LOGINGuilty
-
Kaia's
[past]
The next day, I woke up with a headache. Mukhang napasobra ata ang tulog ko.
Elyse was already sitting on the dining table when I got in the kitchen. Naka-uniform na siya at ayos na ayos. Siya lang mag-isa roon at nakahain na rin ang mga pagkain sa hapag.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref para inumin at maibsan ang sakit na nararamdaman sa ulo kahit papaano.
"I called you for dinner last night kaso sabi ni Nanang hindi ka raw magising. You slept too early," bati niya sa akin. Napahinto siya at sandaling natigilan. "Oh my god! What happened to your hand?"
I sighed. Ibinaba ko ang basong ininuman sa counter. "It's nothing. Natamaan lang ng bola sa field kahapon. Don't worry."
She looks horrified while looking at the bruise. Kung kahapon, namumula lang, ngayon halata na ang pagkakapasa ro'n.
"Nothing? Ate, that looks painful! And what were you doing in the field? Maybe we should go to the hospital or something!"
Naupo na rin ako. Umiling ako habang sinusubukang maglagay ng kanin sa plato. But since my right hand is injured, medyo nahihirapan akong ikilos iyon kahit ang tama naman ay nasa likurang bahagi.
"It's okay, really. Sabi naman ng nurse sa clinic okay lang. Just need an ice pack to put on it."
Tumayo si Elyse at siya na ang nagsandok ng kanin para sa akin nang mapansin ang bagal ko. Nilagyan niya na rin iyon ng ulam sa gilid. Napangiti ako sa simpleng kilos niya.
"Are you sure? Pwede naman tayong sumaglit sa hospital before going to school," nag-aalala niyang tanong. "We'll just be really quick. Para lang din ma-check ng doctor."
God, she's just 11 years old yet, she sounds like a grown-up.
Five years ang agwat namin. Though she's only in Grade 5, I can really say that she's matured for her age. Siguro gano'n talaga kapag wala kang ibang choice kung 'di ay maging independent.
Kahit kasi na mas pinagtutuunan ng parents namin ng pansin si Elyse, they're still missing in action sometimes. Lagi silang wala rito sa bahay. Parehong abala at lunod sa trabaho sa kompanya. Minsan naman ay may mga kailangang puntahan na business trip o conference na gaganapin sa ibang lugar, minsan pa ay sa ibang bansa, kaya bibihira lang din namin silang makasama rito.
Just like now. They're currently abroad. Kahit ako ay nakalimutan na kung nasaang bansa sila ngayon.
But when they are here... their attention is always on my sister. Nakakainggit at nakakalungkot, pero tanggap ko naman na iyon.
At dahil ako naman ang ate, I should really be the one giving way to my sister.
Yet look at her, caring for me... kahit na dapat sarili niya ang unang iniisip niya.
I'm still lucky. At least I have her.
Napahalakhak ako. "You sound like a mom," pang-aasar ko. "Loosen up or you'll age early, sige ka. You're practically a kid pero kung makapagsalita ka parang ang layo ng agwat nating dalawa."
Sinimangutan niya ako. "You're a mean ate, did you know? Just finish your food. I'll ask Nanang to come with us."
Natawa ako lalo at nailing.
Hindi na 'ko nakipagtalo. I know she's just going to bother me about it the whole day kaya pinagbigyan ko na.
The doctor also said the same thing. Ice pack then hot compress after 2 days. Which is bukas ng hapon, dahil pangalawang araw na 'to ngayon para sa ice pack. Nilagyan na rin ng elastic bandage iyon bilang suporta dahil medyo namamaga na.
After the quick trip to hospital, pumasok na rin kaming dalawa.
We're at the same school, pero magkahiwalay ang building namin. It's a private university that caters grade school to college students. Iyon nga lang, magkakahiwalay per department kaya hindi rin magkakasama talaga sa iisang lugar.
The elementary have their own building, ganon din pareho ang junior high school at senior high school. Mas malaki nga lang ang building para sa mga senior high dahil sa iba't ibang laboratory para sa bawat strand na mayroon. While the college have their own vicinity na hindi accessible sa lower years.
At madalas ay hindi rin kami sabay lalo na kung pauwi since magkaiba naman ang schedule ng elem sa high school. Ngayon lang dahil nataon na absent ang teacher para sa aming unang subject.
I'm still not done with the activity assigned for us on one of our major subjects nang magsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Medyo nahihirapan kasi akong magsulat dahil na rin sa sakit at bandage na nakapulupot.
Some were already done at naghahanda na lumabas ng class room kaya medyo maingay na.
Nasa huling item na ako nang marinig ang usapan ng ilan sa mga tapos na.
"Is that really him? Ang gwapo!"
"Oh my gosh! What is he doing here?"
"Mukhang may hinihintay? Pero sino?"
"Baka nautusan lang ng teacher?"
I didn't bother to look up kahit medyo nadi-distract ako sa mga bulungan nila.
Nang matapos, tumayo na rin ako para ipasa ang papel. Pagkabalik ko sa upuan ay sandali pang naghintay para sa ibang nagsasagot pa.
Pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak sa aking kaliwang kamay nang mahagip ng mata ko ang bintana sa kanang bahagi ng room, kung saan makikita ang hallway.
His hands are on his pockets. Kumpara kahapon na naka-jersey, now, he's wearing the school's uniform. Naka-style rin ang buhok niya ngayon. Though it's a bit tousled, pero halatang sinadya lang ang konting gulo para maganda pa ring tingnan.
Nakahilig siya nang kaonti sa isang poste at ang mala-abong mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.
Kumunot ang noo ko.
Is he a batchmate? Pero hindi ko talaga siya kilala. And given his looks... which is a bit foreign and impressive... well, uh, for some... imposibleng 'di ko man lang siya makilala.
"Okay, you can go now. Class dismissed," sabi ng teacher nang masiguro na lahat ay nakapagpasa na.
Isinuot ko ang bag sa aking balikat at nagsimula na lumabas. Kaso nagkagulo pa nang kaunti nang magsabay-sabay ang iilang babaeng kaklase sa paglabas.
They looked like excited fangirls or something. Nagreklamo naman ang ibang boys sa iilang tili nila.
And that's just when I realized what was that all about. Halos palibutan nila si Aril na para bang isa itong artista. My brows furrowed.
Good thing though, hindi ko kailangang dumaan kung nasaan siya. Hindi ko na kailangang makipagsiksikan doon sa isang pintuan tulad ng iba kong classmate na sa kabilang dako ang sadya.
Tuloy-tuloy ang lakad ko papunta sa hagdan nang makalabas sa kabilang pintuan.
"Kaia, wait!"
Napahinto ako. It's like a total replay of what happened yesterday.
Ang kamay niya ay nasa braso ko at pumipigil sa akin. And just like what I did yesterday, I looked at his hand holding my arm. Agad din siyang bumitaw nang maintindihan iyon.
"I, uhm... I just want to see how your hand is doing..."
Binalingan ko siya. I raised an eyebrow at him. Ngayon ko lang napansin ang kulay ng suot niyang I.D. lace.
In our school, the elementary and high school have different uniforms. Ganoon din sa college, na magkakaiba per department.
And though the junior and senior high school have different buildings, magkatulad pa rin ang uniform namin dahil na rin both are under the high school department. Ang kaibahan lang, malalaman mo kung junior o senior high ang estudyante base sa kulay ng I.D. lace na mayroon siya.
Green and white ang para sa aming mga junior, while for seniors is a mixture of green and black. And his is the latter one.
That explains why I don't know him. Hindi kami magkapareho ng building. But it seems like he's popular with my other classmates though kahit na mas ahead siya. Kilala siya ng ilang sa kanila.
Nahagip ng mata ko ang nakasulat sa I.D. niya.
Aril Verlon E. Adriatico, 11-STEM1
His surname is kind of familiar. Pero hindi ko matukoy kung saan ko ba narinig iyon.
Bumalik ang mata ko sa kanya. He licked his lip and waited for my answer.
My brows furrowed even more. Did he go all the way here just to ask that? Imposible. Baka may iba pang sadya? Dinaanan lang siguro ako dahil nagawi na rin naman siya rito.
"It's fine," tipid kong sagot.
Tumango niya. Akala ko ay aalis din siya agad pagkatapos kong sagutin iyon. But he remained standing there. Pareho kaming nakatayo malapit sa hagdan.
"Do you need anything else?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis.
He opened his mouth to say something, pero natigilan sandali at hindi naituloy. Tumikhim siya at kinagat ang pang-ibabang labi.
Napaawang ang labi ko.
Is he... nervous?
Well, I'll admit that I was a bit rude at him yesterday. It's because of my ruined drawing. And he's kind of annoying too, kaya mas lalo lang iyon nakadagdag sa iritasyon ko kahapon. Pero ngayon na okay naman na, I can't find it in me to lash out at him. Natanggap ko na rin na talagang nasira na 'yong drawing na pinaghirapan ko. Maybe I can draw it again some other time.
"I'm okay now, if you're still guilty about it. I'm sorry about yesterday. Hindi mo rin naman sinasadya," malumanay kong sabi nang hindi pa rin siya makasagot.
Ngayon, siya naman ang napaawang ang labi. He coughed a bit at nag-iwas ng tingin. Napakamot siya sa batok habang nagsasalita. "That's good to know then..."
"I told you dude, he's here."
Napalingon ako sa dalawang lalaking kakarating lang. Tulad ni Aril, naka-uniform din sila ngayon. Si Dean iyong nagsalita.
He grinned at me. "Hi there, Kaiababes!"
Aril clenched his jaw. Iritado niyang tinapunan ng tingin ang dalawa. "What is it?"
Caleb chuckled and punched Dean at the chest. "Don't bring out the asshole in him again."
Lumingon si Caleb sa akin at ngumiti. "Hi, Kaia. Could we borrow our cousin for a minute?"
"Uh, sure..." lito kong sagot.
Why the hell would they need my permission though? It's not like we're talking about something important.
"Paalis na rin naman na 'ko," tipid akong ngumiti sa kanila at tumalikod na para makababa ng hagdan.
"Now, tell me who's the one who brought it out," dinig kong sambit ni Dean bago ako makalayo sa kanila.
Pinaghalong gulat at lito akong naglakad papasok ng classroom kinabukasan because some of my girl classmates flocked around me.
Lahat ay nagtatanong kung ano ang sadya ni Aril sa building namin kahapon.
Apparently, they all witnessed our conversation yesterday.
Detailed pa nga ang pagkukwento no'ng isa kung paano umalis sa kumpulan si Aril at lumapit papunta sa akin.
Sinagot ko naman iyon nang maayos. I told them what happened at the field the other day.
They were too engrossed with what I'm saying kahit na ang sinabi ko lang naman ay, "Natamaan niya ako ng bola sa kamay."
Iniangat ko pa ang naka-bandage at namamaga kong kamay para makita nila iyon. But I don't think anyone saw it in a negative way. Their eyes were practically shining as they looked at my hand.
And the way they listened to my story, para akong storyteller na may handog na panibagong fairytale na ikukwento dahil parang lahat ay sabik na marinig iyon.
May isa pang tumili na sana siya na lang daw ang tinamaan at kung gaano raw ako ka-swerte na sa dami nang tatamaan, ako pa ang napili ng bola.
Napakunot ang noo ko. Seryoso ba 'to?
"Mamayang break, sa field tayo tumambay! Pati mamayang uwian! May practice ang football team ngayon!"
They all agreed to it at tinantanan na 'ko ng tanong. All of them were excited for later. I can sense it. Kita ring hindi na sila mapakali na pumatak ang oras para sa break time.
Napailing na lang ako.
I didn't know him, pero mukhang may fans club pala siya sa lower year.
The whole morning went by quickly. At tinotoo nga ng mga kaklase ko na sa break ay pupunta sila sa field para manood ng practice.
Ngunit bigo sila nang makabalik sa room, dahil ani nila, puro junior high lang ang naglalaro roon ngayon. Walang kahit isa sa mga gusto nilang player na halos iyong mga senior high na. And of course, one of them is Aril.
Ni hindi pa natatapos ang oras para sa break nang bumalik sila.
Hindi ko na sila pinansin at pinagtuunan na lang ang sketchpad na hawak. Pinunit ko na ang nasirang drawing noong nakaraan. And I decided to draw habang walang ginagawa kaso nga lang...
Napabuntong-hininga ako. Right. Hindi nga pa pala okay ang kamay ko.
Tinitigan ko ang blankong papel, sabay baling sa kamay. It should be okay in a few days, right?
Goosebumps crawled up my nape out of nowhere. Napaangat ako ng tingin. Those ash-gray eyes were directly staring at me.
My eyes narrowed. What is he doing here again?
Mabilis na pumunta sa malapit na pintuan kung saan siya nakatayo ang ilan sa mga kaklase kong babae. Tuwang-tuwa dahil kahit bigo na masilayan siya sa field kanina, ngayon naman ay narito siya.
Someone even dared to ask him.
"Kuya Aril! Napapadalas ka, ah? Si Kaia ba?"
My cheeks heated. What? Baka akalain niyan ay may kung ano akong pinagkakalat tungkol sa kanya kaya ina-assume nila na ako ang hanap agad kahit hindi naman talaga!
Rinig ko ang muntik halakhak niya. Napakamot siya sa batok na parang nahihiya. The girls were all smiles at him.
Halos malagutan ako ng hininga nang tumango siya sa mga ito at sumagot. "Uh... yeah. Could you please call her for me?"
His boyish grin flashed. And my... may ilang nag-impitan sa kung saan. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko na rin nilingon. Parang ako pa ang nahiya at nahindik sa kanilang naging reaction.
Pero ano raw? Ha? Ako? Ako ulit ang sadya?
"Kaia! Si Kuya Aril!" ngiting-ngiti ang isang kaklase ko nang tawagin ako at itinuro siya sa labas.
Napabuntong-hininga ako. I stood up and quickly went outside. Halos nasa harap na niya ako nang mapalingon ulit ako sa room.
They weren’t even trying to hide that they were waiting and listening. Oh, god. May isa pang nag-approve sign sa akin.
"Sa dulo tayo," yaya ko sa kanya nang makalapit.
Hindi ko na siya hinintay na pumayag. Agad na akong naglakad patungo sa dulo ng hallway. I heard him follow.
Good thing though, walang nakatambay sa hagdan malapit dito. It's more private than talking outside of our room. Mamaya ano pang isipin ng mga kaklase ko.
Nilingon ko siya. "Ano 'yon?"
He licked his lip and nudged at my hand. "How is it?"
Kumunot ang noo ko. Is he going to be like this everyday?
"I told you I'm okay now. It still hurts sometimes, pero bearable na unlike noong una," I answered honestly.
Tumango-tango siya. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. Iniabot niya sa akin ang isang kulay pula na box. Tinanggap ko naman iyon.
"It's a heat patch. You can use this for pain relief."
My eyes then darted to his from the box.
"Oh. Thank you. But I'm really okay now. You don't have to do... all of these."
Napahinto ako sandali nang mapansin na nakitingin siya sa... labi ko. For a minute, I got conscious. May dumi ba sa ipin ko? But he didn't say anything. Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko nang huminto ako sa pagsasalita.
"Oh, yeah?"
"Uh... yup. You don't have to buy me this," sabay angat ko roon sa bigay niya. I continued. "You don't have to check on me every day. I can handle myself. Stop feeling guilty about it since I'm okay now. But I appreciate your concern, thanks."
His eyes went to my lips again the minute I started talking. Umaangat lang ulit sa mata ko nang matapos na 'ko sa pagsasalita.
Ano bang tinitingnan niya? May dumi ba?
"You're not obligated to do anything, really," dagdag ko pa ulit.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "I know, I just want to."
I felt something really weird on my stomach. Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang pakiramdam.
Idinaan ko iyon sa munting tawa. "Well, want and need are two different things. Hindi ko naman kailangan kasi okay na. I really appreciate your effort though. Salamat."
"Okay..."
Truce-Kaia's[present]"Kasalanan ko bang pakalat-kalat 'yan kung saan-saan?"I was even going to put it inside the glove box kung hindi lang nahulog. Kung makaakusa siya, parang nanakawin ko 'yon!"Stop making excuses," inis niyang sagot. Hindi pa rin siya nagsisimulang mag-drive. I could see his jaw clenching from the side. Nakabaling ako sa kanya habang siya naman ay diretso lang ang tingin sa unahan.Napanganga ako. "It was here in my seat! Ilalagay ko sana sa loob ng compartment—""Don't lie to me. It was already inside it!" His knuckles were white as he gripped the steering wheel tightly.I bit my lip to stop myself from cursing. My cheeks heated, partly from anger and partly from humiliation.Why would I even lie about it? Totoo namang nakakalat iyon!Gusto ko pa sanang ipaglaban ang sarili ko, but he was already set on what he believed. So there's really no point in defending myself. Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras sa gagong 'to?Paniwalaan niya kung ano ang gusto niyang pa
Ring-Kaia's[present]Pero imbes na iyon ang mangyari, I felt a warm embrace envelop me.“This must be hard for you, hija…”Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. But my mind was too stunned that my body froze in place.Hindi ko alam kung ibabalik ko ba ang yakap sa kanya, dahil hindi ko rin naman alam kung para saan iyon.Wait… what did she just say?“I can see it in your eyes. I was once in your place too,” aniya at kumalas sa yakap. Ang kanyang mga kamay ay nanatili sa aking magkabilang balikat.The warmth in her eyes was back now. Pero ngayon, may ibang emosyong humahalo roon.She exhaled slowly and patted me on the right shoulder.“Believe me when I say that it will get better. It’s hard, that’s true. But you will find reasons along the way to love the new life you will soon have.”Wait. Hindi ko pa rin makuha ang sinasabi niya.Nakita niya yata ang kalituhan sa akin kaya napahalakhak siya nang marahan. Her hands moved to hold my palms. Ni wala na akong oras para mahiya ku
Come-Kaia's[continuation of 015 ; from the present]“I can’t believe that we're finally going to be in-laws!"“Me too, kumpadre,” halakhak ni Daddy at bumaling sa amin ng lalaking katabi ko. “I have never imagined this day would come!”Gusto ko ring maging masaya. I faked a smile when my father’s stare lingered longer than usual.It’s been at least two weeks now magmula nang ma-discharge siya. Ayon sa kanyang doktor, at katulad din ng sabi ni Mommy noong una, it was a good thing na maisugod agad siya sa ospital nang mga oras na ‘yon kaya hindi na nagkaroon pa ng kung anong komplikasyon.Again, I wanted to be happy that he’s finally healthy and well. Kaso hindi ko tuluyang magawa dahil sa katotohanang kailangan ko nang harapin ang lahat magmula ngayon.“The engagement will be announced during the 70th anniversary of The Shire. That would be next week,” sabi ng ama ni Aril na si Frederico Adriatico. Daddy calls him Fredo. “It’s the perfect time, together with the announcement of the
You-Kaia's[past]No matter how much I tried to forget what happened that day, hindi mawala-wala sa akin ang pangamba at pag-aalala sa nadatnan kong sitwasyon ng mga magulang ko.Daddy told me to go straight to my room, which I hesitantly obeyed. Habang si Mommy naman, narinig kong umalis daw at hindi umuwi ng gabi ring 'yon.Wala sila pareho sa hapag nang mag-dinner. Ani Daddy, may kailangan pa siyang tapusin, kaya sa study na siya kakain.The only good thing? Elyse was asleep during that whole fiasco, at noong mag-dinner naman ay hindi na siya nagtaka na hindi sumabay ang mga ito sa amin. Kung kaya't wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Iyong mga kalat kasi ay agad nang ipinalinis bago pa man din siya magising.Wala ring imik sina Nana Ising kahit anong tanong at pangungulit ang gawin ko tungkol do'n."C'mon, Nana. What were they fighting about?" pilit kong tanong kinabukasan nang makauwi ako galing sa practice.Hindi ko na nga halos makausap ang partner ko kanina dahil sa kakaisip
Dance-Kaia's[past]They say that when you're happy, you get inspired to do a lot of things. So, days go by without you even noticing it.And it was true enough—because I didn't even realize it was already Monday. At tama rin ako sa pag-iisip na mapag-uusapan 'yong nangyari sa party."Kaia! OMG! How are you?" lapit ni Mary Anne, na sinundan naman nina Leigh. Agad nila akong pinalibutan sa aking upuan."We heard what happened. Sana tinawag mo kami," si Arianne, halata ang concern sa kanyang boses.I smiled at them. "I'm fine. You don't have to worry.""That Lara girl is graduating, right?" baling ni Mary Anne kay Leigh. Tumango naman ang huli sa kanya. "The nerve of her! Hindi man lang natakot mapa-disciplinary committee.""It didn't happen in the school grounds, kaya malakas ang loob niya," sagot ni Leigh.Nilingon niya ako. "Hindi pa 'yon tumigil no'ng umalis kayo. She was spewing some bullshits, saying you were leeching off Aril. Gusto na nga sanang sagutin ni Arianne na hindi nama
Partner-Kaia's[past]Umiling-iling ako, natatawa. "I'm not, Earl.""Hmm... and I think you're lying to me. You're just too humble to admit it.""I don't know how to swim," natatawa kong amin para lang patunayan sa kanya na hindi ako perpekto. Itinabi ko ang sketchpad at pen sa bag.Earl pretended to look surprised. "Really?"Tumango ako."Then I could teach you! I'm from the swimming team, remember?"Pinaningkitan ko siya ng mata. "Baka lunurin mo ako?"Nanlaki ang mga mata niya, then he burst out laughing, kaya natawa na rin ako. "I wouldn't do that to you, Kaia!""Hindi, baka itulak mo 'ko sa malalim...""Hindi nga! I can really teach you," aniya at natatawa pa rin."Okay, but only if I get the will to do so..." sabi ko, na nakapagpangiti sa kanya."Too bad the ball's partner isn't someone you choose," sambit niyang bigla."Why?" tanong ko. "Is there someone you would like to ask instead?"Pinasadahan niya ang kanyang buhok at nahihiyang ngumiti."Ikaw..."My eyes widened. Alam ko







