Share

Her Nerdy Secret
Her Nerdy Secret
Author: sweetjelly

Kabanata 1

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-10-01 19:34:10

"Pangit ka na nga, bobo ka pa!" sigaw ni Kuya Eman habang paulit-ulit na dinidiin ang daliri niya sa noo ko. "Didn't I tell you, 'wag na wag mo akong lalapitan, especially when I'm with my friends! Pero ang bobo mo—"

"Eman!" sigaw ni Mama. She ran up to us in panic and hugged me right away, nang mapansin niya na hirap na akong huminga dahil sa pigil na pag-iyak. "Bakit mo inaaway ang kapatid mo?" she asked as she stroked my hair.

"Napahiya po ako, Ma! Nasira ang araw ko dahil sa pangit na 'yan—"

"Sumusobra ka na, Eman!" sikmat ni Papa habang dinuduro na rin ang kapatid ko.

"Siya po ang sumusobra, Pa. Ang simple lang naman ng utos ko, hindi niya pa magawa! Ang bobo-bobo—"

"K-kuya, sorry na po, hindi ko naman po talaga gustong lumapit sa'yo—"

"Shut up and get lost, or better yet, die so that I will not be in shame because of you!" he yelled as he slammed the door shut.

"Erica, tahan na. Intindihin mo na lang ang kuya mo. Alam mo naman nagbibinata na—"

Napabalikwas ako sabay ang pahapyaw na tawa, ngunit pumapatak naman ang mga luha. "Ano ba? Bakit ayaw akong tantanan ng alaalang 'yon?" Marahas kong pinahid ang mga luha ko, sabay ang mabilis na pagbangon.

Nakakainis na hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga masakit na salita na binitawan ng kapatid ko. Ang eksenang 'yon ang parang alarm clock na gumigising sa akin tuwing umaga.

Paano ko nga ba makakalimutan ang pangyayaring 'yon? Iyon nga ang dahilan kong bakit ako lumayo.

Tatlong taon na ang lumipas, mula nang lisanin ko ang Batanes at ang aming tahanan. Pero 'yong hinanakit ko sa kapatid ko, nandito pa rin sa loob ko. Nakabaon pa rin sa puso ko.

Hindi ko gustong umalis, hindi ko gustong iwan ang mga magulang ko, pero iyon naman ang gusto ng kuya ko, kaya ginawa ko.

I really wish, masaya na siya dahil wala na ako. Wala na ang kapatid niya na hindi niya tanggap at ikinahihiya niya.

Tatlong taon na nga akong hindi nag-e-exist sa buhay nila, malamang masayang-masaya na siya. At heto ako, pinipilit na mabuhay na mag-isa, kahit ang hirap.

Tumayo ako at humarap sa mga collection ko, saka umupo at binuksan ang computer. Ang tahimik at ang lungkot ng buhay ko, pero sa tuwing haharap ako sa computer, napapangiti ako.

Ito muna ang ginagawa ko bago simulan ang araw ko sa labas ng apartment. Unang araw na naman kasi ng klase, kaya mapipilitan na naman akong lumabas.

Isang malakas na buntong-hininga muna ang ginawa ko, bago binuksan ang pinto at lumabas.

Hinanda ko muna ang aking sarili dahil mamaya, panigurado na sandamakmak na mga demonyo na naman ang kahaharapin ko.

Yuko ang ulo at mabagal akong naglakad papunta sa coffee shop na nasa harap ng school kung saan ako nag-aaral.

Ayoko kasing pumasok ng napakaaga, baka maaga rin na masira ang araw ko, kaya dito sa coffee shop na 'to ako tumatambay at naghihintay ng oras ng klase.

"Ahh, shit... ang sarap."

"Ano ba, 'tol? Boses mo! May tao sa likuran natin. Hindi ka ba nahihiya? I'm sure, naririnig niya tayo."

"Sorry, 'di ko mapigil, 'tol."

"Grabe ka, hinaan mo naman ang ungol mo, 'tol."

Napailing at napatakip na lamang ako ng tainga, as I heard the men behind me whispering grunts and moans.

Gusto ko lang naman sana ng tahimik na lugar kaya pinili ko ang pinaka-corner nitong coffee shop, pero dumating ang mga binata na akala ko ay tatambay at magkakape lang din gaya ko, but no, nag-group study sila. Ay mali, nag-group ungol pala.

Iyon yata ang pinag-aaralan nila, kung paano magbasa habang nasasarapan. Nagbabasa lang naman kasi sila, pero sumasabay na ang ungol nila.

"C.R. na muna ako, tol."

"Aww!"

I was forced to face the man, nang hindi niya sinasadyang mahagip ang ulo ko sa kamay niyang parang nakagat ng langgam at hindi na maperme.

"I'm sorry..." pubulong nitong sabi habang gulat at nanlaki ang mga mata na sumulyap sa akin.

Ang sarap din pitikin ng ngalangala niya para lumakas ulit ang boses gaya no'ng umu-ungol siya sa harap ng laptop niya kanina.

"Later na lang pala ako pupunta sa toilet," sabi ng lalaki na nagtakip pa ng bibig at bumalik sa upuan, pero nasa akin pa rin ang tingin niya.

Napailing na lang ulit ako at nagbaba ng tingin.

"Ikaw talaga. Nakita mo lang si Erica, nawalan ka na ng gana," pabulong na sabi naman ng kasama niya na may kasabay pang tawa.

"Lahat naman siguro, Tol, kapag nakita ang pagmumukha ng babae na 'yan ay siguradong mawawalan ng gana," madiin na sabi naman ng lalaki na nakasagi ng ulo ko.

Napabuga na lang uli ako ng hangin at kibit-balikat na tumayo. Iniwan ang mga lalaki na diring-diri sa pagmumukha ko.

That’s how my classmates and schoolmates treated me. Pinandidirihan, pinagtatawan, nilalayuan, at binu-bully ako ng lahat.

And I was no longer surprised or hurt because I had gotten used to hearing such words from my classmates and schoolmates.

"Welcome to hell, Erica," I muttered quietly, habang papalapit na sa classroom ko, which I regard as hell because of my classmates' demonic behavior towards me.

'Yong narinig ko kanina mula sa mga binata sa coffee shop. Wala lang 'yon sa mga maririnig ko kapag nakapasok na ako sa classroom.

Pero kahit nag-aapoy pa ang classroom na papasukin ko, at alam ko na mga demonyo ang kahaharapin ko, matapang pa rin akong papasok doon, hindi ko hahayaan na masira ang pag-aaral ko dahil sa kanila. Kunti na lang kasi; kunting push na lang at makakaalis na ako sa impyernong school na 'to.

Pero nakatatawa rin, pinili kong lumayo sa kapatid na siyang number one bully ko noon, pero nagtitiis ako sa pambu-bully ng ibang tao.

Sandali muna akong nagtiim ng mga mata, saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hinanda ko lang ang sarili sa pagsuong ko sa mala-impyernong classroom na papasukin ko.

"The Nerd!" mala-demonyong mukha ang kaagad sumalubong sa akin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
goodnovel comment avatar
sweetjelly
thank you...
goodnovel comment avatar
Shena Villafañe
nice story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Her Nerdy Secret   WAKAS

    This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 76

    “My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 75

    Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 74

    “Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 73

    “Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 72

    Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status