Mag-log inLIA Panay ang tawag sa akin ni Alexa pero hindi ko pinapansin ang tawag niya. Hanggang sa inabot na nga ako ng gabi dito sa bahay. Ang sabi ko pa naman, papasok ako sa next class ko pero tinamad na ako. Nandito na ako ngayon para bantayan ang lalaking ito."Hay naku... sabing doon na nga sa kuwarto matulog," naiiling kong sabi.Napakaguwapo niya sa binili kong damit para sa kanya. Basta, hindi ko ma-explain ang kaguwapuhan niya. Para siyang artista sa ibang bansa. Ganoon ang dating niya. Natutulog siya ngayon sa sala, dito sa sofa. Sinabi ko sa kanyang doon na siya matulog sa bakanteng kuwarto pero ayaw niya. Ang sabi niya, kasi baka marumihan daw ang kuwarto na iyon.Marumihan? Eh ang bango-bango nga ng itsura niya ngayon!Iyong tipong ang sarap ng itsura niya? Like...basta! Masarap siya sa paningin ko! Bigla siyang gumalaw kaya napatihaya siya. Natutulog pa rin siya. At ewan ko ba kung bakit nag-e-enjoy akong panuorin siyang matulog. Hanggang sa napadako ang paningin ko sa pagitan
LIAHINDI ko alam kung saan ko puwedeng dalhin ang lalaking ito. Kaya naisipan kong dalhin ko na lang siya sa sarili kong bahay.Ito talaga ang pinakagusto ko sa lahat ng desisyong ginawa ko. At iyon ay ang bumukod agad at ang magkaroon ng sariling bahay. Si Liam kasi ay doon pa rin nakatira sa bahay kina mommy at daddy. Sabagay, dikit siya kay mommy habang ako naman, dikit kay daddy. Kaso nga lang, ang gusto ko ay magkaroon ako ng sarili kong mundo. Iyong walang makikialam sa akin. At magagawa ko ang gusto ko ng walang magsasaway. “Kumain ka na muna.”Inilapag ko sa mesa ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Wala naman kasi akong kasambahy sa bahay kong ito. At hindi naman ito over sa laki. Para sa akin, katamtaman lang ang laki niya. At kaya ayaw kong magkaroon ng kasambahay, gusto ko na ako lang sa bahay ko.Saglit niya continingnan bago tumingin sa pagkain na inihain ko sa kanya. At pagkatapos ay maingat siyang kumagat ng tinapay na hawak niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
LIA WALKER MATALIM AKONG NAKATINGIN sa professor na nasa harapan ko. Nakakairita siya dahil ang dami niyang pinapagawa at wala namang kwenta. Isang taon na lang graduating na ako at pagkatapos... ako na ang mamamahala ng ibang negosyo namin. Ayoko hawakan ang kumpanya is bahala na si Liam doon. Ang gusto ko ay mga negosyo lang para kay papaano ay makakagala gala pa ako. "Grabe naman yung tingin mo parang papatayin mo na si professor Douglas," natatawang bulong sa akin ng kaibigan kong si Alexa. “Tingnan mo naman kasi ang matandang hukluban na ito. Kung ano-ano ang pinapagawa sa atin porket malapit na tayong grumadweyt? Hindi siya kagaya ng ibang professor na hindi tayo masyadong pinapahirapan. Hindi niya ba alam na ang pamilya namin ang may-ari ng school na ito?”“Alam niya 'yan siyempre pero wala siyang pakialam. Matanda na yan at pag matatanda matatapang iyan.”“Kaya nga eh. Ang sarap sipain sa mukha ng paulit-ulit. Sinabi ko na iyan kay mommy… pero ang sabi niya sa akin ayos la
Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng p***o. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa
Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa
LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba







