ログインMatapos ang ilang oras sa emergency room, inilipat na si Sexily sa VIP room ng ospital. Tahimik ang paligid, malamig ang hangin mula sa aircon, at naroon ang mga makina na patuloy na nagbabantay sa kaniyang kalagayan. Nakahiga siya sa malambot na kama, mahigpit pa rin ang hawak ko sa kaniyang kamay, habang si Arnold ay nakatayo sa gilid, handang tumulong anumang oras.Maya-maya, pumasok ang doctor, nakasuot ng puting gown, dala ang mga gamit. “Mr. Ventura, magsisimula na tayong ilabas ang unang sanggol,” wika niya.Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Napatingin ako kay Sexily—puno ng kaba ang kaniyang mga mata, ngunit naroon din ang tapang. Hinawakan ko ang kaniyang kamay nang mas mahigpit.“Sexily, nandito ako. Labanan natin ito,” bulong ko.Habang inaayos ng doctor ang kaniyang kagamitan, narinig ko ang unang iyak ng sanggol. Isang munting tinig na pumunit sa katahimikan ng silid. Napaluha ako, hindi ko mapigilang mapangiti.“Congratulations, Mr. Ventura, Mrs. Ven
Habang kumakain kami ay subrang tahimik, tila parang may dumaan na anghel na tanging kalansing lang ng tinidor at kotsara ang gumagawa ng ingay. Binaba ko ang kotsara at tinidor at mataman siyang tinignan."Bakit hindi tayo natuloy?" Tanong ko, napatingin ito sakin tyaka napabuntong hininga."May biglaang lakad si Papa kung kaya't hindi tayo natuloy, pasensya na" wika nito at halata mo talaga sakaniya kung gaano ito kadismiyado sa kaniyang ama.Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakapatong lamang sa mesa at bahagiya siyang tinignan."Hayaan mo na, ibig sabihin lang non ay hindi pa ito ang araw na magkita at magkilala kami ng ama mo" wika ko.Ngumiti lamang ito sa'kin at tumang tyaka pinagpatuloy ang kaniyang pagkain ganoon din ako.Kabuwanan ko na at ilang araw na lamang ang aming hihintayin para makita namin ang aming tatlong anak, simula ng araw na iyon ay hindi na nagplano pa si Ashuel na magkita at magkilala kami ng kaniyang Ama, bagkos ay hinihintay niya nalamang na ang kaniyang
Ito na, ang araw na ipapakilala ko na si Sexily kay Papa. Tahimik ang loob ng kotse, tanging ugong ng makina ang maririnig habang papalapit kami sa lugar ng aming pagkikita.Nagulat ako nang biglang hawakan ni Sexily ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya, at doon ko nakita ang pamumutla ng kaniyang mukha.“May problema ba?” tanong ko, bahagyang nag-aalala.“Kinakabahan lang ako,” sagot niya, mahina, halos pabulong. Ngayon ko lang siya nakitang ganito—ang matapang at malamig na Sexily, ngayon ay tila ba isang batang nag-aalangan.Hindi ko mapigilang mapangiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, mas mahigpit, upang iparamdam na narito ako.“Huwag kang mag-alala, hindi naman nangangain si Papa,” biro ko, sabay ngiti.Bahagya siyang tumango, pumikit, at sumandal sa aking balikat. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang paghinga, marahan, tila ba sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. Alam kong makakatulog na naman siya—siguro dala ng kaniyang pagbubuntis, palagi siyang mabilis mapagod.Ang k
Matapos naming malaman ang gender ng aming mga anak ay mas naging maingat kami, lalo na pagdating kay Sexily sa kaniyang emosyon at physical. Sinunod ko rin ang sinabi ng doctor na huwag siyang bigyan ng kahit anong iisipin. At tungkol sa kaniyang pagpunta sa kaniyang opisina ng buntis ay mabilis na kumalat iyon ngunit agad ding nawala sa tulong ni Desiree.Flash BackHabang kumakain si Sexily ng hapunan at ako ay nasa kaniyang tabi, biglang dumating si Desiree na masama ang tingin sa kaniya."Ano ba- Fuck! So totoo nga ang balita sa companya mo?-"Na buntis ako at ang secretary ko ang ama? Oo" Diretsong sagot ni Sexily na para bang wala lang ito sa kaniya. Nagmadali itong umupo sa upuan sa harapan namin at papalit-palit ang tingin samin ni Sexily."Alam kong gwapo at hot ang sekretarya mo pero Sexily! Wala lang ba sayo ang chismis sa companya mo?" Nag-aalalang tanong ni Desiree kay Sexily pero itong si Sexily ay parang wala lang sakaniya at pirmeng kumakain."You know what to do th
Ng makarating kami sa mansyon ay bumungad sa salas ang isang babae na nakasuot ng puting damit, sa wari ko ay isang doctor. Ng makalapit kami ay bahagya pang yumuko ang babae upang mag bigay galang kay Sexily"She's Pris Agloe. Pris this is Ashuel the father of my child" pakilala ni Sexily, tango lamang ang kaniyang naisagot sakin.Magkaparehas sila ng ugali ni Sexily, masyadong tahimik."You're room is ready Sexily. Ikaw na lang ang hinihintay" anonsyon nito tumango lamang si Sexily, muli nitong hinawakan ang aking kamay at hinila, nasa likod ko naman nakasunod si Pris.Pagdating sa kwarto nito ay doon nga nakalagay ang mga machine kung saan malalaman ang kasarian ng aming anak."Stay beside me" wika nito tumango lamang ako bilang sagot.Nahiga si Sexily sa kama, mahigpit pa rin ang hawak niya sa aking kamay. Tahimik ang buong silid, tanging tunog ng makina at ang malamig na boses ni Pris ang naririnig.Inanga
Hindi na siya muling nagsalita pa at marahang ibinaba ang papeles na hawak.“Kung nasa ibang bansa siya, bakit nandito ka? Hindi ba dapat magkasama kayo?” wika niya, at doon ako natigilan.Tama siya. Kung assistant ako ni Ma’am Nick, dapat ay naroon din ako. Pangit ng rason ko, at alam kong halata. Gusto ko na lang pukpukin ang sarili gamit ang mga papeles dahil sa walang kwentang palusot.Isip ng panibagong rason, Ashuel!“Hindi niya ako pinasama dahil personal ang kaniyang lakad doon,” sagot ko, sabay harap muli sa mesa ni Sexily, pilit na pinapakalma ang sarili.Namayani ang katahimikan sa opisina. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa mesa, at narinig ko ang bawat yapak niya papalapit sa akin. Tumigil siya sa aking likod.Mabilis ang tibok ng aking puso. Sa isip ko, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Sexily kung sakaling malaman niya ang eksenang ito.“Hindi ka ba nag-aalala na maaaring hindi lamang ikaw ang lalaki sa kaniyang buhay, Ashuel?” marahan niyang tanong.Ramdam ko







