating lang din ni Tracy, sige na paupuin mo na kasama mo." Tukoy ni Grace sa asawa nitong kasama nito sa pagpunta roon.Inaya naman ito ni Lara, ngunit bago iyon ay pinukulan muna siya na nanunudyong tingin. Lalo tuloy siyang pinamumulahan.Dumiretso na lang siya ng lakad papuntang kusina upang ipaghanda ng mame-meryenda ang kaibigan at asawa nito.Ngunit mukhang ayaw talaga siyang tigilan ng kaibigan. Dahil hanggang s
Read more
Chapter Seven
NAKAHARAP ngayon si Grace sa malaking salamin. Habang suot ang isang wedding gown, strapless slightly more flowy than a ball gown, A-lines have fitted bodices through the waist and cascade out towards the ground, resembling the outline of an uppercase "A." Ideal for all body types.Isang simpleng wedding gown lang ang pinili niya at hindi masiyadong mahal. Lalo si Tracy Evanz ang gagastos ng lahat para sa kasal nila.Iniisip niya pa lang na isang Buwan na lang ay magiging Mrs. Tracy Evanz Villasis na siya sa mata ng iba ay kakaba-kaba na siya. Kahit maka-ilang beses na sinasabi niya sa sarili na peke lang ang kasal na magaganap sa kanila.Napangiti siya ng makita niya mula sa salamin ang pagpasok ni Lara at ng anak niyang si Trace."Wow! Mommy, sobrang ganda mo naman sa suot mo." Puri sa kanya ng anak habang pinagmamasdan siya ng ilang ulit."Binibiro mo naman ako, Ace!" nakangiti niyang sabi na muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kahit saan siya tumingin ay makikita ang rep
Read more
Chapters Eight
PABABA na si Tracy Evanz sa kotse nang matanaw niya mula sa garden ng mansyon nito si Simon. Kasalukuyan nag-aalmusal ito kasama ang mag-ina nito."Goodmorning man! ang aga mo ngayon huh, akala ko mamaya ka pa darating." Pangungumpisa ng kaibigan kay Tracy matapos na bumati sa kanila at maupo.Malawak ang lawn ng kaibigan niya, may mini fountain sa gitna na dinadaluyan ng tubig sa naka-grave na angel na may dalang banga. Fully furnished din ang bermuda grass, sa isang banda ay naroon ang pinagawang playground ni Simon kay Letizia. Mahilig sa bulaklak si Lizy kaya iba't ibang naggagandahan mga halaman ang naroon."May kailangan kasi akong sabihin, Sa susunod na Buwan ikakasal na ako," diretsa niyang sabi. Kinuha niya ang tasa ng kape na ipinatimpla ni Simon sa isang maid na nagdala.Nakita niya mismo ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan. Hanggang sa tuluyan napahalakhak ito sa katuwaan."For real? man! kailan ka ba natutong magbiro. Ano bang nangyari at bigla-bigla ikakasal ka na?" Gulat
Read more
Chapter Nine
INIHATID pa ni Grace sa mismong sasakiyan nito si Tracy Evanz."Hindi mo naman kailangan na ihatid ako Ace," wika ng binata."Huwag mong bigyan ng malisya ang ginagawa ko. Parte lamang ito ng ating plano," mataray na sambit naman ng dalaga na humalikipkip sa harapan nito.Dapat magpasalamat ito sa kanya, dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi mahirapan sa pagpapanggap nila sa harapan ng pamilya niya.Natigilan naman si Tracy. Mukhang hindi niya gusto ang narinig dito."Is that real? Dahil iba iyon sa nakita ko kaninang kumakain tayo. Habang kasama ang family mo, nakita ko kung gaano ka nage-enjoy. Kung hindi ko lang talaga alam na acting lahat mapapaniwala rin ako." Tudyo naman ni Tracy.Maang naman pinakatitigan ito ni Grace. Mababakas ang kagulumihan sa mukha ng babae. Hanggang sa tila nagliwanag ang mukha niya pagkatapos na ma-gets ang ibig tukuyin ni Tracy."Ikaw! Akala mo totoo na ang lahat ng ipinakita ko sa iyo kanina roon. Hoy! FYI iyong pagsubo-subo ng pagkain
Read more
DMCA.com Protection Status