Share

Chapter 020

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-07 01:09:18

Tuluyan ko siyang nilapitan at inabot ang isa niyang kamay. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng palad niya, na para bang inaantabayanan ang susunod kong sasabihin.

“May nangyari kanina...” mahinang ani ko bago ko muling sinalubong ang kanyang mga mata. Sa kabila ng pagkabog ng dibdib ko, pinilit kong manatiling matatag kahit alam kong muli kong binubuksan ang sugat na sariwa pa.

“Noong bumalik ako sa apartment, my sister went there. Nagpanggap siyang buyer para alipustahin ako. And then, nakasagutan kami at nauwi sa away. Dinugo siya at kaagad kong tinawagan si Henry dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kapatid ko. Kaso ang nangyari... ang totoong nangyari ay nagpanggap lamang si Elaine na dinugo siya para mas lalong magalit sa akin si Henry,” kwento ko sa kanya.

Napakagat ako sa labi, pinilit pigilan ang pangingilid ng luha. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, saka ako muling nagsalita.

“At ang sumunod... mahigpit niyang hinawakan ang magkabilaan kong braso kaya nagkapasa a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
Fafa Sire 🩷🩷🩷
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 068

    **Sire** “Bro, are you okay?” tanong sa akin ni Gabriel. Kanina pa kasi akong tulala sa kinauupuan ko. “You’ve been acting like that for the past two weeks,” dagdag pa niya bago sumimsim ng kape. Oo, two weeks na akong natulala dahil sa mga nangyare noon sa birthday celebration ni Conrado. Simula paglarga namin ng Santa Fe hanggang nakarating kami sa mansiyon, hindi ako umiimik; umabot pa ang pagiging wala kong imik hanggang ngayon. “I am fine, Gabriel,” ani ko sa isang mahinang boses. Napasilip naman siya sa mukha ko, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang alinlangan. “You’re not, Sire. I haven’t been able to talk to you properly since two week. Did something wrong happen?” Napatingin ako sa kanya bago naisandal ang likod sa sofa. “Nothing,” tugon ko, pero bakas talaga sa mga mata ko na hindi ako okay. Alam kong ramdam niya rin iyon. I am thinking about Yeon Na. Tuliro ako kakaisip sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw ng brain cells ko mag-function ng mabuti, dahilan para hindi na

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 067

    **Yeon Na** “Here,” ani Lora sa akin pagkabigay niya ng mamahaling maskara. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko habang inaabot iyon mula sa kanya. Nang sa wakas ay natanggap ko na, inilapag ko iyon sa kama kung saan ako nakaupo. “Thank you, Lora,” pasalamat ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit nahihilo pa ako. “You’re welcome, Señorita,” tugon niya habang nakangiti rin, pero ramdam kong may pag-aalala sa mga mata niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya na may halong pag-aalangan. Bahagya akong napahilot ng sentido, mariin kong pinisil ang pagitan ng mga mata ko para maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. “Nahihilo pa rin ako,” sagot ko sa mahinang boses. Muntik na nga akong tuluyang matumba kanina sa itaas ng stage, at kung hindi lang mabilis akong nasalo ni Gabriel, baka tuluyan na akong natumba. Masama na talaga ang pakiramdam ko kahit hindi pa man nagsisimula ang party. Pakiramdam ko’y parang umiikot ang paligid at unti-unting kumakawala ang lakas k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 066

    Hindi ko naiwasang tanggalin ang suot kong salamin at napapunas rito pati na rin sa mga mata ko dahil parang may napansin akong kakaiba kay Yeon Na. “Pasalamat ka pa nga at hindi ka pinasama ni Dad sa selda,” pagpapatuloy pa niya, medyo slang ang pagkakabitaw ng salita. Napakunot-noo na talaga ako. What happened? Is this some kind of acting or something? Dahil bigla na naman akong naguluhan sa bago kong nasaksihan. “Ikaw… ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, Elise! Huwag mong itago sa maskara na iyan ang pagkawalang-utang na loob mo sa magulang ko!” hiyaw ni Elaine. “Utang na loob?” tanong ni Yeon Na bago siya napangisi at pagak na natawa. “Anong utang na loob ang pinagsasabi mo, babae? Hindi nga kita kilala. Hindi ko rin kilala ang magulang mo,” dagdag pa niya. Bahagyang napaatras si Elaine. “Sinungaling ka, Elise! Huwag ka nang magkaila na hindi mo ako kilala! Na hindi mo kilala ang nagpalaki sa’yo!” muling hiyaw ni Elaine, hiyaw na masakit sa tainga. Hindi na nakapagpigil s

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 065

    Kalabisan na pang-aabuso ang ginawa nila kay Yeon Na. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ang tindi ng pagkakasalaysay nila sa bawat detalye. Kahit inis na inis ako sa mga lumalabas sa kanilang bibig, hindi ko rin maiwasang na mapailing habang pinipigilan ang sarili na matawa. Masaya akong malaman na natamo ni Yeon Na ang katotohanan, lalo na tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Kung kanina’y inis at galit ang naramdaman ko para sa kanya, lalo na sa sinabi ng aking ina tungkol sa pagtanggap niya ng pera mula rito, ngayon ay napalitan iyon ng muling pagrespeto ko sa kanya. Kung tinanggap man ni Yeon Na ang pera, hindi dahil mukhang pera siya, kundi dahil nirerespeto niya ang pagka-trigger ng aking ina sa secret affair namin. Sa mga nalaman ko ngayon, mas lalo tuloy lumalim ang interes ko sa buhay ni Yeon Na. Naipatong ko ang baba ko sa tuhod, habang nakaupo sa malamig na semento, at pinipilit na pakinggan ang bawat pabulong na salita nila. Muling napanatag ang puso’t isipan k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 064

    Pagkatapos ng usapan nila sa itaas, muling nag-anunsiyo ang host na ipagpatuloy na ang masayang celebration, kaya nagkanya-kanya na ang mga bisita sa pagbabalik sa kanilang pakikisalamuha sa kani-kanilang kakilala. Ang iba ay nagtawanan habang nagkukuwentuhan, may ilan ding bumalik sa kanilang mga mesa para muling makihalubilo. Ako naman ay nanatiling nakatayo, tila hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, at noong sa wakas ay naibaling ni Yeon Na ang kanyang tingin sa akin. Kaagad kong napansin ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ako, para bang hindi siya makapaniwala na naririto ako mismo sa harap niya. Basta na lamang sumilay ang ngisi sa aking labi dahil sa reaksyong ipinakita niya. Hindi siya magkakaganoon kung hindi siya si Yeon Na. Ang ekspresyon niya, ang gulat na pilit niyang tinatago, ay mas lalong nagpatibay sa paniniwala ko. Tapos ipinakita ko rin sa kanya ang aking maigting na titig, lalo na’t nakakapit pa rin ang kanyang kamay kay Gabriel. Napansin ko ang p

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 063

    Pagkalabas namin ng mansiyon, bumungad agad sa akin ang napakagarang set-up. Ang dami na ring bisita. May ilan akong nakikilala at namumukhaan, pero ang karamihan ay hindi pamilyar. Marami ring banyaga—may Chinese, American, Italian, at iba’t ibang lahi pa ang napansin ko. Sinamahan kami ni Christma patungo sa puwesto namin. Doon kami pinaupo sa may unahan, hindi kalayuan sa stage, halatang espesyal ang reserved spot na iyon. Kaagad akong napaupo at muling inilibot ang paningin ko, pinagmamasdan ang dami ng mga tao at ang hindi mapantayang karangyaan ng lugar. Si Gabriel naman ay nagpaalam sandali dahil may kakausapin daw siyang kakilala. Tumango lang ako bilang tugon kahit medyo alanganin ang pakiramdam ko. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang nakihalubilo sa mga Italyano. Napabuga ako ng hangin. Ito na nga ba ang kinaiinisan ko tuwing napipilitan akong dumalo sa event na hindi naman talaga ako imbitado. I feel so out of place. Dapat si Daddy ang narito, hindi ako. Wala a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status