“Are you sure? You have a cut on your forehead. You need to go to the hospital,” ani ko sa lalaki. Hindi ko maiwasang mag-worry dahil ang daming dugo na umaagos mula sa sugat niya. “No, I’m fine. The injury isn’t serious. I only got hurt because the mirror of my car shattered from the strong impact of the crash,” paliwanag niya, bagama’t kita sa boses niya ang panghihina. “You don’t need to lie, sir. It’s clear that your wound is serious. It’s a big cut,” pakli ko naman. Napatitig siya sa akin gamit ang isang mata. Hindi niya na kasi maibuka ang isa dahil sa dugo, at doon ko mas lalo nakitang delikado ang kalagayan niya. “Then… fine. Take me to the hospital,” pagsuko niya dahil siguro nahalata niya ang concern ko sa kanya. Kaya mabilis kong sinabihan si Ray na dumaan kami sa pinakamalapit na hospital. Tinulungan namin siyang sumakay sa likod ng sasakyan, hawak ko pa rin ang balikat niya para hindi siya matumba. Pagkarating sa emergency room ng isang private hospital, kaagad kaming
I put the folder on the CEO's desk kung saan nakapaloob ang aking resignation letter. Day off ni Sire kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras; ngayong araw ko na ipapasa ang resignation letter habang wala siya. Naiwan siyang mahimbing na natutulog sa condo, pagod na pagod sa ginawa namin kagabi. Pinagmasdan ko pa siya kaninang umaga bago ako umalis—ang mukha niyang payapa, walang kamalay-malay na iyon na pala ang huling pagkakataong makakasama niya ako sa umaga. Inayos ko ang pagkakalagay ng folder; inilagay ko talaga sa ibabaw ng mga pepermahan niya para iyon ang kaagad na bumungad sa kanya bukas pagpasok niya. Nasa ilalim naman ang tseke na ibinigay sa akin ni Mrs. Vemeer. Gusto kong malaman ni Sire na inalok ako ng kanyang ina para layuan siya, at masakit mang aminin… tinanggap ko ang alok na iyon. Pagkatapos kong ayusin ang ibang mga folder, naisipan ko nang lumabas ng opisina niya at bumalik sa pwesto ko. Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasang mailibot ang paningin ko sa buong opi
Muli ko siyang hinarap. Hindi ko na kayang itago ang pagkadurog ng loob ko. “Nababaliw ka na ba?” saad ko, may halong panggigigil at panginginig ng boses, habang ang mga mata ko’y puno na ng luhang kanina ko pa pinipigilan. “Oo, baliw ako. Baliw sa’yo!” bulyaw niya, nanginginig ang boses, punong-puno ng desperasyon. “Don’t leave me hanging like this, Yeon Na. Ikaw ang nagdala sa akin sa sitwasyong ‘to tapos ngayong hindi kita mabuntis-buntis, bigla mo na lang akong bibitawan?” Halos mapiyok na ang tinig ko nang sagutin ko siya. “Dahil iyon ang nararapat, Sire.” “God…” bulong niya, sabay tingala, napatakip ng mga mata para bang pinipigilang maluha. Kita ko ang panginginig ng panga niya, ang pag-igting ng kanyang balikat. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang kaya kong isakripisyo para sa’yo!” halos pasigaw na dagdag niya. “I can call off my wedding with Catherine if it means being with you.” Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang apoy sa bawat salitang lumalabas sa bi
Pagkauwi namin sa condo, pakiramdam ko ang mabigat ng bawat hakbang ko. Para bang sa bawat yapak ay may bitbit akong lihim na hindi ko alam kung kaya ko bang itago pa nang matagal. Diretso ako sa banyo, hindi na ako nag-aksaya ng oras para magpahinga o kahit umupo man lang. Si Sire naman, agad na nagpalit ng damit sa kwarto, walang kamalay-malay sa bigat ng emosyon na dumadagan sa dibdib ko. Hawak-hawak ko ang kahon ng pregnancy test kit na binili ko kanina. Dahan-dahan akong huminga nang malalim, sinubukang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko, pero para bang lalo lang itong bumibilis habang lumalapit ako sa sandaling kinatatakutan at inaasam ko. Ilang minuto lang, pero pakiramdam ko’y napakabagal ng oras. Nang makita ko ang dalawang guhit na unti-unting lumilitaw, natulala ako. The first test I used was negative. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka nagkamali lang ako sa paggamit. Pero sa pangalawang test… it's POSITIVE. Parang may kung anong kumurot nang sobrang
Hawak-hawak ko ang envelope kung saan nakapaloob ang tseke. Hindi ko talaga matatanggap ang perang ito. Kahit gaano kalaki ang kailangan kong pera para makabayad sa mga utang ko, hinding-hindi ko kayang ibayad ang perang hindi naman galing sa pinaghirapan ko. Aalis ako sa kompanya nang walang paalam kay Sire. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin dahil sa bigla kong pag-alis, kaysa magalit siya dahil tumanggap ako ng pera para layuan siya. Alam kong masasaktan siya, pero mas ramdam ko rin na mas mabigat sa kanyang damdamin kung tatanggapin ko ang tseke at iisipin niyang pera lang ang habol ko sa kanya. Nakailang buntong-hininga ako. Pumunta ako sa opisina ni Mrs. Vemeer kanina para personal na ibalik ang tseke, pero wala siya roon. Nasa business trip raw siya sa Thailand at next week pa siya babalik. Ipinikit ko ang mata, idinikit ang envelope sa dibdib ko, at pilit nag-isip kung ano ang magiging susunod kong hakbang. Naisipan ko na lamang na pumunta sa isang pharmacy para b
“Isa ka lang hamak na assistant ng anak ko, pero napaka-ambisyosa mo. Ang taas ng pangarap mo. Ang kapal at ang lakas ng loob mong sumingit sa relasyon niya at kay Catherine. Alam na alam mong ikakasal na siya, pero hindi ka pa rin nagpigil na hatiin ang atensyon ng anak ko. Imbes na magpokus siya sa nalalapit na kasal nila ni Catherine, mas inuuna ka pa niya,” pagpapatuloy niya, this time ay nakahalukipkip na siya, matalim pa rin ang mga mata na para bang binabalatan ako nang buhay sa titig pa lang. Hindi na ako sumagot. Ramdam ko na ang pagtitipon ng luha sa sulok ng mga mata ko, at bawat tibok ng puso ko ay parang mas bumibigat sa dibdib. Gusto kong umiyak, pero pinilit kong pigilan. “Napakaespesyal mo naman. At anong klaseng gayuma ang ipinainom mo sa kanya?” dugtong pa niya. Nanatili akong tahimik. “Magsalita ka!” hiyaw niya, mas malakas at mas mariin kaysa kanina, kaya napakislot ako. Para bang tumagos ang boses niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng tenga ko at ang p