Share

Her Hired Boyfriend
Her Hired Boyfriend
Author: bleu_ancho15

Needs To Adapt

"Here we go." Pinatay ni Zhai ang makina ng sasakyan matapos iyong iparada sa tabi ng isang Land Cruiser. Kahit madilim sa parking lot, halatang bagong- bago ang Land Cruiser na gray at parang alam na niya kung kanino.

Bumaba siya at kinuha sa trunk ng kanyang Honda Civic ang mga regalo. Three large shopping bags full of gifts for the kiddos and the oldies. Iyong mga nasa in- between ang mga edad, hindi na kailangan regaluhan. Kahit siya mismo, hindi umaasang may matatanggap na regalo mula sa mga kamag-anak.

Bitbit sa isang kamay ang mga shopping bag, tumawid siya mula sa grabang parking lot papunta sa gate ng resort. D' Levion. Hotel. Resort. Spa. Balot ng Christmas lights ang trunk ng tatlong date trees sa kanan ng gate. May mga nakatusok ding parol sa lupa na green, yellow at red. Behind those were the silver metal letters of the resort's name, nakadikit sa pader na nilagyan ng red tiles.

Sa gate mismo, may nakasabit na tarpaulin: WELCOME TO THE 2022 LEVISTE-ESCARION FAMILY

REUNION. Naka-feature sa tarpaulin poster ang pictures ng mga miyembro ng clan. Medyo malaki ang picture ni Zhai sa upper right corner. It was probably his most popular picture, taken a decade ago by a renowned photographer. The photograph graced numerous fashion, a entertainment and sports magazines as well as EDSA-Shaw---nasa billboard doon ang larawan. It was an ad for the underwear line of a giant clothing company.

Sa tarpaulin poster, pinutol na ang picture sa balikat. Whoever had it made probably thought the skimpy briefs Zhai was wearing in the original picture wasn't so Christmas friendly.

Pero bakit 'yon pa ang pinili ng nagpagawa ng poster? Ang dami naman niyang bagong pictures sa kanyang mga social media accounts. Dahil ba mas proud ang pamilya niya sa Zhai noon kaysa sa Zhai ngayon? Na iniisip ng mga ito na mas impressive ang luma, pero mas kilalang picture? Na wala nang nakakakilala sa kanya ngayon?

Maybe he was just being cynical. Maybe it comes with age. The older he gets, the more cynical he becomes.

Sinabi niya sa guwardiya ang pangalan. Zhai Escarion. Mas matanda sa kanya nang hindi hamak ang sikyu, pero halatang hindi pamilyar dito ang kanyang pangalan. Nakalimuran na o hindi talaga siya kilala dahil paki ba ng sikyu sa mga branded na undergarment?

Hinanap nito sa listahan ang pangalan niya. Nang makita, nag-thumbs-up at "Happy New Year, Ser."

"Happy New Year," bati rin niya.

"Sa restaurant na lang po." The guard indicated the restaurant; mga sampung metro mula sa gate.

Nagpasalamat si Zhai at naglakad na. Pasado alas-diyes na ng gabi. Sinadya niyang dumating nang ganoong oras para kaunting oras na lang din ang kanyang gugugulin sa piling ng mga kapamilya. After midnight, aalis na rin siya agad.

Not that he didn't love his family. Mahal niya ang mga ito. Ayaw lang niyang makasama.

How was that even possible?

It wasn't always like that. There was a time when he was always excited and happy to attend his clan's annual get together. Nagsimula lang siyang mawalan ng gana nang magsimula na ang mga itong magtatanong:

"San kangayon, 'insan?"

"Anong nangyari sa New York, 'di ka na natuloy?"

"Ano'ng project mo ngayon?"

"Kelan ka ba mag-aasawa?"

Habang palapit nang palapit sa restaurant, pabigat nang pabigat ang hakbang ng kanyang Dr. Martens boots. Pero may mga bagay na hindi maiiwasan. Nakarating din siya sa rampang paakyat sa restaurant.

He braced himself for the onslaught of questions. Halos pareho rin naman ng mga nakaraang taon, may kaunti lang variations.

Humanda na rin siyang magmukhang masaya at excited. He put a bounce with each step, he got ready tosmile...

"Titoooooo!" tiling isang dalagita... dalaga sa pintuan. Si Lyne, pamangkin ni Zhai sa kanyang older brother.

"He's here! Guys! 'Andito na si Tito Zhai!"

Lumusob ito sa kanya ng yakap gaya ng nakagawian.

"Happy New Year," bati ni Zhai sa pamangkin, ginantihan niya ang yakap. But it felt awkward. Last

year, Lyne was still her usual skinny self. Tipikal na dalagita ang hitsura. Ano ang nangyari at... may boobs na?! Bumunggo ang mga iyon sa ribcage niya pagyakap nila sa isat isa kaya agad siyang kumalas. ''Tumaba ka," sabi na lang niya.

"Oh, no, not you, too," angal ni Lyne.

"Okay nga 'yan, eh. Sexy?" Indeed. Skinny Lyne was

now a voluptuous woman. Nakasuot ng skin tight high-waisted black jeans, ankle boots and cropped sleeveless top. Taylor Swift hairstyle. Smokey eyes. Carefully drawn eyebrows.

Lyne took a selfie with him.

Ilang taon na nga ba ito? Panganay ni Lhee, pangalawa sa panganay niyang kapatid. Nag-debut na ba ito? Oo... hindi... si Samantha ang nag-debut last July. Shi-eeet... mas matanda si Lyne kay Samantha, oo nga pala. Hindi nagpa-party si Lyne noong nag-debut, nagpunta na lang sa Korea, land of her idols.

And all the while, he was stuck into thinking his nieces and nephews were still a bunch of kids.

Shit. Hindi na pala niya dapat binilhan ng regalo at binigyan na lang niya ng tig-iisanlibo. Mas nakatipid pa sana siya dahil hindi na niya kailangang pumunta sa mga mall.

Hinatak na siya ni Lyne papasok sa restaurant.

Sinalubong na si Zhai ng iba pa niyang pamangkin sa mga kapatid at mga pinsan. May umagaw na sa mga shopping bag niyang dala.

Soon, he was also greeted by his siblings. Isa lang ang kulang sa kanilang lima. Ang pang-apat na si Kathleen, the only rose among the thorns. Nurse ito sa Canada. Baka raw next year makauwi.

Rafael, the eldest, tapped Zhai's shoulder. Forty-five na si Rafael, Dentist with a successful practice. Dentista rin ang asawa, si Elaisa. Dalawa ang anak. Sina Samantha at Gabriel. Rafael looked his age. Balding, soft and wide at the middle. Rafael still wore the same jeans style he wore in college. So was his wife.

Vandolf was forty-three. Slimmer and taller than Rafael. Nang ma-realize na nakakalbo na, inahit na lahat ang buhok---something Rafael should imitate, kung si Zhai ang tatanungin. Sa kanilang lima, si Vandolf ang pinakamapera, Kapitan ito ng barko ng mga langis. Go figure. Tatlo ang anak sa asawang si Divina---sina Lyne, Joei at Jam, panay mga babae. Ewan lang niya sa ibang asawa ni Vandolf kung ilan ang pamangkin niya.

Then there was Ronnie. Forty years old. Teacher sa isang private, very expensive school. Isa lang ang anak sa estranged wife na si Hilda. Ten years old pa lang ang batang lalaki, si Levi. Si Levi yata ang humatak sa shopping bags, kasama ang mga pinsan na kasing-edad.

Naka-set up sa bandang unahan ang wide screen TV na nakaprograma sa isang messaging app kung saan nakiki-celebrate si Kathleen.

"Kelan ka susunod dito, Zhai?" tanong ni Kathleen sa kapatid. "Napakadaming openings ngayon, sayang."

"Kung nandito ka lang sana..."

Pilit siyang ngumiti sa kapatid na ngayon ay nakatingin sa kanya kahit nasa camera lamang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status