"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna.
Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling.
“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak.
Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok.
Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol sa katauhan ni Esteban ngunit hindi niya ito sinabi sa lalaki.
Bawat pamilya ay may mga banal na kasulatan na mahirap bigkasin. Ang manugang na lalaki ng pamilyang Lazaro na ito ay itinuturing na b****a ng buong Laguna. Marahil ay ayaw niyang malaman ng iba ang tungkol sa kanyang tunay na katauhan.
"Bakit naman ako magsasawa kung masaya ako sa ginagawa ko?" Natatawang anas ni Esteban at sumulyap sa lugar kung nasaan si Anna. Kahit hirap na hirap sa trabaho ay pursigido ito. Biglang nakaramdam siya ng pagkainis ng makitang pinagtitinginan ito ng ibang kalalakihan roon.
Labis na hinahangaan ni Ruben si Esteban. Sa loob ng tatlong taon matapos nilang ikasal ay tahimik na nagmamasid si Esteban tuwing sasapit ang 4:30 ng hapon upang siguraduhing makakauwi ng ligtas ang asawa. Pinagmamasdan niya si Anna at pinakiusapan rin si Ruben na bantayan ang asawa.
"Kailan mo ba siya balak na sunduin mula sa trabaho at hindi nagtatago lang dito?” seryoso nitong sabi at humalukipkip.
Tumingin si Esteban sa pintuan ng kumpanya at ngumisi, "Hindi pa oras, Ruben."
“Hanggang hindi pa oras ay patuloy kang magtatago?” Kunotnoong tanong nito.
“Dahil kailangan…”
"Sa tingin ko hindi ka mukhang ordinaryong tao tulad ng inaakala ng karamihan. Bakit mas pinili mong manatili sa tahanan ng mga Lazaro?"
Sa kanyang mga mata, kakaiba si Esteban sa iba. Hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman, iniisip lang ng ni Ruben na hindi siya dapat maging sayang sa mga taong iyon. Bawat kilos at takbo ng isip Esteban ay hindi mababasa nino man. Msayo itong maingat at misteryoso.
"Isa lang akong ordinaryong tao na madalas ay hindi makakain ng tatlong bess sa isang araw." Natatawang sabi ni Esteban.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," nag-alinlangan sandal si Ruben.
"Nagtitiis ako ng napakaraming pangbabatikos. Kung mayroong babagsak ay hindi ako iyon dahil isa lang akong b****a sa pamilya ni Anna…” Ngumiti si Esteban. Bilang isang b****a at inabandunang anak, ipinikasal ni Don Placido sa kanyang apo. Gumuho ang mundo ni Anna nang ipakasal silang dalawa ngunit nanatili itong matatag. Kaya hindi siya pwedeng bumagsak dahil lang sa sinasabi ng mga tao sa kanya.
Sa mata ng karamihan tinitiis ni Esteban ang kahihiyan. Ngunit sa kanyang mga mata, si Anna ay mas maraming pinagdaanang pangkukutya kaysa sa kaniya.
"Ang sakit na nararamdaman ko ay walang halaga kumpara sa kaniya…" mahinang bulong ni Esteban at kinuyom ang kamao. Biglang bumalik sa malamig ang mga mata nito na hindi nakaligtas sa kausap.
Bumuntonghininga si Ruben at tinapik na lamang ang balikat. Hindi na nagbigay ng komento ng makitang alas singko na ng hapon.
Nang makitang paalis na si Anna sa trabaho ay nagpaalam na si Esteban gaya ng dati at sumakay sa lumang motorsiklo. Habang nanatiling nakatayo si Anna sa pintuan ng kumpanya hanggang sa mawala si Esteban. Sa loob ng tatlong taon, hinintay ni Esteban ang oras ng uwian ni Anna sa trabaho araw-araw. At hinihintay rin ni Anna na umalis si Esteban bago sumakay ng tricycle pauwi sa kanilang bahay.
Pagkarating pa lang ng bahay ni Anna ay sinalubong siya ng kanyang ina habang nasa tabi nito ang ama.
‘Marahil ay sinabi ni papa ang napag-usapan sa meeting kanina.’
"Anna, nababaliw ka na ba? Naisip mo na ba kung paano tayo mabubuhay sa oras na palayasin tayo ng Lola mo?” hestirikal nitong sigaw. "Hindi mo ba naisip na sine-set-up ka ng pinsan mong si Frederick upang tuluyan tayong palayin ng mga Lazaro?!” dagdag nito.
"Dahil hindi papayag si Lola na hatiin ang mana kay Papa hangga’t wala akong maiaambag sa pamilyang ito! Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kung gawin, Mama… Hanggang kailan ko ba dapat pagdusahan ang kasalanang hindi ko naman ginusto? Biktima rin po ako…”
Napaupo si Isabel sa sahig na agad na inilalayan ng asawa matapos marinig ang sinabi ng anak. Namutla ang kanyang mukha sa galit.
“Pero hindi mo kailangan sumang-ayon sa gusto nila. Hindi nila magagawa, kaya ikaw ang ipinag tulakan. Umpisa pa lang ay plano na nila ang alisin tayo sa kanilang pamilya na parang utang natin ang lahat sa kanila!” Umiiyak nitong sigaw.
Naguguluhan si Anna hindi niya alam kung tama bang sinunod niya ang payo ni Esteban sa kaniya. Masyadong komplikado ang haharapin niyang pagsubok dahil hindi lamang siya o si Esteban ang nakataya kundi pati ang buhay ng mga magulang niya.
‘Dahil sa pagpapakasal ni Papa kay Mama hindi ito nagustuhan ni Lola. Tapos ako ipinakasal kay Esteban ni Lolo na mas lalong ikinagalit ni Lola. Kaya kami ang itinuring na pinakamababang –uri sa pamilya dahil hindi kami pumili ng mayamang mapapangasawa na makakatulong sa kumpanya.’
.Sa oras na palayasin sila ni Donya Agatha ay wala silang makukuha kahit singkong duling o kahit na bahay na maaaring tuluyan.
"Ma, wala ho ba kayong tiwala sa akin?" tanong ni Anna.
Hinampas ni Isabel ang kanyang d****b, "Paano mo ako mapapaniwala sa iyo, ang mga kamag-anak ng pamilya ng Papa mo ang may masamang plano…”
‘Bakit?’ Tanong ni Anna sa sarili. Hindi niya alam kung bakit pumayag siya sa bagay na ito dahil sa mensaheng natanggap niya mula kay Esteban. Hindi sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap sa loob ng tatlong taon. Inaalipusta niya ito ngunit buo ang tiwala niya sa asawa na hindi siya nito ipapahamak.
"Nay, dapat kang magtiwala sa kaniya, tiyak na magagawa ito ni Anna," sabat ni Esteban na kakarating lang. Dumeretso ito sa tabi ni Anna.
“At sino ka para sumali sa usapan? Ang kapal ng mukha mo! Anong kinalaman mo dito, kung hindi ka sumama sa pamilya namin, ang ganda-ganda ng anak ko, siguradong mapapangasawa siya ng isa sa mayamang pamilya, sinira mo ang buhay ng anak ko, ang buhay naming!” sumbat nito habang nanlilisik ang tingin.
Hindi nagsalita si Esteban at tinalikuran ang tatlo sa sala upang magluto ng hapunan. Kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig bago uminom.
"Paano ka nakasisigurong magagawa ko, Esteban?” Biglang tanong ni Anna na sumunod sa kusina.
Mabilis na pumihit si Esteban upang lingunin si Anna.
“Dahil may tiwala ako sa’yo,” malambing nitong saad.
Biglang namula ang pisngi ni Anna, "A-ano?"
Ngumisi lang si Esteban habang mataman niyang pinagmamasdan ang reaksyon ni Anna. Ni minsan ay hindi niya inasahan na magkakaroon sila ng ganitong pag-uusap. Humakbang siya papalapit kay Anna ngunit huminto ito ng makitang ang ina ay paparating.
Umuusok ang ilong ni Isabel ng may ma-realize ito.
“May kinalaman ka ba sa desisyon ng anak ko?!” nagtatakang tanong nito.
Biglang kinabahan si Anna dahil alam niyang kapag nalaman ng kaniyang Mama na si Esteban ang dahilan ng kaniyang pagpayag ay hindi ito matututwa. Tiyak niyang ipapahiya si Esteban ng ina at maaaring itaboy si Esteban palabras ng bahay.
Nakita ni Anna na ang dahan-dahang pag-awang ng labi ni Esteban na tila isang slow moa ang lahat.
"Ma, ganito po ang nangyari. Nagpasya ako at wala itong kinalaman kay Esteban," mabilis pagtatanggol ni Anna. Huli na ng ma-realize niya ang ginawa. Napakagat labi na siya at nag-iwas ng tingin sa ina.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Isabel kay Esteban at sa anak na kahit kailan ay hindi niya nakita ang ganitong ekspresyon. Namumula ang pingi at may tuwa ang mga mata.
“Mukhang nabighani kang talaga sa basurang ito at naniniwala ka sa pinagsasabi niya. Nababaliw ka na.” Ismid ng ina sa kaniya.
Mahigpit na hinawakan ni Isabel ang balikat ng anak, “Gumising ka, Anna. Hindi ang tipo moa ng magmamahal sa isang b****a at walang kwentang lalaki!”
“M-ma, nasasaktan ako…” Pilit na inaalis ni Anna ang kamay ng ina sa kanyang balikat.
Hindi nakatiis si Esteban sa nakikita. Nging malamig ang ekspresyon nito ng makitang nasasaktan ang asawa sa kamay ng sariling ina. Hinablot niya ang pulso ni Isabel at marahas na inilayo kay Anna.
“Anong klase kang ina para saktan ang sarili mo anak?” Nanggagalaiti nitong sambit. “At wala ka ring tiwala sa kakayahan niya?” patuloy nito.
Hindi makapaniwla si Isabel sa nasaksihan. Sa loob ng tatlong taon ay hindi niya ito nakitang nagreklamo ngunit ngayon ay mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanyang pulso na ano mang oras ay mababali. ‘Kailan pa natutong manlaban ang basurang ito?’
"Pakawalan mo ako, hayop ka! Wala kang karapatan ang isang tulad mong magsalita sa pamilya namin!” bulyaw nito at patuloy na kumawala.
Malamig na tiningnan ni Esteban si Isabel, hindi binibitawan. Ito ang unang pagkakataon na napakalakas niya sa pamilyang Lazaro.
Sa pagtingin ni Esteban sa mga mata ni Isabel ay bigla siyang nakaramdam ng kaunting guilty. Isa lang itong inang naghahangad ng mataas na pangarap para sa anak.
Nakita ni Alberto na may mali kaya dali-dali siyang lumapit.
“Esteban, bitawan mo si Isabel. Hindi masosolusyunan ang problema ng isa pang problema,” seryosong suway ni Aberto sa manugang.
“Esteban…” Hinaplos ni Anna ang likuran ni Esteban at saka lang nito binitawan si Isabel.
“Magluluto na ako,” malumanay sa sambit ni Esteban kay Anna at mabilis na lumihis ng tingin.
Nagngitngit ang ngipin ni Isabel habang tinitingnan ang namumulang pulso. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
“Hindi pa tayo tapos. Gagawin ko ang lahat mapatalsik ka lang sa pamamahay na ito,” paghahamok nito.
“Ma, tama na!” sita ni Anna sa ina.
Nanlaki ang mata ni Isabel sa sigaw ng anak. Sinisisi niya si Esteban dahil marunong ng manlaban si Anna.
Hindi pumunta si Isabel sa mesa sa oras ng hapunan. Maraming sinabi si Alberto sa dalawa tungkol sa negosyo ng mga Montecillo. Labis siyang natatakot dahil kung hindi magagawa ni Anna ang pagsubok ay hindi niya alam kung saan sila pupulutin. Kailangan nila ang kayamanan ng mga Montecillo.
Pagkatapos ng hapunan, naligo si Esteban at bumalik sa silid upang hanapin si Anna na nakaupo sa kama, diretsong nakatingin repleksyon sa salamin.
Bumuntonghininga si Esteban bago nagsalita, "Kaklase ko ang boss ng Desmond Estate Corporation."
"Oh!” simpleng tugon ni Anna at hindi na nagpatuloy sa pagtatanong kahit na naguguluhan. Paanong nagkaroon ng kaklase si Esteban na galing sa isang kilalang pamilya kung mahirap lang ang asawa? Tanong niya sa sarili. Sinulyapan niya si Esteban habang inaayos ang sariling higaan sa sahig sa paanan ng kama. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ay hindi ito kalian nagtangkang hawakan siya kahit na responsibilidad niya iyon bilang asawa.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Biglang nag-flash sa utak niya ang nangyari. Kung paano nag-iba ang reaksyon at ugali ni Esteban ng makita siyang sinasaktan ng ina. Natatandaan niya ang malamig nitong titig na tila isang mabangis na hayop sa kagubatan. ‘May nararamdaman kaya siya para sa akin? Alam kong narinig niya ang sinabi ko, na mahal klo siya. Ngunit hindi niya sinabing mahal niya rin ako.’ Biglang sumakit ang kanyang puso sa isiping siya lang ang nahulog sa kanilang dalawa.
"Huwag mo na akong bantayan at hinatyin sa likod ng kumpanya,” untag niya at nagtabun ng unan sa kanyang mukha.
Nagulat si Esteban sa sinabi ni Anna dahil hindi niya inaasahan na alam ng asawa ang ginagawa niya sa loob ng tatlong taon at wala itong sinasabi. “Sige…”
Napakagat labi siya sa sagot ng asawa. Naghahangad siya ng paliwanag kung bakit niya ito ginawa para sa kanya. Palagi niyang iniisip na maaari niyang hiwalayan si Esteban nang walang kahirap-hirap, ngunit nang banggitin ito ng ina kahapon ay napagtanto niya na hindi niya ito magagawa. Iniisip niya pa lang ay parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso niya. Itong lalaking ito, kahit gaano siya kawalang kwenta tatlong buong taon na siyang nasa tabi niya at hindi siya iniwan. Marami siyang nasabing masasakit na salita ngunit wala siya narinig sa asawa. Kahit gaano pa kalala ang mga komento sa kanya ng mga tao, gaano man kalamig ang pakikitungo nito sa kanya, lagi itong nakangiti ng matamis sa harap niya. Na-realize niyang hindi siya pusong bato dahil si Estaban ang tinitibok nito.
“Sunduin mo ako sa harapan ng kumpanya at huwag kang magtago sa likuran…" paos niyang sermon.
Parang tinamaan ng kidlat si Esteban habang nakatingin sa likod ni Anna na nakatagilid. Unti-unting naging puno ng kaligayahan ang kaniyang ang puso.
Hindi nakita ni Anna ang ekspresyon ni Esteban, at hindi niya narinig ang sagot ni Esteban makalipas ang ilang minute.
"Kung ayaw mo, kalimutan mo na lang,” naiinis nitong babala.
Napaupo si Esteban at tuwang-tuwa dahil sa tono ng boses ng asawa. “Y-yes, I do. I mean… s-sige, susunduin k-kita.”
Ramdam ni Anna ang pananabik ni Esteban at bahagyang natawa ng mautal ito. Bumalik sa kaniyang alaala ang tatlong taong lumipas kung paano niya trinato si Esteban. Naninikip ang kanyang d****b sa isiping mag-isa nitong tinitiis ang lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang pamilya, magulang at sa kanya. Naramdaman niya ang mainit na luha galling sa kanyang mga mata.
"Itong tatlong taong nakalipas, pasensya na… Esteban."
Narinig ni Josefena ang malalim na buntong-hininga mula sa kanyang dibdib bago siya tuluyang lumingon pabalik.Sa loob ng malaking bulwagan, nakaupo si Feran habang umiinom ng tsaa. Nang makita niyang maagang bumalik si Josefena, agad kumunot ang kanyang noo. “Josefena, parang hindi ka dapat bumalik nang ganito kaaga, hindi ba?” malamig niyang tanong.Alam ni Feran na ipinakiusap niya kay Josefena na tulungan si Esteban na makapasa sa unang hakbang ng pagsasanay. Kaya’t hindi niya inasahang babalik ito agad.“Si Esteban ay pumunta sa Ciyun Cave,” mahinahon na sagot ni Josefena.Pagkarinig ng mga salitang iyon, nabitawan ni Feran ang hawak niyang tasa ng tsaa. Nahulog ito sa sahig at nabasag. “Ano?! Pumunta siya sa Ciyun Cave?” nanlaki ang mga mata ni Feran at bahagyang namutla ang kanyang mukha.“Sinabi ni Kino na si Esteban ay nagtatrabaho sa gulayan kaninang umaga, pero palihim daw niyang nilabag ang pagbabawal, gustong magpahinga at magtago, at sa huli raw ay aksidenteng nakapaso
Nang maramdaman ni Esteban ang malamig na kilabot na dumaan sa kanyang katawan, kusa siyang umatras ng ilang hakbang. Sa kanyang pag-atras, bigla niyang nahawakan ang kung anong matigas at kakaiba. Pagtingin niya, mga puting buto pala iyon. Agad niyang nabitawan ang mga buto at mabilis na napatitig sa nakakatakot na nilalang sa kanyang harapan.Ngunit habang tinititigan niya ito, unti-unti siyang kinilabutan sa kakaibang pamilyar na naramdaman. Hindi ito halimaw.Hindi pa patay si Loren.Nasa harapan niya ito ngayon, ngunit mas nakakatakot ang itsura nito kaysa dati. Halos lahat ng buhok nito ay nalagas at nagkalat sa ibabaw ng batong lamesa, kaya’t lumitaw ang ulo nitong puno ng peklat. Dahil wala nang takip na buhok, mas lantad ang itsura ng mukha—kalahati nito’y buto na lamang, at kalahati nama’y parang natuyong laman.Nang mapansin ni Loren ang pagkagulat ni Esteban, bahagya siyang napalingon sa isang tabi, pilit na itinatago ang bahagi ng kanyang mukha na puro buto, at ipinakita
Umiling si Esteban na may halong inis at pagkabigo. “Sa tingin mo ba gusto ko talagang pumunta rito? I was sold to Sifeng as a slave.”“Slave? Ginawang alipin ang apprentice ni Qurin?” Mariing napakunot ang noo ng babae, halatang nag-uumapaw ang galit sa kanyang tinig. “That Feran is such a cheap woman… hindi siya dapat mamatay nang madali.”Hindi maintindihan ni Esteban kung bakit ganoon ang pagkamuhi nito. “Sino ba si Feran?” tanong niya.“Halika rito,” malamig na utos ng babae mula sa loob.Saglit na nag-isip si Esteban. Alam niyang hawak niya ang Pangu Axe, kaya hindi siya ganoon kakabado. Kahit pa delikado, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya’t nagpasya siyang pumasok.Habang lumalalim siya sa kweba, mas lalo itong dumidilim at nagiging mamasa-masa ang paligid. Ramdam niya ang malamig na simoy na tila gumagapang sa kanyang balat.Biglang nagliwanag ang ilang apoy sa paligid. Tatlong metro sa unahan, may nakatayong malaking batong altar. Doon ay nakaupo ang isang kakaibang ni
Narinig ni Josefena ang pangalan ni Esteban mula kay Kino, pero nag-aatubili itong sumagot. Nauutal pa itong nagkunwaring kalmado, pero halatang nag-papanic.“Esteban? Ah, nasa hardin siya, nagtatrabaho,” palusot niya, habang pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang mukha.Hindi naniwala si Josefena. Alam niyang hindi dapat ganoon kasimple ang sagot. Kaya malamig niyang utos, “Puntahan mo siya. Tawagin mo siya rito.”Nagulat si Kino. “Call him back? Right now?”Sumeryoso ang mukha ni Josefena, malamig at walang pasensya. “Gusto mo bang hintayin ko pa matapos kang kumain bago ka kumilos?”Pinilit pang ngumisi si Kino, “Hehe… elder martial sister, kung gusto mo, pwede rin naman ako—” Hindi na niya natapos ang salita dahil bigla nang nakatutok ang espada ni Josefena sa kanyang leeg.“Hindi mo pa ba ako tatawagin?” malamig na sambit ni Josefena.Napilitan siyang tumango. Agad siyang lumingon kay Haran na nakatayo lang sa tabi. Napansin niya ang kumplikadong tingin ng kasama niya—nandoon ang p
Kahit na ganito ang sitwasyon, kailangan pa rin dalhin ang pagkain. Sadyang si Kino ang nag-utos na siya mismo ang maghatid. Kung mabigo siya, siguradong may kapalit itong parusa pagbalik niya.Umiling si Esteban at kinuha ang basket. Mabigat ang loob niya, ngunit wala siyang magagawa kundi maglakad papunta sa kuweba.Pagpasok niya, agad bumungad ang matinding dilim. Pagdating pa lang sa limang metro, hindi na makita ang sariling mga daliri. Paminsan-minsan, may tunog ng patak ng tubig na umaalingawngaw, kasabay ng malamig na simoy na galing sa loob.Mabilis siyang nag-conjure ng isang maliit na apoy gamit ang enerhiya. Sa wakas, kahit papaano, may liwanag na tumulong sa kanya. Ngunit sa pag-ilaw ng paligid, tumambad ang nakakatindig-balahibong tanawin: ang sahig ay punô ng mga kalansay ng tao, nakakalat sa lahat ng dako. Sa magkabilang pader, nakaukit ang mga bakas ng kamay—mga desperadong marka ng mga taong namatay dito, mga huling bakas ng kanilang paghihirap.Bawat guhit, simbolo
Kinabukasan nang umaga, tulad ng nakaraang mga araw, maaga nang nagbitbit ng timba si Esteban upang sumalok ng tubig. Habang naglalakad siya, nasalubong niya si Flashy na tila may gustong sabihin ngunit napapaurong din. Napansin ni Esteban ang kanyang kakaibang kilos kaya tumigil siya."Ano’ng problema, Flashy? May sasabihin ka ba?" tanong ni Esteban.Nagkibit-balikat si Flashy, pilit na ngumiti at sabay sabi, "Wala naman… malapit nang lumalim ang araw. Bilisan mo na lang ang trabaho. Ah, oo pala, huwag mong kalimutang diligan nang ilang beses ang mga pananim sa Dongyuan garden ngayong araw." Habang nagsasalita, medyo nag-aalala siyang napatingin sa silid ni Kino."Ha? Ilang beses?" nagtatakang balik ni Esteban.Alam ni Esteban kung gaano kalaki ang taniman sa Dongyuan. Ilang araw na ang nakaraan, isang bahagi pa lang ng taniman ang kaya niyang tapusin sa maghapon. Kung lahat ay didiligan nang paulit-ulit, tiyak na aabutin siya ng isang linggo. Maliwanag na may gustong ipahiwatig si F