Share

Chapter Three

ITINULAK na lang niya ang slide door papasok sa boutique. Bago at maluwang iyon, maliwanag na maliwanag mula sa loob.  Sa pagpasok niya ay may nakahilerang sofa at babasagin lamesa sa gitna. May chandeliers, ang bawat panig at may mga halaman na naka-display din.

Makikita ang mga cabinet glass na naglalaman ng mga tindang alahas sa loob. Habang sa isang panig ay naroon ang naka-hanger na iba't ibang klase ng mga latest wear clothes.

Tuluyan siyang pumasok sa loob ng wala siyang makitang ibang tao. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng taong kakausapin, ngunit wala siyang makita. Akma niyang kukuhanin mula sa suot niyang slacks ang Iphone niya ng bigla siyang makarinig ng boses sa bandang likuran niya.

Nang lingunin niya ito, isang batang lalaki na umeedad dalawa sa tingin niya ang nabungaran niya. Sa hindi malaman dahilan ay ayaw niyang ialis ang paningin sa mukha ng bata.

"Hello kid, what is your name?" Hindi mapigilan ni Tracy Evanz na makipag-usap dito. Yumukod pa siya para magpantay lang ang mukha nila. Maging ito man ay maang na nakatitig din sa kanya.

"Ako po si Trace, ano pong kailangan niyo. May gusto po ba kayong bilhin sa mga tinda ni Mommy. Wait lang po at tatawagin ko siya." Maglalakad na sana ito papunta sa may counter. Nang biglang bumukas ang glass door at iluwa niyon ang hindi niya inaasahan na babae.

"Ikaw ba iyan Boss Tracy!" Bati ni Lara na kaagad siyang nakilala paglapit pa lang nito.

"Ah, yes. Kumusta ka na Lara it's been a long time since we see each other. Ano ng balita sa iyo?" tanong ni Tracy pagkatapos.

Iginiya naman siya ng babae papunta sa mga upuan.

"As you can see boss, naging maayos naman ako. Kahit paano nakapagpatayo na ako ng sariling business," nakikiming pagsasabi ni Lara.

Napatango-tango naman si Tracy, mayamaya ay napansin niya na bigla itong kinabahan. Pagkakita mula  sa likuran niya.

"Bakit?" Sabay lingon niya sa tinitignan nito.

"Ahy! wala boss, siya nga pala anong sadiya mo sa boutique ko. May reregaluhan ka ba ng alahas o kaya damit. Ano bang type ng misis mo marami kang mapagpipilian dito." Pagbibida ni Lara. Biglang nakahinga ito ng maluwag ng biglang pumihit pabalik sa loob si Grace na katulad niya ay tiyak niyang nagulat sa biglaang pagdating doon ni Tracy.

"Ah, mukhang nagkakamali ka may pinapakuha lang ang kaibigan ko sa akin dito. It's a set of jewerlies para sa asawa niya. Correction Lara, I'm still single." Supla nito.

Napatango-tango naman si Lara at kaagad na nag-excuse sa lalaki para kunin ang pakay nito.

Nang makapasok siya ay nakita niya si Grace na nasa gilid at namumutla. Habang si Trace ay abala na sa panunuod ng cartoon show sa may T.V .

"A-anong ginagawa n-ni Tracy dito. Sana naman wala kang sinabi tungkol sa anak namin," ngatal ng kaba at takot si Grace habang tinatantiya niya lang ang boses.

"Gaga! bakit ko naman sasabihin iyon sa kanya. Ano siya sini-swerti! Wala akong sinasabi, saka sa tingin ko coincidence lang na nagpunta siya rito. Kaibigan pala niya si Simon," explain ng kaibigan niya na pumunta sa lagayan at kinuha roon ang nakatagong paper bag na naglalaman ng order nito.

Kahit paano nakahinga ng maluwag si Grace, akala niya dumating na ang araw na labis niyang kinatatakutan. Mukhang wala talaga siyang takas sa pagtatago ng anak niya rito. Dahil nagkaroon pa rin ng chance na nagkita ang mag-ama.

"Sige na, dito ka muna sa loob. Bantayan mo si Trace at baka lumabas ulit at mabuko ka na ng tuluyan." Pagpapaalala naman ng kaibigan sa kanya.

Tumango na lang siya, nanatili siya sa loob habang nakasilip sa may gilid. Mula sa kinatatayuan niya ay napagmasdan niyang muli ang guwapong mukha ng binatang bilyonaryo.

Narinig naman niya ang pag-uusap ni Lara at ito, sinabi nitong single pa rin ito. May bahagi ng puso niya na ikinatuwa iyon, ngunit meron din na nalulungkot dito. Dahil pinatotoohanan lang kasi niyon na kahit kailan ay hindi  kayang magmahal ng isang katulad nito.

Natatakot siya para sa sarili, dahil oras na malaman nito na anak  nito si Trace at itinago niya ng dalawang taon mula rito. Tiyak niyang hindi nito iyon mapapalampas.

Kilala niya ang mga tipo nito, sisiguraduhin nitong makukuha nito ang anak sa kanya.

Nakahinga naman ng maluwag si Grace matapos niyang makita na lumabas na si Tracy. Kaagad na pinuntahan sila ni Lara.

"Huwag ka ng mag-worry, tiyak kong hindi na babalik ang isang iyon," pag-assurance nito sa kanya.

"Paano ka naman nakakasiguro?" Hindi pa rin kumbinsido si Grace. Natatakot pa rin siya sa maaring mangyari.

"Kuwan kasi, nagtanong siya ulit ng tungkol sa iyo. At sinabi ko lang naman na matagal na tayong hindi nag-uusap. Ang huli kong balita ay nakapag-asawa ka at may anak na rin." Ngiting-ngiti ito sa ginawang pagsisinungaling naman kay Tracy.

"Sa tingin mo, naniwala ba siya?"

"I don't think so, kasi pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Bigla siyang hindi nakapagsalita, parang nalungkot pa nga siya sa ibinalita ko. Pero alam mo ba sis, malakas ang pakiramdam ko mayroon pa rin siyang nararamdaman sa'yo!" Patili nitong tukso sa kanya.

Habang siya namula ng todo.

"Ay sus! nag-blush siya, is the feeling is mutual too?" Patuloy na panunukso nito sa kanya.

Habang siya umiwas na lang. Nahihiya siya rito. Nagmukha kasing umaasa siya.

"Fine, kung ayaw mo umamin ngayon. Darating naman tayo riyan, as of now aalis na ako. Oras na para sundin ko si hubby, bye!" Sabay wagay-way nito ng kamay at naglakad na palabas.

"Sige ingat, ako na  bahalang magsara ng boutique," sabi niya rito.

Nagpunta na nga ulit si Grace sa harapan ng counter. Para siyang timang, dahil panay sulyap niya mula sa labas. Tila napa-paranoid siya na biglang sumulpot doon ang lalaking pinagtataguan niya.

Matagal bago niya napakalma ang sarili. Mabuti at muling dumami ang costumer kaya doon tumuon ang pansin niya sa buong araw...

HALOS gabi na rin ng mapagpasiyahan ni Grace na magsara. Tiyak niyang nasa condo na nito si Lara kasama ang sinundo nito na asawa mula sa airport. Hindi na niya ito iisturbuhin.

Matapos niyang matiyak na naka-locked na lahat ng pinto ay naglakad na sila ni Trace papunta sa kinaparadahan ng sariling kotse.

Kung noon namamasahe lang siya para makauwi, ngayon ay nakabili na rin naman siya ng kotse. Kahit second hand iyon ay malaking tulong iyon sa transportasyon nilang mag-ina sa araw-araw.

Kinakalkal na niya ang loob ng handbag niya upang hanapin ang susi ng kotse ng kalbitin siya sa braso ng anak niya. Kaya napatutok ang pansin niya sa gawi nito.

"Mommy look there!" Sabay turo nito sa kanilang sasakiyan. At halos malaglag ang puso niya ng makita kung sino ang taong itinuturo nito.

Walang iba, kung 'di ang sariling ama nito na si Tracy Evanz.

Sa kabila ng labis na kaba ay pinili ni Grace na kalmahin ang sarili. Taas-noo siyang naglakad palapit dito.

"Just hold my hand Aze, don't say anything okay. We gonna talk something," bilin niya sa anak na tumango tanda na susunod ito.

"Hai! kanina ka pa?" tanong niya sa lalaki. Mabuti at hindi siya pumiyok.

"Hindi naman, kagagaling ko lang sa birthday party ng mother ko ng maalala ko ulit dumaan dito sa boutique. Nagbabakasali kasi akong alam ni Lara ang address mo," saad naman ni Tracy Evanz habang titig na titig sa pagmumukha niya.

Para naman matutunaw si Grace kaya upang muli siyang ma-tense.

"B-bakit kailangan mong tanungin kung saan ako nakatira?" taka niyang tanong.

Tinitigan siya nito saglit, hanggang sa dumakong muli ang pansin nito sa bata na tahimik lang din na nakamasid sa kanilang pag-uusap.

"Gusto ko lang sabihin mismo sa iyo. About sa sinabi ni Lara na nag-asawa ka na at nagkaanak, hindi ko 'yan pinaniwalaan. Lalo at nakita ko mismo ngayon ang anak mo Grace. Alam ko rin na ako ang ama ni Trace." Parang bomba iyon na sumabog sa harapan niya.

Hindi siya nakapag-react, dahil sa labis na gulat sa sinabi ni Tracy Evanz sa mismong harapan pa ng anak nila.

Bumalik lang ang huwisyo niya ng umimik na si Trace.

"Totoo ba iyon Mommy, siya ang tunay kong Daddy?" wika ng bata sa nangingislap na mata habang nakikipagtitigan kay Tracy.

"Of course I'm your real Dad, am I right Grace." May pagkaasam sa tinig ni Tracy Evanz. Muli ang mata nila ay nagkasalubong, those intimidating eyes na lumulukob sa kanya ay nagpapanginig ng tuhod niya sa tuwina.

"O-oo 'nak, siya ang Daddy mo." Kusa iyon lumabas sa bibig ni Grace.

Parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi, sa biglang pagbitaw ng

anak niya mula sa pagkakahawak niya at dali-dali nilapitan ang ama nitong mabilis na yumakap dito.

Dumating na ang kinatatakutan niya, ang magtagumpay si Tracy sa nais nito. Ngayon pa lang ay kinakain na siya ng samo't saring  isipin.

Ano pa bang laban niya sa isang katulad nito na tuso at kayang makuha ang lahat ng gusto sa isang iglap.

"Grace halika na, ihahatid ko na kayo sa bahay niyo." Dahil sa malalim ang iniisip niya ay hindi niya napansin na tinatawag na siya nito.

"Thanks but no need na ihatid mo pa kami ni Trace. May sasakiyan  kami para umuwi, kaya ayos lang kung umalis ka na. Saka na natin pag-usapan ang magiging set up para sa bata,"wika niya. Tuluyan niyang nilapitan ang anak at kinuha ito mula kay Tracy Evanz.

Akala niya ay susunod agad si Trace, ngunit nagmatigas ito.

"No! Mommy gusto ko kay Daddy!" Pagmamaktol nito.

"Anak, may bukas pa naman. Promise pupunta ang Dad mo sa bahay tomorrow." Ayaw na mangako ni Grace ngunit iyon ang nakikita niyang paraan para makaalis na silang mag-ina.

"Talaga po? Daddy bukas punta ka sa bahay ah. Sana pakasalan mo na si Mommy para lagi na tayong magkakasama!" Nangangarap na wika ng bata.

Dahil sa sinabi nito ay biglang napaubo si Grace.

Habang si Tracy Evanz ay nangiti lang na tila may magandang nasabi ang anak  nila. Kung nagulat na siya sa tahasan paghiling ng anak niya na pakasalan siya ng Daddy nito na imposibleng mangyari ay ang naging sagot naman nito pagkatapos.

"Sure my baby, I will gonna marry your mom. After she said yes." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status