Share

Chapter 2

"Mahal ko siya," sagot ng Mommy niya.

Mariing pumikit si Tasha. Pinilit niya na lang itikom ang bibig kaysa sa magsalita at baka masaktan niya pa ang ina. Baka may masabi siyang hindi maganda na ikasakit pa lalo nito.

"I’m sorry, I did everything I can already para lang matutunan niya akong mahalin, anak. Ang sakit-sakit na tiniis ko lahat ng ginawa niyang pambabae dahil naniniwala akong matutunan niya rin akong mahalin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako. Ang kapatid ko pa rin."

Dahan dahan yumakap si Tasha sa ina. “Ibig sabihin ay simula pa lang ay si Tita Lorena na talaga ang mahal ni Daddy? Simula dati pa? Ibig sabihin naunang nagkakilala sila ni tita Lorena?” At dahil sa mga nalaman niya ay bigla sumakit ang ulo niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit umabot sa ganito, Mommy. Every time na naiisip ko si Daddy at tita ay nagagalit ako, lalong-lalo na kapag naiisip kung magkapatid kayong dalawa ni tita."

Malungkot lang na ngumiti ang Mommy niya, pinunasan nito ang sariling luha at saka tumingin sa kanya. Sinapo nito ang mukha niya at matagal siyang pinatitigan. "Ikaw ang dahilan kaya ako sumasaya araw-araw. Kahit anong pananakit ng Daddy mo sa'kin tinitiis ko dahil ayaw kong bigyan ka ng sirang pamilya. Lalong-lalo na at mahal ko siya, siya lang ang lalaking minahal ko, anak. Hindi ko kayang pakawalan siya dahil siya lang ang buhay ko." Walang tigil ang pagtulo ng mga luha nito habang nagsasalita. “Pero sa pamimilit ko sa taong ayaw sa'kin, hindi ko namalayang pati pala ikaw ay nasasaktan na. Araw-araw niyang sinasabi sa akin na hindi niya ako mahal pero tiniis ko ang lahat ng 'yon basta ang mahalaga ay buo tayo. Ang mahalaga sa akin ay umuuwi siya at nasa akin siya." Nanginginig ang mga labi nito habang pinaglalaruan niya ang mga daliri nito sa kamay.

Hindi pagmamahal ang tawag 'don, kung hindi pagiging makasarili. Ayaw niyang pakawalan ang asawa niya kahit alam nitong hindi naging masaya sa piling niya ang asawa niya. Naintindihan naman niyang mahal ng Mommy niya ang Daddy niya.

"Ang Daddy mo, kahit kailan ay hindi ako minahal. Kahit binigay ko na sa kanya ang lahat-lahat ng pagmamahal ko. Hindi pa rin ako ang pinili niya. Simula high school gusto ko na siya, pero ang gusto niya ay si Lorena. Pero hindi ako tumigil 'don dahil alam kung matutunan niya rin akong mahalin, ginawa ko ang lahat para mapasaakin siya. At ngayon na nasa akin nga siya, pero hindi naman kami naging masaya. Hindi siya naging masaya kasama ako."

"Hindi pwedeng ipilit ang pagmamahal, Mommy. Hindi ito nakukuha kapag gusto mo lang. Nasasaktan ako para sa’yo , dahil alam ko kung gaano mo kamahal si Daddy at hindi man lang niya 'yon nasuklian. Pero ‘wag po natin kalimutan na may mahal talaga siya. Inilayo natin siya at inagaw. Pinagkait po natin sa kanya ang sumaya siya, Mommy. Nagagalit po ako sa kanya, Mommy, dahil kahit papano nasasaktan ako sa nangyayari. Pero wala po tayong magagawa, Mommy, kung hindi siya naging masaya sa atin. Pabayaan na po natin siya."

Mahirap banggitin ang mga salitang lumabas sa bibig niya pero kailangan niyang maging matapang para sa nanay niya. Kailangan niyang labanan ang sakit na nararamdaman niya.

"No, no.. no. Hindi ako papayag. Papayag akong magkita sila ng kapatid ko pero gusto kong dito pa rin siya uuwi. Gusto kung ako pa rin ang asawa niya." Paulit ulit na umiling ang Mommy niya na walang tigil sa pag-iyak.

Napaluha na lang si Tasha habang ang mga mata ay nasa ina. Kaagad niyang hinawakana ang kamay nito. "Mommy, please. Ayaw kong nagkakaganito ka. Ayaw kong nasasaktan ka araw-araw. Intindihin niyo naman po ako o ang sarili niyo. Mommy, kung hindi pa natin papakawalan si Daddy ay mananatili po tayo sa ganito. Hindi po tayo magiging masaya. Alam kong alam mo na hindi po kayo naging masaya kahit na nandito si Daddy. Alam niyo po ang totoo, Mommy, kaya po tama na..." At kagat labi siyang napatingala sa Mommy niya na nahihirapan huminga dahil ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Pero mas lalo pa siyang nasasaktan dahil sa ina.

"Pano ako mabubuhay, Tasha kung...kung wala ang Daddy mo?"

"Nandito pa ako, Mommy. Magiging masaya po tayong dalawa. Ipapangako ko po sa inyo na magiging masaya tayong lahat, lalo na si Daddy. Alam ko pong mahirap pakawalan ang taong mahal natin, pero po isipin po natin na hindi po siya masaya. Kung mahal niyo po talaga si Daddy, hahayaan niyo pong maging masaya siya,” mahinahon na wika ni Tasha.

Ang mga mata ng Mommy niya na pulang-pula at puno ng luha ay mariing pumikit. Napangiti si Tasha sa pagtango nito. Napahikbi siya dahil sa sobrang saya ng nararamdaman niya kaya kaagad niya niyakap ang ina. Paulit-ulit na hinaplos niya ang buhok nito.

Sa nangyari ay masaya siya, dahil sa wakas mawawala na ang toxic na pagsasama ng magulang niya. Magiging masaya na ang Daddy niya. At gagawin niya rin ang lahat para ipakita sa ina niya kung ano ang totoong pagmamahal at kaligayahan.

"I love him..." napaluhang banggit ng Mommy niya.

“I know, Mommy, alam ko kung gaano mo siya kamahal. But we need to let him go,” pag-aalo ni Tasha sa ina.

Pagkatapos ng masinsinan nilang pag-uusap ng ina ay masaya siya sa sinabi nitong gagawin nga niya na buo na ang loob nitong pakawalan ang ama. Nakahinga naman si Tasha ng maluwag dahil doon pero dahil sa hiwalay na ang mga magulang niya, sapagkat dahil magiging masaya na sila.

Nakahiga ang Mommy niya ngayon, habang siya hinihintay na makatulog talaga ito bago siya umalis. Hindi niya matago ang luhang dumaloy sa pisngi niya dahil sa sakit na nararamdaman. Malaki pa rin ang tampo niya sa ama. Pero anong magagawa niya kung talagang mahal nito ang Tita Lorena niya? Wala.

Nang nakatulog na ang ina ay dahan-dahan siyang tumayo at lumabas sa kwarto nito na walang ingay. At saka siya pumasok sa sariling kwarto niya. Tinatawagan niya rin ang ama para sana pauwiin ito at makapag-usap silang tatlo ng maayos, lalo na ang Mommy niya. Pero hindi ito sumasagot. Napabuntong hininga na lang siya.

Alam niyang sa oras na ito ay hindi siya makakatulog. Kaya naman napagpasyahan niyang pumunta ng bar. Ang suot niya kanina galing sa trabaho ay hindi na niya pinalitan. Umalis na lang siya na hindi inayos ang sarili.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status