Gayundin ang pagkakabigla ni Llermo sa mga oras na iyon dahil may naalala siyang gunita ng kaniyang kahapon kung saan sangkot ang apilyidong mayroon si Celeste.
"Arevalo," sambit pa ni Llermo sa mababang boses. Sa puntong iyon ay naalala niya ang nagdaang kahapon nila ng kaniyang mga kaibigan.
***
(Many years ago)
"Buntis ako." Iyon lamang ang sambit ni Criselda kay Llermo.
"Ha? Sinong ama?" Garalgal na sambit ni Llermo sa kaibigang si Criselda.
"Hindi ko alam..."
"Anong hindi mo alam?"
"H-hindi ko alam." Paulit-ulit na sambit ni Criselda kay Llermo.
"Ako ba ang ama n'yan?" Pagtatanong pa ni Llermo sa dalaga.
"Hindi ko tiyak, Llermo. Marami kayo..."
"Ha? Akala ko ba'y ako at si Luciano lang ang nakagalaw sa'yo?"
Umiling lamang ang dalaga at noo'y nagsimula nang umiyak. Halatang tuliro ito.
"N-nagalaw ako ni Brando..." sambit pa ni Criselda na ang tinutukoy ay ang kaibigan nilang si Brando Delgado. Tatlo silang magkakaibigan, si Brando Delgado, si Luciano Arevalo at siya na isang Valles.
"Pero...alam mo namang hindi ako pwedeng magkaroon ng anak sa ngayon, 'di ba? Malalagot ako kay papa! Baka hindi niya ibigay sa akin ang mana ko." Sabi pa ni Llermo na aligagang napasindi sa kaniyang sigarilyo.
"Ganiyan rin ang sabi sa akin ni Brando, hindi rin siya ang pwedeng umako sa batang ito. Ikakasal na siya sa napili ng kaniyang mama't papa. Hindi pwedeng makahadlang sa kaniya ang batang ito."
"Kung gayon...si Luciano na lang ang pag-asa mo. Nasaan ba siya ngayon? Alam na ba niya?"
Marahang umiling si Criselda at napayuko.
"Alam mo namang ikakasal na siya sa nobya niya, 'di ba? Itatakwil din niya ang batang 'to." Ani nito sabay hikbi at impit sa pag-iyak.
Isang mananayaw sa bar si Criselda. Kaibigan nila ito, ngunit dahil sa hirap ng buhay, mas pinili nitong huminto sa pag-aaral at maging Magdalena sa mga parokyanong pwede niyang mahingan ng tulong, ito lang kasi ang inaasahan ng kaniyang itay at inay na noo'y naghihingalo sa hospital dahil matatanda na ang mga ito. She choose that life and that's the worst thing she regret until now.
Bilang manliligaw ng dalaga, bumigay na rin si Cresilda sa kaniya, ngunit inamin nitong mahal nito si Brando Delgado, ngunit hindi siya tanggap ng pamilya nito, mas lalong ginamit lang din siya ni Luciano Arevalo nang gamitin siya nito noong naghiwalay nang panandalian sila ng kaniyang nobya, naging pampalipas-oras siya nito.
Kaya malaki ang tyansa na si Luciano ang ama ng batang iyon. At kahit pa alam nilang mali iyon, ay napagpasyahan nilang ipaako lahat kay Luciano ang batang dinadala ni Criselda. Napilitang pakasalan ni Luciano si Criselda kahit pa hindi naman niya ito mahal, dahil na rin sa pangako nila Brando na hindi nila ito pababayaan.
But Luciano did nothing the rest of his career, his life and his money, naging reliable ito sakanilang dalawa, to the point na nagwawaldas na ito ng pera sa sugal dahil umaasa sa kanila. Nalulong ito sa droga, kaya nang minsang magkahulihan, ay nasangkot ito.
At hanggang ngayon, nandoon pa rin ito sa kulungan, habang si Criselda naman ay nabalitaan nilang nandoon sa isang mental hospital.
Sa puntong iyon ay gayundin ang pagkakalamat ng kanilang pagkakaibigan, at sa mahabang panahong nagdaan. Hindi na sila nagkrus ng landas.
***
Napabuntong-hininga si Llermo sa oras na iyon at napatingin sa maamong mukha ng dalagang si Celeste. Mapait na napangiti si Llermo sa oras na iyon dahil kamukhang-kamukha ito ni Criselda.
Hindi man siya sigurado pero parang may lukso ng dugo siyang naramdaman ng magkadaupang-palad sila kanina.
Ang unang yakap niya sa anak ni Cresilda.
He is thinking on his deepest thought nang biglang magbukas ang pintuan. "Don Llermo." Sambit ng doktor ni Celeste.
"Yes doc? Anong problema?" Sambit pa ni Llermo sa doktor. Tumikhim muna ang doktor bago magsalita.
"We discovered that she is three weeks pregnant..."
Sa salitang iyon ay napaawang na lamang si Llermo sa narinig. Hindi niya akalaing buntis pala ang sinagip niyang dalaga. Paano niya ipapaliwanag dito ang kalagayang iyon, lalo pa't hindi nito matandaan ang mga pangyayari.
How the hell he'd stay calm in this situation?
"Papaano nangyari? Totoo ba 'yan, doc?" Pagtataka niya habang nakatanaw lamang sa pirasong papel na iyon. Tumango lamang ang doktor habang isinaayos ang kaniyang salamin.
"We checked her vitals and also her blood, doon namin nadiskobrehang buntis siya." Walang gatol na sambit ng doktor. Sa pagkakasabing 'yon ay napaupo na lamang si Don Llermo at matamang nag-isip nang malalim.
"Anong gagawin namin?" anang doktor. Pumangalumbaba muna si Llermo at pinagitnaan ng katahimikan ang paligid.
"Let the child live..." sabi pa niya sa mababang boses.
"Sige po." Pagkatapos n'on ay umalis na ang doktor at naiwang tuliro si Llermo. Tanaw pa niya ang mahimbing pa rin na pigura ni Celeste habang natutulog.
"Sino ka ba?" Anas niya sa mababang boses, unti-unti siyang lumapit dito at malapitang tinitigan ito sa mukha. Hindi niya mawari bakit nagagalak siyang makita ang kabuuan ng mukha nito. Hindi pa siya nakuntento at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga. Hindi man aminin, sa pagkakataong iyon kasi naaalala niya ang kaniyang kabataan.
Ang panahon kung saan, nabilanggo ang kaniyang pagkatao sa nakaraan. Those days, na umiikot lamang ang mundo niya sa isang babae.
"I will change your life..." Anas niya habang nakatanaw pa rin sa magandang mukha ni Celeste. He is sure about that. Gusto niyang bigyan ito ng panibagong pag-asa, ng panibagong buhay, ng panibagong pagkakakilanlan. Alam niyang kapag nagbitaw ng salita ang isang Valles, matutupad ito sa anumang paraan. Pagkasabi niya'y marahan niyang dinampian sa noo ang dalaga at noo'y dahan-dahang tinungo ang daan palabas.
Alam niyang sa ganoong paraan, may makakasama na siya habang tinatahak niya ang katandaan. He will claim her as his child, his daughter.
Si Celeste ang susi ng kaniyang pagbabago. At magaganap lang iyon, kapag tuluyan nang nagising ito at maging okey na ang kalagayan ng dalaga. Hindi siya sigurado sa kahihinatnan ng kaniyang desisyon ngayon pero alam niyang sa sandaling ito, mayroon siyang natulungan na isang buhay. Isang buhay na kaniyang babaguhin.
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki
Malalim na ang gabi. Sa pribadong opisina ni Don Valles, ang tanging ilaw ay mula sa desk lamp na nagbubuga ng malamlam na liwanag. Tahimik niyang iniikot ang alak sa kanyang baso habang nakatingin sa isang lumang larawan sa kanyang mesa—larawan ni Celeste. Ang babaeng matagal na niyang inilibing sa nakaraan.Biglang tumunog ang telepono. Agad niya itong sinagot, at sa kabilang linya, narinig niya ang kabadong tinig ni Miguel."Ano'ng nangyari, Miguel?" Tanong pa ng ginoo kay Miguel."Don Valles... Celeste is alive. Nakita ko siya kagabi."Biglang nanigas ang katawan ni Don Valles. Ang malamig niyang ekspresyon ay hindi natinag, ngunit sa loob-loob niya, unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga."Huwag kang magbiro, Miguel." Halata sa boses ng ginoo ang pag-aalala na may halong kaba."Hindi ito biro, Don. Dumating siya sa akin kagabi. Hinarap niya ako. At—"Saglit na natigilan si Miguel, tila bumibigat ang sasabihin niya. Nakatingin siya ngayon sa kanyang kamay, na kaninang umaga la
Miguel sat at his desk, papers scattered before him, his mind preoccupied with the constant flow of responsibilities. The day had been long, and the pressure of the business weighed heavily on his shoulders. As he ran a hand through his hair, trying to focus on the numbers before him, a soft click of the door handle broke his concentration. He glanced up, expecting to see one of his staff members or perhaps a colleague, but instead, his eyes locked onto something—or rather, someone—who completely stole his breath away.Celeste.She stood at the door, framed by the light coming through the office windows. She wore a stunning dress that clung to her figure in all the right places, a deep red that shimmered in the light, highlighting her curves with an almost sinful elegance. Her hair, once a mess of disarray, now fell in perfect waves down her back, her face enhanced with makeup that made her features look even more striking. The woman who stood before him now was not the same woman he
Sa ilalim ng maliwanag na buwan, tahimik na naupo si Sister Wendilyn sa isang lumang bangko sa gitna ng hardin. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang pisngi, at ang samyo ng mga bulaklak ay tila nagbibigay ng aliw sa kanyang naguguluhang isipan. Matagal na siyang nakatitig sa mga bituin, nag-iisip kung kailan niya muling maalala ang nakaraan niyang nawala."Uy, andito ka pala!" masiglang bati ni Sister Sheila habang palapit kasama si Sister Grace."Ang lamig dito, baka ginawin ka," dagdag ni Sister Grace, sabay lapit at naupo sa tabi niya. "Pero ang ganda ng gabi, ‘di ba?"Tahimik na tumango si Wendilyn. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bigat sa kanyang dibdib. Simula nang dumating siya sa pasilidad, lagi niyang nararamdaman ang puwang sa kanyang alaala—parang may kulang, pero hindi niya matukoy kung ano."Alam mo ba, Wendilyn," panimula ni Sister Sheila, "dati kaming mag-bestfriend ni Sister Grace. As in, hindi kami mapaghiwalay!""Hanggang ngayon naman, h
Ilang oras lamang ay narating na ni Wendilyn ang probinsya ng Davao. Habang bumababa sa eroplano ay tanaw niya ang mga nakakumpol na madre na hawak ang isang karatula. "Wendilyn", iyon ang nakasulat sa bagay na iyon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nahirapan na hanapin ang driver na susundo sa kaniya.Dahan-dahan siyang nagtungo rito. Nakangiti siya habang dala ang mga bagahe."Sister Wendilyn, masaya ako at nakarating ka na..." bati ng isang masayahin na ginoo, hindi niya ito kilala, at mas lalong wala siyang ideya kung kilala ba siya nito."Hello." Bati niya sa mahiyaing boses.Hindi nagtagal ay kinuha nito ang mga dala niyang bag at tinungo na nila ang sasakyan, tahimik lang siya sa oras na iyon dahil wala siyang ideya sa gagawin niya doon. Tahimik lang din ang lalaking kasama niya, hindi nga niya alam ang pangalan nito."Uhm, a-ano po pala ang pangalan ninyo?" Tanong niya rito."Ay, nakalimutan ko palang magpakilala, ako pala si Jose. Ako ang driver ng mga madre dito sa Davao.