Makalipas ang ilang araw ng pamamalagi sa hospital ay tuluyan nang naghilom ang mga gasgas ni Celeste. Panay asikaso ang mga doktor sa kaniya, lalo pa't iyon ang kabilin-bilinan ni Don Llermo.
Ang alagaan siya nang mabuti habang panay uwi ang matanda sa mansion ng nakababata niyang kapatid. Walang kaaalam-alam ang kapatid nito sa binabalak niya kay Celeste at lalong wala siyang balak na ipagbigay alam ito kaninuman.
Kararating lang ni Don Llermo sa hospital habang dala ang mga nakasabit na shopping bags sa magkabila niyang kamay. Ngayon kasi ang discharge ni Celeste sa hospital, kaya't nasisiyahan si Don Llermo na masilayan itong okay na.
Masiglang tinahak ng ginoo ang nasabing kwarto ng dalaga at doo'y bunungad sa kaniya ang nagtataka nitong mukha.
"Good morning hija. Kamusta na ang pakiramdam mo?" ani nito sa masayang himig."S-sino ka nga po pala?"
"I'm your daddy. Don't you remember? Oh I guess hindi pa naghihilom ang sugat mo. You're in trouble last time at naglayas ka. Nasagasaan at nabagok ang ulo mo sa semento, that's why hindi mo maalala ang lahat." Mahabang pahayag ng ginoo.
"D-daddy?" Nanginginig na sambit ng dalaga na tila naiiyak na.
Tumango lang ang ginoo at lumawak ang ngiti.
"Daddy!" Impit na sambit ni Celeste habang nakabuka ang dalawa nitong braso. Para itong bata na sabik na mayakap ang kaniyang ama.
Madali namang tumugon si Don Llermo at niyakap ang dalaga. Pumagitna sa kanila ang kasabikan at kasiyahan sa isa't-isa. Batid nilang matagal silang nawalay o di kaya'y nagka-ayos sa isang matinding pagtatalo."Sorry po..." sabi pa ni Celeste.
"Ha? Bakit?"
"Sorry po, kung naglayas po ako..." hikbing sambit ng dalaga na tila rason upang matunaw ang matigas na puso ng matandang Valles.
"It's fine...huwag ka nang umiyak. Andito na si Daddy. We will go home as soon as possible."
"Ho? Saan po tayo uuwi?"
"Sa America." Tipid na sambit ng ginoo sa dalaga.
"A-ano ho ba ang pangalan ko?"
"You're my daughter. Ikaw ang anak kong si Sophia. Sophia Valles." Sambit pa ni Don Llermo habang nagniningning ang mga matang nakatitig sa dalaga.
"Sophia?" Pag-uulit pa ni Celeste habang hawak ang kamay ng ginoo.
"And to tell you to be exact...buntis ka hija. Magkaka-apo na ako."
"Ho?" Naguguluhang sambit ni Celeste sa ginoo.
"You're three weeks pregnant. At ngayon ko lang rin nalaman iyan." Sa ganoong ayos ay napahawak si Celeste sa kaniyang tiyan at marahang hinimas iyon, nararamdaman niya ang tibok ng kung anong buhay na nasa sinapupunan niya, hindi man niya maintindihan, o alam, iisa lang ang gusto niyang mangyari ngayon, ang gampanan ang pagiging ina ng batang dinadala niya. Bagama't maraming agam-agam kung sino ang ama ng bata, she is now looking in the bright side, her father is accepting his situation.
"W-wala ho akong matandaan..." Sambit pa niya na rason upang yakapin na lamang siya ni Don Llermo.
"Shh...It's fine. Papalakihin natin ang bata. You're now under to my supervision. At dahil d'on, gagawin ko ang lahat mapabuti lang kayo," anang matanda na desidido na sa ginagawang plano.
Nang araw ding iyon ay inihanda na ni Don Llermo ang gagawing panakip na papeles at ibang mga kasulatan na ipinagawa niya sa kaniyang abogado at mga koneksyon sa gobyerno. Minadali niya iyon, para madalian niyang maisama sa States si Celeste.
Sa oras ding iyon, ay naging legal na Sophia Valles siya. Taliwas ito sa kaalaman ng angkan ng Valles at gayundin sa pamilyang mayroon si Celeste. Ang inang Cresilda niya at tatay Lorenzo niya na itinakwil siya sa pamilyang Delgado.
Celeste is now Sophia Valles, hindi man eksaktong malinaw iyon, ang nasa isip lamang ni Celeste ay ang magkaroon ng panibagong pag-asa. And, in Don Llermo's view, he will no longer alone in States, he will act as her father, do whatever it may needed and choose to open a new chapter of his life.
Sakay na sila ng eroplano sa oras na iyon. Bantulutot lang na nakasunod si Celeste kay Don Llermo at naaasiwa sa suot niyang damit. Ramdam kasi niyang naninibago ang kaniyang katawan sa mga pangyayari. Batid niyang hindi siya sanay magsuot ng ganoong kasuotan at lalo na ang kaniyang mataas na takong ng sandals na nahihirapan niyang ibalanse.
Umupo siya sa tabi ng ginoo at kemeng nagmasid sa paligid. Nasa VIP room sila ng international flight papuntang America. At sa oras ding 'yon. Alam nilang magbabago ang buhay niya sa piling ng kaniyang inaakalang ama.
"Dad, nasaan si mommy?" Wala sa sariling sambit niya kay Don Llermo.
Matagal na nagsalita ang matanda at tinatantya ang sasabihin.
"Let's not talk about this hija. Siguro'y sa bahay na lang natin 'to pag-usapan, kapag nakarating na tayo..." mahinang sambit ni Llermo na pinaniwalaan naman agad ni Celeste.
"Okey. Sorry po." Anang dalaga na nilinga linga pa rin ang kabuuan ng sasakyang iyon. She's not sure she's been there before. Para kasing bago ang lahat ng nakikita niya. At sa oras ding iyon, panatag siya sa poder ng kinikilala niyang ama ngayon.
"Paalam." Mahinang sambit niya sa bintana habang tanaw ang mga ulap sa ibaba. Celeste sits by the window, staring at the endless stretch of clouds. The hum of the airplane fills the silence as her thoughts take over. She tightly clutches a small photo in her hand—a reminder of the life she is about to leave behind. They're now going to America. Ang lugar na magbabago sa buhay niya. At sa buhay ng batang nasa sinapupunan niya.
Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. 'Yung araw na iiwan ko ang lahat—lahat ng sakit, lahat ng kahihiyan. Ngayon, walang ibang nakakaalam kung sino ako.
She glances at her reflection in the window, her face a mix of determination and unease.
Celeste. 'Yan ang pangalan ko noon. Pero hindi na ako siya. Hindi na ako 'yung taong puro takot at kahinaan. Babaguhin ko ang buhay ko. Babaguhin ko ang sarili ko.
A flight attendant passes by, offering drinks. Celeste politely shakes her head and returns her gaze to the clouds.
"I will change for good. They’ll never see me as weak again. I'll create a version of me even I won’t recognize."
Her grip on the photo loosens. It falls into her lap, revealing an old picture of her younger self—awkward, shy, and unsure.
Kapag bumalik ako, ibang tao na ako. Sa mata ng mundo, magiging malakas, maganda, at walang inuurungan. Hindi na si Celeste.
As the plane soars higher, a small smile appears on her lips—one of hope and fierce resolve.
"Goodbye, Celeste. Hello... my new life."
Mainit ang araw nang muling tumapak si Celeste sa loob ng Delgado Mansion. Ngunit sa halip na kaba, ay katahimikan ang kanyang nararamdaman. Wala nang takot sa kanyang dibdib. Sa halip, puno ito ng tapang at kapanatagan — dalawang bagay na matagal niyang hinanap.Pagpasok pa lamang niya sa bulwagan ay sinalubong siya ng ilang tauhan ng pamilya, lahat may halo ng gulat at tuwa sa mukha.“Si… si Ma’am Celeste ba ‘yan?” tanong ng isa, takip ang bibig.Ngumiti lang si Celeste at tumango. “Oo, buhay ako.”Tumulo ang luha ng ilan. Isa-isa siyang niyakap, at sa bawat yakap, tila isa-isa ring nawawala ang multo ng kanyang pagkawala. Sa sulok ng hagdan, naroon si Don Valles, nakasuot ng puting barong at hawak ang kanyang baston. May luha sa gilid ng kanyang mata habang pinagmamasdan ang babae na minsang akala niyang nawala na sa kanila.“Anak,” mahina niyang sabi, at sa isang iglap, lumapit si Celeste at niyakap siyang mahigpit.“Papa… andito na ako.”At sa yakap na iyon, tuluyan nang nawala a
Maagang nagising si Celeste sa araw na 'yon, iyon ang alis niya papuntang Manila. Kinuha niya ang kaniyang maleta na noo'y ready na para umalis. Inayos niya ang kaniyang hand-carry bag at tiningnan ang kaniyang phone. Alas kwatro pa ng madaling araw pero gusto na niyang umalis dahil sa excitement.Nang matapos ang iilang gamit na isinilid niya sa maleta ay agad siyang naligo at nag-ayos. Isinuot niya ang kaniyang pulang bestida na bulaklakin at nagsuot ng brown flat sandals.Pinatungan naman niya ng maong na jacket ang dress saka nilagay ang kaniyang sling bag na kulay puti. Ready na siya para umalis sa sandaling iyon nang kumatok sa pintuan niya si Mother Superior."Yes po?""Hija, may naghahanap sa'yo. Madali ka.""S-sino po?" sabi pa nito sabay bukas ng pinto. Sa sandaling iyon ay napaawang ang labi niya sa sobrang gulat, pero magkahalo naman ang saya sa puso niya nang malamang si Don Valles iyon at ang babaeng kaparehong-kapareho ng mukha niya. It was Wendilyn, her twin sister."C
Tahimik ang paligid ng kumbento sa Davao habang ang maliliit na ibon ay mahinhing dumadapo sa mga sanga ng punong narra sa gilid ng hardin. Sa loob ng isang maliit ngunit maayos na silid sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Celeste sa harap ng lumang telebisyon ng kumbento.“Breaking news: Inaresto si Miguel Delgado, isang CEO ng Delgado Corporates, dahil sa tangkang pagpatay sa babaeng kinilala ng ilang saksi bilang si Celeste Delgado, ang kanyang fiancee. Ngunit lumalabas na hindi pala si Celeste ang biktima kundi ang kakambal nito, na kamakailan lamang ay natuklasan ng pamilya.”Bumagsak ang hawak na baso ni Celeste. Nabigla siya. Natahimik.“Miguel… si Miguel… inaresto?”Nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala na matagal na niyang hindi maaninag. Parang mga putol-putol na eksena sa panaginip na dahan-dahang pinipiraso ng liwanag.— “Wendilyn, tumakbo ka!”— “Celeste! Hawakan mo ang kamay ko!”— “Hindi ka makakaalis ng buhay
Bawat hakbang ni Don Valles ay mabigat. Mula pa lamang sa pag-alis niya sa kanyang opisina ay hindi na siya mapakali. May bumabagabag sa kanyang puso, isang pakiramdam na tila may malaking panganib na nagkukubli sa paligid ng mga Delgado. Ang kutob na iyon ay hindi niya kayang balewalain. Sa dami ng taon na inilaan niya sa pagiging tagapayo ng pamilya, alam na alam niya kung kailan mayroong hindi tama.Pagdating niya sa malawak na tarangkahan ng mansyon, sinalubong siya ng nakakakilabot na katahimikan. Wala ni isang guwardyang nakaabang. Wala ring ilaw sa mga bintana—tahimik ang buong kabahayan, parang isang libingan.“Hindi ito normal…” bulong niya sa sarili habang binilisan ang lakad papasok ng mansion.Pagpasok niya sa loob ay halos lumipad ang pintuan sa lakas ng pagkakatulak niya. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin at ang kakaibang aura ng panganib.Mula sa ikalawang palapag ay nakarinig siya ng sigaw. Mahinang tinig ng babae.“Bitiwan mo ako! Miguel, nasasaktan ako!”Duma
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki