Share

CHAPTER 6 - Blackmailed

Caloy's Pov

“Buds, saan ba ang lakad mo?”

“Just watch and observe”. tururo ko pa siya gamit ang hintuturo at gitnang daliri ko palipat lipat mula sa mata ko papunta sa pagturo naman sa kanya ng tatlong ulit.

“Nakakapanibago ka lang kasi. Dati naman kapag aalis ka o kahit makipag date sa Ex mong si kay Jaycel wala kang paki alam kong anong sususotin mo. Bagay ba o badoy. Pero ngayon, napakadami mong pinagpipilian sa sobrang dami wala ka ng mapili, pahihirapan mo pa ang tagaligpit ng damit mo, kawawa naman.” Natatawang puna ni Arcie sa akin na hindi kasi ako mapakali.

Narito kami ngayon sa kwarto ko walang puknat sa kakasukat ng mga damit na hanggang ngayon hindi parin ako makapili kong ano ang isusuot ko. Ano ba naman tong nangyayari sakin nakakasira ng kredibilidad ko bilang lalaki. At itong kasama ko dagdag pa sa gulo kanina pa dakdak ng dakdak wala man lang maiambag, wala namang suggestions, ang ingay lang.

“Ilang oras ka na dyan sa salamin buds daig mo pa ang babae sa tagal ng pagpili sa susuotin mo. Hahaha tapos ang ending basted naman.” Natatawa paring wika nito, naiiling nalang talaga sya sa kakamasid sa nangyayari sakin ,totoo naman kasing kanina pa ako d2 sa harap ng salamin halos hindi na umaalis.

“Tsss. Kung hindi ka naman makakatulong, manahimik ka nalang dyan, mas hindi ako makapag concentrate dito sa kakadaldal mo dyan eh.” Naiiritang tugon ko dito, napapakamot nalang ako ng ulo ko kahit hindi naman nangangati. Sa huli ibinagsak ko nalang ang pagod kong katawan sa kama, pagod sa kakapili ng damit kong isusuot sa date namin ng Honey my love so sweet ko bukas, kung date nga bang matatawag yon eh dinaan ko lang naman siya sa pang-ba-blackmailed . Wala na kasi akong imaisip na ibang paraan para lang mapapayag ito na paunlakan ang dati ng hinihingi ko. Sobrang loyal kasi nito sa pangarap niya.

_

Pauwi na kami galing sa police station ng noong isang linggo at nag aabang ng masasakyang jeep pauwi.

“Honey My Love so sweet.”

“Tssss… Bunganga mo talaga Caloy nakakainis, wag mo nga akong tawagin sa ganyan, nakakahiya sa nakakarinig. Baka akalain nila magjowa tayo.”

“Bakit hindi ba?”ngisi kong tanong sa kanya

“Syempre hindi noh! Walang tayo, wala pa akong balak magkaroon ng karelasyon lalo na kung kasing hirap ko lang din, marami pa akong pangarap. Panggulo lang yang jowa jowa nayan At kung magkaroon man ako ang boyfriend, I make sure na yon narin ang pang last.” Seryosong paliwanag ng Prinsesa ko.

“Wow naman swerte ko naman pag nagkataon, I mean swerte naman ng lalaking yon, na magiging future boyfriend mo pwede bang mag apply?

“Nope.”mabilis niyang sagot nang walang pag aalinlangan.

“Sungit naman.” puna ko sa turan nia.

“Sinagot ko lang naman ang tanong mo. Ayaw ko rin namang maging paasa.” at masisi sa huli.

“Ok lang naman sakin pag antayin at least mayroon akong assurance.”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? O nagbibingi bingihan ka lang?” naiinis na ito halatang ang bilis maasar sa inoopen kong topic.

“Relax.” Natatawa kong pagpapakalama sa kanya.

“Tseee…” irap nito sakin. “Tagal naman ng masasakyan natin.”

“Ito naman matapos kitang iligtas sa kapahamakan kanina ganyan ang igaganti mo sa akin, nasaan ang hustisya Honey my Love not sweet ka talaga?.” Kunway simangot ko pa sa kanya.

“Ewan ko sayo ayan ka na naman sa kaka honey honey mo. Kakahiya ka.”

“ Ano bang nakakahiya don? Ang nakakahiya yong naglalakad ng hubo’t hubad sa kalsada.”

“Ito nalang, makipagdate ka nalang sakin…..” naputol ang sasabihin ko dahil sumingit na naman ito.

“Ayaw ko nga bakit mag boyfriend ba tayo?

“Wait naman di pa ako tapos sa sasabihin ko. Diba nailigtas kita kanina, hindi libre yon . Bi….” Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko sumingit na naman tito. Napakamot nlang ako ang ulo ko

“Ano namang ibabayad ko, aber? Mayaman ba ako .” nakapameywang pa.

“Singit ka kasi ng singit, patapusin mo kasi muna ako. Alam ko namang wala kang maraming pera like me. Kaya ang hihilingin ko nalang na ibayad mo ay ang samahan akong mamasyal sa linggo.”mabuti at nakknig Hindi na sumingit sa pagsasalita ko nag iisip din siguro ng isasagot. “Ano,take it or leave it?”

“Paano kung ayaw ko.?”

“Then, it means tayo na.” alam ko pambablackmail tong ginagawa ko pero parang desperado na yata ako.

“Wow ah,mahal naman ng bayad sa pagtulong mo sakin ah, luging lugi yata ako kahit ano pang piliin ko.” Pumapadyak na wika niya.

“Okay, I’ll take it. Pero walang ibang ibig sabihin to ah, gagawin ko to bilang bayad sa pagsagip mo sakin kanina kahit nakapagpasalamat na naman ako, pero hindi pa sapat sayo…Hmppp…” this is it, alam ko napilitan lang to pero bahala na.

“Ayun oh, pumayag din. Ipagpapaalam nalang kita kina Mang Rene.”

"Wag na ako nalang."

"Sige pero susunduin kita ah.

"Sige pero, pwede bang mag samba muna tayo."

"Pwede naman."

“Okay lang ba sayo? I mean, baka magkaiba tayo ng religion. Maintindihan ko naman kong ayaw mo. Hintayin mo nalang na matapos.”

"Okay lang sakin, promise. Basta kasama kita, walang problema.”

“Sige na nga, ang kulit mo, nakakastress ka, promise.”

Alam ko napipilitan lang si Candy na pumayag sa pam-ba-blackmail ko. Pero deep inside tuwang tuwa ako na napapayag ko siya na sumamang mamasyal sakin. Susulitin ko na to bukas, naipag paalam ko na naman siya sa mga tiyo at tiya nia hanggang gabi basta ingatan ko lang daw ito at huwag na huwag lalagpas sa limitasyon na meron kami. Hinding hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sakin.

-back to reality -

"Haisttt... Salamat naman at tumigil kana. Hilong hilo na ako sa pinaggagawa mo, buds." humiga narin ito sa kama ko.

"Saan ba kasi ang burol na pupuntahan at nahihirapan kang pumili ng maisusuot?"

Nabatukan ko siya. "Anong pinagsasabi mo, burol pa talaga ang naisip mo."

"Eh saan nga ang lakad mo? Raket ba yan? Pwede makijoin?" sunod sunod na tanong nia.

" Nope, magkikita kasi kami ni Candy bukas, pasyal pasyal. Ganon." sagot ko naman.

"Ayon oh, kaya naman pala parang silisihan ang puw*t. Congratulation, buds." ngisi pa ni Arcie

"For what?" nalilito kong tanong sa kanya.

"Congratulation dahil binata kana. Hahahaha, tuli ka na ba, baka makikipagdate ka hindi ka pa pala tuli ha,maawa ka sa ka date mo?" tawang tawa sa kalokohan niya.

"Baliw."

"Kidding aside Buds,"

"What?"

"Patingin nga Buds."

"Patingin Ng ano???

"Ng sundalo natin dyan," tinuro pa ang baba ko.

"Check natin kong tuli na ba talaga." bumunghalit ng tawa, sabay kumaripas ng takbo palabas ng kwarto, nang akma kong babatuhin ng nadampot kong sapatos.

"Bye, buds. Mwa." nag flying kiss pa talaga ang loko. "Good luck para date mo bukas. Nandito lang ako handang maging chaperone mo." "Pwede rin namang maging guardian mo kong maisipan mong magpatuli." pahabol pa nito ngunit bahagya lang nkasilip sa pinto.

At tiluyan ko nang binato sa kanya ang hawak ko sapatos. Na mabilis naman niyang nailagan.

" Baka gusto mong ikaw ang tuliin ko ulit." sigaw ko.

"Basta Buds seryuso ako, sama ako bukas."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status