Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-01-25 23:26:51

Napatulala saglit si Lyxus at malamig na tinignan ang dalaga.

"Kung ayaw mong mamatay, pwede mo subukan."

"Bakit sa tingin mo di ko pa nasubukan? What if I just lost 2000cc of blood, hahayaan mo parin ba akong magdonate sa kanya?" Napangisi si Eva

"Eva, wala ka nanaman sa katwiran. Ang maximum na dami ng dugo na nawawala pag nagkakaregla ang babae ay 60cc lang. Kung gusto mong gumawa ng excuse, gawin mo namang makatwiran."

Napangiti ng mapait si Eva. Malinaw ang ipinapahiwatig niya, pero hindi ito naintindihan ng binata at kung may pake lamang ito kahit konti sa kanya, magtatanong ito sa kanya. Kahit pa konti lang ang alam nito sa kanya, alam niya dapat na hindi siya ganoong kalse ng tao na tutunganga lang at manonood sa taong nangangailangan.

Sa isip-isip ni Eva, 'Ito pala ang pinagkaiba ng mahal sa hindi mahal. Sa maliit na sugat ni Lea nataranta ka agad at samantalang ako, hindi mo man lang napansin na dumaan ako sa mapanganib na operasyon ng abortion.'

Nang makaramdam si Eva ng pagkabigo, nakita niya ang lalake sa hamba ng pinto ng ward.

Nanigas si Eva sa kinatatayuan.

Habang wala siyang malay nung araw na yon, nakakita si Eva ng isang pigura. Isang malumanay at mababang boses ng lalake ang tumatawag sa dalaga at pinilit niyang buksan ang mata niya, ang lalaking nasa harap niya nung gabi na yon ay ang lalaking nasa harap niya ngayon.

Malinaw na naalala niya na mahigpit niyang hinawakan ang braso ng lalake gamit ang dalawang kamay at habang nagmamakawa.

"Pakiusap, iligtas mo ko."

Nang magising siya, sinabi sa kanya ni Ellie na ang nagdala sa kanya dun ay isang gwapong lalake na may suot na salamin.

Napangiti si Eva sa sarili at naglakad siya papalapit kay Leon.

"Ikaw ba yung kapatid ni Lea Evangelista?" Tanong niya ng pabulong na agad tinanguan ni Leon

"Miss Tuason, kung may problema ka sa kalusugan, pwede ko..."

Napapikit si Eva.

Ang nagligtas sa kanya na gusto niyang mabayaran ay ang kapatid pa ni Lea.

"Mr. Evangelista, pwede ba mag-usap tayo saglit?" Mapait na napangiti si Eva

Nang dapat na dadalhin niya si Leon sa malapit na hagdan, hinablot ni Lyxus ang braso niya.

"Bakit pa kayo lalayo? Meron bang hindi mo pwede sabihin sa harap ko?"

"Sinabi ko na sa pagmumukha mo yun, may karapatan ka pa bang malaman?" Nagtaas ng kilay ang dalaga

"Eva, kelan ka pa naging hindi makatwiran?"

"Talaga bang wala ako sa katwiran o talagang hindi ka lang makatao?"

Matapos sabihin iyon, hindi na niya hinintay ang reaksyon ni Lyxus at kumawala siya sa pagkakahawak nito.

Sa ilalim ng malamig na tingin ni Lyxus, hinila niya sa gilid si Leon. Namumutla parin ang dalaga pero pinilit niyang mag-angat ng ulo.

"Niligtas mo ang buhay ko nung araw na yun Mr. Evangelista, at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpasalamat sayo. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng pagkakataon para masuklian ka kagad. Wag ka mag-alala, magdodonate ako ng dugo sa kapatid mo, pero meron lang akong isang kahilingan. Sana manatiling tikom ang bibig mo tungkol sa pagligtas sakin." Mahinahon na paliwanag ni Eva at ikinakunot ng noo ni Leon ang sinabi niya

"Yung bata ay kay Lyxus, tama?" Kalmadong tanong nito

"Hindi na importante kung kanino iyon. Tapos na rin naman. Ayoko lang makaapekto ito sa magiging desisyon ko." Napangiti ng mahina si Eva

Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Lyxus pag nalaman ang nangyari sa kanya. Ayaw niya lang magkaroon ng gulo at gusto niya nang iwan si Lyxus sa lalong madaling panahon.

Nagdilim ang mata ni Leon nang ilang segundo at bahagyang nakikita niya ang mukha ng mama niya sa pagmumukha ni Eva. Hindi niya mapigilan na mapatulala.

"Pero nagkaroon ka ng matinding pagdurugo nung oras na yon, at ilang araw palang nakakalipas simula nun. Sigurado ka bang okay ka lang?" Buong pag-aalala na tanong ng binata

"Sakin nalang yon. Gusto ko lang sana bayaran ang kabutihan mo sakin. Simula ngayon, wala na tayong kahit anong utang sa isa't-isa." Napangisi si Eva

"Hindi mo kailangan gawin to. Hindi naman ako ganoong klase ng tao. Kung hindi papayag ang katawan mo dito, hindi kita pipilitin."

"Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iba, lalo na sa mga taong may kaugnayan kay Lea. Mr. Evangelista, sana wag mong kalimutan ang kasunduan natin."

Matapos magsalita ni Eva, tumango ito ng mahina sa direksyon ni Leon, tsaka naglakad papunta sa nurse na kanina pa naghihintay.

"Kuhanan mo nako ng dugo."

"Eva!"

Hinila siya pabalik ni Lyxus at tumitig sa kanya habang nanlilisik ang mata.

"Anong pinag-usapan niyo ni Leon? Meron ka bang tinatago sakin?"

Malamig na tumingin si Eva sa binata at may mahinang ngiti sa mga labi nito.

"Bakit? Natatakot ka ba na nakikita ko siya bilang susunod na mag-sponsor sakin? Wag ka mag-alala, kahit pa maging desperada ako, hindi ko sasaktan ang kinakapatid mo."

Matapos sabihin iyon, kumawala na ang dalaga sa pagkakahawak ni Lyxus at nagdere-deretso suya para sinundan ang nurse papasok.

Sa hindi malaman na kadahilanan, pakiramdam ni Lyxus ay may humampas ng malakas sa puso niya. Napatitig siya sa likod ni Eva at dahan-dahan kinuyom ang palad.

Dalawampung minuto ang nakalipas, nakalabas na ang dalaga sa ward.

Ang maliit na mukha nito ay kasing putla ng papel. Ang mamasa-masa at kulay rosas na labi nito ay ngayon parang wala nang dugo. Ang mata nito ay matamlay at ang katawan nito ay pagewang-gewang. Nakakapit ito sa pader habang binabagtas ang pasilyo.

Napatakbo si Lyxus sa dalaga at yumuko ito para buhatin siya. Mayroong hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata nito.

"Dadalhin kita sa malapit na rest area."

Pero bago pa man makagalaw ang binata, narinig nito ang boses ng maliit na nurse sa likod niya.

"Mr. Villanueva, si Miss Evangelista po ay emotionally unstable at umiiyak po. Gusto po niya kayo makita. Pakiusap po pumunta po kayo at tignan siya sa lalong madaling panahon."

Kalmadong tumingin si Eva kay Lyxus, may bahid ng pang-uuyam sa gilid ng maputla nitong mga labi.

Nung kinukuhanan siya ng dugo ngayon-ngayon lang, nakaramdam siya ng pagkahilo at gusto niya nang matulog. Pinilit niya lang ang sarili niyang makalabas sa ward. Nang makita niya si Lyxus na naglalakad palapit sa kanya, nakaramdam siya ng kislap ng pag-asa sa puso niya. Gusto niyang sabihin sa binata na hindi na niya kaya at ilayo na siya sa lugar na ito subalit nang marinig niya ang sinabi ng nurse, natawa nanaman siya sa sarili niya.

Sa pagitan nila ni Lea, kahit kelan hindi siya pinili ni Lyxus. Gaya ng inaasahan.

Nag-alinlangan ang binata sandali.

"Hintayin mo ko rito." Ibinaba siya ng binata

Tila kalmado si Eva habang pinapanood si Lyxus na ibaba siya, tsaka nagmadali papunta sa ward ni Lea. Agad na nagbaba siya ng ulo para itago ang nanunubig na mata niya.

"Miss Tuason, samahan na kita."

Dumating si Leon at sinubukan suportahan si Eva pero tinulak siya nito. Tumingin sa kanya ang dalaga at nagmatigas ito.

"Mr. Evangelista, tapos na ang pabor sa pagitan natin. Ayokong magkautang sayo ng kahit ano!" Malamig na sagot ni Eva

Matapos sabihin iyon, kumapit siya sa pader gamit ang isang kamay at dahan dahan naglakad palabas. Naramdaman niyang nanginginig ang mga binti niya, ang paningin niya ay lalong nagdidilim, at ang lakas niya ay halos ubos na. Gayunpaman, pinilit parin niya ang sarili na bumaba simula sa ikalawang palapag upang makaalis sa paningin ng pamilya Evangelista at makaalis kung nasan si Lyxus.

Subalit, di pa man siya nakakalayo, hindi na kinaya ng katawan niya na suportahan siya. Nagdilim ang paningin niya at bumagsak sa simento. Nang akalain niya ay babagsak na siya una ang mukha, isang malaking kamay ang pumigil sa bewang niya.

"Eva!" Isang kabadong boses ang narinig niya

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
nakkabwiset talaga ung pagiging tanga ng ganito babaeng bida....the heck
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 82

    Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 81

    Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 80

    Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 79

    Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 78

    Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 77

    Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status