Share

Chapter Five

NAGTATAKANG bumaba sa engrandeng hagdan si Simon. Sinabihan kasi siya ng isang maid na mayroon siyang dumating na bisita.

Nagtataka rin naman siya kung sino man iyon at naisipan siyang puntahan kahit dis-oras na ng gabi.

Napangiti siya nang makita niya ang likod ng nakatalikod na bisita niya.

Kilalang-kilala niya ito, walang iba kung 'di si Tracy Evanz. Kasalukuyan itong nagsasalin ng alak sa baso na linagyan nito ng ice cube.

"Bakit gabing-gabi na napadaan ka pa?" tanong ni Simon ng tuluyan siyang makalapit dito.

"Ikaw kasi ang unang naisip ko pagkatapos kong makipagkita kay Grace," casual na wika nito.

Bigla naman nangunot ang noo ni Simon pagkarinig sa binanggit na pangalan ni Tracy Evanz.

"Grace? teka, pamilyar sa akin ang pangalan na sinabi mo. Oh, I remember siya iyong babae na nagbabantay ng boutique store sa Bilinggan." Namamangha din na wika ni Simon ng tuluyan maalala  nito.

"Tama ka, siya nga. Pero mas ikagugulat mo ang nalaman ko ngayon-ngayon lang."

Sa pagsasalita ng kaibigan niya ay mukhang napaka-importanteng bagay ang nalaman nito.

Hindi nga ito nagbibiro. Dahil maging si Simon ay nagulat din sa ibinalita niya.

Kumuha na rin ng sariling baso ito at nilagyan ng yelo. Mukhang mahaba-haba ang pag-uusapan nila ngayon gabi.

"Are you sure na ikaw nga talaga ang ama ng bata?" Paninigurado pa ni Simon.

"Of course, the way I look Trace. Namana niya sa akin ang mata at labi ko, hahanapin ko ang baby picture ko at ipapakita ko sa'yo bukas." Tiyak na tiyak ang boses na mahihimigan dito.

"Hey! kahit hindi na, may tiwala naman ako pagdating sa judgement mo. If ever na anak mo nga ang batang iyon, congratulations! Anong plano mo?" Pag-uusisa ni Simon na sumimsim sa tangan na baso nito.

Natigilan naman saglit si Tracy Evanz, nag-iisip ito kung sasabihin ba nito ang naging usapan nila ni Grace. Sa huli pinili niyang ipagtapat sa kaibigan iyon.

"What? pumayag ka sa ganoon set up?" Tila hindi ito makapaniwala pagkatapos.

"Yeah, bakit ano sa tingin mo ang dapat kung ginawa."

"Ang akala ko kasi ay basta mo ma lang kukunin ang bata."

Napakunot noo naman si Tracy Evanz sa mismong nasabi nito.

"Ganoon ba ako kasama para ilayo ang anak ko sa sariling ina niya. Your unbelievable man! marunong din akong maawa kahit paano." Iiling niyang sabi.

Kasabay niyon ang naaliw na tawa naman mula kay Simon. Lalo tuloy naiinis si Tracy bakit hinayaan niyang sabihin sa kaibigan ang tungkol doon.

Mukhang napansin naman siya ng kaibigan at tuluyan itong nagpigil na.

"Sorry man! hindi ko kasi kaagad naisip na magkakaganiyan ka. Totoo yata na nagbabago ang pananaw ng isang tao kapag nagkaanak na."

Hindi na nagkomento si Tracy Evanz dahil sinasang-ayunan niya iyon. Dahil parehas nito ay malaki rin ang ipinagbago nito ng dumating sa buhay nila ni Lizy si Letizia.

"Pero sa tingin ko pahihirapan ka ni Grace, lalo at nai-kwento mo na nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan bago kayo naghiwalay kanina. Sana kasi ginamit mo na lang ang kamandag mo para kahit paano ay umamo-amo siya sa iyo," pagbibiro pa ng kaibigan.

"Paano ko gagawin iyon, mukhang hindi siya tinatablan sa akin," nakasimangot niyang amin.

Sa dalawang taon lumipas ay hindi pa rin ito nagbabago. Nangingilag pa rin ito sa presensiya niya, ngunit pansin din niya marunong na rin itong lumaban kapag nasa tama.

"Hindi mo masasabi, ang mabuting gawin mo ay sundin ang gusto niya. Sa pamamagitan niyon ay unti-unti mong kuhanin ang loob niya. Wala naman mahirap sa iyo Tracy Evanz, lalo sabi mo nga kanina ay mabilis na nakuha mo ang loob ng anak niyo." Payo pa ng kaibigan sa kanya.

Tumango-tango naman ito at iyon na lang din ang gagawin niya para maiwasan na mag-away sila ni Grace.

KINABUKASAN hindi inaasahan na pagbukas niya ng pinto ng sariling unit ay makikita niya mula sa labas si Tracy Evanz.

Sa ilang beses na nagkasama sila nito  ay iyon ang unang beses na nakita niyang naka-casual attire lamang ito.

Isang polo shirt at cardigan short ang suot-suot nito. Ang pansapin naman nito sa ibaba ay white rubber shoes lang naman. Simple lang ito ngayon, ngunit umaapaw pa rin ang kaguwapuhan nito.

Tuluyan tinanggal ni Grace ang pagkakatitig sa lalaki ng mapansin  niyang huling-huli siya nitong nakatitig dito.

"Bakit ka nandito, akala ko ba ay nandidiri ka sa pagparito sa bahay ko," nilangkapan ni Grace ng pagkairita ang tinig niya. Ngunit pinatuloy pa rin naman niya ito sa loob ng bahay nila.

"Wala naman akong sinasabi na wala akong balak na magpunta ngayon. Pasensiya ka na rin kung may mga nasabi ako kagabi na hindi mo nagustuhan." Muling paghingi ng pasensiya ni Tracy Evanz sa babae. Pumasok na nga sa loob ito.

Manaka-naka ay sinusundan lang niya ng pansin ang pabalik-balik na paglalakad ni Grace. Kasalukuyan kasi itong naglilinis dahil araw ng Sabado.

Iyon lamang ang araw na libre ito, kaya may oras ito sa gawain bahay.

"Siya nga pala kung gusto mong makita si Trace ay nasa kwarto siya," kaagad na ipinaalam ni Grace iyon sa lalaki, lalo at naiilang siya habang pinapanuod siyang maglinis nito.

"Mamaya na lang, may maitutulong ba ako sa iyo?" Akma itong tatayo para lumapit ng pigilan siya ni Grace.

"W-wala, sige na maupo ka lang diyan at kukuha lamang ako ng makakain mo." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ito. Binihiran na niya ito ng talikod.

Maya-maya ay narinig niya ang boses ng anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama nito.

Nagtimpla na lamang siya ng kape at gumawa ng sandwich para kay Tracy Evanz. Naglakad na siya papunta sa dalawa na abala sa paglalaro sa mga laruan na pinagbibili lang naman ng ama nito.

Hindi siya palabili ng mga laruan, ngunit mukhang si Tracy Evanz mismo ang mage-spoil dito.

"Heto at kumain ka muna." Aya niya sa lalaki. Naglakad na nga ito at iniwan na muna si Trace na abala sa ginawang paglalaro.

Iiwan sana ulit ito ni Grace, ngunit bigla siyang pinigilan na umalis nito.

Bigla naman ang paglipad ng tingin ni Grace mula sa nakahawak na kamay sa kanya ng lalaki.

"Can you atleast stay for a while Grace, ayaw mo naman siguro maghinala ang bata na nag-iiwasan tayo," halos pabulong na saad nito.

"Fine! pwedi ba huwag mo akong mahawak-hawakan!" mahinang asik lamang ni Grace. Mabuti at medyo malayo sila kay Trace kaya hindi mahahalata ang pagbabangayan nila.

Humalikipkip naman si Grace sa harapan nito, habang si Tracy Evanz naman ay iiling-iling na napabalik sa upuan nito at inumpisahan kumain.

"Wow! I really miss your coffee Ace," puri ng lalaki sa kanya.

Gusto niyang simangutan ito, dahil nasisiguro naman na kunware lamang na nasasarapan ito. Dahil papalapit sa kanila si Trace.

Kung hindi niya nakakalimutan, palagi siyang pinapagalitan  nito  noong secretary pa lamang siya na hindi maayos ang pagkakatimpla ng kape niya rito.

"Thank you," labas sa ilong na wika ni Grace.

"Ano po iyan Daddy, gusto ko rin tikman." Hiling  ni Trace na nakatitig sa inumin ng ama.

"Oh, hindi pa pwedi sa iyo 'tu baby. Ipagtitimpla ka na lang ng gatas ni Mommy okay," sabi pa ni Tracy.

"Okay po, kung pwedi si Mom na lang tumikim diyan." Muling paghiling na naman nito na parehas na hindi nila inaasahan.

Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Tracy Evanz, habang si Grace ay ilang beses na napaubo.

Habang si Trace ay halatang naghihintay lamang.

"Gagawa na lamang ako ng sarili kong kape, pwedi ba iyon. Nakakahiya naman sa Daddy mo," palusot pa ni Grace.

Ngunit sunod-sunod lamang na umiling si Trace, sa itsura nito ngayon ay umiiral na naman ang katigasan ng ulo nito.

"Gusto ko share kayo Mom, please!" Patuloy na pagpupumilit ni Trace na nagpapadyak pa.

Kaya wala na ngang nagawa pa ang dalawa, inilapit na nga ng tuluyan ni Tracy Evanz ang tasa kay Grace. Halata naman nate-tense ang huli, kaya hindi inaasahan na bigla itong napaso.

"Aray!" malakas na sabi ni Grace.

Habang si Tracy Evanz ay dali-daling ibinaba ang hawak at nag-aalalang tinanong ito.

"May ice cube ka ba, makakatulong iyon to ease the pain," sabi ni Tracy Evanz na hinipan ang gilid ng labi ng babae.

Dahil sa ginawa nito ay parang biglang tumigil ang lahat kay  Grace, she felt something strange inside her chest. Mabilis na mabilis ang pagtibok ng puso niya. Habang nakatitig lang naman siya ng malapitan sa guwapong mukha ni Tracy Evanz.

Hindi niya batid dahil tila maging ito man ay kakaiba na rin  ang ikinikilos.

Ewan niya ngunit parang lumiliit ang distansiya ng mukha nila sa napipintong pagdidikit ng labi nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status