Masuk
"Magandang gabi sa mga kapwa kong magagandang babae!" masiglang-masiglang bati ni Binibini at bahagyang inilapit ang microphone arm sa tapat ng kaniyang bibig.
"Tama kayo, nasa ere na nga ngayon ang babaeng pinatatag na nang panahon, sibilisasyon, edukasyon at sari-saring prodaksyon!" "I'm your Dj Bini, na nanalangin sa langit na, sana lahat ng lalakeng hindi tapat," binitin pa niya ang kaniyang signature punch line. "Lord, please, kunin ninyo na agad!" malakas at feel na feel niyang sambit kasabay nang pagtingala sa kisame. Pininidot ni Bini, ang laughing sound para sabayan ang ilan pang background music. Banayad niyang binawasan ang ingay mula sa background. "Before we start the show, let's check the clock!" "It's 10 in the evening, babalik tayo matapos ang ilang patalastas. Let's just listen to this, heart breaking song." Sandaling naghanap si Bini ng makabagbag-damdaming kanta mula sa isang banda. Nagpatikim siya nang ilang intro ng kanta bago muling inihinto ito. "Para sa mga tanga, nagpapakatanga at pumapayag na tinatanga. Girls, it's time to do the right thing, bitaw na," seryosong dagdag niya. "Huwag magpakatanga sa lalakeng hindi marunong magpahalaga," mahina niyang pakiusap bago muling pinatugtog ang kanta. Sumandal si Bini sa upuan, ilang minuto pa lang nagsisimula ang late night show niya rito sa 99.2 High Vibe radio station. Napalinga siya nang bumukas ang p***o at pumasok doon si Kakay. "Bini," Abot nito sa kaniya ng kaniyang tumbler. "Salamat Kay," pasasalamat niya sa assistant at nakatalaga sa bawat pangangailangan ng mga nakasalang na d.j sa loob ng booth. "Mayroon ka pang kailangan?" "Wala na, si Dj Chum ba na nariyan na?" tanong niya at saglit na tinanaw mula sa glass wall ang kaniyang intern. "Oo, nariyan na. Naghahanda na." Muling binalingan ng tingin ni Bini ang may-edad na babae at ngumiti. Muli siyang nagpasalamat bago lumabas si Kakay. Bumuntong hininga siya at inilibot ang mga mata sa booth. Simula nang magtapos siya sa college ay agad siyang nakapasok sa High Vibe radio, napunta siya sa iba't-ibang schedule, may morning, afternoon at hanggang sa nakuha na ang kaniyang pinapangarap na break, ang primetime, ang midnight show. Kung saan maraming nakikinig na listeners. Sa terminal ng bus, sa mismong bus, sa kanto na maraming tricycle, karenderia at kung saan-saan pang sulok ng bansa ng Pilipinas. Nang matapos ang kanta ay agad siyang umayos pagkakaupo at inabot ang mikropono at muling lumapit. "At, nagbabalik na nga po tayo!" mas tinaasan pa niya ang energy sa muling bati para sa pagbabalik niya sa ere. "Kumusta? Kumusta kayong lahat?" tanong ni Bini. "Kumusta sa nakatayong babaeng nag-aabang ngayon ng jowa niya sa kanto ng Ayala?" "Oo, ate! Ikaw nga! Huwag ka nang lumingon! Ikaw 'yon mismo!" Napangiti si Bini dahil sa sinabi niya, madalas siyang mag-imbento na kunyari ay may nakikita siyang babae. Sabagay, ganoon naman talaga ang typical na buhay ng mga Pilipino at Pilipina matapos ang isang buong araw. Kung hindi maghihintay ng pampublikong sasakyan, kasintahan ang hihintayin. "Ateng, umuwi ka na, hindi na iyon darating pa," payo niya. "At bakit?" sagot niya sa sariling tanong. "Kasi may sinundo na siyang iba!" malakas niyang dagdag kasabay nang malakas na tugtog, tunog ng pinagbanggang pompiyang. "Kaya ateng, uwi na! Sige na! Huwag kang maghintay sa wala," malungkot ngunit mahinahong niyang saad. "Girls! Girls! All ears here!"" Sari-saring malalakas na tugtog at kanta ng ilang female artist ang isinabay niya roon. Hinampas pa niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. At nang humito ang lahat nang namamayaning kanta sa ere ay matulin siyang tumapat sa mikropono. "Huwag ninyong hayaang lagi na lang kayo naghihintay sa lalakeng hindi kayo kayang unahin." "Mga ateng, we deserve to be priotized." "Hindi tayo ang dapat ang namamatay ka-hihintay!" "At sana lagi ninyo itong tandaan, we deserve better," "Better man," pormal na dugtong ni Bini at tumango-tango habang nakarehistro ang matatapang na tingin sa mga mata. Sandaling lumabas siya ng booth habang break. Naabutan niya sa labas si Dj Chum na nakikipagkwentuhan sa mga ka-trabaho. "Magandang Gabi, Dj Chum! Ang paborito kong partner!" masayang bati niya. Sa dinami-dami ng naging intern sa radio station nila ay si DJ Chum ang naging malapit sa kaniya. Dahil kahit na nasa katawan ito ng lalake ay pusong babae naman ito. Katulad niya, Chum, hates jerk! Ilang beses na rin itong naloko ng nagiging partner nito so they speak the same language! "Dj Bini!" Awtomatikong sinalubong ni Bini ni Chum. "Iba yata ang aura natin ngayon, ha? Anong mayroon?!" paghihinala niya habang nakasandal at hawak ang tumbler. Nakangiting itinaas nito ang kanang kamay na para bang may ipinapakita sa kaniya. Naniningkit ang mga mata niya nang pagmasdan iyon. "Bagong manicure ka?" walang ideyang tanong niya. "Anong manicure?! Hindi 'no!" pikon na tugon nito at padabog na ibinaba ang kamay. "E, ano 'yang ipinapakita mo?" "Binigyan ako ng singsing, couple ring," Masayang-masayang tinitigan nito ang sariling kamay habang pinapagalaw ang daliring may silver na singsing. "Nagpaloko ka na naman?" Nakangising untag ni Bini matapos tumungga ng tubig. "Iba si Karlo, okay?" Natawa si Bini at umakbay sa kaibigan. Nakangiti pa rin siyang inihilig ang mukha para tingnan nang malapitan si Chum. 'Paano siya naging iba?" "Alien ba siya?" "Saan bang planeta siya galing?" Natatawa pa rin niyang usisa. Mabilis na lumayo sa kaniya si Chum habang inis na inis ang mukha. Matalim ang tingin ang nasalubong niya. "O, bakit?" patay-malisya niyang tanong kasabay nang pagkibit-balikat. "Mabait si Karlo," patuloy na pagtatanggol nito. "Ganiyan din ang sinabi mo kay, sino nga ba iyon?" makalimutan na ni Bini ang isusunod na pangalan sa dinami-dami ng mga lalakeng nakilala at naging jowa ng kaibigan. Humampas siya sa hangin matapos sumagi sa isipan ang ilang pangalan ng mga ex ni Chum. "Ganiyan din ang unang sinabi mo kay, Eric, Joshua, Dan at-" "Tama na, okay?" awat sa kaniya nito. Pinilig-pilig ni Bini ang ulo at seryosong tinitigan ang ka-trabaho. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi bago muling nagpakawala ng pahinga. "Dear, don't set yourself to another heartbreak." "So are you telling me not to love again?" mas seryosong balik-tanong ni Chum."Anong plano mo?" usisa ni Bini sa caller at tinitigan ang telepono.Isang buntong hininga ang pinakawalan ng caller. May iilan na tunog ng tricycle pa silang naririnig mula sa kabilang linya."H-hindi ko po alam," muli na namang humagulgol ito."Ano namang plano no'ng lalakeng magaling na iyon sa inyong dalawa?" nayayamot niyang tanong."A-ang sabi niya po sa akin ay maghintay lang daw ako. At hihiwalayan niya ang asawa niya."Natigilan siya at hindi nakakibo. Sa oras na hiwalayan ng lalake na iyon ang asawa niya ay siguradong may isang babae na naman ang masasaktan."Nakakaloka! And after that, magsasama kayo, ganoon ba?" nawiwindang sagot naman ni Chum."O-opo.""Sa oras na maghiwalay sila at magsama kayo. Tingin mo, magiging masaya ka?" pormal na tanong ni Bini."H-hindi ko po alam. May anak din po kasi siya."Sa tono ng babae ay mukhang nakokonsensya naman ito sa mga nangyayari. Muling nagtagpo ang mga mata nila ni Chum, katulad niya ay malungkot ang mata ng kaniyang intern."Ang
"Mark my word dude," siguradong sambit ni Adamson at humarap ng seryoso sa kaibigan."Sa oras na matapos ang bidding. I will get rid of that Dj."'Wait, what do you mean?" Nakangiting usisa ni Malcom habang tinitigan siya sa mga mata.Muling niyang binalik ang tingin sa unahan ng sasakyan matapos magsimulang umusad ang ilang kotse sa harapan nila. Tumango-tango ang binata dahil sa naiisip na plano sa disc jockey na gumugulo sa isip niya."Hey, Adam! What are you going to do with Dj Bini?""Just sit back and watch," Nakangising pabitin niya sa kaibigan.Nagtagpo ang mga mata ni Bini at Chum at sabay na nag-on ng mikropono. Ilang patalastas na rin ang lumipas at kailangan na nilang simulan ang kanilang midnight show."Again, good evening to all the woman in our country, the beautiful land, Philippines," mala-beauty queen niyang pagbati sa muling pagbalik sa ere."Nagbabalik na tayo matapos ang ilang maikling commercials. Alas-onse na! Ang bilis ng oras, kasing-bilis magpalit ng mga lala
"Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang
"Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata
"O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang
"Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi







