Share

Kabanata 2

Sikreto akong napangiti, hindi dahil sa ang gwapo ng demonyo na kaharap ko ngayon, kung hindi dahil ang ganda ng bati na narinig ko. The nerd–'yon ang tawag ng karamihan sa akin.

"I missed you so much, The Nerd," sabi niya pa sa pinalambing na boses.

Kung ibang babae siguro ang nilambing niya ng gano'n, siguradong magtitili sa tuwa na parang mga kiti kiti.

Yumuko ako, as I walked to my former seat, ignoring Justin, the bully's leader—one of the demons that were continually causing havoc in my life.

"Ayaw mo pa rin akong pansinin, The Nerd? Did you not miss me? Kasi ako, na miss kita, sobra-sobra," madiin nitong sabi na parang bata ang pinanggigilan. Kulang na lang, pisilin niya ang pisngi at kurutin ang singit ko.

Pero dahil sanay na ako dito sa mga pinagsasabi niya na walang kwenta. Manigas siya!

Pero sa totoo lang, napangiti naman ako, sa isip ko nga lang. Paanong hindi ako ngingiti sa isip ko, miss na nga raw niya ako. At alam kong totoo 'yon. Miss na niya akong bully-hin, gawing laruan, and gawing katawa-tawa sa harap ng mga kaklase namin.

Hindi na nga matigil ang tawa ng mga kaklase namin dahil sa mga pinagsasabi nitong si Justin na sinabayan pa ng galaw ng demonyo ang pambubully niya sa akin. May kasama kasing hila at tulak ang lahat ng sinasabi niya na hinahayaan ko lang din naman.

"Alam mo ba, The Nerd? I didn't get much sleep for a few days because I missed you. I missed your ugly and funny face!"

Ayan na nga, nag-twist na ang lambing niya, ngayon ay naging pambu-bully na.

Justin took the seat in front of me. He has no plans to stop mocking me until I look at him. Kapag kasi ganito ang ginagawa niya, nagpapanggap ako na walang naririnig at nakikita.

"Come on, The Nerd. Isang smile naman d'yan. Show us your beautiful and perfect set of teeth," sabi niya, at pilit hinuhuli ang mga mata ko.

Still pretending, not hearing anything. I took out the stress ball from my bag. Gusto ko nga sanang isiksik sa bunganga niya ang hawak ko na stress ball, para tumigil na siya, pero hindi ko magawa.

Hindi ko kaya. Kasi nga, duwag ako. Kaya nga puro yuko lang ang ginagawa ko sa tuwing binubully niya ako. Ni ang tingnan nga siya, hindi ko pa magawa. Gano'n ako ka duwag.

"Akin na lang ‘to ha. Ayaw mo kasi akong pansinin, kaya dito ko na lang ibubuhos ang inis ko sa’yo. Kay sa ikaw naman ang matiris ko."

Wala na naman akong nagawa nang bigla niyang agawin ang stress ball ko. Laging gano’n ang eksena sa tuwing binu-bully niya ako. Yuyuko lang ako at iniipon lang ang galit at sama ng loob ko.

"Bakit ba ayaw mong magsalita, The Nerd? Gusto ko na tingnan mo ako, when I'm talking to you. 'Wag puro yuko ang gawin mo," gigil nitong sabi.

Gan'yan siya, naiinis kapag hindi ko pinapansin. Pero kahit anong sikmat pa ang gawin niya, talagang hindi ko siya titingnan o kahit sumulyap man lang sa demonic face niya.

"You have all of your senses; hindi ka pipi, bulag o bingi. Matuto kang sumagot kapag kinakausap ka. Kaya ako naiinis sa'yo, because you acted stupid!" sabi niya, as he snatched my glasses.

Napilitan akong mag-angat ng tingin.

For the first time, our gazes connected. We shared a piercing stare for a split second, but I was the first to give up. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa demonyong tulad niya.

Pero kita ko pa ang pagngisi niya. "That's it, The Nerd. Learn to look at me when I'm talking; baka sakaling makaramdam ako ng awa at tigilan kita."

"Good morning, everyone!"

I breathed a sigh of relief when our teacher arrived.

"Justin, go back to your seat!"

Walang reklamo na kaagad sumunod si Justin, sa utos ng guro namin na si Ms. Ruiz. Iniwan niya rin ang sunglasses ko sa table bago siya umalis.

"Vacation is over, so I'm hoping, kasama niyo ang mga utak ninyo at hindi naiwan sa mga bahay n'yo. Alam n'yo na ayoko ng tatanga-tanga sa klase ko," istrektong sabi ni Ms. Ruiz habang binubuklat ang hawak nitong libro.

Kung kanina ay ang ingay ng classroom, ngayon ay tahimik na. Ang strict nga kasi ni Ms. Ruiz. Kapag aanga anga ka sa klase, talagang mababato ka ng eraser.

"Lady in Green, Erica? Remove your hood, please," mahinahong sabi nito.

Nagsisimula na sana siya sa discussion, pero nakita niya pa ako na may suot na hood.

"Sorry, Ms. Ruiz," paghingi ko ng sorry. But removing my hood elicited loud laughter.

Kumawala kasi ang kulot, magulo, at mala-bolbol kong buhok na talaga namang masakit sa mata at nakakatawang tingnan.

"Class, stop laughing! Take out your books and turn to page 5."

Isang sikmat lang ni Ms. Ruiz, tahimik kaagad ang buong klase.

"Read and understand the story. Ano ba ang gustong iparating sa atin ng author sa akda niya?" pagtutuloy ni Ms. Ruiz sa lesson niya.

Pero parang nawala na naman ako sa focus at hindi na maintindihan ang sinasabi niya.

Malakas na tawa, kantiyaw, at sigawan pa rin ang naririnig ko.

"Erica?"

Naririnig ko ang pabulong na pagtawag sa pangalan ko, pero hindi ko kayang lumingon.

Nanatili pa rin akong nakayuko at nagpapanggap na nakikinig sa klase.

"Hey!" Pero ayaw pa rin tumigil ng katabi ko na ngayon nga ay may kasama ng mahinang sundot ang pagtawag niya sa akin.

"Take this," kaagad niyang sabi nang lumingon ako.

"Here, take it and tie your hair." Nilagay niya sa palad ko ang pantali ng buhok na ikinagulat ko ng husto.

"T-thank you," na-utal kong pasalamat. Paanong hindi ako mautal? First time nga kasi nangyari na may nag-offer sa akin ng ganito. Hindi ako sanay at hihiya ako, isama pa ang trust issue.

"Write a 1000-word reaction to the story Sunflower Fields; I want it on my table tomorrow," sabi ni Ms. Ruiz at kaagad nang lumabas ng classroom.

Puro reklamo naman ang maririnig mula sa bunganga ng mga kaklase ko habang palabas na rin ng classroom.

Ako naman ay nanatili muna sa loob. Hinihintay ko pa kasi na makalabas ang lahat bago ako lumabas.

Takot kasi ako na sumabay sa kanila dahil naiipit ako. Literal na iniipit ako sa pinto ng mga demonyo kong mga kaklase.

"Opss, The Nerd!" Ayan na nga, kalalabas ko lang pero may demonyo na namang humawak sa bag ko. Sinubukan ko pa rin na lumayo, at hindi pinansin ang demonyo.

Pero malademonyong tawa ang narinig ko. "Do you think you'll be able to leave our classroom, na hindi ako binabati?"

Napapikit ako nang marinig ang boses na 'yon.

Si Reynald. Pinsan ni Justin at isa ring bully. Kasama pa nito ang mga babaeng bully na tinatawag nilang angels, pero ang haba naman ng mga sungay.

"Bitiwan mo nga siya. Ibang klase rin pala ang school na ito. Walang pinipiling lugar kung mambully ang mga papansin," maangas na sabi ng isang babae.

Ramdam ko pa ang paghampas nito sa kamay ni Reynald na nakahawak pa rin sa bag ko.

"Sino ka bang pakialamera ka? Pwede ba lumayo at umalis ka sa harap ko!" sikmat ni Reynald.

"Kayo ang umalis, kasi kayo naman ang nanggugulo. At saka, hindi pa ba kayo tapos, with the bullying you did to her earlier? Hanggang dito ba naman sa labas hindi n'yo pa rin siya nilulubayan?" matapang nitong sabi kay Reynald. "Let go of her and leave her alone!" sikmat niya pa.

"Ang tapang mo ah," galit na sabi ni Reynald, na nagpakabog ng dibdib ko.

Paano kung masaktan siya dahil sa akin. Hindi ko kayang mapahamak ang kahit sino dahil sa akin.

"Naman, talagang matapang ako, at gusto kong malaman n'yo na itong babae na binu-bully n'yo ay kaibigan ko. So back off!"

Palakpakan at tawanan ng mga babae ang kasunod na narinig ko. Hindi ko kasi makita kung ano ang ginagawa ng mga bully sa babae na naglakas-loob na e-defend ako.

Pagyuko lang ang kaya kong gawin.

"What are you? Her guardian angel?" mapang-aasar na tanong ni Reynald, pero alam kong galit na siya.

Alam ko, pakiramdam niya ay naapakan ang pagkalalaki niya. Sanay nga kasi sila na walang nangingi-alam sa tuwing pinagtitripan nila ako o kahit sino.

"I'm no guardian angel, but I'm surely your nightmare!"

Wala na akong narinig na sagot mula kay Reynald, matapos marinig ang sinabi ng babae, na talaga namang walang takot na barahin ang mga demonyong bully.

"Did the cat cut your tongue? Nakaka-shock ba masyado na may bumara sa inyo, for the first time?" tanong ng babae sa tono na naghahamon at nang-aasar.

Sa totoo lang gusto ko nang awatin ang babae, but I choose to remain still. Lagi naman talaga akong remain still lang. Laging hinahayaan lang sila na bully-hin ako.

"Malakas lang naman ang loob n'yo kasi marami kayo. At ang kaya n'yo lang ay katulad na Erica na tatahimik lang kahit nasasaktan na."

Sandali akong napapikit at sikretong napabuga ng hangin. Wala ba talagang balak ang babae na 'to na umatras sa laban?

"Ang tapang mo, ah! Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino ka. Bagong salta ka lang dito. You don't know us yet, hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo," gigil at may pagbabanta sa boses ni Reynald.

"Hindi ko na kailangan makilala kung sino kayo. Kilalang-kilala ko na kayo. Mga hitsura n’yo palang nagsusumigaw na ang pagiging papansin at bully!"

"Tara, Erica," sabi nito at hinila ako. Ang laki ng mga hakbang niya na pilit ko namang sinasabayan.

"Bakit mo sila hinahayaan na bully-hin ka?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Don't get used to being a coward. Learn to defend yourself. Kaya gano'n sila dahil hinahayaan mo."

Napakurap ako nang paulit-ulit. Na-angat ko pa sandali ang ulo at napasulyap sa kaklase ko. First time nga kasi na may kumausap sa akin at ipagtanggol ako. Ngayon ay pagsasabihan pa ako.

"Matuto kang lumaban. Show them that you are not afraid." Dagdag pa nito na hindi ko pa rin masagot.

"Magsalita ka naman, Erica. I feel like a fool here, talking to myself."

Imbes na sumagot ako, sandaling sulyap lang ang ginawa ko. Sanay nga ako na walang kausap, walang kaibigan, at sanay ma-bully. At itong ginagawa niya ngayon ay bago sa akin.

Hindi ko alam kung paano mag-react o anong dapat kong maramdaman.

"You know, dati rin akong bully. Kinatatakutan rin ako sa dati kong school. But when I saw what our classmates were doing to you—na hinayaan mo lang—I was disgusted. Nakakainis. I wanted to yell at you. Ipagtanggol mo lang ang sarili mo."

Mapaklang tawa ang narinig ko mula sa bago kong kaklase na sinabayan ng pagtapik sa balikat ko. Hindi pa rin kasi ako nagsasalita. Pero nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya.

"Para akong nasampal, alam mo ba 'yon? Nakikita ko kasi ang sarili ko sa mga bully na 'yon. I feel bad since that's what I used to do. At the same time, nakakagalit lalo't hinahayaan mo lang—"

"Sanay na akong ma-bully." Matapos ang mahabang pananahimik at pakikinig, nagawa ko rin na magsalita. "Hindi ko rin kailangan ang awa mo. Lalong, hindi ko kailangan ang tulong mo."

Napahinto siya sa paghakbang at maya maya ay humarang sa daanan ko. Rinig ko pa ang mapakla nitong tawa.

"Marunong ka rin naman palang sumagot. Nangangalmot din naman pala ang mga salita mo. Masakit. Nakakasakit."

Ramdam ko ang pag-iba sa tono ng boses niya. Parang nasasaktan. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Hindi naman siya ang nang-aaway sa akin, pero siya ang sumalo ng galit ko.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I'm simply stating the truth."

"I know, ang ibig ko lang din naman sabihin, kaya mo naman pa lang sumagot ng pabalang. Kaya mong makipagbangayan. Why don't you fight them?"

Bumuga ako ng hangin at sandali siyang nilingon. "It's pointless, no matter how brave I am. Marami sila. Kaya nila akong kuyugin hanggang sa bibigay na lang ako. Hanggang sa susuko ako. So it's better to pretend to hear and feel nothing than to fight those monsters."

Napalakas ang tawa niya, sabay lingkis ng mga kamay nito sa braso ko na ikinagulat ko na naman. Feeling close kasi siya kaagad. Hindi pa nga kami friends at hindi ko pa alam ang name niya.

"Alam mo, gusto na kita. Gusto pa kitang makilala. By the way, I'm Myra," pakilala nito na may kasamang matamis na ngiti.

"Bakit mo ako gustong makilala? Ang dami namang iba d'yan na pwede mong maging kaibigan. Hindi gaya ko na pangit na nga, nerd pa."

Along with my words, ay simula na rin ang mabagal naming paglalakad. "Gusto mo ba na pati ikaw bully-hin at layuan ng mga kaklase natin?"

"The hell, I care! Buhay ko 'to. Ako ang masusunod kung sinong tao ang gusto kong kilalanin at maging kaibigan. At saka, ang gaan ng loob ko sa’yo. Feeling ko, nga ay kilala na kita, dati pa."

Bahagya akong napangiti. "Ako, kilala mo? That's impossible; I never had a friend. Maliban na lang siguro no'ng bata ako."

Hindi ko alam kung bakit, but I'm starting to feel comfortable with Myra. Nasasagot ko ang mga tanong niya na hindi nahihiya, hindi pabulong o pagalit.

"Let's not dwell on things we can't recall. Mag-focus na lang tayo sa ngayon. I like you and I want to be your friend. Wala akong pakialam kahit tumutol pa ang mga bully o ang buong universe!"

"Sinasabi mo lang ‘yan kasi, you've never been bullied na kasama ako."

"Enough talking na dahil pumayag ka man o hindi. Friends na tayo, Erica."

Sandali akong sumulyap sa kanya. Narinig ko na naman kasi ang mahina nitong tawa, at humigpit pa ang paghawak niya sa braso ko.

"Aren't you afraid, na baka madamay ka sa pambu-bully na ginagawa sa akin ng mga kaklase natin?"

"Certainly not! I'm not afraid of anything. Besides, didn't I tell you, na dati rin akong bully? Alam ko ang likaw ng bituka ng mga bully na 'yon, Erica. Matapang lang sila kapag marami sila."

" 'Yon na nga. Nakakagulat na ang dating bully ay lumalapit ngayon sa babaeng binu-bully."

"Ano ngayon kung lumapit ako sa'yo? Hindi naman siguro masama kung maging magkaibigan ang bully at binu-bully?"

Na-angat ko naman ang ulo ko at napapatig sa kanya. Grabe, talagang determinado siya na maging kaibigan ako.

"Erica, I'd like to help you. I want to help you take vengeance on those who bullied you!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status