Share

K-110

Author: LonelyPen
last update Huling Na-update: 2025-07-30 20:11:31
SAMUEL

ISANG BUWAN PA ang lumipas. Tila hindi na ganoon nasisiyahan si Samuel sa kanyang buhay. Panay ang inom niya, babae at minsan gumagamit siya ng marijuana. Kapag binibigyan niya siya ni Damon, madalas siyang tumanggi. Bihira lang siya kung gumamit.

Pinagagamit pa nga siya ni Damon ng pinagbabawal na gamot pero ayaw niya talaga. Iyon ang bagay na ayaw n'yang matikman. Kahit ano pa ang mangyari.

"Ano, Samuel? Ayaw mo talagang magtino, ha? Talagang tinatarantadó mo ako?!" galit na sabi ng kararating niyang daddy Hendrix.

Isang malakas na suntok ang natamo niya sa kanyang ama. Bumagsak siya sa sahig. Pakiramdam niya, na-dislocate ang kanyang panga sa lakas ng pagkakasuntok ng kanyang ama.

"Alam mo bang hindi ko pa rin pinaaalam sa mommy mo ang kagaguhan mo? Dahil sigurado akong malalagot ka sa kanya! Binibigyan kita ng chance ng ayusin ang buhay mo pero patuloy mo pa rin itong sinisira! Bakit nakikinig ka sa hayop na Damon na iyon? Alam mo bang siya ang nagpadala sa akin ng
LonelyPen

Hoy, Shaun! Bawal ma-in love! Kay Samuel iyan! (Again, please support my new book "RUTHLESS CEO'S PALABAN WIFE")

| 15
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
hala shaun bawal ka mainlove kay valerie....pero ok lang din hahahaha kung ano nalang gusto nyo hahahaha
goodnovel comment avatar
Aviana
Whoa. Ang dami kong tawa sainyo whahahaShaun bakit may pag fall hihihihi Infairness bagay naman kayo 🩷🩷🩷
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-140

    Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng pinto. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K139

    Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-138

    LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-137

    Maliwanag ang buong simbahan. Puno ito ng puting bulaklak, malalambot na kurtina, at mga ngiting sabik sa pagdating ng bride. Sa harap, nakatayo si Samuel sa tabi ng pari, naka-three-piece suit na parang lumabas sa magazine cover, pero halatang kinakabahan.Sa gilid, nakangiting binubulungan siya ng best man:“Relax, Samuel. Para ka namang sasabak sa boxing, eh," natatawang sabi ni Shaun.Pero hindi sumagot si Samuel. Kanina pa kasi siya naka-focus sa pintuan ng simbahan, hinihintay ang sandaling makita si Valerie.Nang bumukas ang pintuan, halos huminto ang oras. Naka-gown si Valerie na simple pero elegant, gawa ng designer na minahal niya sa kanyang kabaitan. Lahat ng tao ay humihinga ng malalim, pero si Samuel — para bang iyon lang ang araw na nagkaroon ng kulay ang mundo niya.Habang naglalakad si Valerie sa aisle, naririnig niya ang mahihinang bulong ng ilang bisita:"Ang ganda ng mapapangasa ni Mr. Walker...""Parang artista lang...""Grabe dyosa sa ganda!"Nang makarating si Va

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-136

    VALERIE LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN mula nang mangyari ang kapalpakang ginawa ni Jess na muntik nang sumira kay Valerie. Ngayon, tuwing papasok siya sa Amber’s Corporation, palaging may bumabati at ngumingiti sa kanya — hindi na tulad dati na may nagbubulungan at nambabastos sa likod. Kahit ang dating supladang si Jess ay hindi na rin nagpapakita sa kumpanya; balita’y nagpunta na ito abroad. Sa kabila ng respeto at atensyon na natatanggap niya, pinili pa rin ni Valerie na manatili sa kanyang posisyon bilang staff. Kahit ilang beses siyang inalok ni Samuel na maging department head o bigyan ng mas magaan na trabaho, lagi niyang tinatanggihan. Pinatitigil din siya ni Samuel sa trabaho doon at sinabing maging assistant na lang ng mommy Samarah niya pero tinanggihan niya iyon. Masaya si Valerie sa trabaho niya bilang staff. “Love, hindi sa ayaw ko, pero gusto ko kasi na may sarili akong kita. Iba pa rin iyong pakiramdam na may naipapasok akong pera sa sarili kong account na ga

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-135

    VALERIE MAKALIPAS ANG HALOS isang linggo mula sa pagkapahiya ni Jess, tila mas naging tahimik si Jess sa harap ni Valerie. Pero alam ni Valerie na hindi iyon kabaitan — kun'di paghahanda para sa mas malupit na galaw.'Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Nadadama kong may pinaplano siyang masama laban sa akin,' sabi ni Valerie nang sundan niya ng tingin si Jess. Biyernes ng hapon, tinawag si Valerie ni department head. “Valerie, ikaw ang maghahanda ng presentation para sa Monday meeting with the investors. Nasa shared folder ang files," mabilis na sabi ng department head. “Noted po,” mahinahong sagot niya bago inikot ang kanyang mata. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kanyang mata si Jess sa loob ng kanilang departamento. Walang ibang staff sa mga table doon dahil ngayon, kausap niya ang head. Pagbalik niya sa desk, binuksan niya ang shared folder… pero halos walang laman. Tanging ilang lumang files na outdated na ang nandoon. 'Hmm… interesting,' bulong niya s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status