Share

Chapter 5

Katahimikan ang sumalubong kay Tasha pagkapasok niya ng gate. Hindi na siya nagtaka nang wala siyang makitang mga kasama nila sa bahay. Tiyak ay pinauwi na naman ng mommy niya ang mga ito o hindi kaya sa Cavity, sa kabilang bahay nila.

Nang hindi makita ang ina sa sala ay umakyat siya sa taas para hanapin ito sa kwarto, pero wala 'don ang ina. Nasa kabilang kwarto pala, kwarto ng daddy niya. Bata pa lang siya ay magkahiwalay na ang kwarto ng mga magulang niya. Ang akala niya noon ay okey lang 'yon. Na natural lang 'yon sa mag-asawa. Pero ngayon ay alam niya na ang katotohanan.

Nakahiga ang ina sa kama at nakatingin sa kisame, isang tingin pa lang alam niyang nakatulala lang ito.

Hindi siya napansin ng ina hanggang sa paglapit niya rito. Namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak at sigurado siyang wala ring tulog ang ina.

"Mommy," tawag niya. Marahan na hinawakan niya ang kamay nito para kunin ang atensiyon ng ina.

Dahan dahang napatingin ang ina sa kanya, at ang mga luha nito ay nagsimula ng tumulo. Kaagad na niyakap niya ang ina, humagulhol ito nang iyak kaya hinigpitan niya ang pagkakayakap.

"Mommy, ano pong nangyari?" Marahan na hinahaplos niya ang likod nito.

Hindi niya maiwasang mapaluha, nag-aalala na siya sa ina. Hindi niya alam kung paano ito papatahain.

"Ano pong nangyari?" tanong niya pero hindi siya nito sinagot. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Ano bang nangyayari? palaging nag-aaway ang mga magulang niya pero hindi niya pa nakita ang ina na ganito umiyak.

Natigilan siya nang dumapo ang paningin niya sa gamit ng amang nawawala. Napaawang ang labi nang napatingin siya sa mga lagayan ng damit na nakabukas, wala na doon ang mga damit ng ama.

"Mommy..-." dahan dahan siyang napatingin sa ina. "Si... si daddy po ba ay u-umalis?" Napaluha siya. Tuluyan na ngang iniwan sila ng ama.

Nag-angat nang tingin ang ina. Walang tigil pa rin ang luha nito sa pagtulo.

"Tasha... ang daddy mo, ini-wan niya na ako, iniwan niya na tayo. Hindi ko alam kung anong kulang sa'kin. Gin-awa ko naman ang lahat lahat para mahalin niya ako. Naging mabuti ako-ng asawa pero sa huli ay hindi pa rin siy-a mapapasa'kin."

Mariing napapikit siya at tuminga, sinusubukan niyang pigilan ang pag-iyak. Napakagat labi na lang siya at hindi alam kung ano ang isasagot sa ina.

Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng ama. Alam niyang matagal na nitong gustong umalis at iwan sila. Pero bakit hindi man lang nagsasabi sa kanya? bakit walang paalam sa anak niya?

Nakatulog ang ina na nakayapos sa kanya kaya dahan dahan niya itong inayos sa kama at kinumutan. Siya naman ay tumayo at lumapit sa mga gamit ng amang natira.

Marahan na pinunasan niya ang luha at nagpakawala ng buntong hininga. Sa nangyayari ay siya ang nahihirapan, nahihirapan siya kung sino ang mali at tama sa dalawa. Kung sino ang panigan niya. Kung ano ang sasabihin niya.

Natagpuan ni Tasha ang sarili na tinatawagan ang ama, habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.

Pakiramdam niya ay balak talaga ng ama na hindi siya kausapin dahil ngayong tinatawagan niya nga ay hindi ito sumasagot.

"Dad..." Kagat ang labi at pinipigilan ang panginginig 'non.

"Hi sweetie," ani nito. Ramdam niya sa boses ng ama ang pagkailang dahil sa nangyari.

Pinunasan niya ang mga luha at kinalma ang sarili.

"Kumusta po kayo?"

Rinig niya ang malalalim na buntong hiningna nito. "I-Im good... Im sorry, pero sana maunawaan mo ako."

"Dad," napalunok siya. "Kailangan pa po bang umabot sa ganito? Mahal na mahal ka po ni mommy at alam mo pong ginagawa ni mommy ang lahat para sa'yo. Hindi ko kayang nakikita si Mommy na nasa ganitong kalagayan, pwede pa po ba ng another 25 years? kahit para na lang sa'kin, please daddy."

Napahikbi siya ng wala siyang marinig na sagot ng ama. Sinubukan niya, nagmakaawa na siya sa ama pero wala pa rin. Desidido na talaga itong iwan sila.

"Im sorry, alam kong nahihirapan ka ngayon. Pero im sorry dahil hindi kona kayang maging sunod sunuran sa mga gusto ng ibang tao. Dahil sa pagiging duwag ko ay umabot sa ganito ang lahat. Ang dami kong nasaktan na tao, lalong lalo na ang sarili ko. Gusto kong gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa'kin, kahit isang beses lang. Gusto kong maging malaya, s-sana maunawaan mo anak."

"Ibig niyo pong sabihin ay kasama niyo si Tita Lorena?"

"Yes," sagot nito.

Hindi na nakapag-asawa si Tita Lorena pagkatapos silang maghiwalay ni daddy. Sapilitan na pinaghiwalay ang dalawa at si daddy ay pinakasal kay mommy. Simula 'non ay umalis si Tita Lorena dahil sa galit kay Lolo at mommy. Hanggang ngayon ay galit pa rin ito.

Nag-uulap ang paningin niya habang nakatingin sa cellphone. Kakatapos lang ng tawag at wala pa ring tigil ang luha niya sa pagtulo. Masakit man sa kanya na umalis ito, pero kailangan niya ring intindihan ang ama.

___________

Kinaumagahan halos hindi niya maidilat ang mga mata sa sobrang pamamaga. Kaagad na pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi. Lalo na ang pag-iwan ng ama sa kanila.

Ngayong wala na ang ama, alam niyang nahihirapan ang mommy niya pero sana matanggap rin nito. Hindi 'yon madali pero nangangako siyang nasa tabi lang siya ng ina. Kailangan niyang tatagan ang sarili, hindi pwedeng mahina rin siya, siya lang ang magpapalakas ng loob nito.

Tumayo na siya at naglinis ng katawan bago lumabas ng kwarto at pumunta ng kitchen para magluto ng umagahan nila. Pinilit niya ang sariling ngumiti at ipakita sa ina.

Kumatok mona siya nang hindi ito sumagot ay binuksan niya na at pumasok sa loob. Lumapit siya pero ang hakbang niya ay natigil nang makita ang itsura ng ina.

"M-mommy," tawag niya. Ang lakas ng kabog ng puso niya sa sobrang takot.

"Mom?" Nanginginig man ang katawan ay nilapitan niya ang ina at pilit na ginigising ito.

Nakatirik ang mga mata ng ina at nanginginig. Habol nito ang sariling hininga. "Ano pong nangyari? w-wag niyo naman akong takutin ng ganito." Tarantang hinagilap niya ang pulsuhan ng ina habang nanginginig pa ang mga kamay. Nagsimula na namang tumulo ang luha niya dahil sa takot at kaba na nararamdaman.

Hindi na niya na namalayan ang mga sumunod na nangyari, ngayon ay nasa hospital na siya at hinihintay na lang ang result sa mommy niya. Bumalik balik na rin ang katinuan niya. Hindi niya alam kung paano siya nakatawag at nakarating dito sa hospital, ang mahalaga ay ligtas na ang mommy niya. 'Yon lang ang nasa isip niya ngayon.

Lumabas na depression ang ina ayon sa doktor. kailangan nitong manatili sa hospital ng ilang araw bago sila payagan na makauwi. Habang pinapakinggan ang doktor ay patingin tingin lang siya sa ina na ngayon ay nakatulala na naman.

Nang matapos silang mag-usap ng doktor ay lumabas siya ng kwarto ng ina at sa labas ay 'don umiyak nang umiyak.

"S-Sandro?" Hindi makaniwalang bulalas niya nang may humawak sa balikat niya at ang lalaki ang nakita pag-angat niya nang tingin.

"Tinawagan mo ako kanina," ani nito. Lumalabas na ito pala ang tumulong sa kanya. "Dont worry, kakayanin mo 'to." Malapad na ngumiti ito na kinagaan ng pakiramdam niya.

Kaagad na yumakap siya dito at sa balikat nito umiyak nang umiyak. Naramdaman niya naman ang kamay ng lalaki na humahaplos sa likod niya. sa nangyari ay naramdaman ni Tasha na may kasama pa siya, may tao pa siyang makakapitan at mahahawakan sa tuwing nahihirapan na siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status