Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick.
"Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita.
"Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng b****ang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang b****a." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.
Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya gumagawa sila ng paraan para mas lalo pa itong pag-initan.
Ngunit sa kabilang dako, nag-uusap sina Anna at Esteban. "Sigurado ka bang gusto mong sunduin kita?"
"Ayaw mo ba?" Tinaasan ng kilay ni Anna si Esteban dahil sa tanong nila, umiwas naman ng tingin si Esteban at nagkamo ng ulo.
Hindi niya maintindihan kung bakit gumaan ang kanyang loob nang sabihin ni Anna na huwa na siyang antayin sa kahit saang lugar na nagtatago kundi mismo sa harap ng kompanya. Galak ang nararamdaman niya nang marinig iyon mula sa dalaga. Matagal niya nang gustong gawin ang sinabi ni Anna ngunit ang nga nakaraang taon ay wala pa siyang lakas na loob gawin. Hindi niya nga alam kung bakit alam ni Anna ang ginagawa niya, siguro dahil nagkabutihan na silang dalawa ay naisipan ni Anna na ayusin ang pagtrato kay Esteban at sisimulan niya sa simpleng bagay.
"Hindi naman sa ganoon, baka kasi mapahiya kita dahil..."
"Dahil ano? Dahil hindi maayos ang suot mo? E'di sana hindi na ako pumayag magpahatid sa'yo ngayon?" Ngumiti ng tipid si Esteban sa narinig mula kay Anna.
"Thank you, Anna." Huminto si Esteban at hinarap si Anna sa kanya, ang mga tinginan ng dalawang puno ng pagmamahal. Kahit hindi ipakita ni Anna iyon, alam niya sa sarili na masaya siyang kasama si Esteban sa paglalakad lamang papunta sa kumpanya.
"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Pero..." Huminto siya at lumingon sa gusali. Nakarating na sila sa kumpanya ng Desmond Estate. "Kinakabahan ako Esteban. Paano kung hindi ako magtagumpay sa gagawin ko? Paano kung tuloyan na nga kaming mapaalis?" Lumungkot ang kanyang mukha at bumaling muli kay Esteban.
Huminga nang malalim si Esteban at hinawakan ang dalawang balikat ng dalaga, "Ang sabi ko naman sa'yo magtiwala ka lang sa sarili mo at matalik kong kaibigan ang may-ari nito," saad ni Esteban pampalakas loob ni Anna.
Hindi pa rin malaman ni Anna kung bakit sa katayuan ni Esteban ay may kilala siyang malaking tao tulad nito ngunit inalis niya na iyon sa kanyang isipan dahil oras na para pumasok sa loob.
"Aantayin kita dito mamaya, good luck." Hinalakin ni Esteban sa noo ang dalaga na ikinagulat naman ni Anna. Dahil sa ginawa ng binata, mas lalo siyang kinabahan.
Dahan-dahan namang naglakad si Anna papasok, nagtaka pa siya kung bakit hindi manlang siya hiningian ng ID ng guard o tanungin ng iilan sa information desk, ningitian pa siya ng mga ito.
"Good morning Ma'am, this way po." Lumapit ang isang babae sa kanya na nakasuot ng uniform na kulay itim, kahit nagtaka ay sumunod na lamang siya sa babae. "Mamaya pa po darating si Sir Flavio, kaya sasamahan ko na lang po kayong mag-antay sa opisina," dagdag ng babae.
Nagtaka siya sa pangalan na bianggit, siguro ay iyon ang may-ari. Kahit gaano pa katagal dumating ay hahayaan niya ang sariling mag-antay basta makuha niya lang ang loob ng may-ari. Para sa pamilya niya.
Nang makarating sila sa palapag ng opisina ng taong inaantay nila, tahimik lang na nagmamasid si Anna sa paligid. Masaya siya nang makapasok sa isang bagong kompanya at higit sa lahat malaki pa ito.
'Ang yaman siguro niya.' sa isip ng dalaga.
"Good morning, Sir!" Bumati ang mga empleyado sa bagong labas na lalaki sa elevator, agad din naman tumayo si Anna at ang kabang kanina niya pa naramdaman ay mas lalong grumabe nang makita ang isang bulto ng lalaki.
Matangkad ito at kitang-kita sa tindig na professional. Matangos ang ilong. Naglalakad ito patungo kay Anna.
"Hello, Ms. Anna. I am Flavio the right-hand of the owner. I'm sorry but he can't make it today, he had something important to do more than this but I assure you, hindi masasayang ang pagpunta mo rito." Kumunot ang noo sa sinabi ng binata. Kung ganoon, hindi si Flavio ang may-ari at hindi ang may-ari ang kaharap niya ngayon.
"Let's talk to my office, the contract is waiting."
"Wait, Mr. Flavio. Am I allowed to sign the contract even the owner is not here?" nagdadalawang isip na tanong ng dalaga.
"Yes, do not worry. The owner gave permission to do this and to tell you honestly, ang pirma ko ay importante din gaya ng pirma niya." Ngumiti nang malawak si Flavio na ikinailang ni Anna.
Kung ganoon, wala na siyang magagawa.
"Here's the contract," saad ni Flavio at inabot kay Anna ang kontrata. Nanginginig pa ang kamay ng dalaga dahil hindi siya makapaniwalang magagawa niya ito.
"Pipirmahan ko na?" mahinang tanong nito. Tumango si Flavio.
"Yes and I will be the one in charge with this project together with you, Ms. Lazaro."
Pinirmahan agad ni Anna ang kontrata at binigay kay Flavio, siya naman ang pumirma. Naiiyak na tiningnan ni Anna ang papel, sa kanyang isipan hindi na sila mapapaalis dahil nagawa niyang makipag-ugnayan sa Desmond Estate Corporation.
"Thank you si much Sir, aasahan mong hindi ka mabibigo sa akin." Galak na sabi ni Anna. Inilahad ni Flavio ang kamay nito sa harap ni Anna.
"Welcome partner, we will put partnership into something big." Ang dalawang kamay nila ay tanda na nagtagumpay nga si Anna sa mission na ibinigay sa kanya.
'Matutuwa si Lola pati na rin ang magulang ko kapag nalaman nila ito!' sigaw ng kanyang isipan.
"I need to go now, Ms. Anna. It's nice to see you and I hope we get along with this project."
"Thank you so much, sir."
Hindi niya akalain na ang ganoon lang kabilis ang pangyayari. Sabagay, kakilala ni Esteban ang may-ari ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na nakapirma siya.
Masaya siyang naglalakad palabas ng kompanya at nang makita niya si Esteban na nag-aantay sa labas agad siyang tumakbo.
"Esteban!" sigaw niya at lumingon naman agad ang binata habang nakangiti. Natigil siya at nagulat sa ginawa ng dalagawa, niyakap siya nito.
"Nagtagumpay ako, I signed the contract. Thank you, Esteban. Salamat talaga ng sobra." Hindi mapigilang umiyak ni Anna dahil sa tuwa, kung hindi rin dahil sa tulong ni Esteban hindi niya magagawa ito.
Niyakap din nang mahigpit ni Esteban ang asawa, masaya siyang makitang masaya ang dalaga. Matagal niya na itong nais gawin, ang mapasaya at ngayon, nagsisimula na siya.
"Let's celebrate first, kumain tayo. Saan mo gusto?" tanong ng binata, nagtaka naman si Anna dahil sa turan nito. "Libre ko," dagdag pa ni Esteban.
"May pera ka pa ba?" tanong ng dalaga.
"Meron at saka sa turo-turo lang tayo kakain, sikwenta pesos lang dala ko." Napailing na lamang si Anna dahil sa kapilyohan ng asawa.
Habang naglalakad sila palayo sa kompanya, pasimpleng lumingon pabalik si Esteban at tumingin sa taong nakatingin sa kanila, pareho silang tumango sa isa't isa na tila ba nagtagumpay sila.
Chapter 1601Sa kabila ng halakhak na lumaganap sa buong bulwagan, hindi nagalit si Anna. Sa halip, isang banayad at mainit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Alam niya sa sarili na ang lahat ng ito—ang pangungutya, ang pagtawa—ay may katumbas na kabayaran. Balang-araw, ang bawat taong nandito ay magsisisi sa kanilang ginawa.Napansin ni Glentong Montenegro ang matatag na anyo ni Anna—walang pagsisisi, walang takot. Tumigil ang halakhakan. Sa loob-loob niya, gusto na niyang ilabas ang lahat ng galit sa katauhan ni Anna at kitlin ang buhay nito.Pero hindi niya magagawa.Hindi ngayon.Dahil kung mawawala si Anna, wala nang pag-asang muling magkaroon ng tunay na Diyos ang kanilang angkan. Kapag tuluyang bumagsak ang posisyon ng Hannah’s lineage, tiyak na ang lahat ng dating kaaway ay magsasama-sama upang pabagsakin siya. Isang bangungot na hindi niya kayang harapin."Themis Dike," aniya nang may bigat sa tinig, "dahil ayaw mong kilalanin ang iyong pagkakamali, ipapadala ka sa Gle
Chapter 1600Mundo ng Walong Direksyon.Sa kanyang pagbabalik sa angkan ng Hannah, sa wakas ay humarap si Anna sa pinuno ng pamilya—ang unang pagkakataon mula nang siya'y umalis.Sa loob ng isang napakagarbong bulwagan, kuminang ang gintong liwanag mula sa mataas na trono. Doon nakaupo ang isang matandang lalaki—si Glentong Montenegro, ang kasalukuyang patriarka ng angkan ng Hannah.Bagamat tila matanda at marupok ang kanyang katawan, ang lakas ng kanyang presensya ay napakabigat. Mula sa kanyang mga ginintuang mata, naglalabas siya ng matinding kapangyarihang pumipigil sa sinumang magpakita ng pagwawalang-galang.Ngunit si Anna, nakatayo sa gitna ng bulwagan, ay hindi natinag. Ang kanyang tindig ay tahimik ngunit matatag—walang yabang, walang takot."Alam mo ba ang magiging kapalit ng ginawa mo?" malamig ang tinig ng matanda, puno ng pagbabanta. Para bang handa siyang kitlin ang buhay ni Anna anumang oras.Tahimik lang si Anna. Hindi siya yumuko. Hindi siya nagsisi. Hindi siya kailan
Chapter 1599"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Zarvok kay Esteban."Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre natatakot ako," sagot ni Esteban, hindi na nagkunwaring kalmado. "Pero may magagawa ba ako?"Totoo namang ito ang pinakamapanganib na ekspedisyong kanyang sinuong—isang sinaunang larangan ng digmaan na lagpas sa kakayahan niyang kontrolin. Isang pagkakamali lang, kahit gaano kaliit, ay maaaring ikamatay nila."Takot ako, pero wala na akong magagawa pa." Matapos sabihin iyon, tahimik na tumalon si Zarvok papasok sa space tunnel. Kahit kamatayan pa ang kapalit, hindi siya uurong—hindi matapos ang libu-libong taong paghahanap.Wala ring dahilan si Esteban para umurong. At kahit gusto man niyang umatras, alam niyang hindi siya pwedeng bumalik nang bigo. Kung hindi siya mamatay sa sinaunang larangan, si Santino Guerrero mismo ang papatay sa kanya.Pagdaan nila sa tunnel, agad nilang narating ang Sinaunang Larangan ng Digmaan.Sa harap nila ay isang malawak, madilim na kapatagan. Ang ihi
Chapter 1598Matapos makuha ni Esteban ang mga guho ng Sinaunang Labanan, hindi niya maitago ang gulat at pagkamangha. Maging si Zarvok, na matagal nang gumagala sa Miracle Palace, ay hindi makapaniwala."Imposible..." bulong ni Zarvok habang lumilipad sa tabi ni Esteban. "Napakalapit lang nito sa akin sa loob ng mahabang panahon... pero kahit kailan, hindi ko naramdaman ang presensya ng guhong ito."Habang nanatili si Santino Guerrero sa Ethereal Sect, naglakbay sina Esteban at Zarvok papunta sa Madilim na Gubat— dahil nandoon ang mismong guho ng sinaunang digmaan.Habang lumilipad sa himpapawid, napabuntong-hininga si Zarvok."Kumusta naman pakiramdam ng biglang nagkaroon ng master?" tanong niya, nakangisi.Ngunit kalma lang ang sagot ni Esteban. Para sa kanya, kahit mukhang nakakababa ng dangal, isa rin itong pagkakataong maaaring magamit sa tamang panahon."Basta hindi niya ako papatayin agad, ayos lang sa akin," sagot ni Esteban. "Hangga’t may silbi ako sa kanya—tulad ng p
Chapter 1597Sa isang iglap, nakalabas na si Esteban mula sa kuweba.Sa di-kalayuan, nandoon sina Master Zed at Sam Bautista, parehong nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan.Para sa kanila, hindi na kailangan ng patunay ang lakas ni Esteban.Ang katotohanang naibukas niya ang pinto ng bawal na lugar ay sapat nang ebidensya ng kanyang kapangyarihan.Ngunit sa kabila ng tagumpay, pakiramdam ni Esteban ay may mabigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Dahil sa loob ng kuweba… isang matandang halimaw sa katawan ni Ace Cabello ang muling nabuhay.Napatingin siya sa nilalang sa kanyang tabi."Ano ba dapat kong itawag sa iyo?" tanong ni Esteban."Alam kong hawak mo ang katawan ni Ace Cabello… pero parang hindi naman tama kung pangalan niya ang gagamitin ko."Sandaling natahimik ang babae.Parang matagal na mula nang may huling tumawag sa tunay niyang pangalan.Pagkatapos ng ilang sandali, isang malamig na tinig ang umalingawngaw:"Ang pangalan ko... ay Santino Guerrer
Chapter 1596Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Esteban ang tunay na banta ng kamatayan. Agad siyang nagtangkang umatras, subalit bago pa man siya makalayo, isang napakalakas na enerhiya ang tumama sa kanyang dibdib.BOOM!Parang hinagis ng dambuhalang kamay, lumipad palayo ang katawan ni Esteban nang walang kontrol, hanggang sa malakas siyang bumangga sa matigas na pader ng kuweba.“Ugh!” Isang alingawngaw ng sakit ang lumaganap, kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa at pag-angat ng alikabok sa paligid.Napakagat siya sa labi. Hindi siya maaaring bumigay. Hindi ngayon.Kaya kahit duguan ang sulok ng kanyang labi at masakit ang bawat paghinga, pilit siyang bumangon.Subalit— Pagtingala niya, naroroon na muli si Ace Cabello sa harapan niya."Tsk." Napangisi si Esteban ng mapait."Bigyan mo man lang ako ng pagkakataong huminga," aniya, pilit na nagpapanatili ng lakas ng loob kahit ramdam na ramdam na ang panghihina.Ngunit halos kasabay ng kanyang huling salita, isa na nama