Share

Her Possessive Billionaire (TAGALOG)
Her Possessive Billionaire (TAGALOG)
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

SIMULA

SA isang malaking kwarto na mayroong katamtamang bukas na ilaw, nakatayo si Devina sa dulo ng higaan habang nakatingin sa dalawang tao na nasa ibabaw.

Abot-abot ang kaba sa kaniyang dibdib dahil alam niya na sa mga susunod na segundo ay siya na ang papalit sa ginagawa ng babae—ang kaniyang half-sister na si Kristin. 

Mayroong milagrong ginagawa ang dalawa habang ang lalaki naman ay kilalang-kilala niya—si Valentine Montoya—ang tagapagmana ng Montoya Empire.

Matangkad ito at makising ang pangangatawan. Mayroong maputing balat at itim na itim na buhok na bagay na bagay sa kaniya. Matangos ang ilong at makakapal na kilay. Ang mga mata niya ay nanlilisik kapag tinitigan ka ngunit ngayon na wala ito sa sarili ay wala na ang ganoong lalaking nakilala ni Devina.

Gustong niyang ipikit ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang unti-unting pagkawala ng saplot ng dalawa ngunit hindi magbabago ang katotohanan na kailangan niya ‘rin gawin ang ginagawa ng mga ito. 

Wala na ‘din siyang suot na saplot, gaya ng napag-usapan. Kita niya ang pagbaba ng kaniyang kapatid sa dulo ng higaan habang hawak ang ari ng lalaki. Sinenyasan siya nito gamit ang isang kamay na ikinalapit naman nito doon. 

Kapwa na sila nakaluhod ngayon at iginaya ni Kristin ang kamay niya bilang kapalit sa pagkakahawak nito sa pagkalalaki ni Valentine. 

“If you want your mom to survive, do your job.” Bulong nito sa kaniya na ikinapikit niya at dahang-dahang tumango.

Tuluyan ng umalis si Kristin sa pagkakaluhod habang si Devina naman ay ginawa na ang kaniyang plano—ang paligayahin ang lalaki sa loob ng isang gabi. 

“Tutulungan kita, Devina. In one condition, give your virginity to Valentine Montoya.” 

Pag-naaalala niya ang sinabi sa kaniya ng tunay niyang ama ay feeling niya isa na siyang babaeng bayaran. Bakit hindi nga ba? Tanong niya sa kaniyang isipan. Palihim niyang pinunasan ang kaniyang luha at sinimulan na ang kaniyang pakay.

Mula sa natutunan sa kaniyang napanood mula sa x rated na site ay alam na niya ang kaniyang gagawin. 

Sa ilang sandali pa ay napuno na ng ingay ang buong kwarto, hindi ingay ng mga taong may milagrong ginagawa.  

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ama mo ba talaga sya Divina
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang sama ng ama mo Devina
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
hmm interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status