"I can't marry her, mama!" sigaw ni Miguel sa kaniyang ina.
"At kailan ka pa natutong suwayin ang utos ko sa'yo?" matigas na sambit ni Doña Natividad. Nagpapaypay ito sa sarili habang hindi mapirme sa kinatatayuan. Tahimik lamang si Don Brando habang nakatanaw sa dalawa.
"I told you, mama. Hindi ko mahal ang babaeng 'yon!"
"Pwes sino ang gusto mo? Ha? Don't tell me na 'yong muchachang kasambahay natin ang mahal mo? Siguro'y hindi ko alam? Nakikita ko kayong naghaharutan sa koridor! Sa rancho at sa sampayan, what the hell, Miguel, akala ko ba'y matalino ka?" gigil na sambit ng ginang habang tinalima ang asawa nito.
"Kausapin mo ang anak mo!" ani nito saka nagmartsa papalayo. Matapos kasi ng hapunan, ay hindi na umimik si Miguel, napahiya ang ina nito nang sabihin ng pamilya ng babae na kailan ang kasal, hindi sumagot si Miguel bagkus ay umalis ito sa hapag at nagkulong sa kwarto.
Nang maiwan sila sa kwarto ay marahang nilapitan ni Don Brando ang anak. Nakatiim-bagang lang ito habang kuyom ang sariling kamao. Nakatanaw ito sa labas ng malaking bintana ngunit alam ng ama nito na wala roon ang isip nito.
"Anak."
"Kung gusto n'yo rin po akong pilitin, pa. Mabuti pa'y..."
"Hindi kita pipilitin."
Tumigil si Miguel at bahagyang kumalma. Sa sinabi ng ama niya'y ramdam niyang taliwas sa kaniyang ina, mas nakakaintindi ito sa sitwasyon niya.
"I don't love him, pa."
"I know."
"But why mom, didn't get it? Bakit ba ayaw niyang makinig sa akin."
"I know that feeling, anak. Ganiyan din ako noon, and if I can go back to correct my choice, I will gladly choose to be happy with the woman I desire."
Natigilan si Miguel at nilingon ang ama.
"Ano po ang ibig n'yong sabihin?"
"Gusto mo bang marinig ang kwento ko?"
Tumango lang si Miguel at tumabi sa inuupuan ang ama.
"It starts with one dance, a dance to someone I met in barrio fiesta, si Cresilda..."
Naging maganda ang buhay ni Sophia sa States, nagkaroon siya ng pagkakataon para makapag-aral ng iba't-ibang kurso at isa na roon ang business management, kung saan mas hinasa siya sa paghawak ng negosyo.
Three years run so fast, and now, napalaki ni Sophia ang kaniyang anak na si Victoria, mahal na mahal niya ito pati na rin ng kaniyang daddy Llermo. Bagama't abala ito sa kaniyang business trip, ay hindi rin niya ito madalas nakakasama. Hindi pa rin malinaw sa kaniya ang lahat. Wala itong maipakilala na ina niya. Ang sabi lang nito, namatay umano ito nang maipanganak siya noon.
People in their community are not so open whenever he asked, maging ang nga kasambahay nila ay hindi niya makausap nang maayos. Umiiwas ang mga ito, at parating nagtatapos sa isang conclusion, she must ask her father, iyon lang ang sambit ng mga ito.
But, aside of that, hindi nagkulang ang ama niya na punan ang pangangailangan nila. Lahat ay binibigay nito sa kaniya, sa kanila ng anak niya.
And, in that particular summer, umuwi ito galing Thailand, kaya nagkaroon sila ng oras para magsaya. Yakap-yakap ni Don Llermo ang apong si Victoria sa mga oras na iyon. Kakaahon lamang nito mula sa pool. Habang siya nama'y nasa plastic chaise at abala sa binabasang libro. Nakangiti lang siya habang tanaw ang anak at ang matanda.
"Papalo!" malambing na sambit ng batang bungisngis.
"Oh, baby, lolo will be wet. Why you just dress your coat first, hmm..."
"Uh oh. I want to hug you first, lolo. You're so warm." Sabi pa ng bulinggit na todo yakap sa matanda.
"Hey, come here. I'll dress you up!" Tawag pa ng ina nitong si Sophia.
Bumusangot si Victoria at inirapan lamang siya.
"No, I want to hug papalo first..."
"Vicky...i'll count to three." Galit-galitan na sambit ni Sophia.
"Teka. Ako na lang, hija. Akin na ang mga damit niya." Masayang sambit ng matanda.
"Papa naman eh, kaya namimihasa ang batang 'yan," ani nito habang nakasimangot. It's their scenario sa bahay nila kung patungkol kay Victoria ang pag-uusapan.
Spoiled kasi ito sa matanda na siyang ikinagagalit ni Sophia. Ayaw kasi niyang mamihasa ang bata lalo pa't bata pa ito. Gusto niyang lumaki ito ng simple at hindi marangya na nakasanayan niya ngayon.
Agad na inilahad ni Sophia ang damit ng anak sa ama at noo'y bantulutot lamang siyang nakatanaw sa mga ito na abalang binibihisan ang paslit.
"Done done done..." Pakantang sambit ng matanda sa apo.
"Pa..." Singit ni Sophia.
Agad na nilingon siya ng kaniyang ama at noo'y ipwenesto ang nagtatakang mukha.
"Baby, can you please go to yaya Lorna, me and papalo will talk some important matter, okey?" Mahinahon niyang pakiusap sa anak.
"Okey." Maarteng sambit ni Victoria bago pa humalik sa kanilang dalawa at noo'y umalis na.
Nang mawala na sa paningin nila ang bata'y agad na sumeryoso si Sophia sa harapan ng kaniyang ama.
"Papa, matagal ko nang tinatanong 'to. Nasaan ba kasi ang pamilya natin? Bakit ayaw mong umuwi o magbakasyon tayo sa pinas? Gusto kong makilala ni Victoria ang mga pinsan at mga Tito at Tita niya." Sambit ni Sophia na walang kamuwang-muwang sa totoong ginawa ng matanda.
"I told you, hija, wala sa magandang relasyon ang mga pamilya natin. Magulo sa Pinas at ayokong madamay kayo ng apo ko." Pagsisinungaling ni Don Llermo sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lamang si Sophie at nagkibit-balikat. "Pa, umamin ka. Ikinakahiya mo ba ako? Ikinakahiya mo ba kami ng apo mo? Dahil ba nabuntis ako nang maaga?" Sambit ni Sophia na rason upang hawakan siya sa mga palad ni Don Llermo.
Ipinaupo siya ng matanda harapan nito at masinsinang kinausap. "Hija. Hindi sa gan'on. Hindi ko kayo ikinakahiya. Bakit ko kayo ikakahiya 'eh kayo na lamang ang pamilyang mayroon ako." Sambit pa ng matanda na ikinangiti lang ni Sophia.
"I love you dad," ani nito habang marahang h******n sa noo ang matanda.
"I love you too,anak." Sambit pa ng matanda na nakangiti lamang sa kaniya. Mabuting ama sa kaniya si Don Llermo. Dahil sa mga koneksyon ng papa niya'y nakapagtapos siya ng accelerated courses. At hindi pa roon nagtatapos ang kursong mayroon siya. Ngayon kasi'y nag-aaral din siya ng business, dahil sabi pa ng papa niya, darating umano ang panahon na siya na ang mamamahala sa negosyo nila. Kaya gan'on na rin ang pagpupursige ni Sophia na makamit iyon.
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki
Malalim na ang gabi. Sa pribadong opisina ni Don Valles, ang tanging ilaw ay mula sa desk lamp na nagbubuga ng malamlam na liwanag. Tahimik niyang iniikot ang alak sa kanyang baso habang nakatingin sa isang lumang larawan sa kanyang mesa—larawan ni Celeste. Ang babaeng matagal na niyang inilibing sa nakaraan.Biglang tumunog ang telepono. Agad niya itong sinagot, at sa kabilang linya, narinig niya ang kabadong tinig ni Miguel."Ano'ng nangyari, Miguel?" Tanong pa ng ginoo kay Miguel."Don Valles... Celeste is alive. Nakita ko siya kagabi."Biglang nanigas ang katawan ni Don Valles. Ang malamig niyang ekspresyon ay hindi natinag, ngunit sa loob-loob niya, unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga."Huwag kang magbiro, Miguel." Halata sa boses ng ginoo ang pag-aalala na may halong kaba."Hindi ito biro, Don. Dumating siya sa akin kagabi. Hinarap niya ako. At—"Saglit na natigilan si Miguel, tila bumibigat ang sasabihin niya. Nakatingin siya ngayon sa kanyang kamay, na kaninang umaga la
Miguel sat at his desk, papers scattered before him, his mind preoccupied with the constant flow of responsibilities. The day had been long, and the pressure of the business weighed heavily on his shoulders. As he ran a hand through his hair, trying to focus on the numbers before him, a soft click of the door handle broke his concentration. He glanced up, expecting to see one of his staff members or perhaps a colleague, but instead, his eyes locked onto something—or rather, someone—who completely stole his breath away.Celeste.She stood at the door, framed by the light coming through the office windows. She wore a stunning dress that clung to her figure in all the right places, a deep red that shimmered in the light, highlighting her curves with an almost sinful elegance. Her hair, once a mess of disarray, now fell in perfect waves down her back, her face enhanced with makeup that made her features look even more striking. The woman who stood before him now was not the same woman he
Sa ilalim ng maliwanag na buwan, tahimik na naupo si Sister Wendilyn sa isang lumang bangko sa gitna ng hardin. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang pisngi, at ang samyo ng mga bulaklak ay tila nagbibigay ng aliw sa kanyang naguguluhang isipan. Matagal na siyang nakatitig sa mga bituin, nag-iisip kung kailan niya muling maalala ang nakaraan niyang nawala."Uy, andito ka pala!" masiglang bati ni Sister Sheila habang palapit kasama si Sister Grace."Ang lamig dito, baka ginawin ka," dagdag ni Sister Grace, sabay lapit at naupo sa tabi niya. "Pero ang ganda ng gabi, ‘di ba?"Tahimik na tumango si Wendilyn. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bigat sa kanyang dibdib. Simula nang dumating siya sa pasilidad, lagi niyang nararamdaman ang puwang sa kanyang alaala—parang may kulang, pero hindi niya matukoy kung ano."Alam mo ba, Wendilyn," panimula ni Sister Sheila, "dati kaming mag-bestfriend ni Sister Grace. As in, hindi kami mapaghiwalay!""Hanggang ngayon naman, h
Ilang oras lamang ay narating na ni Wendilyn ang probinsya ng Davao. Habang bumababa sa eroplano ay tanaw niya ang mga nakakumpol na madre na hawak ang isang karatula. "Wendilyn", iyon ang nakasulat sa bagay na iyon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nahirapan na hanapin ang driver na susundo sa kaniya.Dahan-dahan siyang nagtungo rito. Nakangiti siya habang dala ang mga bagahe."Sister Wendilyn, masaya ako at nakarating ka na..." bati ng isang masayahin na ginoo, hindi niya ito kilala, at mas lalong wala siyang ideya kung kilala ba siya nito."Hello." Bati niya sa mahiyaing boses.Hindi nagtagal ay kinuha nito ang mga dala niyang bag at tinungo na nila ang sasakyan, tahimik lang siya sa oras na iyon dahil wala siyang ideya sa gagawin niya doon. Tahimik lang din ang lalaking kasama niya, hindi nga niya alam ang pangalan nito."Uhm, a-ano po pala ang pangalan ninyo?" Tanong niya rito."Ay, nakalimutan ko palang magpakilala, ako pala si Jose. Ako ang driver ng mga madre dito sa Davao.