SAMARAH
"Good morning, Samarah! Mag-almusal ka na. Ibinili ko ng almusal ang perang ibinigay mo sa akin kagabi. Saan pala galing iyon?" nakangiting bungad sa kanya ng tiyahin niyang si Rosie kinaumagahan. Bumuga ng hangin si Samarah. Ngayon na lang siya ulit makakapag-almusal. Simulan kasi nang magkaisip siya at magkaroon ng trabaho bilang bantay sa paresan, hindi na siya nakakapag-almusal ng libre. "Sa kaibigan ko po iyon. Sumama ako sa kanya kagabi. Sinabi ko sa kanya na ipasok ako sa club bilang waitress. Malaki raw po ang sahod doon. Waitress naman po ang trabaho ko," sagot niya. "Waitress nga pero may iba ka pang sideline sa club na iyon. Club iyon kaya maraming lalaki ang hayok doon," biglang singit ng pinsan niyang si Fiona. "Hayaan mo na siya, Fiona! Kung ano man ang maging sideline niya sa club na iyon, wala ka ng pakialam! Ang mahalaga, makakapag-ambag siya sa mga gastusin dito!" suway ni Rosie sa anak. Umirap naman si Fiona. "Tsk! Kahit na. Kadiri naman ang sideline niya." Hindi na lang umimik si Samarah. Kumuha na lang siya ng pagkain niya at saka kumain. Tumabi sa kanya ang pinsan niyang si Flora. "Kumain ka ng madami. Pera mo ang ginamit dito pambili ng almusal. Hayaan mo, kaunting tiis na lang makakapagtapos na ako ng kolehiyo. Kapag nagkaroon na ako ng trabaho, ililibre kita. Tutulungan kita sa mga gastusin dito sa bahay," nakangiting wika ni Flora. Nginitian niya ang nakababatang pinsan. "Salamat, Flora. Gagalingan ko sa trabaho ko bilang waitress. Para matuwa sa akin ang mga tao doon at bigyan ako ng tip. Kapag masipag daw kasi at walang reklamo, matutuwa ang customer doon at namimigay ng tip." "Kayang-kaya mo iyan. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi sa iyo ni ate Fiona. Baliw talaga ang babaeng iyan. Kung makapagsalita, akala mo kung sinong malinis. Alam mo ba, malandi iyang ate ko na iyan. Kung kani-kanino iyan nagpapatuhog. Akala niya yata, hindi ko alam angb kalandian niya. Tapos magtataka siya kung bakit ayaw sa kanya ni Lander eh malandi siya," bulong ni Flora sa kanya. Mahinang natawa si Samarah. Alam naman niya iyon pero wala kasi siyang pakialam sa mga gawain ni Fiona. "Hayaan mo siya. Katawan naman niya iyan. Basta, huwag kang gagaya sa kanya. Ingatan mo ang sarili mo," payo niya kay Flora bago uminom ng tubig. "Hindi talaga 'no! Maigi pa nga ang bayarang babae kasi kumikita, eh siya libre lang! Libreng tuhog lang! Kapag nabuntis talaga iyan tapos tinakbuhan, tatawanan ko talaga iyan. Bahala silang dalawa ni mama. Sinabi ko na iyan kay mama pero hindi naman niya ako pinakikinggan. Hinahayaan niya lang si ate sa kalandian nito. Bahala silang dalawa diyan kapag nagkaproblema." Hindi na muling nagsalita pa si Samarah. Kumain na lamang siya at pagkatapos, nagsimula na siyang kumilos sa bahay. Nang matapos siya sa mga gawain, bumalik na siya sa kanyang kuwarto at saka kinuha ang cellphone niya. Mayroon ng message kay Hendrix. Nakasaad doon kung saan sila magkikita. Napalunok siya ng laway kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "Kailangan ko pa lang bumili ng damit!" aniya bago kinuha ang perang itinabi niya kagabi. BUMILIS SIYA NG DAMIT sa mall. Ayaw naman niyang sa palengke bumili dahil baka madismaya sa kanya si Hendrix. Gayong malaking pera ang binigay nito sa kanya. Magagandang damit ang binili niya at sigurado siyang magiging kaakit-akit siya kapag nasuot na niya iyon. Hindi naman iyon masyadong revealing pero hapit sa kanyang katawan. "Tita Rosie, bumili na po ako ng ulam natin mamayang gabi. Liempo at saka letsong manok," aniya nang makabalik siya kinahapunan. Malawak na napangiti si Rosie. "Wow! Pinapasaya mo talaga ako, Samarah! Saan ka pala galing? Ano iyan? Ang ganda naman ng mga damit mong iyan! Branded! Hindi galing palengke! At sexy ha!" Napangiwi siya. "Kailangan po, tita dahil sa club po ako magtatrabaho. Hindi naman puwedeng manang ang pormahan ko doon. Baka pagtawanan po nila ako. Kailangan ko ring mag-ayos kahit papaano." Lumabas ng kuwarto si Fiona at sinipat ang mga paper bag na hawak niya bago siya nito inirapan. Hindi na lang niya pinansin si Fiona. "Sabagay, tama ka nga naman. Oh siya, magpahinga ka na sa kuwarto mo. Magsisimula ka na bang pumasok mamaya?" "Opo, tita. Mamaya pong gabi," mabilis niyang sagot. Ngumiti si Rosie. "Oh sige na magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito!" Agad na pumasok sa kuwarto si Samarah at saka inayos ang mga damit na pinamili niya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya ng malawak. First time niyang makabili ng damit na nasa libo ang presyo bawat isa. "Kinakabahan ako pero 'di na bale. Napakagwapo naman ng sugar daddy ko kaysa naman sa pangit na matanda pa ako mapunta,' sambit niya sa isipan. Pagsapit ng gabi, naligo't nagbihis na si Samarah. Nag-ayos siya at siniguradong maganda siya. Ini-lock niya ang kuwarto niya. "Wow! Ni-lock mo pa talaga ang kuwarto mo, ha. Bakit? Dahil may mga bago kang damit na binili at akala mo kukunin ko? Ang kapal ng mukha mo! Ngayon ka nga lang nagkaroon ng bagong damit na hindi binili sa palengke!" nakapamaywang na sabi ni Fiona. "Wala ka na doon kung gusto kong i-lock ang kuwarto ko. Aalis na ako. May trabaho pa ako," mahina niyang sabi bago tumalikod. "Ma-rape ka sanang malandi ka!" sigaw pa ni Fiona sa kanya. Napailing na lang siya. Hindi niya ito inintindi. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita na niya ang sasakyan ni Hendrix. Naghumirintado bigla ang kanyang puso. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng sasakyan ng binata. "Hindi ko akalain na napakaganda mo pala talaga kapag nakaayos..." biglang sabi ni Hendrix nang makapasok siya sa loob ng sasakyan. Nanlaki ang mata niya bago alanganing ngumiti. "Maraming salamat po," tanging nasabi niya. Tinitigan niya si Hendrix. Tila nahihipotismo siya sa asul nitong mga mata. Napakagwapo nito. At hindi nakasasawang pagmasdan ang mukha nito. "Ilang taon na po ba kayo? Parang matanda po kayo sa akin ng ilang taon," bigla niyang tanong. Tumikhim si Hendrix. "I'm forty years old." Napanganga si Samarah. "Ha? Forty? Seryoso? Hindi halata! Parang nasa thirty plus ka pa lang! Ang laki pala ng agwat natin. Twenty three pa lang ako." Nakita niya ang bahagyang pagkabigla ni Hendrix. "It's okay. Age doesn't matter. Sa ngayon, sasamahan mo muna ako sa isang occasion. Ipapakilala kita bilang girlfriend ko. Pero kagaya ng napag-usapan natin, I'm just your sugar daddy. Tutulungan kita sa finances mo kapalit ng katawan mo. But, you must not fall in love with me, Samarah. No love. Just séx. Understand?" Mabilis na tumango si Samarah. "Opo. Promise po. Peksman mamatay man.VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang pumayag siyang hiramin muna ni Clarisse si Samuel, wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng binata. Palagi nga itong sabik na makasama at makita siya. Kahit na saglit lang na oras silang magkasama, masaya na siya. Kampante kasi siyang hindi maaagaw sa kaniya ni Clarisse si Samuel lalo na kapag nagkukuwento ito sa kanya. Galit na galit ang mukha palagi ni Samuel. Parang gusto ng manakit. Kasalukuyan siyang abala sa pagse-serve ng wings sa Kuya C's Unli Wings. Hapon na ng mga oras na iyon at maraming tao. Nagdagdag pa nga ng isang empleyado si Chase para full force ang man power niya sa store na iyon. Gusto sana siyang kunin ni Samuel at doon na lang siya magtrabaho sa binata pero ayaw niya. Dahil na rin sa utang na loob niya kay Chase. At isa pa, mas maigi ng kay Chase na lang siya magtrabaho para malapit lang din sa kanilang bahay. "Parang bihira na lang yata kayo magkita ni Samuel? Hindi ko na siya nakikita sa CCTV na
CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l
CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang
VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya