Share

005

Author: kmn
last update Last Updated: 2023-09-28 02:00:31

Overthink

-

Kaia's

[past]

I thought that's the end of it.

Buong akala ko ay hindi ko na ulit siya makikita. O, kung makikita man, iyong makakasalubong na lang sa daan. Iyong aksidente lang talaga at hindi na sinadya pang puntahan mismo.

But the following day, I caught him waiting for me outside my classroom again.

Uwian na sa mga oras na iyon. He's wearing his usual jersey attire pero mukhang hindi pa nagsisimulang maglaro dahil hindi pa siya pawisan.

May kumpulan ulit malapit sa kanya pero hindi na gano'n karami. Siguro ay na-realize ng iba na may practice ang football team ngayon dahil sa nakitang suot niya kaya roon na agad sa field nagtungo.

"Hey..." Lumapit siya sa akin.

I got slightly annoyed. I already told him na okay na, tapos ngayon, ito na naman siya. Hindi talaga makaintindi.

My classmates were starting to come up with different hypotheses about us dahil sa dalas na pagpunta niya.

Ani nila, nililigawan niya ako. O, siguro ay kami na. O, baka matagal na talagang kami, inilihim lang at ngayon lang kaming naglakas-loob para ipaalam iyon sa iba. Marami pa silang ibang haka-haka. At hindi ako natutuwa sa kahit alin man do'n. Hearing about it annoys me. Kahit na sabihing katuwaan lang, talagang naiirita ako. I don't have any time to entertain such malicious thoughts.

Kung kaya, nagpanggap akong hindi siya narinig at tuloy-tuloy lang ang lakad papunta sa hagdan.

I know he saw me looking at him earlier. Noong nasa loob pa ako ng room. Kaya naman siguradong batid niya na alam ko na narito nga siya. I just hope he will take the hint and just leave me alone.

"Kaia, wait!"

Binilisan ko pa lalo ang lakad. Pero bago pa man ako makababa sa hagdan ay nahuli niya na ang braso ko.

Iritado ko siyang nilingon. "What now?"

Napahinto siya at binitawan ang kamay ko. Sandali niya akong pinagmasdan. Mukhang tinitimbang ang ekspresyon at tono ko.

"You're mad... again?" Maingat niyang tanong.

Umirap ako. "At bakit hindi?"

He looked so confused. I wanted to snort. Ganyan ba talaga siya ka-dense para hindi malaman ang nangyayari sa paligid naming dalawa tuwing andyan siya? He might be used to it, but I’m definitely not!

"Why? Is there something wrong?" Tulad kanina ay mahinahon pa rin ang boses niya.

Lalo lang akong nainis dahil hindi niya talaga alam. Wala siyang kaalam-alam habang ako itong napupurwisyo dahil sa kanya!

"It's because people are starting to think that we're an item now! Ilang araw ka na naghihintay palagi sa room ko, at wala kang ibang sadya kung 'di ako. This a five-storey building. Pang fourth floor ang room namin, and not to mention that yours is from another building, yet, you exert some effort to come here. Why? I already told you that I'm fine! Hindi ko na rin masisisi 'yong iba kung gano’n ang iniisip nila dahil sa ginagawa mo. They’re really going to think something’s going on between us if you keep showing up like this!"

Walang tigil kong sinabi ang lahat ng iyon. Napabuga ako ng hininga matapos magsalita. I just want to get this over with!

He went still for a minute. Binalot kami ng katahimikan. Ang kanyang mala-abong mga mata ay seryosong nakadungaw sa akin. There was still some noise in the distance, dahil hindi pa naman lahat ay nakababa na. Pero sa kinaroroonan namin ngayon, wala na gaanong estudyante.

Kumunot ang noo ko nang may maramdamang kakaiba sa aking tiyan. Pinilit kong ibaling ang tingin sa kanyang gilid dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin.

"You think people's opinion about you that much?"

My jaw dropped. Tumikhim siya at tumango. Habang ako ay natigilan dahil sa mga katagang binitawan niya.

"That's not what I—"

He cut me off immediately. Iniabot niya sa akin ang pamilyar na panali ng buhok. It was the one I was wearing on my hand that time noong natamaan niya ako ng bola. Kinailangan kong tanggalin iyon dahil masikip. The nurse told us that it was not good for my blood flow.

"I was just going to give it back to you. It's yours, right? Nurse Pau found it. Naiwan mo ata sa table ng clinic."

He looked away for a second, then back at me. His eyes were so serious and intense that I sucked in my breath. His jaw tightened.

"Don’t worry, I was just really going to give it back. Sorry if I made you uncomfortable. I won’t bother you anymore. Pasensiya na."

I’m not sure what it was that kept me up all night.

Iyong sinabi niya ba o 'yong tingin niyang hindi ko mawari bago siya umalis.

Buti na lang at Sabado kaya walang pasok. Madaling araw na akong nakatulog kakaisip ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ba big deal iyon sa akin masiyado. But his words made me uneasy.

I don't really care what anyone has to say, pero syempre, hindi naman kami magkakilala para maiugnay ako sa kanya. I don't know him at all. We just met by accident. At kung 'di pa nga iyon nangyari ay hindi ko talaga siya makikilala.

Ayoko lang na magkaroon ng kahit anong issue sa school at madawit sa kahit anong gulo.

I've been doing a pretty job making my existence less noticeable. Ngayon pa ba ako papalpak kung kailan malapit na ang moving up?

Hindi ako palakaibigan masiyado. Kung mayroon man ay hindi ko talaga gano'n ka-close. I only focus on my studies. Bahay at school lang madalas. Lalo na kung wala namang group work na kakailanganin na pumunta sa ibang lugar ay hindi ako aalis ng bahay.

They only know me as a smart and studious kid, not someone who’d likely have a boyfriend during her high school years.

But I'm not exactly an introvert. Pero sa takot ko na maipatawag ang mga magulang ko sa kahit anong 'di magandang bagay, I kept a low profile. And I kind of like it too. I like not being on the spotlight, kahit na sabihing ako ang top 1 o ano. Hindi ko naman ginagawa iyon para sa atensyon ng ibang tao.

Besides, there’s really peace in being alone. Hindi ka rin madaling ma-disappoint dahil okay ka na sa sarili mo. You don’t need anyone to please you. You’re happy and content with yourself.

Kaya bakit niya sasabihin na masiyado kong iniisip ang opinyon ng iba? I only care about it if it's affecting me in a negative way at lalo na kung wala namang katotohanan! Kung hindi naman gano'n ay wala akong pakialam!

It's already quarter to eleven in the morning when I woke up. Patanghali na.

Hindi ako agad bumangon sa kama.

And why do I care about his opinion anyway? Hindi ba mas napatunayan niya lang ang sinabi niya dahil hindi ako makatulog kakaisip dahil doon?

Napasabunot ako sa buhok ko.

Iritado akong bumaba. Agad ang diretso ko sa kitchen. Naabutan ko silang nag-aayos doon. Elyse was trying to help Nana Ising place some mats.

Nakuha noon ang atensyon ko. Apat ang inihanda nila ngayon.

Before I could even ask about it, my sister opened her smart mouth.

Nakangiwi siya sa akin. "You look like a monster, Ate. Didn't you sleep well?" maarte niyang tanong.

Umirap ako at tumulong na rin sa kanila sa paghahanda ng mga kubyertos. "I didn’t sleep well because I kept dreaming about you," asar ko.

Kumunot ang noo niya. "Well, sounds like you had a good night’s sleep then."

She smirked at me. Natawa naman si Nana Ising sa aming dalawa.

"Tumigil na kayo riyan at parating na ang Mommy at Daddy niyo," nakangiti nitong saway.

Dinilaan ko ang kapatid ko. She grimaced again. Ang arte talaga nito!

"You're so childish, Ate."

"And you're so manang," nilapitan ko siya at kiniliti nang matapos niyang mailapag ang pinggan na hawak.

At dahil alam niyang injured ang kamay ko, she didn't move too much. Pigil ang pagwawala niya. Lalo akong napangisi.

Halos maiyak na siya kakatawa sa pangingiliti ko.

"Stop it!"

"Ha! Who's childish now?" I said in a sing-song.

Nasa lapag na kami ngayon pareho dahil sa pagpiglas niya sa akin. Namumula siya nang pinakawalan ko. Her eyes had some tears around them because of her laughter.

"You're not playing fair," hinihingal niyang sambit. Hinahabol ang hininga mula sa nangyari. Pinipilit niyang gawing simangot ang kanyang ngiti.

Tinigilan ko siya pagkaraan ng ilang sandali dahil hindi pwede sa kanya ang sobra-sobrang emosyon. I smirked at her.

Pero agad na napawi iyon nang kumaripas si Mommy ng takbo papunta sa kanya. She's still wearing eher corporate attire, ang kanyang bag na hawak ay inihagis sa lapag.

"Oh my god, what happened?" agap niya sa kapatid ko. Lumuhod siya para mas matingnan nang mabuti si Elyse.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. She immediately checked Elyse's body for something. Parang may hinahanap na kung ano roon. I also noticed how shocked Elyse looked after seeing our mother’s reaction. Maging siya ay nabigla rin.

Then Mommy's attention went to me. Ang kanyang matalim at malupit na mga mata ay ipinukol niya sa akin.

"What did you do to your sister?!" Her voice boomed around the house.

Sa sobrang pagkabigla, hindi ako nakasagot agad. I only looked at her with wide eyes.

Ano?

Bumalik ang atensyon niya kay Elyse nang hindi ako sumagot. She asked her about something pero halos mabingi ako at hindi na marinig kung ano iyon.

My eyes frantically darted around. Sa kanilang dalawa ni Elyse, kay Nana Ising na malapit sa lamesa, sa kasambahay na kumaripas papunta rito dahil siguro sa sigaw ni Mommy... I looked at each one of them to look for answers dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.

Itinaboy ni Elyse ang hawak ni Mommy sa kanya. "We were just fooling around, Mom."

There was a hint of annoyance in her tone. She suddenly stood up and went to me. Iniwan niyang nakaluhod si Mommy doon.

"Come on, Ate. The food will get cold."

Napalunok ako nang binalingan ako ulit ni Mommy. Hindi pa rin ako nakakabawi sa nangyari.

 One minute, we were just laughing and then... it all felt too sudden. Halos hindi pa iyon napo-proseso ng utak ko.

I saw my mother stoop up kaya tumayo na rin ako. At dahil tumayo na ako ay tumayo na rin si Elyse.

Dahan-dahan ang kilos ko. Ngayon pa lang nag si-sink in sa akin.

Did she thought that I... hurt my sister?

Lalo akong nanlamig. Tuliro akong umupo sa silya.

The way she run to Elyse...

Iyong pagtingin niya sa katawan nito na para bang may sinaktan ako roon...

And her question...

Pigil ang hininga ko habang inaalala lahat.

"Nagkakatuwaan lang po ang dalawa, Ma'am Eloise," sambit ni Nana Ising na mukhang naramdaman din ang tensyon.

Mommy didn't even bother to say sorry for mistaking me... hurting my sister. Parang walang nangyari nang maupo rin siya sa hapag. Hindi niya pinansin ang sinabi ng matanda.

"Your father won't be joining us. He's still at a meeting," malamig niyang sambit pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

The whole time we were eating together, hirap na hirap akong lunukin ang pagkain. Tears were constantly forming around my eyes pero hindi ko hinahayaang makawala ang mga iyon.

I pinched my fingers under the table.

It's okay. It's okay. It's okay.

Paulit-ulit kong pinapaalalahan ang sarili.

Mommy didn't mean that. Mukha nga naman kasi kaming nag-aaway ng kapatid ko dahil pareho kaming nasa lapag.

Pero hindi ko pa rin maiwasan ang panginginig ng aking mga kamay bawat subo. Hindi ako mapakali dahil paulit-ulit na may nagbabara sa aking lalamunan. Kahit anong lunok o inom ang gawin ko, hindi ito mawala-wala.

She must have thought that we attacked each other or something. At syempre hindi nga naman maganda sa magkapatid ang nag-aaway.

Oo, tama. Iyon lang 'yon. Don't read too much into it. She doesn't hate you. Technically, you're still her kid. Kahit sa papel lang. Don’t antagonize your mother. It’s probably just all in your head. Don't overthink about it.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Buried Desires   022

    Ring-Kaia's[present]Pero imbes na iyon ang mangyari, I felt a warm embrace envelop me.“This must be hard for you, hija…”Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. But my mind was too stunned that my body froze in place.Hindi ko alam kung ibabalik ko ba ang yakap sa kanya, dahil hindi ko rin naman alam kung para saan iyon.Wait… what did she just say?“I can see it in your eyes. I was once in your place too,” aniya at kumalas sa yakap. Ang kanyang mga kamay ay nanatili sa aking magkabilang balikat.The warmth in her eyes was back now. Pero ngayon, may ibang emosyong humahalo roon.She exhaled slowly and patted me on the right shoulder.“Believe me when I say that it will get better. It’s hard, that’s true. But you will find reasons along the way to love the new life you will soon have.”Wait. Hindi ko pa rin makuha ang sinasabi niya.Nakita niya yata ang kalituhan sa akin kaya napahalakhak siya nang marahan. Her hands moved to hold my palms. Ni wala na akong oras para mahiya ku

  • Her Buried Desires   021

    Come-Kaia's[continuation of 015 ; from the present]“I can’t believe that we're finally going to be in-laws!"“Me too, kumpadre,” halakhak ni Daddy at bumaling sa amin ng lalaking katabi ko. “I have never imagined this day would come!”Gusto ko ring maging masaya. I faked a smile when my father’s stare lingered longer than usual.It’s been at least two weeks now magmula nang ma-discharge siya. Ayon sa kanyang doktor, at katulad din ng sabi ni Mommy noong una, it was a good thing na maisugod agad siya sa ospital nang mga oras na ‘yon kaya hindi na nagkaroon pa ng kung anong komplikasyon.Again, I wanted to be happy that he’s finally healthy and well. Kaso hindi ko tuluyang magawa dahil sa katotohanang kailangan ko nang harapin ang lahat magmula ngayon.“The engagement will be announced during the 70th anniversary of The Shire. That would be next week,” sabi ng ama ni Aril na si Frederico Adriatico. Daddy calls him Fredo. “It’s the perfect time, together with the announcement of the

  • Her Buried Desires   020

    You-Kaia's[past]No matter how much I tried to forget what happened that day, hindi mawala-wala sa akin ang pangamba at pag-aalala sa nadatnan kong sitwasyon ng mga magulang ko.Daddy told me to go straight to my room, which I hesitantly obeyed. Habang si Mommy naman, narinig kong umalis daw at hindi umuwi ng gabi ring 'yon.Wala sila pareho sa hapag nang mag-dinner. Ani Daddy, may kailangan pa siyang tapusin, kaya sa study na siya kakain.The only good thing? Elyse was asleep during that whole fiasco, at noong mag-dinner naman ay hindi na siya nagtaka na hindi sumabay ang mga ito sa amin. Kung kaya't wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Iyong mga kalat kasi ay agad nang ipinalinis bago pa man din siya magising.Wala ring imik sina Nana Ising kahit anong tanong at pangungulit ang gawin ko tungkol do'n."C'mon, Nana. What were they fighting about?" pilit kong tanong kinabukasan nang makauwi ako galing sa practice.Hindi ko na nga halos makausap ang partner ko kanina dahil sa kakaisip

  • Her Buried Desires   019

    Dance-Kaia's[past]They say that when you're happy, you get inspired to do a lot of things. So, days go by without you even noticing it.And it was true enough—because I didn't even realize it was already Monday. At tama rin ako sa pag-iisip na mapag-uusapan 'yong nangyari sa party."Kaia! OMG! How are you?" lapit ni Mary Anne, na sinundan naman nina Leigh. Agad nila akong pinalibutan sa aking upuan."We heard what happened. Sana tinawag mo kami," si Arianne, halata ang concern sa kanyang boses.I smiled at them. "I'm fine. You don't have to worry.""That Lara girl is graduating, right?" baling ni Mary Anne kay Leigh. Tumango naman ang huli sa kanya. "The nerve of her! Hindi man lang natakot mapa-disciplinary committee.""It didn't happen in the school grounds, kaya malakas ang loob niya," sagot ni Leigh.Nilingon niya ako. "Hindi pa 'yon tumigil no'ng umalis kayo. She was spewing some bullshits, saying you were leeching off Aril. Gusto na nga sanang sagutin ni Arianne na hindi nama

  • Her Buried Desires   018

    Partner-Kaia's[past]Umiling-iling ako, natatawa. "I'm not, Earl.""Hmm... and I think you're lying to me. You're just too humble to admit it.""I don't know how to swim," natatawa kong amin para lang patunayan sa kanya na hindi ako perpekto. Itinabi ko ang sketchpad at pen sa bag.Earl pretended to look surprised. "Really?"Tumango ako."Then I could teach you! I'm from the swimming team, remember?"Pinaningkitan ko siya ng mata. "Baka lunurin mo ako?"Nanlaki ang mga mata niya, then he burst out laughing, kaya natawa na rin ako. "I wouldn't do that to you, Kaia!""Hindi, baka itulak mo 'ko sa malalim...""Hindi nga! I can really teach you," aniya at natatawa pa rin."Okay, but only if I get the will to do so..." sabi ko, na nakapagpangiti sa kanya."Too bad the ball's partner isn't someone you choose," sambit niyang bigla."Why?" tanong ko. "Is there someone you would like to ask instead?"Pinasadahan niya ang kanyang buhok at nahihiyang ngumiti."Ikaw..."My eyes widened. Alam ko

  • Her Buried Desires   017

    Perfect-Kaia's[past]Sinasabi ko na nga ba!Akala niya talaga na sinadya kong makinig sa kanila? Hindi naman!"I-I didn't mean to!" depensa ko dahil iyon naman ang totoo. "I was just returning the books that I borrowed! Doon ang tamang lagayan! It wasn't my fault that you were... there!""So you heard it?"Kumunot ang noo ko at napaiwas ng tingin sa kanya. My cheeks heated even more from recalling what I just heard."I said, I didn't meant to!" giit ko lalo.He shifted his weight. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa akin. Hindi ko mahatak iyon pabalik sa takot na magmukha akong umiiwas at nagsisinungaling."What part exactly did you heard?" his husky voice asked.I bit my lip. Lalo akong hindi makatingin sa kanya. Bakit ba kasi kailangan pang tanungin!Hindi ako agad nakasagot kaya tinanong niya ulit."Anong narinig mo, Kaia?"I noticed him inching toward me, so I panicked and blurted out, "N-na gusto ka raw niya...""And?"Nagkunwari akong nag-isip pa. "H-hindi ko na narinig ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status