Share

Hunk Of The Year No More

"Happy New Year," sa halip ay sagot niya sa kapatid. Thirty. seven o thirty-eight si Kathleen, pero mukha nang forty plus. Pinabayaan din ang katawan. Mataba. At stressful ang trabaho. ER nurse ito. Dalaga pa si Kathleen. May sinabi ito, pero sinadyang hindi pansinin ni Zhai.

Imbes, nagmano siya sa papa niyang ngayon ay nasa wheelchair. Stroke. Two years ago. His mother was more agile even at sixty-nine. Trim, erect posture so she always appeared taller than she actually was. Makapal pa rin ang buhok at mangilan-ngilan lang ang uban. Obvious kahit kanino kung saan nakuha ni  Zhai ang kanyang looks.

His mother was in her forties when she had him. Menopause baby raw siya. Suwerte nang wala siyang diperensiya. Patpatin siya at maitim pa nga raw siya noong bata. Mukha raw siyang kabayo. Habang ang kanyang mga kapatid, malulusog at mga mestiso.

Nang tumuntong siya sa edad na kinse, hindi makapaniwala ang lahat. He got taller. At dahil wala naman talaga siyang baby fats simulat sapul, muscles na agad ang tumubo sa kanya.

Ang guwapo lang daw ay kabayo. That was true in his case. His horsey face was suddenly handsome. Ang ilong na kinaiinisan niya noon at object of ridicule ng lahat dahil sobrang haba, sobrang tulis sa maliit niyang mukha, biglang hindi na kapansin-pansin dahil umakma na sa kanyang mukha. Same thing with his mouth. Kung noon, para ngang sa kabayo, malaki, maluwang, parang ang dami niyang ngipin at pati ang mga iyon, kay lalaki.

Biglang naging asset.

At eighteen, he was already five-ten. He started working out. At twenty, he was six feet flat with a face and body to die for.

Sensual. Exotic.

That was how they described his looks.

At twenty-two, he was the most sought-after male model in the country. Hindi na niya tinapos ang college degree---Com Sci sana. Kumikita na siya, eh. Kabi-kabila ang projects. Panay na rin ang labas niya sa mga TV show.

Success came easy, Parang natulog lang siya, pagdilat niya, sikat na siya. Alam ni Zhai ang struggle ng mgakasabay niya kaya hindi siya makapaniwala sa kanyang suwerte. He didn't have to sleep with anyone to get to where he was. He didn't have to sell his soul.

So easy.

Nagpatuloy 'yon hanggang sa kanyang late-twenties.

Then it was gone.

Suddenly the go-sees resulted in rejection one after the other. Kahit ang mga baklang naghahabol sa kanya noon, hindi na siya kilala. Nakahanap na ng mas bata na hahabulin.

He was Hunk of the Year no more.

Someone else was being called sensual and exotic. Someone younger.

Calling himself a model had become awkward. Embarrassing even. Kahit paminsan-minsan may

kumukuha pa rin naman sa kanya. He still worked out, kept his body in perfect shape. His hair didn't show a sign of thinning. He still knew how to dress. Sa madaling salita, he still got the looks.

Someone nudged him and offered him a beer.

"Hey, Insan, bati ni Zhai kay Dough. Pinsan niya sa mother's side. Binati nito si Kathleen sa screen.

"Pinagtaguan mo ako the last time I was there in Toronto," akusa nito.

"I was busy," sagot ni Kathleen.

Naniniwala si Zhai na pinagtaguan nga ni Kathleen si  Dough. Siya man, magtatago rin. May kayabangan kasi ang pinsan nilang ito na si Dough Hindi ito nawawala sa mga reunion. Perfect venue nga naman ang mga iyon para makapagyabang.

To be fair, may ipagyayabang naman talaga. Mapera. Matinik na negosyante. Malakas ang loob. May nakilalang mag-asawang abogado a recruiter, nakisosyo. Nang malaman ang pasikot-sikot ng negosyo, nagsarili.

Kasehodang illegal dahil wala namang mga permit ang recruitment agency na itinatag. But eventually, naging legal din naman. Dough was also into import-export. Smuggling sa madaling salita. Pero masyado nang natutong maging magulang, lahat ng raket nito, legal na sa mga papel.

At si Dough ang sumagip sa kanya sa personal bankruptcy. Wala na siyang trabaho, his bank account was dwindling. Takot siyang magsimula ng negosyo. Paano kapag nalugi? Wala nang matitira sa kanya. Pero nang alukin siya ni Dough na sumosyo sa raket nito, hindi siya nagdalawang-isip. Dahil wala namang puhunan.

Just his looks and charm. Just like modeling.

Nagtagumpay naman sila. The business soared. His savings tripled, quadrupled. He managed to invest a substantial amount and he was earning from it. Pero masaklap maakusahang 'bugaw.'

Former model turned pimp, ang sabi sa mga blog ng fashion/entertainment insiders. Kasalanan ba niya kung piliin ng mga nire-recruit niyang models na magputa under the table?

Hindi.

Pangalan ni Zhai ang nasisira... and more. Napailing siya. He didn't want to go there.

Kumalas siya kay Dough. Ipinaglaban pa niya ang karapatang parte sa negosyo kahit industrial partner lang siya. Bandang huli, naareglo naman nila ni Dough ang problema.

All was well.

Balik na lang sila ni Dixon sa pagiging magpinsan.

Then Zhai decided to sell his aging CR-V. Nang maibenta, kulang pang pambili ng brand new na kotse. Ayaw naman niya ng hulugan. Nakarating kay Dough ang paghahanap niya ng bagong sasakyan. Tinawagan siya. Inialok sa kanya ang Honda Civic, two years old pa lang daw.

Tiningnan niya, tinest-drive. Okay.

Pero hindi matawaran kay Dough. Mura na daw ang halos kalahating milyon na presyo. Kung kulang daw ang kanyang pera, hulugan na lang niya ang balanse.

Nagkasundo sila.

Kanya na ang Civic.

May bagong Land Cruiser si Dough.

"Astig ng karuwahe mo, 'insan," komento ni Dough.

"Halika, "'insan---" Inakbayan siya nito. "Tito, Tita, excuse po muna.," sabi nito sa mama at papa ni Zhai. "May pag-uusapan lang po kami."

Sa labas siya nito dinala. Nagsindi ito ng yosi. “Pwede ka ba, insan?”

Nahuhulaan na ni Zhai ang pakay ni Dough sa kanya kahit hindi nito deretsang sabihin sa kanya.

"Graduate na 'ko diyan. Iba na lang." Napapailing na sagot niya dito.

"Wala, eh. Specific ang gusto. Tall, dark and handsome. Panay tsinito na 'yong nakalinya. May shortage ng kagaya mo, eh."

Truth be told, he was glad to hear that.

Hah! In your face, chinitos!

"Importanteng client 'to. Socialite."

"Edad?"

"Fifty-something,"

"Okay."

"Birthday sa January eight, nalulungkot. Hindi ko puwedeng pabayaang malungkot."

"I'Il go. Pero wala na 'kong utang sa 'yo. Bayad na oto ko."

Hindi agad nakasagot si Dough.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status