Share

Chapter 144

Author: Anne Lars
last update Huling Na-update: 2025-09-25 19:03:15

**Yeon Na**

Hindi ko maiwasang matulala. They were torturing Henry using a stun gun. Nasa harapan ko siya, tatlong metro lamang ang layo namin. Halos paos na ang kanyang boses kakasigaw dahil sa matinding sakit. Hindi ako makapaniwalang ganito ang gagawin nila kay Henry.

Mahigit 30 minutes na ang nakalipas, pilit pa rin nilang pinapaamin si Henry kung saang bank account niya inilipat ang milyon-milyong halagang pera, pero ayaw nitong kumanta. Nagmamatigas pa rin siya sa kabila ng walang-awang pag-torture nina Catherine at Elidio.

“Ano? Hindi ka pa rin aamin?” ani Elidio kay Henry. Napailing lang si Henry habang nakayuko ang ulo. Katulad ko, nakatali rin ang mga kamay niya sa likod ng upuang kinasadlakan.

“Talagang ang tigas ng bungo ng hayop na ’to! Sige, ituloy niyo ang pagkuryente sa kanya,” inis na utos ni Elidio sa tauhan. Naipaling ko ang ulo ko at napapikit ang mga mata nang muli nila siyang kinuryente.

Wala sana siya rito kung hindi rin nila ako nahuli. Hindi kasi alam ni
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 144

    **Yeon Na** Hindi ko maiwasang matulala. They were torturing Henry using a stun gun. Nasa harapan ko siya, tatlong metro lamang ang layo namin. Halos paos na ang kanyang boses kakasigaw dahil sa matinding sakit. Hindi ako makapaniwalang ganito ang gagawin nila kay Henry. Mahigit 30 minutes na ang nakalipas, pilit pa rin nilang pinapaamin si Henry kung saang bank account niya inilipat ang milyon-milyong halagang pera, pero ayaw nitong kumanta. Nagmamatigas pa rin siya sa kabila ng walang-awang pag-torture nina Catherine at Elidio. “Ano? Hindi ka pa rin aamin?” ani Elidio kay Henry. Napailing lang si Henry habang nakayuko ang ulo. Katulad ko, nakatali rin ang mga kamay niya sa likod ng upuang kinasadlakan. “Talagang ang tigas ng bungo ng hayop na ’to! Sige, ituloy niyo ang pagkuryente sa kanya,” inis na utos ni Elidio sa tauhan. Naipaling ko ang ulo ko at napapikit ang mga mata nang muli nila siyang kinuryente. Wala sana siya rito kung hindi rin nila ako nahuli. Hindi kasi alam ni

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 143

    **Sire** “Kumusta po ang iyong pakiramdam, Lolo? Naninikip pa ba ang dibdib mo?” tanong ni Sunshine nang magising na siya. Mahigit isang oras siyang natulog; ngayon lang siya nagising. Inilibot ni Lolo ang paningin niya na parang may hinahanap. Una niyang naitutok ang paningin kay Sunshine na nakatayo sa uluhan niya, sunod kay Sarah na nakaupo sa paanan ng kama. Nang ibaling niya ang tingin sa akin ay saka lamang siya nagsalita. “Si Elise? Bakit hindi mo siya kasama?” mahinang tanong niya. Nagkatinginan kami ni Sarah. “Naiwan siya sa Varatti. Ako lang ang pinapunta niya rito,” tugon ko. Mabilis siyang gumalaw sa kinahihigaan. “Lo, huwag ka munang bumangon,” sambit ni Sunshine, pero hindi nagpapigil si Lolo; bagkus, nagpumilit siyang napaupo sa hospital bed. “Bakit mo siya iniwan, Sire?” agarang tanong niya sa akin, seryoso at mabigat ang boses. Bigla akong dinapuan ng kaba dahil sa paraan ng tanong at sa tingin niya sa akin. “B-Bakit naman po hindi? Hindi po ba dapat?” sagot ko

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 142

    Pagkabalik namin sa Varatti, papasok na sana kami sa building nang biglang nag-ring ang phone niya. Pareho kaming napahinto ni Sire habang nakakapit ako sa braso niya. Mabilis niyang inilabas ang phone mula sa coat pocket at saglit na napasilip sa screen. Si Sunshine ang tumatawag. “Sandali lang, sagutin ko lang ’to, baby,” ani Sire bago niya pinindot ang sagot at idinikit sa tainga ang phone. “Hello, Shine? Bakit? Si Lolo?” agad niyang tanong, bakas ang pag-aalala sa kanyang noo na ngayon ay mas lalong kumunot. Doon ko rin napansin ang biglang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha, mula sa pagiging kalmado ay mabilis itong napalitan ng pagkataranta. Kasabay noon, ang malakas na kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nangyaring masama kay Chairman Vemeer. “Si Lolo, ligtas ba siya? May nangyari bang masama sa kanya?” tanong niyang muli, mas buo ang kaba sa kanyang tinig. Hindi ko namalayang mas mahigpit na ang pagkakakapit ko sa braso niya. “Nasa hospital kayo ngayon? Ayos lang ba

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 141

    “Uncle is smart, wifey. He would let Henry believe that he is smarter than him. But little did he know, na ang perang pinagmamalaki niya sa mga bank accounts na hawak niya ngayon will not stay with him for long. Uncle would kill him after he finds a way to escape his sins from us. At kung hindi man siya magtagumpay sa plano niyang itakas ang pera. Idadawit niya si Henry, at hindi lang basta idadawit—Henry will take the full blame for everything dahil sa bank accounts niya nakalagak ang milyon-milyong pera,” paliwanag niya sa akin. Bahagya akong napanganga at tila hindi makapagsalita bago ko naisipang humugot ng malalim na hininga. Kung ano man ang nasa isip ni Sire ngayon, mukhang iyon nga ang plano ni Elidio, ang magkaroon siya ng shield na sasalo sa lahat ng kanyang kalokohan. At walang iba kundi si Henry. Naisipan kong ipatong ang isang kamay ko sa kanya, ramdam ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking kamay. “Okay. Naiintindihan ko na. So, if they’re teaming up para makatak

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 140

    “Alam mo naman pala na binili iyon ni Sire para sa aming dalawa, bakit parang ayos lang sa'yo na bibili ka rin ng penthouse sa Sapphirean or Rubbean para doon ako patirahin? Para bang okay lang sa’yo na mamangka ako sa dalawang sapa?” usisa ko. “Of course not, Elise. Kaya nga bibili ako ng luxury penthouse dahil gusto kitang ma-solo. Gusto kong higitan ang kapatid ko para wala siyang maipagmalaki laban sa akin. I’m going to confront him tomorrow, sasabihin ko na tigilan na niya ang pagpapaasa at panlilinlang sa'yo. He never truly loved you, Elise. He’s just using you, just like all the other women he toyed with before." “Gusto ko na sa akin ka lang. I want us to get back together and fix what we once had. Pinapangako ko, hindi na kita lolokohin at hindi na rin kita sasaktan. I’ve changed, Elise… and I’ll prove it to you, no matter what it takes,” paliwanag niya. Iyan ang paulit-ulit na mga banat niya na akala niya ay paniniwalaan ko pa. Hindi naiwasan ni Sire na maningkit ang mg

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 139

    Habang nasa biyahe kami patungo sa hospital, doon ko lang biglang napagtanto kung paano nalaman ni Henry na sa mismong penthouse ako nakatira. Napatingin ako kay Sire, at agad niyang nahuli ang mga sulyap ko. Kita ko ang bahagyang pag-aalala na gumuhit sa mukha niya. “May problema ba? May nakalimutan ka ba sa penthouse?” tanong niya, ramdam ang pagkabahala sa tinig. “Ngayon ko lang naisip kung paano nalaman ni Henry na sa mismong penthouse ako nakatira,” sagot ko. “But you said, nagkita kayo ni Henry sa lobby ng Varatti. Didn’t you tell him na sa Varatti ka nakatira?” tanong niya, seryosong nakatitig sa akin. “Oo, nagkita nga kami sa Varatti pero nagsinungaling ako sa kanya. Sabi ko na may dinalaw lang akong kakilala doon,” paliwanag ko, halos napabuntong-hininga. Napatango siya, halatang nag-iisip ng malalim. “Baka may nagsabi sa kanya, at nalaman niya na ang totoo,” aniya. Napatitig ako sa kanya, ramdam ang kaba sa dibdib ko. “Baka alam na niya ang tungkol sa akin… at kay Dad,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status