Share

Her Dark Side
Her Dark Side
Author: AJ Almonte

Chapter 1

Blaaaaag!

Malakas na pagbalya ng isang bagay ang pumukaw sa akin sa sala mula sa kusina, kung saan ako'y nagsusulat. Naguguluhang nakita kong abot ang paghinga na pumasok si mama sa loob ng bahay. 

"Maruh?! Anak?!" tawag sakin ni Mama habang palinga-linga sa kabuuan ng sala. "Maruh?!" 

"Ma?" simpleng tawag ko sa kanya habang naglalakad patungo sa sala. "Ayos lang po ba kayo?" inosente kong tanong dito. 

"Nak, ahm... gusto mong maglaro tayo?" naguguluhan ma'y pagtungo lang ang isinagot ko. "Si Mama at si Maruh.. ahm.. ah... maglalaro ng taguan. Gusto mo ba 'yon ha?" dugtong nyang sabi habang habol ang hiningang kinakapa ang mukha ko. 

''Opo Ma. Pero,'di ba ayaw mo po kong naglalaro?'' taka kong tanong ko kaniya. "At saka, saan po kayo galing? Bakit pawisan po kayo?" sunod-sunod kong tanong habang pinapasadahan ko ang kabuuan ng  mukha niya.

"Ah, ano.. m-malayo kasi ang nilakad ni Mama e." ngiting sagot nya pero alam kong may dahilan siya. "Papayag na si mama na maglaro ka, basta makikinig ka sakin ng mabuti, naiintindihan mo ba ko?" wala akong ginawa kundi ang tumango dahil iyon naman ang hilig ng mga bata hindi ba? Ang makapaglaro. 

"Magtatago ka ng mabuti, kung saan hindi ka makikita ni Mama o kahit na sino. Hahanapin ka ni mama, okay?'' titig na titig nyang sabi. 

''Sige po!'' may galak sa tinig kong sabi. 

''Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap, okay?'' bilin nya sakin habang tumutulo ang luha. Para sa isang anak,Ang pagluha ng jna ang ounakamasakit na tanawin sa lahat.  At sa nakikita kong luha sa mikha niya ay parang espadang paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko.

''Ma, bakit kayo umiiyak? May.. may masakit ba sa'yo?'' naiiyak na rin kong tanong. 

''Wala anak." Pinahid niya ang luhang kumawala sa kaniyang mata."Masaya lang si mama kasi ikaw ang ibinigay sakin ni papa God. Masaya ako dahil... may isang ikaw sa buhay ni Mama. May isang ikaw... na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Kaya lagi mong tatandaan, na ang lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Para sa ikabubuti mo. Mahal kita dahil ikaw ang anak ko. Ikaw si Maruh na anak ko. " pilit syang ngumiti kasabay ng pahpapakawala nito ng isang hagulhol. Masakit. Sobrang sakit na makita si Mama sa ganitong sitwasyon.   

''Ako din po Ma. Mahal na mahal po kita! Ikaw ang the best Mama in the whole wild world for me! Kaya... tahan na Ma. Kasi masakit ito oh.'' turo ko sa dibdib ko. "Parang may tumutusok dito...kapag nakikita kitang umiiyak. Kaya tahan na. Smile ka na. Nandito lang ako lagi." ngiting sabi ko kahit pa man hindi rin maawat Ang pagluha ko. Niyakap nya 'ko ng mahigpit. 

''Sige na 'nak. Maglaro na tayo, magbibilang na si Mama ha?" muli akong tumango para sumang-ayon. Bakit pakiramdam ko, 'yon na ang huling pagkakataon na mayayakap ko siya ng gano'n kahigpit? O masyado lang akong nasaktan sa eksena namin ni Mama kanina.

Nagsimula si Mama sa pagbilang. Kasabay niyon ay ang pagkilos ko para maghanap ng pagtataguan. Naghanap ako ng lugar kung saan  maari akong magtago. Pinili Kong magtago sa isang cabinet sa sala. Pilit kong pinagkasya ang sarili ko sa maliit na espasyong iyon. Mula sa loob ng cabinet, kita kong umalis si Mama sa pagkakaupo at umakyat patungo sa kwarto. 

Ilang minuto na 'kong nagtatago.  Hanggang naging kalhating oras at medyo nahihirapan na 'ko sa pwesto ko. Ganun pa man, hindi ko ininda ang ngalay na bumabalot sa katawan ko. Lumipas ang ilang oras pero nanatili pa rin ako sa maliit at masikip na kwadradong kahoy na pinaglalagyan ko. Maya-maya pa'y may mga sasakyang dumating. May mga kalalakihan na walang pakundangang pumasok sa loob ng bahay namin at pawang mga may mga mahahabang bagay na bitbit ang mga ito. 

Sumilip ako sa maliit na siwang ng kabinet para makita ang mga lalaking estranghero para sa akin.

''Halughugin nyo ang buong bahay!  Nasisiguro kong walang ibang pupuntahan Ang ksang iyon. Dito lang nagtatago lang ang traydor na 'yon! 'Wag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita at naihaharap sa akin. Naiintindihan niyo ba?!'' pasigaw na utos ng isang matipunong lalaki sa mga kasama nito. 

"Yes Boss!"

'Sino ang mga taong 'to?' tanong ko sa sarili na para bang agaran akong makakakuha ng sagot sa sariling tanong. Ilang saglit pa ang nagdaan nang biglang sumigaw ang isa sa kasamahan ng lalaki. 

''Boss!! Nandito!'' sigaw niya mula sa taas ng kwarto. 

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mama na hawak-hawak nito sa buhok at pwersahang kinakalakadkad patungo paibaba ng hagdan. Pagkatapos ay pabalibag na inilagak sa harapan ng kinikilala nilang boss, dahilan para mapasubsob ang mukha ni Mama sa sahig. 

'Mama!!' tanging sigaw ng utak ko. 

"Aaahh!" daing ni mama. 

Kung kanina ay sakit lang ang maramdaman ko sa pagluha niya, ngayon ay kalakip nv sakit na iyon ang awa na nararamdaman kompara sa akong ina. Tila wala lang sa mga taong ito kung nakakasakit sila ng iba. Bakit ba nila ginagawa to sa Mama ko? Mga sino ba sila?

Hindi pa nasiyahan ang lalaki.. Nanlaki ang aking mata sa pagkagulat nang sampalin nito si Mama ng pagkalakas-lakas. Nanginig ako sa takot nang muling sampalin ng lalaki sa pangalawang pagkakataon ang aking ina at muling sumubsob sa sahig. Sa laki ng pangangatawan niyo, sigurado akong dudugo ang parte ng pisngi ng aking ina dulot nang pagkakasampal ng malapad nitong palad. 

'Mama' naiiyak kong usal ko. Mas doble Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib kumpara kanina. Sa nasisilayan ko ay hindi sapat ang salitang walang puso Ang mga taong ito para makagawa ng isang kahindik-hindik katulad ng ginagawa nila sa Mama ko.

Lalabas sana ako sa pinagtataguan.. nang hawakan nito ng sapilitan ang buhok ni Mama dahilan para mapatingala ito at dumaing ng sakit. 'Tama na'. Nais kong magmakaawa sa lalaki nang sa gayon ah huwag nang nasaktan ang ina ko. Pero tanging satili ko lang ang nakakarinig ng pagmamakaawang iyon. Ni hindi nga ako makahinga ng ayos. Paano pa kaya ang magmakaawa sa mganito ng hindi umiiyak at nangingjnig ang buong katawan?

Muli ay pumasok sa isip kong lumabas sa pinagtataguan upang pigilan ang lalaki sa ginagawang panannakit sa mama ko. Subalit sa huli'y pinangunahan ako ng takot. Takot na siyang nagiging sanhi ng kahinaan ng karamihan. Ngunit muli kong naalala ang sinabi ni Mama sa akin kanina bago kami magsimula sa paglaro. 

'Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap' 

'Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap' paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni mama. 

"Akala mo makakatakas ka sakin huh? Pinagod mo pa 'ko kakahahanap sayo e dito ka lang pala naglulungga. Tang ina ka! Dito ka lang pala nagtatago!" galit na sabi ng lalaki habang mahigpit ang pagkakapisil niyang hawak ang mukha ni Mama. 

"Sayang ka Meredith! Maganda ka. Matalino at pwedeng-pwede pang pakinabangan!" nakakakilabot ang bawat mga salitang isinasatinig nya. "Kung tutuusin malaki talaga at mapapakinabangan kita ng sobra. Kaya lang... hindi ko ugaling mamulot ng b****a at traydor na katulad mo. Ang nararapat sa katulad mo ay dinedespatsya para hindi na makasagabal pa. Kaya kung ako sayo... Sasabihin ko na kung nasaan siya. Sa-an mo siya itinatago!? Saan!?" namumula ang makha ng lalaki sa galit.

''Huh! Magkakalintikan tayo rito ngayon,pero hindi  mo siya makukuha. Dahil isa kang duwag at mahina Demetri. Ang katulad mong umaasa lang sa kilos ng tauhan ay mas masahol pa sa inutil. Bakit? Hindi mo ba kayang kumilos na sariling utak mo ang ginagamit? O baka wala ka nun? Akala ko ba matalino ka, pero mukhang nagkamali ako. Dahil ang totoo... isa kang inutil! Isang inutil na demonyo na nagtatapang-tapangan.. pero ang totoo, naghihintay lang na susubuan. Pweeh!!'' dinuran ni Mama ang mukha lalaki na tinawag niyang Demetri."Magkakamatayan tayo, pero hindi mo 'sya' makikita!" Sanay ako sa pagiging istrikto ng aking ina. Sa bawat pagdidisiplina niya na para raw sa ikabubuti ko. Pero anv makita anv isang pagkatao nito ngayon,iuon anv hindi ko kilala. Sa bawat lumalabas na salita sa bibig niya ay tila ibang tao. Malayong-malayo sa inang kilala ko. Kung may ganito pala siyang katauhan. Nagkakaroon sa aking isipang ng tanong na... Sino ba talaga ang ina ko? Sino ang tinutukoy nilang 'sya'? Ang aking ama ba? Pero bakit?

''Hahahaha!!! Inutil, ako? At sino ka sa tingin mo para paniwalaan ko? Ikaw na isang trayfor sa grupo?" ani nya habang pinupunasan ang mukha. Ang bawat pagdagundong ng halakhak nito ay parang isang banta. Nakakatakot at nakakapangilabot. Alam mong Ang ganitong tao ay walang idudulot na maganda kundi.... panganib at takot.

"Makikita ko sya kahit hindi mo sabihin. Dahil kahit sa kasuluksulukan pa ng impyerno mo sya itago, hahanapin ko sya. At kapag nahanap ko na siya.. pahihirapan ko siya na kahit ang kaluluwa mong nasa impyerno ay walang magagawa!" nanlilisik ang mata nya at saka humarap sa mga kasamahan niyang kalalakihan. "Kahit isangla ko pa ang kaluluwa mo kay Satanas, hahanapin ko sya! Sige! Gapusin yan sa mesa at hub'dan!" Nagkukumawala si Mama sa mga lalaking sapilitan siyang iginagapos.

"'Wag! Maawa ka Demetri! 'Wag!! Parang awa niyo na!" pagmamakaawa ni Mama ngunit tila binging masiyahan pa sila sa nangyayari. 

'Ma'

"'Wag kang mag-alala. Bago ko sya hanapin sa impyerno, ihahatid muna kita sa langit! Hahaha!!!'' 

''Demonyo ka! Bitiwan nyo ko! Bitiwan nyo ko sabi! Parang awa niyo na! Bitiwan nyo ko!'' 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status