Naiyak siya sa sandaling iyon. Niyakap niya ang sariling bagahe at naisipan ang isang desisyon. She must run away. Dapat siyang umalis sa lalong madaling panahon. She has nothing left, wala na ang pamilyang itinakwil siya, wala na rin siyang pag-asa para kay Miguel, wala na rin ang pangarap niyang maiahon ang sarili sa putikang kinasasadlakan niya. Nawalan na siya ng rason para lumaban. Siguro'y panahon na para lumayo sa Delgado, bagama't malaki ang otang na loob niya kay Don Brando, siguro'y mas mainam na rin na mawala siya roon para mas maging madali kay Miguel ang pagtanggap sa babaeng nararapat dito.
"Mahirap pero kailan," mahinang anas niya habang yumuko at pinahiran ang luha gamit ang manggas ng suot niyang damit. Marahan pa niyang sinapo ang sariling tiyan at muling tumayo. Sa sandaling iyon, she left with no choice but to let go.
Hindi siya nabibilang sa lugar na iyon. Kailangan na niyang hanapin ang tunay niyang ama.
Dala ang kaniyang bagahe ay napagpasyahan ni Celeste na umalis sa oras na iyon. Tuliro ang isipan niya sa pangyayari. Lalo pa't nagdaramdam din siya sa hindi maipaliwanag na damdamin niya para kay Miguel.
Matalik silang magkaibigan, pero doon lamang ang pwedeng estado ng kanilang pagkokoneksyon. Hindi niya maaring mahalin ang isang nakatataas na Delgado. Wala siya sa kalingkingan ng mga ito.
Bantulutot siyang nagmasid sa bukana ng malapad na gate at doo'y nag-abang ng masasakyan. Medyo may kadiliman ang bahaging iyon kaya hindi niya napansin ang isang tao na kanina pa pala siya tinitingnan.
"Celeste!" Sabay tapik sa kaniyang likuran. Halos mailaglag ni Celeste ang kaniyang dalang bagahe dahil sa pagkakabigla.
Nilingon niya ang kung sinumang tao sa kaniyang likuran at doo'y napagtanto niyang si Inday iyon. Ang kaibigan niyang katulong sa kapitbahay nilang sina Don Valles.
"Diyos ko! Ano ka ba Inday, aatakihin ako sa puso sa ginawa mo eh!" Sambit niya na hawak-hawak pa ang kaniyang dibdib.
"Oh? Saan ang lakad mo at bakit ang laki ng dala mong bagahe?" tanong pa nito sa kaniya.
"Ah eh ano...uuwi ako sa amin."
"Uuwi? 'Di ba wala kanang uuwian? Siguro magtatanan ka ano?" Nakangising sambit pa nito sabay tusok-tusok sa kaniyang tagiliran.
"Hindi! Ano ka ba...ang totoo nga'y gusto ko nang lumayas sa poder ng mga Delgado. Gusto ko nang makalayo rito," impit na paglalahad niya sa kaibigan.
"Bakit? Pinapahirapan ka pa rin ba nila Marcus?" tanong ni Inday, habang nakapamaywang.
Marahan siyang tumango rito.
"Gusto mo tulungan kita? Kung gusto mo..." Sabi pa ni Inday na naka-kibit balikat lang sa kaniyang harapan.
"Ano? Kahit ano...gagawin ko, Inday. Makalayo lang dito at makapagtapos lang ako sa kolehiyo," sabi pa ni Celeste na animo'y wala nang matatakbuhan.
"Hmm...sa tiya ko. May-ari siya ng bar sa Manila. Kung gusto mong mamasukan doon bilang hostess. Ibibigay ko ang address nila. Matutulungan ka niya sa pag-aaral doon. Easy money lang din," sabi pa nito sa mababang boses.
"Ha? Eh bakit nandito ka sa pamilyang Valles, kung pwede ka palang tulungan ng tiya mo?" pabalik na tanong ni Celeste kay Inday.
Agad na sumimangot si Inday at nagsalita. "Ayoko doon. Ayokong mag-aral. Nakakatamad din sa bar. Nakakasawa. Sa totoo nga lang, doon din ako galing, eh." Sabi pa nito na parang proud pa sa pinag-sasasabi niya.
"Isa kang hostess?" pagtatanong pa ni Celeste.
"Ke hostess, gro, p****k, bayaran...basta 'yon ang trabaho ko." Ngumiti ito habang may kung anong bagay itong kinuha sa kaniyang bulsa.
"Oh heto, kung sigurado ka talagang umalis ngayong gabi. Pumunta ka riyan. Teka nga, may pamasahe ka ba?"
"Ah eh. Sengkwenta pesos lang ang dala ko eh."
"Diyos ko maryosep! Maglalayas ka tapos wala ka palang pera?" Pagmamaktol pa ni Inday saka pa ulit dumukot sa kaniyang bulsa.
"Oh heto, pamasahe mo. Otang mo 'yan ah. Saka na kita singilin 'pag marami ka ng datung doon." Nakangiting sambit nito sabay tapik sa balikat niya.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam na rin si Inday at umalis na sa kaniyang harapan. Tanaw pa ni Celeste ang kaibigan habang pakendeng-kendeng na naglakad patungo sa malaking tarangkahan ng mansion el Valles.
Nang mapagtanto ni Celeste ang gagawin ay doon lang din niya nasink-in sa utak niya na magiging p****k siya kung sakaling tutuloy siya sa binabalak niyang pagpunta doon sa kamaynilaan.
Tulirong ibinuka ni Celeste ang kaniyang palad kung saan inilagay ni Inday ang perang dalawanglibo.
Napabuntong-hininga na lamang siya sa iniisip. Gayundin, agad niyang tinahak ang daan at pumunta sa kalapit na sakayan ng bus. Naglakad lamang siya sa pag-asang makatipid siya ng perang kailangan sa biyahe. Malayo-layo rin ang Batangas kaya kailangan niya ng sapat na pera kung tutuusin.
Sa pagkakasakay niya sa bus ay agad niyang naisandal ang sarili at doo'y tinanaw niya ang bintana sa kaniyang kaliwa.
Umaambon at tila nagbabadya ang malakas na ulan dahil sa malamig na hanging humahampas sa mukha niya. Alam niyang sa pagkakataong iyon, lilisanin na niya ang lugar na kinagisnan niya.
Ang mga taong naging parte ng pagiging Celeste niya. Ang pamilyang kumupkop sa kaniya at ang nag-iisang lalaking minahal niya ng palihim. Si Miguel. Isang Delgado na kailanma'y hindi pwede sa gaya niyang hampaslupa lamang.
Namumutawi niya ang kalangitan bagama't madilim, ramdam niyang sumisikip ang dibdib niya dahil sa nangyari. Noo'y napa-ingos na lamang siya dahil sa luhang pumapatak na pala sa kaniyang pisngi.
"Kailangan ko 'to. Kailangan kong maiahon ang sarili ko.." Ani niya sabay punas sa kaniyang pisngi.
At sa ilang minuto pa ay umandar na ang sinasakyan niyang bus. Hilam ang mga luhang ipwenesto niya ang paningin sa sentro ng daan at napagpasyahang maidlip na lamang sa sama ng kaniyang kalooban.
Ngunit wala pang medya oras ay nakaramdam siya ng kung ano kaya nagising siya. Marahan niyang pinunasan ang kaniyang mga mata saka tiningnan ang daan. Binabagtas ng sinasakyang bus ni Celeste ang daan ng mapansin niyang gumegewang-gewang ito.
"Mama? Okey lang ho ba? Bakit po umuuga ang bus?" Sabi ng isang ale na nagtanong sa kanan ni Celeste.
"Ay okey lang naman hija. Masyado lamang madulas ang daan dahil sa ulan." Anang tsuper na may katandaan na rin ang gulang.
"Naku, baka mapano po tayo." Sumunod naman ang isang dalagita sa unahan ni Celeste.
"Para ho. Bababa na lang ako..." sambit ni Celeste na parang kinakabahan sa puntong iyon.
"Naku hija, malakas ang ulan sa labas, at medyo may kalayuan pa ang Maynila..." anang driver.
"Sige lang ho. Dito na lang ako. Bababa na po ako," sabi pa ni Celeste na may masamang kutob sa puntong iyon.
"Oh sya. Ikaw ang bahala." Pinal na sambit ng mamang driver, saka inapakan ang break.
Pagkatapos ng ilang sandali'y agad na pinarada ng tsuper ang bus at pinababa si Celeste. Hindi alintana ni Celeste ang may kalakasang ulan.
Yakap-yakap niya ang kaniyang bag habang binabagtas ang highway at nagpalinga-linga sa kung saan upang sumilong.
Pero tanging mga puno lamang ang nandoon at malayong taniman ng kung anong mga sakahan.
Nagpatuloy si Celeste sa paglalakad at doo'y naramdaman niyang hindi pa pala siya nakakapaghapunan. Kumakalam na ang kaniyang tiyan pero wala siyang dalang makain, ni biscuit man lang.
Tanaw lamang niya ang daan at ang mangilan-ngilan na dumadaang sasakyan.
Ang madilim na daan kung saan naghaluhalo ang emosyon niya at ang pagkakalito.Sa puntong iyon ay alam niyang gahibla na lamang na gaya ng sinulid ang kaniyang pag-asa na maiahon pa niya ang sarili sa putikan. Alam niyang sa puntong iyon, talo na siya. Tama nga ang sinasabi ng karamihan sa kaniya.
Wala siyang pag-asa.
Mainit ang araw nang muling tumapak si Celeste sa loob ng Delgado Mansion. Ngunit sa halip na kaba, ay katahimikan ang kanyang nararamdaman. Wala nang takot sa kanyang dibdib. Sa halip, puno ito ng tapang at kapanatagan — dalawang bagay na matagal niyang hinanap.Pagpasok pa lamang niya sa bulwagan ay sinalubong siya ng ilang tauhan ng pamilya, lahat may halo ng gulat at tuwa sa mukha.“Si… si Ma’am Celeste ba ‘yan?” tanong ng isa, takip ang bibig.Ngumiti lang si Celeste at tumango. “Oo, buhay ako.”Tumulo ang luha ng ilan. Isa-isa siyang niyakap, at sa bawat yakap, tila isa-isa ring nawawala ang multo ng kanyang pagkawala. Sa sulok ng hagdan, naroon si Don Valles, nakasuot ng puting barong at hawak ang kanyang baston. May luha sa gilid ng kanyang mata habang pinagmamasdan ang babae na minsang akala niyang nawala na sa kanila.“Anak,” mahina niyang sabi, at sa isang iglap, lumapit si Celeste at niyakap siyang mahigpit.“Papa… andito na ako.”At sa yakap na iyon, tuluyan nang nawala a
Maagang nagising si Celeste sa araw na 'yon, iyon ang alis niya papuntang Manila. Kinuha niya ang kaniyang maleta na noo'y ready na para umalis. Inayos niya ang kaniyang hand-carry bag at tiningnan ang kaniyang phone. Alas kwatro pa ng madaling araw pero gusto na niyang umalis dahil sa excitement.Nang matapos ang iilang gamit na isinilid niya sa maleta ay agad siyang naligo at nag-ayos. Isinuot niya ang kaniyang pulang bestida na bulaklakin at nagsuot ng brown flat sandals.Pinatungan naman niya ng maong na jacket ang dress saka nilagay ang kaniyang sling bag na kulay puti. Ready na siya para umalis sa sandaling iyon nang kumatok sa pintuan niya si Mother Superior."Yes po?""Hija, may naghahanap sa'yo. Madali ka.""S-sino po?" sabi pa nito sabay bukas ng pinto. Sa sandaling iyon ay napaawang ang labi niya sa sobrang gulat, pero magkahalo naman ang saya sa puso niya nang malamang si Don Valles iyon at ang babaeng kaparehong-kapareho ng mukha niya. It was Wendilyn, her twin sister."C
Tahimik ang paligid ng kumbento sa Davao habang ang maliliit na ibon ay mahinhing dumadapo sa mga sanga ng punong narra sa gilid ng hardin. Sa loob ng isang maliit ngunit maayos na silid sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Celeste sa harap ng lumang telebisyon ng kumbento.“Breaking news: Inaresto si Miguel Delgado, isang CEO ng Delgado Corporates, dahil sa tangkang pagpatay sa babaeng kinilala ng ilang saksi bilang si Celeste Delgado, ang kanyang fiancee. Ngunit lumalabas na hindi pala si Celeste ang biktima kundi ang kakambal nito, na kamakailan lamang ay natuklasan ng pamilya.”Bumagsak ang hawak na baso ni Celeste. Nabigla siya. Natahimik.“Miguel… si Miguel… inaresto?”Nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala na matagal na niyang hindi maaninag. Parang mga putol-putol na eksena sa panaginip na dahan-dahang pinipiraso ng liwanag.— “Wendilyn, tumakbo ka!”— “Celeste! Hawakan mo ang kamay ko!”— “Hindi ka makakaalis ng buhay
Bawat hakbang ni Don Valles ay mabigat. Mula pa lamang sa pag-alis niya sa kanyang opisina ay hindi na siya mapakali. May bumabagabag sa kanyang puso, isang pakiramdam na tila may malaking panganib na nagkukubli sa paligid ng mga Delgado. Ang kutob na iyon ay hindi niya kayang balewalain. Sa dami ng taon na inilaan niya sa pagiging tagapayo ng pamilya, alam na alam niya kung kailan mayroong hindi tama.Pagdating niya sa malawak na tarangkahan ng mansyon, sinalubong siya ng nakakakilabot na katahimikan. Wala ni isang guwardyang nakaabang. Wala ring ilaw sa mga bintana—tahimik ang buong kabahayan, parang isang libingan.“Hindi ito normal…” bulong niya sa sarili habang binilisan ang lakad papasok ng mansion.Pagpasok niya sa loob ay halos lumipad ang pintuan sa lakas ng pagkakatulak niya. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin at ang kakaibang aura ng panganib.Mula sa ikalawang palapag ay nakarinig siya ng sigaw. Mahinang tinig ng babae.“Bitiwan mo ako! Miguel, nasasaktan ako!”Duma
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki