Sa pagkakataong iyon ay unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at nasubsob sa kung saan. Nabitawan niya ang dalang bayong at napasalampak sa malamig na kalsada. Wala na siyang maramdaman kung hindi ang kawalan, kawalan ng pag-asa.
"Tulong..." iyon na lamang ang naisambit niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Sa hindi kalayuan, may isang nakaparadang kotse at animo'y may hinihintay ito. Mabilis na kumilos ang matandang lalaki na nandoon at kinuha ang kapote, nagmamadali niyang sinaklolohan ang babaeng natumba sa harapan ng kaniyang sasakyan.
"Diyos ko!" Bulalas nito saka mabilis na binuhat si Celeste. He is not dumb to let this woman in that situation. Alam niyang siya lamang ang nandoon na pwedeng makatulong rito.
Madali niyang isinilid sa kaniyang sasakyan ang babae at agad na pinaandar ang makina ng kotse. Habang nasa daan siya papunta sa hospital ay agad siyang tumawag sa kaniyang kapatid.
"Hello," sambit nito habang hawak ang telepono.
"Yes, nasaan ka na?" rinig niya sa kabilang linya.
"I will be late, I have something important to do," he replied.
"Oh, well, I am not surprise kuya, sige. Take your time." He knew that his brother is now upset. Sino nga bang hindi?
Palagi kasi siyang may excuses sa lahat ng family gathering nila, kahit noon pa. Siya ang madalas wala sa miyembro ng mga Valles.
Kung mayroon ngang tinatawag na 'black sheep' of the family, siya na yata iyon.
Sino nga ba siya? Well, he is just an ordinary old man, living beyond his limitation, aloof, alone, cold, and caring nothing but only his damn self.
Mas minadali niya ang pagtakbo ng sasakyan hanggang sa makita na niyang malapit na siya sa hospital.
"Goodness!" bulalas niya nang nandoon na siya. Agad niyang binusinahan ang nandoon para maagaw niya ang atensyon ng staffs, mabilis namang nagsilapitan ang mga ito at siya namang pagbukas ng pinto sa likod.
"Take her! Hurry!" Mando pa niya sabay labas sa driver's seat at sumama sa dalang stretcher ng mga ito. Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babaeng iyon ay nahinto siya, kasabay ng pagdala ng mga nurse rito papalayo sa mahabang corridor ng hospital. Nabato siya nang mapansin ang mukha nito, he remembered someone.
And that someone has the only reason, why he left breathing and choose to live.
"Cresilda." Sabi pa niya habang napahawak sa sariling bibig. It is impossible, ang dalagang sinaklolohan niya ay kamukhang-kamukha ng babaeng minahal niya noon.
"Bullshit, Llermo, you're just hallucinating again!" giit niya sabay nailing na lang.
Nagising sa kung saan si Celeste. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon at lalong hindi niya maintindihan kung bakit nakasuot siya ng puting damit. Nailinga-linga rin niya ang paningin sa kabuuan ng paligid.
Puting kisame, puting dingding, mga aparatong tumutunog at ang nag-iisang taong nasa isang banda at nakatanaw sa bintana. Nakasuot ito ng mamahaling suit, maputi ang buhok nito at may suot na salamin sa mata.
"S-sino ka? Nasaan ako?" Sambit pa ni Celeste na unti-unting sumandal sa hinihigaang kama.
Agad na tumalima sa kaniya ang may katandaang lalaki suot ang gulat na mukha at kung sisipatin ang hitsura nito, halatang mayaman ito.
"Nasa hospital ka ineng. Nakita kita sa daan." Sabi pa ng matandang may baritonong boses. Tipid lang ito kung magsalita, pino at kalmado ang kilos nito na sadyang tinitingnan siya sa oras na iyon, wari'y hinihintay ang reaksyon niya.
Sinipat ni Celeste ang matanda mula ulo hanggang paa. Mapuputi na ang buhok nito at may katangkaran ang taas. Maputi ito at meztiso. Angkin din nito ang may kalaparang pangangatawan na tila alagang-alaga. Nakasuot ito ng salamin pero hindi iyon nakakabawas sa angking kagwapuhan nito.
"I'm Llermo. Llermo Valles. Ikaw sino ka?" Tanong pa nito sa kaniya. Mas nagtaka si Celeste dahil ganoon na lang ang pagtitig nito sakaniya.
Agad niyang nahilot ang sariling ulo at inaalala ang lahat. Bahagyang napa-impit pa siya sa nararamdamang sakit doon dahil sa pagkakabenda ng kaniyang ulo.
"Sino ka?" pag-uulit pa ng ginoong si Llermo."Ako si...ako si," tumigil sa pagsasalita si Celeste at napapikit pa lalo, "hindi ko matandaan, hindi ko...hindi ko matandaan sino ako! Bakit hindi ko matandaan?" Nag-aagaw ang pagsigaw at pag-impit na boses ni Celeste na tila nagwawala.
Agad na lumapit si Llermo sa kaniya at pinindot ang buzzer ng hospital. Hinawakan siya nito at pinakalma.
"Shh...don't worry. We'll figure it out, hija." Sabi pa nito na niyakap lamang siya nang mahigpit.
"Hindi ko kilala ang s-sarili ko..." naiiyak na sambit ni Celeste.
Nang oras ding iyon ay nagsidatingan ang kumpol ng nurse at isang doktor. Agad nilang inasikaso si Celeste at tinurukan ng pampakalma. Nang mailagay ang paunang dosage ng gamot ay agad namang nahimbing ang dalaga at tuluyan nang nakatulog.
Doo'y nahiga ito ulit sa kama at inasikaso ng mga nurse. Nanatili si Llermo sa gilid ng dalaga. Nakakibit-balikat siya habang nag-iisip. Baka dahil sa nangyari, nawala ang memorya nito. Godness, how should I deal this one?
Mabuti na lang at dumating ang doktor.
Mayamaya pa ay agad tinanong ni Llermo ang doktor. "Doc, she can't remember everything." Sabi pa niya habang nakakibit-balikat.
"Well...in this point Don Llermo, she's having a paused traumatic amnesia lalo pa't nabagok ang ulo niya sa semento. Mabuti nga't nagising pa siya. Mostly in her cases, nako-coma ang patient dahil sa aftershock na gaya nito." Sabi pa ng doktor na hawak-hawak ang isang papeles.
Tanging pagtango lang ang ginawa ng matanda at iniintindi ang sitwasyong iyon.
"So...Don Llermo, as a concerned witness, ikaw lang ang pwedeng pumirma nito. She's all yours. Alam mo naman ang pinupunto ko 'di ba?" anang doktor na gustong papirmahan ang expenses ng dalaga.
Marahang tumango-tango si Don Valles at pinirmahan ang papeles na iyon. Matapos nilang mag-usap ay naiwang tuliro siya habang tanaw ang mahimbing na natutulog na dalaga.
At his sixty-five years living alone, isa siyang maituturing na black sheep o outcast sa kanilang angkan. Hindi siya nag-asawa at lalong wala siyang ni isang natipuhan na babae sa tanang buhay niya. Minsan pa nga'y napagkamalan siyang bading ng kaniyang kapatid na sina Lando at Angela. Sa tatlo nilang magkakapatid at bilang panganay ng angkan ng Valles, napili niyang manirahan sa States to make his life easier sa mga taong nanlalait at laging nakikialam sa buhay niya. May sabi-sabi kasi sa lugar nila, na isa siyang anak sa labas ng kaniyang ina at hindi siya tunay na Valles. But the hell he care? Sakaniya pinamana lahat ang kayamanan ng yumao nilang magulang, dahil bilang panganay, he has the authority of all assets within the country and of course, pati na rin ang nasa states.
Kauuwi lamang niya sa Pinas sa pagkakataong iyon para bumisita sana sa kapatid niyang si Lando na nakatira sa may Batangas. Binabagtas niya ang madilim na daan sa oras na iyon ng mapansin niya ang isang dalagang basang-basa sa ulan habang nanginginig sa paglalakad. Gayon na lamang ang pagresponde niya nang makita niya itong humandusay sa daan.
"Tulong," that was the last word he listen from that lady. Ang isang salitang tila rason upang agad niya itong dalhin sa kalapit na hospital doon.
And now, here he is. Nasa sitwasyong hindi niya alam ang gagawin. All his life, wala siyang inintindi bukod sa sarili at yaman niya, ngayon lang niya gagawin ang bagay na ito. The one which he's involved to someone he never knew, never met, and never care. Ngunit taliwas sa isip niya, nandoon ang konsensya niya na malakas ang sinisigaw na boses na h'wag niya itong pabayaan.
Tahimik siyang nakatanaw sa babaeng ni hindi niya alam kung sino. But, from that point ay naalala niyang may dala itong bagahe kanina, kaya agad niyang ipinahanap iyon sa kaniyang tauhan na nasa labas lamang ng kwarto ng hospital.
Wala pang limang minuto ay nasa kamay na ni Don Llermo ang bagahe ni Celeste. Agad niyang hinalukay ang loob nito at doon nga'y nakita niya ang ID ng dalaga.
Maria Celestina H. Arevalo, III yr. Bachelor of Science in Secondary Education, major in Filipino.
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki
Malalim na ang gabi. Sa pribadong opisina ni Don Valles, ang tanging ilaw ay mula sa desk lamp na nagbubuga ng malamlam na liwanag. Tahimik niyang iniikot ang alak sa kanyang baso habang nakatingin sa isang lumang larawan sa kanyang mesa—larawan ni Celeste. Ang babaeng matagal na niyang inilibing sa nakaraan.Biglang tumunog ang telepono. Agad niya itong sinagot, at sa kabilang linya, narinig niya ang kabadong tinig ni Miguel."Ano'ng nangyari, Miguel?" Tanong pa ng ginoo kay Miguel."Don Valles... Celeste is alive. Nakita ko siya kagabi."Biglang nanigas ang katawan ni Don Valles. Ang malamig niyang ekspresyon ay hindi natinag, ngunit sa loob-loob niya, unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga."Huwag kang magbiro, Miguel." Halata sa boses ng ginoo ang pag-aalala na may halong kaba."Hindi ito biro, Don. Dumating siya sa akin kagabi. Hinarap niya ako. At—"Saglit na natigilan si Miguel, tila bumibigat ang sasabihin niya. Nakatingin siya ngayon sa kanyang kamay, na kaninang umaga la
Miguel sat at his desk, papers scattered before him, his mind preoccupied with the constant flow of responsibilities. The day had been long, and the pressure of the business weighed heavily on his shoulders. As he ran a hand through his hair, trying to focus on the numbers before him, a soft click of the door handle broke his concentration. He glanced up, expecting to see one of his staff members or perhaps a colleague, but instead, his eyes locked onto something—or rather, someone—who completely stole his breath away.Celeste.She stood at the door, framed by the light coming through the office windows. She wore a stunning dress that clung to her figure in all the right places, a deep red that shimmered in the light, highlighting her curves with an almost sinful elegance. Her hair, once a mess of disarray, now fell in perfect waves down her back, her face enhanced with makeup that made her features look even more striking. The woman who stood before him now was not the same woman he
Sa ilalim ng maliwanag na buwan, tahimik na naupo si Sister Wendilyn sa isang lumang bangko sa gitna ng hardin. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang pisngi, at ang samyo ng mga bulaklak ay tila nagbibigay ng aliw sa kanyang naguguluhang isipan. Matagal na siyang nakatitig sa mga bituin, nag-iisip kung kailan niya muling maalala ang nakaraan niyang nawala."Uy, andito ka pala!" masiglang bati ni Sister Sheila habang palapit kasama si Sister Grace."Ang lamig dito, baka ginawin ka," dagdag ni Sister Grace, sabay lapit at naupo sa tabi niya. "Pero ang ganda ng gabi, ‘di ba?"Tahimik na tumango si Wendilyn. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bigat sa kanyang dibdib. Simula nang dumating siya sa pasilidad, lagi niyang nararamdaman ang puwang sa kanyang alaala—parang may kulang, pero hindi niya matukoy kung ano."Alam mo ba, Wendilyn," panimula ni Sister Sheila, "dati kaming mag-bestfriend ni Sister Grace. As in, hindi kami mapaghiwalay!""Hanggang ngayon naman, h
Ilang oras lamang ay narating na ni Wendilyn ang probinsya ng Davao. Habang bumababa sa eroplano ay tanaw niya ang mga nakakumpol na madre na hawak ang isang karatula. "Wendilyn", iyon ang nakasulat sa bagay na iyon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nahirapan na hanapin ang driver na susundo sa kaniya.Dahan-dahan siyang nagtungo rito. Nakangiti siya habang dala ang mga bagahe."Sister Wendilyn, masaya ako at nakarating ka na..." bati ng isang masayahin na ginoo, hindi niya ito kilala, at mas lalong wala siyang ideya kung kilala ba siya nito."Hello." Bati niya sa mahiyaing boses.Hindi nagtagal ay kinuha nito ang mga dala niyang bag at tinungo na nila ang sasakyan, tahimik lang siya sa oras na iyon dahil wala siyang ideya sa gagawin niya doon. Tahimik lang din ang lalaking kasama niya, hindi nga niya alam ang pangalan nito."Uhm, a-ano po pala ang pangalan ninyo?" Tanong niya rito."Ay, nakalimutan ko palang magpakilala, ako pala si Jose. Ako ang driver ng mga madre dito sa Davao.