Share

Her Prince Charming In Disguised
Her Prince Charming In Disguised
Author: Charis Ash

CHAPTER 1 - First Meet

Candy's Pov...

"Hi, Honey my love so sweet."

Narinig kong sabi ng isang customer sabay kindat pa nang paglingon ko sa kinaroroonan nito,parang aatakihin ako sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko na gusto pa yatang kumawala.

"Ito ba ung sinasabi nilang love at first sight, siya na kaya ang prince charming na hinihintay ko?" tanong ko sa sarili. "Tanong ko sa sarili

"Madatong naman kaya to kaya lang mukhang kargador naman sa katapat na Ricemill pag nagkataon red flag na kaagad sakin to, ikaw talaga self rendahan muna natin ang ating heart hindi porke't yummy kilig to the bone agad. Naku paghahanap muna ng trabaho ang atupagin natin." saway ko sa sarili. Dahil sa hindi pamilyar kong nararamdam, pasaway naman kasing lalaking ito ang gwapo, with tantalizing eyes idagdag pa ang yummilicious lips nito,sarap halikan. Namumutok ang muscles niya yummylicious parin kahit tagakgak ang pawis."

Landi mo gurl, tumigil ka nga". saway ko ulit sa sarili.

"Honey my love so sweet!" ulit nito na nagpabalik sakin sa true world. Nakarating na ata ako sa ibang dimension kakaimagine. Pagpasensyahan nio na ang lola nio nakakita ng yummy kainis kasi tong heart ko wala sawa sa pagkalabog ng malakas.

"Ay yummilicious, Ay! este, ano po un?" kandautal-utal pa ako sa pagsadalita.Sarap naman kasi sa pandinig ng boses ng lalaking ito. Lahat na yata d2 yummy, ano ba naman itong mga pumapasok sa isipan ko puro kahalayan. Kasalanan kasi ng lalaking ito sa harap ko e.

"Yummy talaga to miss, ako pa ba,?"

"Ay, iba ka din sir ano? Lakas ng self confidence."

may kayabangan din pala ito sa katawan, sabagay totoo namang may ibubuga pero teka double meaning ba un? sa isip ko lang.

"Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan ng makaalis na kau?" lakas talaga ng tibok ng puso, kalmahan lang natin self baka mahalata, palayasin na natin to nang makahinga na. Pero pabilhin muna natin sayang din ang benta.

Ang lapad ng ngiti nito,

"Kamahalan? Maari mo akong maging alipin mahal kong prinsesa". yumukod na animo'y isang kawal. Kadarating ko pa nga lang pinaaalis mo na agad." ngumiwi pa ng bahagya.

Kinilig ako sa simpleng ganti niya. "Naku,naku sir, wag kayong pa fall, ano po bang bibilhin ninyo at maya maya lang dadami na customer namin."

"Pwede bang ikaw nalang." kumindat na nman kota na talaga to sa pagpapakilig halatang expert, sa pagpapaibig. Ano daw pagpapaibig agad? Asyumera ka ng taon self.

Lakas ng trip nito ah, pinakikilig ako ng husto.

"Ay sorry po sir rich ba kau? Kasi kung hindi, sorry na agad. Saka not available pa po eh,malay mo,natin, next life maging available na. Kaya lang pang life time contract to walang warranty kaya dapat sure."

"Sige aantayin ko kung kailan magiging available ang mahal kong prinsesa, very much willing to be your slave under your life time marriage contract."

"Wag kang umasa"

"Try me, I'm fit to yours." kumindat na namn siya.

Napanganga ako sa banat niya, muntik na akong mapamura sa isip, pero bawal. Pinalaki kaming ipinamulat sa amin na masama at bawal ang pagmumura.

"Ay iba din magpa fall mukhang bibigay ang panty kong masikip naman ang garter." sa isip isip ko.

"Oh, na inlove ka naman sa banat ko."

"Excuse me?"

"Pabili nalang muna akong 1 liter mineral water and limang pisong red maxx candy." sabay abot ng bayad nito.Ano daw? "Grabe kapagod magbuhat ng mga bigas pero kailangan para sa ekonomiya. Sobrang init ngayon"

Inaabot ko ang binili niya. At Binayaran din agad. Kilala niya ako?

"Sobrang init po talaga ngayon sir kaya nga kabi-kabila ang sunog sa iba't ibang lugar.

Sinabi mo pa kaya sobrang uhaw na uhaw ako sa pagmamahal mo.

"What?"

" Itatanong ko sana honey my love so sweet, ang...." naputol ang sasabihin nito ng may tumawag dito.

"Caloy, nandito ka lang pala, tanghaling tapat nanliligaw kana, may naghahanap sayo puntahan mo muna." saka tuluyan ng umalis ng store.

Akala ko pa naman kilala niya ako, assuming lang pala si ako ung candy pala ang tinutukoy niya not me... Ang slow mo Candy. Pinukpok ko pa ng bahagya ang ulo ko.

Buti nalang umalis na para kumalma na din tong heart ko sa pagkalabog.

"Hoy gurl, ayos ka lang ba? Mapasukan ng langaw yang bunganga mo, uy. Na starstruck kana dyan eh, Chick boy un." natatawang untag sakin ni Remy co-worker ko na close friend ko narin.

"Seryuso?"

"Hindi ko rin alam,nasabi lang, malamang gwapo eh."

Sabay kaming nagkatawanan.

"Ang yummy naman kasi gurl, nakakatanggal ng pagod ang awrahan, kaya lang bantot ng name." sabay labi ko na sinabayan ng pagpayak padyak. "Ang sweet pa ng ginamit niyang endearment sakin." balak ko pa sanang idugtong pero sinarili ko nalang.

" plus factor pa sana besh kong mayaman para complete package oh diba parang si Cinderella na sana ako non. Kaya lang mukhang hindi naman."

"Cinderella na agad?"

Sabay pa kaming nagtawanan.

Maya maya nagsidatingan na ang mga customer galing sa katapat na Ricemill pawang mga pawisan ito marahil ang sinasabi nilang mga kargador doon kabilang din siguro sa kanila yong makulit na yummy kanina, doon kasi ito pumasok ng matapos tawagin ng kasama niya marahil sa trabaho. Paano kong nalaman? Simple lang sinundan ko lang ng siya ng tingin at nakita ko siyang pumasok sa HERNANDEZ RICEMILL katapat lang ito ng pinagtatrabahuan kong 24 hour convenience store,kaya ito puyatan, busy na muna para sa ekonomiya 24 hours din kasi mga rice mill dito.

Sa mga susunod na mga araw iikli na ang tulog ko nito, 3 to 4 hours nalang dahil magpapasukan na. Papasok na ako sa school sa umaga for the better future of me and my family.

Haisttt hindi na pwedeng magrelax relax lang,bawi nalang tau, next life self pag may time na at pag mayaman na tau. At kaylan pa kaya darating ang time na un???

"Kung sino ka mang prince charming ko dumating ka sa tamang panahon, dapat mayaman para hindi maghirap ang mga magiging anak natin."

.

.

.

.

.

.

.

.

Caloy's Pov

"Buds balita ko may bagong chicks raw kina Mang Rene at Aling Bing ah." sabi pa ni Arcie. Magkakasama sila ngayong magkakaibigan na sa isang bar. Pinagkukwentuhan ang babae sa convenience store na katapat naman Rice Mill kong saan ako nagtatrabaho. Ngunit ang hindi nila alam ay nakaharap ko na ang abaeng tinitukoy nila.

"Oo nga mga buds with beauty and brain daw sabi nila galing probinsya, pumunta dito sa Maynila para magbakasyon, at maghanap ng trabaho. Balita ko nga nakapagtapos ng pag-aaral as working student, nag-aaral sa umaga nagtatrabaho sa gabi, hirap yata non, pero nakayanan niya." dagdag ni Dwayne habang tumutungga ng beer.

" Dami mo na agad nasagap na tsismis ah palibhasa lagi kang nakikipagmaritesan sa mga tambay eh, accurate ba naman yang source mo?" sita ni Gab sa kaibigan na may kasama pang pambabatok.

Napangiwi naman si Dwayne sa ginawa ni Gab "Nambabatok ka na naman diyan Gab eh, hindi mo ba alam child abuse yang ginagawa mo?" reklamo nito. habang hinihimas ang sariling batok.

Kapag talaga kaming apat nagsasama sama, asahan mong maingay ang paligid namin. Nandiyan ang biruan, harutan, tawanan minsan may kasama pang sakitan at iyakan. Pero solid ang samahan.

Nagdadamayan kami sa isa't isa, ang problema ng isa ay problem naming apat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status