Share

K-20

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-17 02:27:38

SAMARAH

"Hi, Hendrix! Bakit gusto mong makipagkita ngayon? 'Di ba nag-usap tayo na ipapahinga ko muna ang pudáy ko dahil masyado siyang nabugbog?" wika ni Samarah nang pumasok siya sa loob ng sasakyan ni Hendrix.

Magkasalubong ang kilay ni Hendrix at nakatuon lamang ang tingin nito sa harapan. Kumunot ang noo ni Samarah.

"Hoy! Kinakausap kita bakit hindi ka sumasagot? May problema ka ba? Kung mayroon man sana huwag mo sa akin ibunton. Hindi tama iyon," dagdag pang sabi ni Samarah bago humalukipkip.

Hindi pa rin umiimik si Hendrix. Sa halip, pinaandar na nito ang sasakyan. Tinuon na lamang ni Samarah ang tingin niya sa kalsada. Hinihintay niya ang sasabihin ni Hendrix. Pero kung ayaw nitong magsalita, hindi na rin siya magsasalita pa.

Gustong magtanong ni Samarah kung saan siya dadalhin ni Hendrix ngunit umuurong ang kanyang dila. Huminto ang sasakyan ni Hendrix sa isang malaking gate at mayamaya pa, bumukas ito. Napanganga si Samarah nang pumasok sila sa loob. Sa malawak na garahe, m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
LonelyPen
Welcome po!...
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Thanks po s ud author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-107

    Valerie MABILIS NA LUMIPAS ANG DALAWANG buwan, nagtungo si Valerie sa mall upang mamasyal saglit at bumili na rin ng bago niyang damit. Naisip niya kasing maiging may mabili naman siya para sa kanyang sarili. Kahit papaano, may naitabi siya para sa kanyang sarili mula sa pagiging kasambahay niya kay Samuel. Masaya na siya sa pasahod ni Chase sa kanya. Ang mahalaga, nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho at alam niyang hindi siya masusumbatan. "Valerie?" Napatigil sa paglalakad si Valerie at nilingon ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Kumunot ang noo niya nang makita si Shaun. Lumakad ito palapit sa kanya. "Ikaw pala. Bakit?" sabi niya sa binata. "Wala lang. Nakita lang kita kaya tinawag kita. Kumusta ka naman?" sabi ni Shaun sa kanya. "Ayos lang naman ako. Gano'n pa rin naman." Tumikhim si Shaun. "Nag-uusap pa ba kayo ni Samuel?" Mabilis siyang umiling. "Hindi. Hindi naman siya nagme-message sa akin kaya bakit ako magme-message sa kanya? At saka biglang nag-iba a

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-106

    VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang umalis si Valerie sa pamamahay ni Samuel, walang kahit anong message o paramdam sa kanya si Samuel. Umasa kasi si Valerie na baka pagod lang sa trabaho si Samuel kaya ganoon ang sinabi nito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang natanggap mula kay Samuel na message. Nakikita niya rin ang mga post ni Samuel online na madalas siyang nasa club. May mga babae sa tabi niya palagi at alak. Kapag nakikita iyon ni Valerie, naninikip ang dibdib niya. Kaya madalas, hindi na lang niya binubuksan ang kanyang account. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Chase sa kanya. Bumisita si Chase sa unling wings na pagmamay-ari nito kung saan siya ay isang waitress. Nakakatuwa nga dahil unti-unting lumalakas ang business na iyon ni Chase. Masarap kasi ang mga sauces ng mga manok doon. Dagdag pa roon, hindi siya masyadong mahal. "Oo ayos lang ako kahit na hindi," sagot niya sabay tawa. Naupo sa kanyang tabi si Chase. "Iniisip mo na naman ang lalaking iyon."

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-105

    VALERIE PINILIT NI VALERIE NA kinalma bago pa dumating si Chase. Kaya nang sunduin siya nito, kalmado na siya at hindi na masyadong halatang umiyak siya. "Bakit? Ano ang nangyari?" tanong sa kanya ni Chase. Inayos ni Chase ang mga gamit niya sa backseat. Humugot ng malalim na paghinga si Valerie. "Ewan ko ba. Basta, parang nag-iba ang ugali ni Samuel kaya naisip kong umalis na lang. Matagal din naman niya akong naging kasambahay. Bayad na ang utang ko sa kanya at may naipon naman ako kahit papaano. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho," wika ni Valerie. Pinaandar na ni Chase ang kanyang sasakyan. "Kung gusto mo, mag-waitress ka na lang sa bago kong tayong unli wings. Kulang pa sa tao doon." Namilog ang mata ni Valerie. "Talaga? May unli wings ka na? Congrats, Chase! Masaya ako sa pagiging successful mo sa buhay!" Nginitian siya ni Chase. "Salamat, Valerie. Pero alam mo iyon, kahit na successful na ako ngayon, ayokong magmalaki. What I mean is mananatili ang paa ko sa lupa

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-104

    SAMUEL "Okay na. Naka-post na iyong pictures natin. Sigurado akong nakita na iyon ni Valerie. Sira ka rin talaga. Kung sinabi mo na sanang gusto mo siya, hindi na magkakaganito pa. Matagal mo na siyang gusto, 'di ba? Hindi ka pa nakaka-graduate no'n, gusto mo na siya. Hanggang ngayon na isa ka ng CEO. Bakit hindi mo pa rin magawang sabihin sa kanya?" saad ni Shaun. Bumuntong hininga si Samuel. "Hindi ko rin alam. Hindi naman sa wala akong lakas ng loob pero may kaibigan kasi siyang lalaki. At alam kong may gusto sa kanya ang lalaking iyon. Isa pa, parehas siyang nakikinabang sa amin. Pinasundan ko si Chase at nalaman kong may nakuha pa lang mana mula sa biological father niya. Mayaman na siya. Pero mas mayaman ako sa kanya. Naisip ko lang kasi na baka... baka lang naman may ugali pa si Valerie na hindi ko pa nakikita." Kumunot ang noo ni Shaun. "At ano naman ang ugaling iyon?" Lumunok ng laway si Samuel. "Baka manggagamit siya ng tao. Baka masyado siyang natuwa sa mga binibig

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-103

    VALERIE NAGLAKAD PALAPIT si Chase sa kanya habang siya, nanatilimg nakanganga at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang laki ng pinagbago ng itsura ni Chase ngayon. Kapansin-pansin din ang ganda ng sasakyan niya. "Wow naman! Ang guwapo mo naman sobra! At bakit may magara kang sasakyan? Anong mayroon? Yumaman ka na?" mabilis na sabi ni Valerie. Mahinang tumawa si Chase bago tumango. "Maupo muna tayo sa loob bago ko ikuwento sa iyo ang mga naganap sa buhay ko." Pumasok sila sa loob ng restaurant na iyon at um-order muna ng pagkain si Chase bago nagsimulang magkuwento. "Nagulat din ako sa mga nangyari. Instant eh. Hindi ko akalain na may makukuha pala akong mana mula sa tatay ko. Akala ko, wala talaga siyang pakialam sa akin. Ang sabi sa akin ng attorney, talagang nakatabi na raw ang perang iyon para sa akin. At hindi raw iyon alam ng legal na asawa ng tatay ko. Kaya bago siya mamatay, naka-settled na lahat. Si mama ko ngayon ay malakas na. At may sarili na nga siyang tindahan

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-102

    VALERIE LUMIPAS PA ang kalahating taon, tuluyan na ngang naging CEO si Samuel sa kumpanya ng kanilang pamilya kaya madalas ng busy ang binata. Habang siya naman, patuloy pa rin sa kanyang trabaho bilang kasambahay nito. Kahit papa'no, nakakabangon ng muli ang kanyang tita Anne. Patuloy pa rin ang pagsuporta niya sa kanyang mga kapatid para sa pag-aaral ng mga ito. Malakas na rin ang papa niya kung kaya naman, ganado na siyang nagtatrabaho bilang kasambahay ni Samuel. "Hi, Valerie! I have something for you!" magiliw na sabi ni Samuel nang makauwi siya. Hindi napigilang kiligin ni Valerie sa binigay sa kanya ni Samuel. Hindi lang siya kinilig dahil sa pagsalubong sa kanya ng binata. Kinilig siya dahil palaging ganoon sa kanya si Samuel. "Thank you, Samuel. The best ka talaga!" masayang sabi niya. "Syempre naman. The best ka rin kasi. Ang laking tulong mo sa akin. Uuwi na lang ako ng malinis na ang bahay at may masarap pang ulam palagi. Kaya deserve mo iyan," nakangiting sabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status