Share

CHAPTER 2

I don't know how to feel today because I feel like I'm going to explode with anger while sitting here.

 

MAMATAY na ako sa inis habang pinag-mamasdan ko si Janxent na nakikipaglampungan sa Girlfriend niya habang ako andito sa Audience diring-diri na sa mga trip niya sa buhay, isama ba naman ako sa guesting niya para lang pumayag siya sa gusto ni Ryle.

 

"Napaka gago talaga" Salubong ang kilay na bulong ko sa sarili ko.

 

Padabog naman akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas na ng room, nakakairita na makita ang dalawang yon like ang cringe nila tignan hindi sila tulad ng ibang couple na nakakakilog tignan kahit walang ginagawa. Lumabas na ako ng set na hindi nagpapaalam sa kaniha,nauubos ang oras ko sa walang kwentang bagay.

 

Sumakay naman na ako sa Kotse ko at pinaandar iyon paalis sa lugar, ang dami kong kailangan gawin ngayong araw na mas important kaysa sa tignan ang dalawang 'yon. Pagdating ko sa building ay umakyat na agad ako patungo sa office ko dahil kailangan ko pang icheck ang mga bagong design ng new collection.

 

"Te, kanina kapa hinahanap ni Dragon " ani ni Dana na may hawak na folder.

 

"Tsk, hayaan mo siya " Ani ko naman na mahinang natawa.

 

"Zia!”

 

Agad namang nanlaki ang mata ko at dahan-dahan na lumingon sa likod ko nang marinig ko ang tinig ni Auntie.

 

"Bakit ngayon kalang?" She asked.

 

"Uhm- "

 

"I don't need your explanation, go back to your work!" Putol niya sa akin.

 

Agad naman akong tumango at lumingon kay Dana upang senyasan ito na mauuna na ako. Dali dali naman akong nagtungo sa elevator.

 

" Daig pa talaga niya si Satan" I whispered.

 

Paglabas ko ng elevator ay agad akong nagtungo sa office ko na my malapad na ngiti sa labi ko. Pagpasok palang sa office ko ay dumiretso na agad ako sa table ko at binuksan ang loptop ko.

 

" Nasan kaya si Gabrien?" I asked myself.

 

Kinuha ko naman agad ang phone ko at tinawagan ang number ni Gabrien ngunit naka dalawang call na ako ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko at tila hinahayaan lang niya ito na mag ring.

 

"Gago, asan kaya siya " I whispered.

 

Hinayaan ko naman na at nilapag nalang ang phone ko sa tablet at inumpisahan nang tingnan ang mga design sa loptop ko, actually gustong gusto ko ang ginagawa kong ito ang hindi ko lang gusto is yung minamadali ako sa trabaho tapos kapag hindi maganda ang kinalabasan ako pa mali parang gago.

 

Hapon na rin ako natapos sa trabaho ko kaya naman inayos ko na ang gamit ko upang ihanda ang pag uwe ko. After almost an hour ay napalingon ako sa pinto ng office ko nang dahan-dahan itong magbukas at iniluwa nito si Ryle na grabe ang porma.

 

"You so pogi today ha! " Ani ko na malapad na ngumiti sa kaniya.

 

Ngumiti lang naman ito at lumapit sa akin upang dampian ako ng halik sa noo.

 

"You look so beautiful today too" Ani niya.

 

"Anong mayron, saan ka galing?" Tanong ko sa kaniya habang pinag-mamasdan ang suot niya.

 

"Sa office" Ani naman niya.

 

"Aga mo naman atang umuwe ngayon " Ani ko na pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

 

"Wala namang masyadong trababo kaya umuwe na ako" Ani nito na naupo sa couch.

 

"Buti ka pa, saan mo balak pumunta ngayon?" I asked.

 

" Punta tayo sa Sea Star? " Ani niya.

 

Sea star: Place siya kung saan kitang kita mo ang mala dagat na bituin sa langit na sobrang kinang. Open place siya na punong puno ng iba't ibang klaseng bulaklak sa paligid at mayron ding upuan doon kung saan pwede kang mag picnic.

 

" Himala hindi ka busy ha " Ani ko sa kaniya.

 

" Ngayon lang 'to, ano nga palang update don sa kaibigan mo?"The he suddenly asked.

 

"Bibigay ko nalang number ng Manager niya, kayo nalang mag usap" I said.

 

"Why? Hindi ba kayo nakapag-usap?" He asked.

 

Umiling naman ako." Nag usap kami pero hindi niya ako kinausap about dyan, ang sabi niya kausapin mo raw ang Manager niya" Ani ko na sandali siyang nilingon.

 

"Uhm, okay. Give me the number" Ani nito.

 

"I will, later " Ani ko naman.

 

Ilang minuto pang naghintay si Ryle na matapos ako sa trabaho ko at habang naghihintay siya sa akin ako nama ay minadali ko na ang trababo ko. Sabay kaming bumaba ni Ryle nang mag hapon na dahil maganda pumunta sa sea star ng hapon at lalo na pag madilim na.

 

Dumaan naman muna kami ni Ryle sa Grocery at mga fast food upang omorder ng kakainin namin sa sea star at bumili na rin kami ng gagamitin namin dahil hassle kung uuwe pa kami pareho. After naming mabili ang kailangan namin ay dumiretso na kami sa Sea star kung saan bumungad na agad sa amin ang ibat ibang kulay ng ilaw sa mismong maliit na sapa.

 

"Ang Ganda!" Hindi makapaniwalang ani ko.

 

"Sobra" Ani naman ni Ryle habang nasa akin ang tingin.

 

Natatawa ko naman siyang hinampas sa braso." Letche" Ani ko.

 

Nagtungo kami ni Ryle sa malapit sa malaking puno kung saan may kalapitan sa maliit na ilog. Dalawa kaming nag ayos ni Ryle ng kakainin namin kaya mabilis kaming natapos at nakapag umpisang kumain.

 

"If papalarin, gusto kong mag overnight sa ganitong lugr kasama ka. Habang nakikinig sa musik" He suddenly said out of nowhere.

 

Napalingon naman ako sa kaniya at nahinto sa pag nguya." Pwede mo naman gawin yun kahit hindi mo ako kasam" Ani ko.

 

"Boring, I want to make good memories with you" Ani niya na umiwas sa akin ng tingin.

 

Natawa naman ako." Memories as a friend" I jokely said.

 

Hindi naman siya umimik at lumingon sa akin." You know that i like you, right?"He asked.

 

Tumango naman ako.

 

"I will court you kapas na clarify ko na ang lahat"Ani niya.

 

"What do you mean?" I asked.

 

"I don't want to talk about it" Pag iwas niya.

 

Tumango nalang naman ako at hindi na muli png nagtanong sa kaniya. Parehong namutawi ang katahimikan sa pagitan namin, pareho kasi naming inieenjoy ang kapaligiran at malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maintindihan bakit parang ako ang sabik na pumasok kami sa isang relasyon samantalang siya ang unang nagkagusto sa 

akin, nakakairita yun ha.

 

LATE na kaya naman nag pahatid na ako kay Ryle ngunit hindi sa bahy kundi sa bahay nila Kliezia dahil andon daw sila Gabrien at ang iba naming kaibigan. Pagdating namin sa gate ng bahay nila Kliezia ay hinintay muna akoñg makapasok ni Ryle bago ito tuluyang umalis.

 

"Gago, maganda nga 1week "

 

"Saan ba kasi?"

 

Ilan lamang yan sa mga naabutan kong usapan nila. Naupo ako sa tabi ni Gabrien habang sa tapat ko naman si Janxent na busy sa phone nito.

 

"Ano, kailan niyo gusto?" Tanong ni Ali.

 

"Kayo bahala, basta ako go lang" Ani ni Kliezia.

 

"Ano ba kasi mayro'n?" I asked.

 

"Gago, si Ali nag decide mag outing nag plano mag isa" Ani naman ni Gabrien.

 

"Kasi kung isasama ko kayo sa plano, drawing yun "Ani naman ni Ali.

 

"Ulol, pala-desisyon ka" Ani ko naman sa kaniya. 

 

Hilig talaga ni Ali mag decide at mang bigla ng mga ganitong bagay yung tipong siya lang nag iisip at mgugulat na lang kami ay aalis na.

 

"Drawing kasi kayo" Ani naman ni Ali.

 

"Hindi ako sure, I have schedule on Monday" Ani ni Gabrien.

 

"Schedule ampota, para kang tanga. Sino 'yang boss mo aayain ko sparing" Ani ni Kliezia.

 

"Ulol, bawal broken hearted dito" Pang aalska naman ni Gabrien.

 

"Aray! Pinagpalit sa mas maganda" Ani pa ni Ali.

 

"Tangina niyo, mag outing kayo mag isa" Salubong ang kilay na ani ni Kliezia." Pasalamat ka,buntis ka" Ani nito.

 

"Buntis??" 

 

"Gago?"

 

Nanlaki naman ang mata naming kay Kliezia ganon din si Janxent na lumingon kay Ali at natigil sa pgiging busy nito sa cellphone niya. Natahimik naman si Ali at nag iwas ng tingin sa amin.

 

"Sino ama?" Tanong ko.

 

"Ikaw te, gago malamang si Azier" Ani ni Gabrien.

 

" What the- " natakpan ko naman ang bibig ko sa sinabi niyang iyon.

 

" Wirdo talaga, ikaw lagi huli sa balita" Ani naman ni Kliezia na tumaray sa hangin.

 

"Did he already know about it?" I asked.

 

Umiling naman si Ali."Hindi pa nga niya alam na nakabalik na ako"Ani pa nito.

 

"What the fuck?" Hindi makapaniwalang ani ko.

 

"Seriously? Wag kang madaldal "Singit ni Janxent mula sa gilid.

 

Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko ngayong gabi at hindi ko alam kung tama ba na itago ang ganitong bagay kay Kiya ngunit wala naman ako sa posisyon upang mangielam sa kanila kaya naman hahayaan ko nalang na tikom ang bibig ko tungkol sa bagay na ito.

 

"Sasabihin ko naman sa kuya mo, pero hindi pa ngayon" Ani naman ni Ali."Gusto ko san bago ako umalis, mag bonding tayo" She added.

 

"Kailan naman?"Tanong no Janxent.

 

"Tomorrow ?"Ani ni Ali.

 

Nakatinginan naman kaming lahat dahil sa sinabi nito. Sumang ayon naman ang lahat sa huli kay Ali at nag decide na rin kami na  sasakyan ni Janxent ang gagamitin dahil sa malaki naman iyon. After naming mag usap-usap ay nag pasiya na rin kami na umuwe na sa kaniya-kaniya naming bahay.

 

"Asan kotse mo?" Tanong no Gabrien.

 

"Nasa bahay na 'ata, hinatid lang ako ni Ryle" Ani ko naman.

 

"Akala ko ba hindi mo bet yun?ba't nag papahatid?" Ani ni Gabrien na may nang-aasar na tingin.

 

"Pumayag kang mag pahatid?"Sabat naman ni Janxent.

 

"At bakit hindi?"Asik naman ni Kliezia.

 

"Epal ka?"Ngiwing ani ni Janxent." Isabay niyo na si Zia pauwe" Ani nito na basta nalang kaming nilagpasan.

 

Hindi naman na namin siya pinansin pa. Kay Gabrien naman ako sumabay pauwe dahil same lang naman kami ng subdivision habang si Kliezia naman ay sa kabila pa kaya naman kay Gabrien na ako sumabay.

 

"Kahit anong mangyare, wag kang madudulas sa kuya mo"Ani ni Gabrien.

 

"Oo naman, ayoko na makisali sa issue nila"Ani ko na umiwas ng tingin.

 

"About kay Ryle, kumusta naman?"She suddenly asked.

 

"Uhm, ganon pa rin naman"Ani ko.

 

"What do you mean?" she asked.

 

"Like stage pa rin, hindi pa siya nanliligaw" Ani ko pa.

 

"Ano 'yon? Gusto ka lang niya pero hindi ka niya kayang ligawan?"Ani ni Gabrien na sandaling lumingon sa akin.

 

"Ganon siguro, hayaan na natin siya... Go to the flow nalang ako" Ani ko na tumaas ang balikat.

 

"Ewan ko ba sa mga lalaki ngayon, habang tumatagal nagiging makitid ang utak.. partida dalawa na ulo nila"Ani niya na hindi makapaniwalang umiling.

 

Mahina naman akong natawa sa sinabi niya." Baka Naguguluhan pa siya, o kaya naman gusto niya lang ako pero hindi niya ako nakikita bilang girlfriend niya" Ani ko na pilit na ngumiti.

 

"Ang sakit niya naman.. He likes you at hanggang doon na lang yun?is that what you mean?" Ani ni Gabrien.

 

"That's what I feel " Ani ko naman.

 

Habang nasa byahe ay napag-usapan namin ni Gabrien ang mga bagay-bagay kasama na ron ang mga personal naming buhay like kung ano na ang nangyayare sa kaniya at kung ano ang mga napapansin niya sa mga tao sa paligid niya.

 

IBINABA naman ako ni Gab sa tapat mismo ng bahay namin,inaya ko siyang pumasok ngunit nagmamadali raw siya kaya naman hindi ko na siya pinilit at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko naman sa loob ay agad na bumungad sa akin si Kuya na nasa sala at busy sa loptop niya.

 

Sandali pa akong natigil sa tapat ni Kuya upang tignan siya,ano kaya ang mangyayare kapag nalaman niyang magiging Daddy na siya? I'm so excited to see h to be happy again kay lately sobrang nagiging moody si kuya at ang bilos niyang magalit and siguro dahil yon sa hanggang ngayon affected pa rin siya sa break up nila ni Ali.

 

"Don't look at me like that"

 

Agad naman akong umiwas ng tingin.

 

"Saan ka galing,nauna pa ang kotse mo" Ani niya habang diretso pa rin ang tingin sa loptop niya.

 

"Kasama ko si Gabrien" Ani ko naman.

 

Pansin ko naman na nahinto siya sa pagtatype niya nang marinig niya ang pangalan ni Gabrien.

 

"Kasama niyo si Ali?" he asked without looking at me.

 

"Nope, wala pa akong contact sa kaniya" I lied.

 

Hindi naman na siya umimik at nagpatuloy muli sa pag tatype sa loptop niya, alam kong hindi ko dapat siya kaawaan ngunit yun ang nararamdaman ko ngayon habang pinag-mamasdan si kuya na pilit nililibang ang sarili niya mawala lang sa isip niya si Ali at what more kung malaman nito na buntis si Ali,malapit na tayo sa exciting part.

 

"Is that so, sige na umakyat ka na sa taas" ani naman nito sa akin.

 

Tumango naman ako at nag paalam na sa kaniy, habang naglalakad paakyat ay hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko ngayong araw sobrang puno ang isip ko. Pag akyat ko sa kwarto ay agad akon nagtungo sa banyo upang magbihis ng pantulog ko bago nagtungo sa kama ko.

 

1 text message.

 

Nakauwe kana?

 

Napangiti naman ako habang nakababa ang tingin sa screen ng phone ko, lagi talaga niya akong napapangiti sa simpleng tanong lang or siguro masyado lang akong marupok.

 

Yes, nasa kwarto na ako

 

I replied.

 

After a sec he replied again.

 

Good, take a rest and see you tomorrow.

 

Hindi naman na ako nagreply at pinatay ko na ang phone ko at nang amba na akong hihiga ay naramdaman ko ang pag ring nito and i expected na si Ryle iyon but I was wrong nang makita ko ang pangalan ni Janxent.

 

"Bakit!?" I asked.

 

"Tanginang 'to galit agad oh" Ani naman niya.

 

"Gabi na kasi " ani ko naman.

 

"Alam ko, akala mo sakin tanga?may bintana kami nakikita ko yung langit" Tuloy na ani niya.

 

"Gago ka, tumawag ka lang ba para mang gago?"ngiwing ani ko.

 

"Hindi,naka uwe kana ba?" He asked.

 

"Yes,ikaw?" I asked.

 

"Oo, kakain na lang ako samahan mo 'ko?"Ani nito .

 

"Ulol, machismiss pa ako" Ani ko.

 

"Tangina, akala mo naman sobrang ganda mo para machismiss"Ani niya na mahinang natawa.

 

"Fuck you ka!" 

 

"Tara kain tayo, sunduin kita dyan libre ko" Ani niya.

 

Agad naman akong napangiti nang marinig ko ang salitang libre niya, sino ba naman ako para tumanggi sa libre ako lang naman 'to, pinatay ko naman na ang call at nag umpisa nang mag ayos ng sarili ko dahil may kalapitan lang ang lugar nila sa amin.

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status