Share

Her Billionaire Husband, My Revenge
Her Billionaire Husband, My Revenge
Author: Rosa Kane

KABANATA 1

Author: Rosa Kane
RICA

"Your husband is having an affair with my wife."

Bigla kong naibuga ang tubig na iniinom ko bago ko pa man mapigilan ang sarili ko.

Nakatitig lang ako kay Chase Celestino sa kabilang dulo ng mesa, sigurado akong mali lang ang narinig ko. Kailangan maging mali ang narinig ko. Dahil ang katatapos lang niyang sabihin ay napaka-imposible.

Kahit kailan ay hindi ako pagtataksilan ni Jordan.

"Mr. Celestino." Maingat kong ibinaba ang baso ko, ’yong tipong ginagawa mo kapag nanginginig ang mga kamay mo at ayaw mong may makahalata. "Is this a joke? Kasi hindi nakakatawa."

"Do I look like I'm joking?"

Hindi nga. Walang ibang mukha si Chase Celestino kundi ang pagiging seryoso nito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay tama siya.

"Mahal ako ni Jordan," buong tiwala kong wika. "Hindi niya kailanman magagawa ang sinasabi mo."

"Alam ko." Mahina at halatang pagod ang boses niya. "Ganiyan din ang sinabi ko tungkol kay Nadine tatlong buwan na ang nakararaan."

Nadine.

Pangalan pa lang niya, parang pinipiga na ang dibdib ko. Si Nadine Celestino. Ang pinaka-bestfriend ko simula pa noong bata pa kami. Ang babaeng umiyak sa wedding ko. Ang babaeng araw-araw tumatawag sa akin para sabihing napakasuwerte ko raw dahil may Jordan ako.

Para na kaming magkapatid.

"This isn't possible,” ulit ko, pero mas mahina na ang boses ko sa pagkakataong ito.

Tiningnan ako ni Chase tulad para bang naaawa siya sa akin. Kinamumuhian ko ang ganoong tingin.

"Wala ka talagang napansin kahit anong senyales?" tanong niya.

"Walang anumang senyales."

"Anim na buwan na, Rica."

Napaatras ako sa numerong iyon. "No."

"Six months and you never once suspected anything?"

"Sinabi nang wala nga." Tumayo ako, dahilan para gumawa ng malakas na ingay ang upuan ko habang pabalagbag na naisod. "I trust my husband completely. Kung ano man ang akala mong alam mo, nagkakamali ka."

"Sit down."

"Aalis na ako."

"Sit. Down."

May isang bagay sa boses niya na nagpatigil sa akin. Hindi malakas. Hindi agresibo. Pero buong-buo ang awtoridad.

Umupo ako.

Bahagya siyang lumapit at ipinatong ang mga braso sa mesa. "Six months ago, did anything change between you and Jordan?"

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita, pero mabilis ko ring itinikom.

Anim na buwan.

Kusa na lang lumabas ang mga alaala nang walang pahintulot sa isipan ko. Ang biglaang mas madalas na pagbisita ni Nadine sa bahay. Dalawa, tatlo, apat na beses sa isang linggo, at palaging tuwing nasa bahay si Jordan. Sobrang saya ko pa naman noon. Akala ko mas lumalalim lang ang pagkakaibigan namin. Akala ko nami-miss niya lang ako.

At si Jordan. Maalaga pa rin. Perfect pa rin. Nagpapadala pa rin ng bulaklak tuwing umaga, nagpapadala ng mga sweet na text sa buong maghapon, at humahalik sa akin na para bang napakahalaga kong bagay sa tuwing papasok siya sa pintuan ng bahay namin.

Pero ang sex life namin.

Tatlong buwan na mula noong huli niya akong hinawakan. Tatlong mahabang buwan ng mga linyang "Pagod na pagod ako, baby" at "Kapag natapos lang 'tong project na 'to, babawi ako sa'yo" at "One more year at makukuha na natin ang lahat ng pinapangarap natin."

Naniwala ako sa bawat salitang iyon.

Tumigil ka. Pinalis ko ang mga isiping iyon. Ginagawa mo mismo ang gusto niyang mangyari.

"Kahit na may nagbago sa amin ni Jordan," maingat kong sabi, "hindi pa rin iyon patunay ng kahit anong sinasabi mo."

Walang imik na inilabas ni Chase ang cellphone niya.

Iniharap niya sa akin ang screen.

Inabot ako ng tatlong buong segundo para maunawaan ang nakikita ko. Isang luxury club. Isang private booth. Madilim, mamahalin, at napaka-intimate.

Si Jordan at si Nadine.

Magkasama.

Bumagsak ang sikmura ko nang sobrang bilis na akala ko ay masusuka ako doon mismo sa mesa.

"Kinuha 'yan noong nakaraang linggo," walang emosyong wika ni Chase.

"Hindi." Itinulak ko palayo ang phone niya. "Hindi, imposible 'yan. Nasa ibang bansa si Jordan noong nakaraang linggo. May business trip siya. Nagvi-video call siya sa akin gabi-gabi hanggang sa makatulog ako."

Hindi nakipagtalo si Chase. Tiningnan niya lang ako.

"Tinatawagan niya ako," ulit ko, habang medyo pumipiyok na ang boses ko. "Gabi-gabi."

"I know." Bawi niya sa phone niya. "He's very thorough."

Tumatak sa akin ang mga salitang iyon. Para bang may pasa sa puso ko na biglang pinindot.

"You can see the truth for yourself if you still have doubts," sabi niya.

Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mata ko, naiinis sa sarili ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Siguro sinabi sa'yo ni Jordan ngayong umaga na bibiyahe siya bukas. Apat na araw. Business trip, tama?"

Napatigil ako. "Pano mo nalaman 'yan?"

"Because my wife already told me she's visiting her mother for four days." Isang tuyong ngiti ang gumuhit sa mukha niya, pero hindi umabot sa mga mata niya. "Walang pupuntahang malayo ang dalawang 'yan, Rica. He booked the entire East Wing of Mondragon Resort. Four days, just the two of them."

Parang umihip nang bahagya ang hangin sa paligid ko at nagulo ang mundo ko.

Sinabi nga sa akin iyon ni Jordan ngayong umaga. Bago siya umalis papuntang trabaho, mainit pa sa pagkagising, habang humahalik sa noo ko. 'Mami-miss kita sa bawat segundo, baby.' Iyon mismo ang eksaktong mga salita niya.

"Come with me tomorrow evening," ani Chase. "Kung mali ako, malalaman mo. At kung tama ako..." Hindi niya na tinapos ang pangungusap. Hindi niya na kailangan pa.

Hindi ko naalalang pumayag ako. Pero kahit na gano’n, tumango ako.

At ewan ko kung paano, nakauwi ako nang ako mismo ang nagmamaneho.

Hindi ko alam kung paano ko iyon nakayanan. Sa buong biyahe pauwi, parang may nakadagan sa dibdib ko. Mabigat at hindi maigalaw. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi iyon totoo. Gawa-gawa lang ang litrato. Nagseselos lang si Chase sa kung anong mayroon kami ni Jordan. Maraming nagagawang kabaliwan ang mga tao dahil sa selos.

Mahal ako ni Jordan.

Pag-uwi niya noong gabing iyon, may hawak na mga bulaklak, at malambing at mainit ang mga mata tulad ng palaging ginagawa niya kapag tumitingin sa akin, may isang bagay sa dibdib ko ang nagkalamat.

Kita mo? Tingnan mo siya. Hindi ka niloloko ng lalaking 'to.

Hinalikan niya ako nang mabagal at malalim sa kusina at hinalikan ko rin siya nang kasing-diin niyon, habang may hinahanap ako sa mga halik niya. Isang kasinungalingan. Isang senyales. Kahit ano na magbibigay ng linaw sa mga sinabi ni Chase.

Wala akong nahanap.

Tinanong niya ako tungkol sa araw ko at nagsinungaling ako nang buong-buo, nakangiti sa kaniya na para bang hindi nagunaw ang mundo ko noong hapon na iyon.

Noong gabing iyon, sinubukan ko ulit.

Dinikit ko ang sarili ko sa kaniya sa kama, habang ang mga daliri ko ay gumagapang sa dibdib niya. Dahil doon, maingat niyang hinawakan ang kamay ko.

"Baby." Tunog malambing, pagod, at totoong-totoo ang boses niya. "Pagod na pagod ako. Kapag natapos na 'tong contract 'to, sa'yo na ang bawat gabi ko. I promise you."

"Sure," bulong ko.

"I love you so much, baby."

"Alam ko," sagot ko.

Hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na para matulog.

Nakahiga lang ako sa dilim habang pinakikinggan ang paghinga niya, at nag-iisip kung paanong ang isang lalaki ay nakakapagsinungaling nang napakaganda.

Baka naman hindi siya nagsisinungaling.

Baka si Chase ang nagsisinungaling.

Kumapit ako sa isipang iyon na para bang iyon na lang ang natitirang kakapitang pag-asa, at naghintay na dumating ang umaga.

—

Hinalikan ako ni Jordan sa pisngi kinaumagahan, habang nagkukunwari akong natutulog.

"I'll miss you every second. I love you."

Nakatitig lang ako sa dilim sa likod ng mga nakapikit kong mata hanggang sa marinig kong nag-click ang pinto sa pagkakasara sa likod niya.

Hindi ako gumalaw doon hanggang sa mag-tanghali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 100

    Hindi pa man ako nakakahinga nang maayos, sinabunutan niya ulit ang buhok ko at hinila ako patayo. Itinulak niya ako papunta sa wooden chair at desk sa may sulok. "Get on your knees on the chair and grip the table." Nagmamadali akong sumunod. Lumapat ang mga tuhod ko sa sapin ng upuan. Hinawakan ng mga kamay ko ang gilid ng mesa. Nakayuko ako, nakalantad, at walang kalaban-laban.Tumayo siya sa likuran ko. At bigla na lang, dumapo ang kamay niya sa isang pisngi ng puwet ko. Napakalakas niyon kaya napadaing ako. Pinalo rin niya ang kabila, sa parehong rahas, at muntik na akong mahulog sa upuan. Sunod-sunod niya akong pinalo sa puwet, salitan ang kaliwa at kanan, at bawat palo ay may buong pwersa. Napapadaing ako sa bawat tama; ramdam ko ang hapdi sa balat at namumuo ang luha ko sa mga mata. Hindi siya tumigil hanggang sa namula nang husto, kumikirot, at sobrang hapdi na ng magkabilang pisngi ng puwet ko. Pagkatapos, hinawakan niya ang balakang ko. Pumwesto siya. At saka niya ipin

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 99

    NADINE“Wait lang.” Sabi ko kay Spencer bago ko pa napigilan ang sarili ko. "Okay . Gagawin ko ang gusto mo." Lumingon siya at lumawak ang kanyang ngiti. "Good girl." Inuna niyang hubarin ang kanyang jacket. Inilapag niya ito sa upuan. Sumunod ang kanyang polo, isa-isa niyang binuksan ang mga butones, at bumungad ang dibdib niya na puno ng tinta; mga madidilim na design hindi ko mabasa sa dim light. May maganda siyang pangangatawan, muscular sa paraang nagpapahiwatig ng karahasan at pagbubuhat ng bakal. Actually, medyo hot siya.Hinulog niya ang kanyang cigar sa sahig, inapakan ito, at naglakad patungo sa kama. Umupo siya. Ginamit niya ang kanyang hintuturo para tawagin ako palapit. "Come on. Get to work. I still have better things to do." Tumayo ako. Pakiramdam ko ay hindi sa akin ang mga binti ko. Naglakad ako palapit sa kanya habang iniisip, 'Sana naman maging worth it ito.' Pagdating ko sa kama, yumuko ako para halikan siya. Umatras siya. "No, hindi na kailangan 'yan. Ta

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 98

    NADINEAmoy mamahaling whiskey at mga sikretong matagal nang nakatago ang buong room.Nakaupo ako sa gilid ng leather chair habang nakatitig sa pinto at binibilang ang bawat minuto. Tatlumpung minuto. Apatnapu. Limampu.Nasaan na ba siya?Dalawang daang libong piso ang binayad ko para lang maiparating ang message ko.Dalawang daang libong piso na pinaghirapan kong kitain sa paraang ayoko nang maalala dahil sumasakit ang sikmura ko kapag naiisip ko.At ngayon, nakaupo ako sa isang back room ng club, naghihintay sa lalaking tinatawag na Spencer para magdesisyon kung karapat-dapat ba akong pag-aksayahan ng oras niya.Paulit-ulit akong inalok ng second-in-command na kumuha ng maiinom. Paulit-ulit ko rin iyong tinanggihan. Kailangan malinaw ang isip ko.Eksaktong limampu’t pitong minuto nang bumukas ang pinto.Pumasok siya.Si Spencer.Matangkad siya. Mas malapad ang balikat kaysa sa pagkakatanda ko mula sa mga litrato. Puno ng tattoos ang magkabilang braso niya, dark ink na umaakyat hangg

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 97

    “Fine. Whatever. Just make the call.”Nag-dial si Rica at inilagay sa speaker ang phone.Unang ring. Pangalawa. May narinig kaming click.“Hello.” Boses iyon ni Chase.Halos lumundag ang puso ko sa dibdib ko.“Mr. Celestino,” sabi ni Rica. “I'm sorry to call you out of the blue, using our company line for something a bit personal.”“Yeah, I'm really busy. Just get to the point.”“Actually, tumatawag ako dahil may gustong makausap ka. It's your wife. I'm going to hand the phone over to her.”“What wife?”Parang sinampal ako ng dalawang salitang iyon.“Kailan ako nagkaroon ng asawa?” tanong ni Chase. “Have I ever told you in person that I am married?”Agad kong inagaw ang phone mula sa kamay ni Rica.“Chase! Chase, ako ‘to! Si Nadine! Ano bang sinasabi mo?”Naputol ang tawag. Nakatitig ako sa screen. Saka kuli kong tinawagan. Ibang boses ang sumagot.“Hello? Am I speaking to Miss Rica?”“Give the phone to my husband. Gusto kong makausap si Chase.”“Excuse me, sino ‘to?”“Si Mrs. Celestin

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 96

    NADINETumawag ang Mama ko sa sandaling pakiramdam ko ay mababaliw na ako.“Ano’ng nangyayari?” tanong niya agad. “Nakikita ko ang mga taong binabash ka sa social media. Sinasabi nilang nagsisinungaling ka raw. Na hindi ka raw asawa ni Chase.”“Ma, hindi ko alam. Nababaliw na ako.”“Ipaliwanag mo nga sa akin. Kinausap kita kahapon pagkatapos ng shooting diba? Sabi mo okay ang lahat.”“Hindi okay ang lahat.”Nabasag ang boses ko. “I've been lying to you, Ma. Simula nang malaman nating chairman pala ng Everest Holdings si Chase, iniiwasan na niya ako. Hindi ko na siya nakausap nang personal. Hindi ko na siya nakita. Hindi na siya umuuwi. Ang tanging balita ko tungkol sa kanya ay nakikita ko sa social media.”“Paano ka niya nagagawang tratuhin nang gano’n? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ninyong dalawa?”“Hindi ko alam, Ma.”“Relax.” Lumambot ang boses niya. “Baka ayaw lang munang ipaalam ni Chase sa buong mundo na married na kayo. Baka may reason siya kung bakit gusto niyang maging lo

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 95

    NADINEMay forty-three small cracks ang nasa ceiling tiles ng private wing ng St. Catherine’s. Labindalawang beses ko silang binilang mula nang magising ako hanggang sa tuluyan kong tanggapin na hindi darating si Chase para kumustahin man lang ako.Fifteen hours. Gano’n ako katagal na nakahiga sa hospital bed, naghihintay sa kanya.Fifteen hours na may mga nurse na paulit-ulit na nagche-check ng vitals ko, mga doktor na sinasabing napakaswerte ko, at mga reporter na nagkukumpulan sa labas ng entrance, umaasang masisilayan ang asawa ng pinakamayamang lalaki sa bansa.Naalala ko ang lahat. Ang press conference. Ang mga tanong. Ang mabilis na paggalaw sa gilid ng paningin ko. Ang tunog ng putok na narinig ko isang buong segundo matapos tumagos ang bala sa katawan ko.At naalala ko siya. Ang mga kamay na humawak sa akin.Ang katawan na nag-cover sa akin.Ang boses na sumigaw para humingi ng tulong.Si Chase.Hinila niya ako pababa.Iniligtas niya ang buhay ko. Alam ko iyon gaya ng pagkaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status