Share

Chapter 2

Alam kong ang lahat ng nangyayari ay panaginip lang. O mas nararapat yatang sabihin kong... bangungot! Bangungot ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinatagahimik. 

Nanatiling pumapaloob sa aking isipan ang bawat makapanindig-balahibong halakhak ng mga estranghero... pumatay sa aking ina!

Ang bawat daing dulot ng karahasan at pighati ng aking ina ang nagpabalik malay sa akin mula sa pagkakatulog. 

"Maaaaaa!!!" pabalikwas akong napabangon nang maisatinig ko ang pagtawag sa aking ina.

Briiizz!! 

Napahawak ako sa sariling ulo at pinasadahan ito ng hagod pababa hanggang batok dahil pakiwari ko'y sasakit ito dahil sa nanangyari. Tumingin ako sa orasan.. 8:10 am pa lang!

Briiizz!!

Pinapahupa ko pa ang nararamdaman ko. Nang paulit-ulit na tumutunog ang buzzer na nakanonekta sa gate ng inuupahan kong bahay.  'Sino ba 'tong walang magawa sa buhay at napaka agang mambulabog?!'

Wala akong balak lumabas ng kwarto ko dahil habol ko pa din ang paghinga at ang bahagyang pagsakit ng aking ulo. 

Briiizz!!!

Nakasabunot ang sarili kong mga kamay sa aking buhok habang masama ang tingin sa pinto na para bang naroon ang taong gumagawa ng ingay mula sa buzzer. Mukhang walang balak na tumigil ang kung sino man ang herodes na nasa labas. Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. 

Briiizz!! 

'Anak nang.. Balak pa atang sirain ang doorbell' 

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin si Aleng Helen na nasa labas ng gate at nakapustura na parang donya. Siya ang may-ari ng bahay na inuupahan ko. 

'Tsk! Makapindot ang putragis!' 

Naglakad ako patungo sa mala-machine gun ang bibig na may-ari ng tinutuluyan ko. 

"Anong kelangan nyo?" walang gana at simple kong tanong dito. 

"Magandang umaga din sayo Maruh" May pang-iinsulto nitong turan sa malakas na boses. "Ke aga-agang nakabusangot iyang mukha mo!" sabi nyang todo paypay. "Ipapaalala ko lang sayo, ang renta mo! Baka makalimutan mo, mabuti na 'yong pinaaalala. Aba! Matuto kayong magkusang magbigay ng renta sa takdang-oras. " May katabaan at maiikli ang buhok ni Aling Helen. Pero kapag kumuda ito, paniguradong nanaisin mo na lang makarinig ng misa ni Pader kesa sa misa ng bunganga niyang maingay. 

"Shutanets!" mahina kong usal habang nakatungo dahil nagpipigil akong ingudngod an maingay niyang bibig sa buzzer. "Yan lang ang ipinunta n'yo? Para bulabugin ako ng ganito kaaga?" kunot noo kong tanong. Gusto kong ibaon ang kaharap kong ng isang metro ang lalim dahil pinag-iinit noto ang ulo agang-aga. 

"Hoy Maruh, anong maaga? Tanghali na! Aba! Hindi por que bago kang nangungupahan dito eh hahayaan ko lang na pagsalitaan mo 'ko ng ganyan! Aba'y hindi ako nagpaparenta ng bahay para lang mag-antay kung kelan n'yo gustong magsi---" 

"May sinabi ba 'kong hintayin nyo ang bayad ko?" putol ko sa sasabihin nya. "Alam ko kung kelan ako magbabayad. At hindi niyo kailangang bulabugin ako at ipaalala ang bagay na hindi ko naman tatakbuhan. Sa sunod na bulabugin mo 'ko nang ganito ka aga para lang sa renta.. pag-isipan mo muna.. Aleng Helen." may diin kong pagkakasambit sa pangalan nya. Bahagya syang natigilan sa sinabi ko.  

"Aba hoy! Huwag mo 'ko masindaksindak sa mga ganyang pananakot mo ha!" mahihimigan ang galit na sigaw niya. 

"Tinatakot? Sinasabihan lang kita. Dahil hindi ko itatakbo ang bahay mo kung hindi man ako makabayad ng renta." walang emosyon kong sabi. 

"Baka gusto mong palayasin kita sa tinutuluyan mo ora mismo?! Huwag mo kong masubukan.. Kung nagmamatapang ka.. Aba'y magbalot balot ka na!" pasigaw niyang sabi habang dinuduro ako ng hawak niyang pamaypay. Pero tinging nagpapahayag na 'wala akong pakialam' ang ibinigay ko sa kaniya. 

'Tsk! Agang nakakasira ng umaga ang walastik!' Padabog na umalis si Aleng Helen.

Sinaraduhan ko ang gate pagkaalis nito saka naglakad papasok ng bahay. Sandali pa akong tumigil nang malapit na ako sa may pintuan. Muli akong humarap sa labas at ginala ang mga mata. Pakiramdam ko'y may mga matang nagmamasid sakin sa di kalayuan. Muli pang inilibot ko aking paningin sa paligid. 'Hindi nga ako nagkakamali!'

Dalawang bahay ang layo mula sa kinatatayuan ko, may mga pares ng matang nagmamasid sa kinatatayuan ko. Hindi ko ipinahalata sa mga kilos na lingid sa kaalaman ko ang pagtanaw nila sa bahay ko. Binuksan ko ang pinto saka pumasok ng bahay. Pagkapasok ko ay agad akong sumilip ng patago sa bintana. Winahi ko ng bahagya ang kurtina ngunit hindi ko na makita ang mga ito. 

Naisin ko mang bumalik sa kwarto para matulog ulit, pero mas pinili ko na lang na dumeretso sa banyo at maligo. Muling sumagi sa isip ko ang napanaginipan ko. Kung panaginip bang matatawag 'yon o bangungot. Siguro'y tama din sa oras ang pangbubulabog ng maingay na iyon. Dahil baka kung hindi siya gumawa ng ingay... binangungot na ako ng tuliyan. Tch! Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagtimpla ako ng tsaa at pasalampak akong naupo sa sopa. Isinandal ko ang aking ulo sa headrest ng sopa. 

Bigla kong naalala ang pagsisimula ng pasukan sa isang araw. Nasa huling taon na ko ng pag-aaral ng sekondarya. Wala pa akong gamit ni isa. Tsk! Tinapos ko na ang pag-inom ng tsaa at nagbihis para magtungo sa mall. 

Nagpalit ako ng simple at maluwang na white t-shirt at maong na pantalon na pinaresan ko white shoes at black na sumbrelo. Nakalugay lang ang maitim at may pagkakulot kong buhok na may tamang haba. Inayos ko din ang bangs ko. Sinigurado ko ang pagkakalock ng pinto at gate saka nagtungo sa labasan. Pagkarating ko sa labasan, pinara ko ang jeep na paparating  at sumakay papuntang mall. 

Ilang minuto lang ang byahe mall mula sa bahay ko. Agad akong nagtungo sa tindahan ng school supplies at ojnasadahan ang mga iba't-ibang kagamitang pang-aral na naroon. Masyado akong mausisa pagdating sa mga bagay-bagay. Nang masigurado kong kompleto na ang kelangan ko, nagtungo naman ako sa isang fastfood. Hindi na 'ko nakapag umagahan dahil sa nangyari. 

Takip-silim na nang makarating ako sa bahay. Inilaan ko ang ibang oras matapos makapamili ng gamit sa paglilibot. Pagkaratibg ay inilapag ko sa sofa ang lahat ng pinamili ko bago nagtungo sa kwarto at kumuha ng tuwalya para maligo ulit. Pakiramdam ko'y puro alikabok ang katawan ko. Hindi na 'ko nagpakatagal sa banyo. Inayos ko ang tali ng itim na robang suot ko. Akmang maglalakad na 'ko patungo sa kwarto nang tumunog ang buzzer sa gate. 'Sino na naman kaya ito?' 

Lumabas ako para tingnan ang nagdoorbell pero wala naman akong nakitang tao. Subalit ngulat at nagtatakang natuon ang paningin ko sa sasakyang nasa harapan ng gate. Sinuri kong muli ang paligid at nakiramadam. Napansin ko ang lalaki na nagtatago sa 'di kalayuan. 

'Kahit sa pinakamadilim ka pa magtago, makikilala't makikilala kita... SHIN!' 

Naramdam ko ang paglapit nya. 

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko habang ang paningin ay nasa motor na nakaparada sa harap ko. "Anong kelangan mo?" muling tanong ko. 

"Long time no see, MARUH." ani nya na may pagdiin sa pangalan ko. "Hinatid ko lang 'yang motor mo. 'Di ba magsisimula na ang klase mo sa susunod na araw? Naisipan kong... baka kailanganin mo 'yan kaya dinala ko dito. " saka pumwesto sa gilid ko. 

"Tss! Alam kong hindi lang ito ang ipinunta mo dito, may iba pang dahilan, hindi ba?" walang emosyon ko syang tinitigan.

"Ikaw lang naman ang ipinunta ko. And besides, gusto ko lang masiguradong nasa mabuti kang kalagayan." mahihimigang may pag-aalalang sabi nya.

"Hindi ko kailangan ng pag-alala mo o nang kahit na sino. " mayabang kong sabi. "Makakaalis ka na."

"Napakalamig mo pa rin makitungo." sarkastiko nyang sabi.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tinignan lang sya, wala akong panahon sa anumang sasabihin nya. 

"Mauna na 'ko. See you around!" pagpapaalam nya nang hindi ko sya tinugon. Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. Bahagya nyang inilapit ang kanyang mukha at tumingin sa mata ko pababa. "This robe is perfectly suit your body." ngisi nyang sabi saka tumalikod palayo. 

'Shit! Bakit ba nalimutan kong magbihis. Bwisit!' 

Pumasok na 'ko sa loob ng bahay at dumaresto sa kwarto saka nagbihis. Pabagsak akong nahiga sa kama. Naiisip ko si Mama at ang lahat ng nangyari sa nakaraan. 

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa makatulog ako. 

''Maruh anak.'' malumanay nyang sabi. 

"Mama, bumalik ka na please" Ngiti lang ang kanyang itinugon sa hiling kong iyon. 

"Maaaa!!!" umiiyak akong nagmulat ng mata. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang nagpapabigat sa dibdib ko.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status