Nang iminulat ni Eva ang mata at nakita ang pamilyar na mukha, tila nabunutan siya ng tinik.
Hinawakan ng mahigpit ang damit ng lalake gamit ang dalawang kamay, at nanghihinang sinabi, "Kuya, ilayo mo ko dito."
Ayaw niyang makita siya ni Lyxus sa ganoong estado ng kahihiyan. Ayaw niyang makita na kinakaawaan siya nito. Wala siyang kahit na anong gusto, gusto niya lang makaalis dito sa lalong madaling panahon.
Kinakabahang napatingin si Jaze sa kanya: "Paano ka babalik ng ganto? Dadalhin kita sa doktor."
"Hindi, Kuya! Gusto ko lang magdonate ng dugo at medyo nalula lang ako. Iuwi mo nalang ako."
Mayroong bahid ng sakit sa marahan na tingin ni Jaze. Yumuko ito at binuhat si Eva patagilid.
Bumulong ito ng kalmado: "Wag kang matakot, Ilalayo kita."
Nang sinubukan ni Lyxus humanol, nakita niya siya Eva karga papunta sa kotse ng isang lalake. Nakatingin ito sa dalaga na puno ng sakit at awa sa mata nito.
Naikuyom ni Lyxus ang mga palad sa sobrang galit. Ang mata niya ay dumilim habang pinapanood niya ang kotse umandar paalis sa paningin niya.
**
Nang magising ulit si Eva, umaga na agad ng sumunod na araw.
Matapos hindi kumain ng araw at gabi, at dahil na din sa sobrang daming dugo ang nawala. Pakiramdam niya ay walang laman ang tiyan niya.
Kakalabas niya palang sa kwarto nang may maamoy siyang masarap na pagkain. Tumingin siya papunta sa kusina at nagulat.
Isang matangkad na pigura ang naglakad palapit sa kanya.
May hawak na mangkok ng adobo si Jaze, may suot itong apron na may desenyo ng kulay rosas na piglet nakatali sa bewang nito, at nakatingin ito sa kanya na may ngiti sa mukha.
"Pumunta ako sa doktor kagabi. Sabi niya you were suffering from severe blood loss at kailangan madagdagan ulit ang dugo mo. Nilutuan kita ng adobong atay ng baboy. Tara tikman mo."
"Kuya, pwede magtagal pako ng isang gabi dito? Libre nalang kita ng hapunan mamaya." Nahihiyang ngumiti si Eva
Siya at si Jaze ay parehas na top students sa kursong Law ng Ateneo De Manila, at si Jaze ay dalawang taon ang tanda sa kanya. Sila ang huling naging tagasunod ni Jose Divina, isang leader pagdating sa legal field.
Tatlong taon ang nakalipas, nakagraduate si Jaze De Leon na may master's degree at pumunta sa ibang bansa para mapalago ang career nito, habang si Eva ay naging sekretarya ni Lyxus.
Ang dalawa ay naghiwalay ng landas ng propesyon.
Ngumiti si Jaze at sinabing: "Sige, sinabi rin ni Maestro na sobrang namimiss ka na niya. Pag naging maayos na ang pakiramdam mo, pakiusapan natin siya na makipagkita satin."
Hinilot ni Eva ang ulo ng ilang beses bago ngumiti ng may pag-aalinlangan.
"Nakapabait ni Maestro sakin pero hindi ako sumunod sa yapak niya, sobra akong naaawa dahil nasayang ko ang mga turo niya at nahihiya ako na makita niya ako sa kalagayan ko ngayon."
Siya ang pinakamahalagang estudyante ni Mr. Divina.
May mataas na expectation para sa kanya si Mr. Divina at minsan nang sinabi na pag pinasok na niya ang legal world, magdudulot ang dalaga ng ingay, subalit matapos ang graduation, para lang makasama si Lyxus, nagdesisyon siyang bitawan ang kanyang legal profession at maging isang sekretarya.
Sa kadahilanang ito, nakaramdam sa kanya ng awa si Mr. Divina sa mahabang panahon.
Maginoong naghila si Jaze ng isang dining chair para sa kanya at sinabi ng may ngiti: "Ang lahat ng tao ay may sari-sariling mithiin. Hindi ka sinisi ni Maestro kahit kailan."
Nakaramdam ng kirot sa puso si Eva at tumingin kay Jaze.
"Kuya, Kilala ka na bilang isa sa pinakamataas na abogado sa Northern Europe, na may taunang kita na mahigit sa sampung numero. Bakit ginusto mong bumalik sa Pilipinas at bumuo ng career dito?" Nagtatakang tanong ni Eva
May kislap nang liwanag sa mata ni Jaze at mabilis din iyon nawala.
"Hindi kase ako nasanay sa mga pagkain dun, kaya bumalik ako." Kalmadong sagot ng binata at nag-abot ng kutsara sa dalaga "Anong nangyari sa inyong dalawa?" Dagdag na tanong ng binata
Ngumiti si Eva sa kanya at nag-aalinlangan kung pano sagutin.
"Naghiwalay na kami."
May init sa mga tingin ni Jaze habang nakatitig ng ilang segundo sa mukha ni Eva tsaka ito ngumiti.
"Wag ka matakot, nandito ako at bilang senior mo sa dating paaralan, at hindi ako papayag na apihin ka nila." Simpleng sabi ng binata
Iniunat nito ang malaki nitong kamay at tinapik ng dahan-dahan sa ulo si Eva, para i-comfort ito.
Alam ni Jaze gaano kalala ang dinanas ng dalaga sa relasyon nito dahil buong gabi ay umiiyak ito kahit tulog.
Bago pa man mabawi ng binata ang kamay nito pabalik, ang pinto ng kwarto ay patulak na bumukas.
Nakatayo sa pinto si Lyxus na may malamig na tingin at ang mga mata nito ay tinitigan ang kamay sa ibabaw ng ulo ni Eva. Hindi na siya naghintay sa magiging reaksyon ng dalawa, malalaki ang hakbang na naglakad siya palapit kay Eva. Inagaw niya ang kutsarang nasa kamay ni Eva, yumuko at binuhat ito mula sa upuan. Nagmamadali siya papunta sa kwarto at isinarado ang pinto ng malakas.
Nang makapagreact si Eva, naidiin na siya ng binata sa kama. Mayroon ding nagmamadali at sunod-sunod na katok sa pinto mula kay Jaze.
"Lyxus, Baliw ka na!"
Tumingin sa kanya si Lyxus na may namumugtong mata at namamaos na boses.
"Kaya ko pang mas maging baliw!"
Matapos sabihin iyon, yumuko ang binata at kinagat ang labi niya. Ang tanging nasa isip nito ay ang pagtingin ng lalake kanina kay Eva. Na kahit kailan hindi pa nasiraan ng ulo si Lyxus dahil lang sa babae katulad ng ginagawa niya ngayon.
Kinagat niya ang labi ni Eva at gumalaw pababa dahan-dahan sa maputi na leeg ng dalaga.
"Lyxus! Tarantado ka! Tapos na tayo, wag mong hayaan na bumaba ang tingin ko sayo!" Pigil ang hininga na nagmura si Eva
Hindi lamang hindi bumitaw si Lyxus pero mas lalo pa nitong siniil ang dalaga sa halik at kinagat sa dibdib si Eva.
"Nakahanap ka agad ng ipapalit sakin?" Bulong na tanong ng binata
"Naghiwalay na tayo, at wala ka na don kung sino man ang kasama ko!"
"Talaga? Kung gustohin ko siyang mabura siya sa mundo, walang kinalaman iyon sayo?"
"Lyxus, Napakahayop mo!"
"Ang lakas ng loob niya na hawakan ang akin, sa tingin mo, hindi malakas loob ko?"
"Senior ko lang siya sa dati kong paaralan, Wala kaming relasyon. Wag mo siyang targetin."
Alam ni Eva kung gaano kawalang awa na tao si Lyxus at hinding-hindi ito magpapakita ng awa sa kahit na sinong kumalaban sa kanya. Kakabalik palang din ni Jaze galing sa ibang bansa at hindi pa maayos ang pundasyon nito. Kayang-kaya sirain ni Lyxus ang kinabukasan nito sa isang galaw lang.
Nakatingin lang si Lyxus sa kabadong itsura ng dalaga at ngumisi.
"Bumalik ka sakin, kung hindi, hindi ko masisigurado na magiging maayos siya."
Maya-maya lang, ang pinto ng kwarto ay sinipa pabukas. Hindi na naghintay si Jaze sa reaksyon ni Eva, nagmamadali ito papasok sa kwarto at sinuntok si Lyxus. Matapos non, sunod-sunod na kaluskos ang maririnig sa kwarto.
Ang sigaw ni Eva ay tunog nang nanghihina. Hindi nito alam kung gaano katagal ang naganap, pero sa wakas ay bumalik na ang katahimikan sa kwarto. Lumanas na si Jaze na gusot-gusot ang damit at may dugo sa katawan. Naupo naman si Lyxus sa sahig at tinignan si Eva na may pighati.
"Eva, hindi nako magiging pabigat sayo para lang sumunod sa iba. Tumayo ka at kumain na."
Inilahad nito ang kamay at hinila patayo si Eva na nanginginigang tuhod. Tinulungan siya nito maupo sa dining chair.
Tumingin sa kanya si Eva na may luha sa mga mata: "Pasensya na, Kuya."
"Di mo kailangan humingi ng pasensya sakin, parehas lang tayong tagasunod, at ang protektahan ka ang dapat kong gawin. Lumamig na yung adobo, iinit ko nalang para sayo."
Kinuha nito ang malamig na mangkok ng adobo at pumunta sa kusina. Sa mga oras na yon, kakalabas lang ng kwarto ni Lyxus. Kahit na hindi ito nahihiya katulad ni Jaze, meron parin itong pasa sa mukha. Pinunasan ni Lyxus ang labi niya at tinignan si Eva nang madilim.
"Sumama ka sakin, o manatili ka dito para kumain niyan, nasayo ang desisyon."
"Tapos na tayo, hindi ako babalik kasama ka." Malamig na tinignan ng dalaga ang binata
"Desisyon mo to, Eva, wag mo tong pagsisisihan!"
Kakatalikod palang nito at aalis na sana, nang tumawag sa kanya si Lea. Naiinip na sinagot niya agad ang tawag.
"Kuya Lyxus, binura na ni Secretary Tuason yung video sa coffee room. Pag nalaman ng magulang ko to, idedemanda nila siya para sa intentional injury. Dapat pumunta ka dito at kumbinsihin siya, kung hindi makukulong si Secretary Tuason."
Tumingin si Lyxus kay Eva ng mabagsik at nagsalita ng walang pag-aalinlangan.
"Then let her!"
Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin
Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract
Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago
Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n
Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p
Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat